"I told you already, she will just suffer from that man, hindi ka naman nakinig sakin. Tingnan mo napala, palaging bumabalik nang umiiyak."
"You're not the boss here, you have no rights to share your opinion here."
"Bakit, totoo naman ah? Paano sya makakapag focus sa ginagawa nyang trabaho kung itinutulak mo pa sya doon?!"
"Ano bang pakielam mo sa gusto mong gawin ko?! She's hurting of course she will cry like that! Fucking stupid, get out!"
Nagising ako sa sigawan ng dalawang lalaki malapit sa akin. Nararamdaman kong ako ang pinag uusapan nila nang imulat ko ang mata ko.
Tumambad sa akin ang mukha ni Azure at kunot noong napalingon sa gawi ko. Bahagya pang kumalma saglit ang itsura nya bago nya ito ibalik sa pagkunot noo.
"Oh you're already awake." He scoffed and blocked the view of the sunlight of my face.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko at hinawakan ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagkahilo. "Anong nangyari?" Dagdag na tanong ko pa.
Masyadong mabigat ang awra ni Azure. Kung makikita mo sya mula sa malayo at titignan ang itsura nya ay para bang normal na tao lang sya. Kalahati syang mabait at masama. Ayaw nya sa taong traydor. Sya ang ginawang boss nang kapatid nya pang isa dahil masyadong maraming ginagawa ang kapatid nya kumpara sa kanya. Mukhang inosente pero marami nang napatay iyan. Mabait naman pero hindi mo mababasa ang ugali nya dahil sa pabago bago ito.
"Inatake ka nang anxiety." Bungad nya sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Sino ba kasing may sabi na magkulong ka doon?"
Kunot na kunot ang noo nya nang tanungin nya ako. Nararamdaman kong may namumuo na nang galit sa loob nya dahil sa nababasa ko sa mata nya.
"I - I try to talk to him-"
"To what? To beg?" He sarcastically said at nagulat naman akong napatingin sa kanya. "What the fuck right? You're the girl, and he's just left you like that, but in the end, you're just begging him to come back to your life?! Hah! Are you out of your mind Krishiana?! It's just for the sake of love, makakalimutan mo na kung sino ka?! At handa kang mawalan ng dignidad at respeto para sa sarili mo dahil lang sa lalake na iyon?!!" Sigaw nya pa sakin kaya napayuko ako.
Dinig kong bumuntong hininga pa muna sya bago magsalita. "I didn't expect that you can do that. Paano mo nakakayanang kaya mong iwanan at gawin ang lahat para lang sa kanya? You're here, to work and to watch his movements. Pero mukhang nagkamali akong ipasa sayo ang gawain na iyon dahil parang tinorture na din kita."
"Mabuti naman at naisipan mo na yon." Sabat ko at galit naman syang tumingin sa akin. "Kung noon mo pa inisip yan, hindi ako magkaka ganito ng dahil sayo. Bakit? Ako lang ba ang may kasalanan dito kung bakit naging ganoon ako? Alam mo na nga ang sitwasyon ko diba? Pero bakit ipinush mo pa din sa akin na gawin ang trabaho na iyon kung alam mo nang mahihirapan lang din ako?! Sabihin mo nang naging bastos ako sayo ngayon dahil boss kita, gawin mo akong kaaway, wala na din akong pakielam. Pero kung bilang boss mo man lang na katulad mo ang magiging kasama ko, wag na lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inis kong tinignan sya.
"You're saying that because you're hurt and I've known you for years! Kahit hindi ko ibigay sayo ay malalaman mo pa din naman diba? Ikaw din mismo ang kukuha ng gawain na yon para makita sya! Don't be so fool to yourself. Kilala kita kaya alam kong kahit ano man ang sabihin mo ngayon sa harap mo, ay alam mo sa sarili mo kung sino ang niloloko mo sa ating dalawa. And if I were boy who didn't know you. I pity you, for doing that. Maraming nagmamahal para sayo, marami pang mga bagay ang mga dapat mong gawin at unahin kaysa dyaan." Naging kalmado na ang naging tono nya at nagsimula nang tumayo bago tumingin sa akin. "I expect to see you here tomorrow normally."
