Descargar la aplicación
10.9% Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish) / Chapter 5: Chapter 5

Capítulo 5: Chapter 5

Nagulat ako bigla sa mensahe nya kaya naman kinalma ko ang sarili ko. Bakit ba ganito ako mag react? At bakit kailangan nyang pumunta nang alas nuebe nang gabi?

Napairap ako dahil baka scam lang naman iyon pero narinig ko ang door bell mula sa baba kaya hindi ko maiwasang mapabangon at kinuha ang cotton slippers ko bago bumaba nang hagdan.

Pinagbuksan ko sya at tama nga ako, nakaparada ang Mercedes nyang sasakyan sa harapan nang bahay namin at nakita syang naka jacket bago inangat ang binili nyang pagkain.

"Ano yan? At bakit nandito ka nang ganitong oras?" Tanong ko at pinapasok sya. Lumingon pauna ako sa itaas dahil baka na gising ang kapatid ko.

I heard him laughed. "Tapsi, can I put these on your table?" Tanong nya kaya tumango naman ako.

Naglakad ako papasok at binigyan sya ng tubig dahil baka nauhaw sya papunta dito. Nakita kong umaambon pa sa labas at walang dalang payong kaya naka jacket ngayon.

"Anong pumasok sa isipan mo at binilhan mo ako nito?" Nakataas ang kilay na tanong ko nang kunin ko ang naka plastik at kinuha iyon.

He looked at me. "I was about to go home when I suddenly texted you. And I was in front of tapsihan so I buy it for you. Since, ikaw na ang may sabi na hindi kapa kumakain."

Hindi ako nagsalita at tumango na lang. Binigay ko na yung tubig at agad naman nyang tinanggap iyon at ininom.

"Thanks, I really need to go home now." He smiled at me and gave the empty glass.

Akala ko ay magtatagal pa sya pero mukhang ibinigay nya lang talaga iyon sa akin para makakain na ako. "Salamat, na abala pa kita." Sambit ko habang hinahatid sya palabas.

"No worries, just don't skip dinner." Iyon ang huling sinabi nya bago kumaway sa akin patalikod.

Tahimik akong pumasok sa loob at kumuha nang inumin para makakain na. Naamoy ko na agad ang bango kaya natakam ako bigla.

Tapa at Itlog ang nakita ko na may kasamang kanin, pinicturan ko muna iyon bago i sent sa kanya at nag message ng 'Thanks for the food.' Bago kumain nang tahimik.

Mabilis akong natapos at nag pahinga ng 40 minutes bago ako nagsimulang mag toothbrush at 10 pm na akong nakapag desisyon nang matulog.

Maaga akong na gising kinabukasan dahil friday. 6 am akong naligo at nag breakfast kasabay ang kapatid ko. Nag tinapay na lang muna kami dahil hindi pa ako nakakapag grocery kaya nauubos na din ang mga stocks na pagkain sa amin. 7 am akong nag ayos at 7:30 naman ako umalis nang bahay kasabay ang kapatid ko since 8 am ang start nang class ko kasabay nya kaya hindi masyadong hassle magmadali para kumilos.

"Ingat ka, may baon kana ba?" Tanong ko sa kanya nang i park ko ang kotse sa likod ng school.

"You gave me 500 while ago, it's fine." He shrugged and checked his bag with his lunch box, para hindi na sya bibili sa cafeteria dahil nananawa na.

"Good, tara na." Hinawakan ko ang kamay nya at nagpahawak naman sya bago ni lock ang kotse bago umalis.

"Rylan Jace!"

May tumawag sa kanya na babae kaya sabay kaming napalingon doon. Tumakbo pa sya papunta sa direksyon namin at nag iba agad ang timpla nang mukha nang kapatid ko.

"What?" Naiinis na sabi nang kapatid ko pero napalingon yung babae sa akin at napangiti.

"Hello po! I'm Sarriah Mae Alfuente, future gf lang naman po nang kapatid nyo." Kinikilig na sabi nung Sarri yata at nakipag shake hands pa sa akin.