Iyon lang ang sinabi nya at umalis na sya. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago tinignan ang nakasara nang pinto mula sa kwarto. Noon ko lang iyon napansin matapos nya akong pagalitan pagka gising ko. Iniikot ko ang paningin sa kapaligiran.
Kulay itim at puti ang kama ngunit may halong abo ang mga kagamitan nya. Nakita ko pa ang pinto ng banyo kaya pumasok ako doon at naghilamos. Tinitigan ko pa ang sarili ko nang makitang namaga ang mata ko kakaiyak kanina.
'If I were a boy who didn't know you, I pity you.'
Binuksan ko muli ang tubig mula sa sink at naghilamos ulit bago kinuha ang maliit na twalya na nakasabit sa gilid at ipinag punas iyon. Hindi ako nagkakamaling kwarto ito nang lalaki.
Matapos kong ayusan ang sarili ko ay nauna na akong umalis at bumalik sa bahay upang makapag pahinga nang mapansin kong wala pa ang kapatid ko.
Nagising na lang ako nang may naamoy akong nagluluto. Ang bigat na nang pakiramdam ko nang makababa ako at nakita si Leo na nagluluto mula sa kusina.
"Gising kana pala, Good afternoon." Nakangiting bungad nya sa akin suot ang lemon apron at nagluluto nang bicol express.
"Anong ginagawa mo dito? Paano kung makita ka nang kapatid ko?!" Kabadong tanong ko pa ngunit natigilan nang matawa sya sa akin.
Natapos na nya ang niluto nya nang lumapit sya sa akin at inayos ang buhok ko. "Wag kang mag alala dahil lumabas ang kapatid mo, hindi rin naman ako magtatagal, pinagluto lang talaga kita."
Hindi ako nakapag salita nang maalala ang kanina. Paniguradong sya iyong nakasagutan ni Azure kanina kaya ipinagtataka kong nandito sya ngayon.
"Ang weird mo, bumalik kana don. Baka hinahanap kana nila." Sambit ko at inamoy ang luto nyang nakakatakam upang magutom ako.
"I will, ubusin mo yan ha." Pag dedemand nya pa kaya inirapan ko sya.
"Lumayas kana, isarado mo yung gate. Salamat dito at nag abala kapa."
"You're welcome." Kumindat pa sya kunwari sa alin bago tuluyang umalis.
Huminga ako ng malalim bago isa isang niligpit ang pinagkainan ko. Napairap pa ako ng iwanan pa nya iyong pinaglutuan nya at hinayaang ako ang mag asikaso! Akala ko pa naman ay pinagkainan ko na lang ang huhugasan ko.
Nakarinig ako ng yabag mula sa likod ko kaya nilingon ko iyon at nakitang dumating na ang kapatid ko na mukhang pagod na pagod.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya nang madaanan nya ang kusina.
Nagulat pa sya saglit. "Kailan kapa nakauwi?"
"Kanina lang. Saan ka kako galing?" Pag uulit ko at tinapos na ang gawain ko.
Nang tignan ko sya ay nag iwas sya ng tingin bago nagkamot sa tungki ng ilong nya. Onti onti kong nakikita ang pamumula ng tenga nya kaya napataas ang kilay ko.
"Saan-"
"Sa classmate ko lang, ok na?" Biglang salita nya at tinignan ako kaya bahagya pa akong nagulat.
"Oh bakit ganyan ka kung tumingin sakin?" Pagtataray ko sa kanya. "Kumain kana ba?"
Nakita kong tumango sya kaya wala na akong inintindi. Umakyat pa muna ako sa kwarto ko bago kuhanin ang wallet ko doon at nag ayos pa saglit bago bumaba.
"Where are you going?" Bungad nya pagbaba ko ng hagdan.
"Sa grocery, sasama kaba? Iyon na lang naman ang kailangan ko dahil nag a advance payment ako sa tubig at kuryente natin." Pagdaldal ko ss kapatid ko at pinaikot ang susi ng sasakyan ko.
"Alright, wait me." Tumango ako ng magsimula na syang magbihis sa kwarto nya.
Wala pang limang minuto ng nakababa na sya at sinenyasan akong mauna. Nagpunta kaming garahe upang buksan iyon at pumasok sa loob ng sasakyan at pinainit ang makina.
"Kaninong classmate ka galing?" Pagbubukas ko ng topic sa kanya at binuksan ang bintana ng sasakyan pagkasakay nya sa passenger seat.
"Sa tropa ko lang."
"Bakit naman namula kapa kung sa tropa ka lang naman galing?" Pag ta tanong ko ulit.
Hindi nya ako sinagot at tumingin na lang sa bintanang nakabukas sa kanya. Halatang naiilang sya kaya hindi ko na lang din kinulit.
Mabilis kaming nakarating sa grocery store at sya ang nagtutulak ng malaking cart. Madami dami na din ang binili namin para sa isang buwan na uulamin namin. Nag punta pa muna nang meat section ang kapatid ko at naghiwalay muna kami para makabili ng iinumin.
Ngayon ko lang napansin na matagal tagal na din pa lang hindi ako nakakapag inom dahil sa walang oras na hindi ako nakakapag isip sa trabaho. Babalik na ako bukas at kailangan kong i refresh ang sarili ko. Nakita ko na lang ang sarili ko sa mga beer malapit sa grocery-han at kumuha ng mga ilan doon matapos ay binayaran.
Habang naglalakad pabalik ay sinubukan kong tumawag sa gc namin at inilagay iyon sa tenga ko. Nakaka isang ring pa lang ay agad nang nag join iyong dalawa.
[Anong satin?] Bungad ni Irish at narinig ko pa ang ingay ng pamilya nya mula sa background.
"Inom tayo, yayain nyo sina nicole." Sambit ko sa kanila.
[Hindi ako pwede e.] Sambit ni Chloe
"Bakit hindi? Kailangan natin iinom yan, damayan nyo ako."
[May work ako Krish, sorry pass muna. Ngayon lang naman.]
"O sige sge, may magagawa ba ako-
Naputol ang sasabihin ko nang may mabangga ako dahilan mahulog ang cellphone ko. Agad akong yumuko at kinuha iyon.
"Sorry." Pag hingi ko ng paumanhin ngunit pag tingin ko ay natigilan ako at nagsimulang sumikip ang paghinga ko nang makita ko sya.
Nakita ko pa ang pagka gulat sa mukha nya bago sya nakapag salita. "No, I'm sorry, I didn't notice you."
Tumango na lang ako at agad nang nagmadaling umalis. Nagsi bilisan ang tibok ng puso ko sa kaba at pagkalito. Bakit ba ganito? Kung kailan naman gusto ko nang lumayo at maka ahon ay parang hindi naman ako binibigyan nang pagkakataon upang gawin iyon.
Halos lakad at takbo ang ginawa ko hanggang sa makita ko ang kapatid ko malapit sa counter at nagbabayad na.
"Pawala wala ka naman Ate, saan kaba nagpupunta?" Bungad ng kapatid ko.
"Pasensya na, ako nang magbabayad." Sambit ko pero hindi na sya sakin nakatingin. Kundi sa hawak ko at bahagya pang kumunot ang noo nya doon.
I bit my lower lip and try to avoid his eye on me. "Excuse me."
Pinadaan nya ako at pumunta naman ako sa unahan para makita ang total ng babayaran ko. Umabot naman iyon ng libo at agad kong binayaran.
Halos sya na ang nagbuhat ng mga kahon noon at sinundan ko na lang sya. Matapos ay mabilis din agad kaming nakauwi. Nakalimutan ko pa na katawagan ko ang kaibigan ko nang mawalan ako ng signal sa cellphone ko.
Hanggang makauwi ng bahay ay hindi pa din sya mawala sa isip ko.
𝑁𝑎𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑏𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑢𝑛𝑑𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜, 𝑜 𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑔𝑎 𝑢𝑙𝑖𝑡 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝒉𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑘𝑎 𝑎𝒉𝑜𝑛 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝒉𝑎𝑙 𝑘𝑜 𝑠𝑎𝑦𝑜?
To be continued...