"Hello, nice to meet you." Pag e- english ko dahil mukha syang may pagka american dahil maputi at wavy ang buhok nya na may pagkakulay brown.

"Uhm, pwede ko po ba isabay si Jace?" Tanong nya ulit kaya napalingon ako sa kapatid ko.

"No Ate, I won't." Diin nya kaya napabuntong hininga ako. Medyo nahiya doon sa babae na kaklase nya pa yata pero mukhang hindi naman na aapektuhan sa mga salita nang kapatid ko.

"Lakad na, para mas mapadali. Magkita nalang tayo mamayang lunch, ayos ba?" Paglalambing ko sa kanya na ikinairap naman nya.

"Fine." He sighed defeatedly, giving up kaya napangiti ako. Nakita ko din sa peripheral vision ko na natuwa iyong babae na gusto syang isabay.

Kumaway na ako sa kanilang dalawa at nauna nang tumalikod para mabigyan ko sila nang privacy na makapag usap. Mukhang mabait naman iyong babae, at mukhang makulit. Hindi kaya iyon yung tinutukoy nya?

Napaisip ako saglit pero napatigil din ka agad nang makita ko si Lex na may kausap na babae. Halatang Senior High dahil sa Uniform.

Wala sana akong balak lumapit pero madadaanan ko naman iyong building. Mukhang mataray iyon pero napairap na lang nang mukhang may sinasabi sa kanya.

"But I like him!" Dinig kong sigaw pa noong babae.

"Stop bothering him already. Our mom is strict and you're still a baby girl." Rinig kong sambit ni Lexord kaya napakunot ang noo ko.

'Our'?

Hindi kaya mag kapatid sila? Baka nga dahil hindi naman nya sasabihin iyon kung pinsan lang nya o kaibigan.

Nalagpasan ko na sila at mukhang hindi nga nya ako napansin kaya nauna na ako sa classroom. Nandoon na ang dalawang babaita, ang rinig ko ang sinasabi ni Irish tungkol doon sa Nerd na iniiwasan pa din sya hanggang ngayon.

"But you know what's the most unbelievable?! Iyong nalaman ko na kapitbahay namin sila!" Tuwang tuwa na sabi ni Irish nang maupo ako sa right side nyang upuan since sya ang gini gitna namin.

"Oh tapos, pinansin ka naman ba?" Tanong ni Chloe sa kanya habang nagsasagot nang assignment.

Umirap si Irish. "As if naman gagawin nya yon. You know that guy naman, still snober as ever." Tunog nagtatampo ang boses nya.

Napatigil lang sila sa pag uusap nang dimating na yung Professor kaya napa ayos na kami nang upo at natahimik na ang lahat. Halos makinig kami sa bawat salitang binibitaw nang Professor.

Ito talaga ang favorite subject ko eh, iyong about types of love sa subject nang 'Understanding the Self'

"Be ready for Monday, We have a recitation that day. Dismissed." Sambit nang Professor kaya pagkalagpas ni Ma'am Lana ay nagsitayuan na din ang mga kaklase ko.

Ang gulo na bigla sa classroom kaya napag desisyon na naming mag break time at bumili sa Cafeteria, dahil hindi nakapag almusal kanina ang mga kasama ko pero napatigil kaming tatlo nang bumungad iyong ex ni Irish na nakatingin sa kanya.

Nilagpasan naman iyon nang kaibigan ko at dere deretsong naglakad papalayo. Sinundan naman ni Chloe kaya ako ang naiwang nakatayo sa harap nang ex ng kaibigan ko.

Tumaas ang kilay ko, hinihintay ang sasabihin nya. "Krisha-"

"Ano?!" Nagulat sya sa biglaang pag sigaw ko sa kanya, nakakairitang nandito pa talaga sya para manggulo ulit.

"Please, I wanted to apologize what I have done yr ago. I didn't even make a plan to fall in love with someone else-"

"It's your choice after all, alam mo namang may girlfriend ka pero mas pinili mo pa din patulan iyong malapit?" Hindi ko na naiwasang magtaray.

"It's not that-"

"You're still cheating. Kahit anong paliwanag mo at pag hingi mo nang tawad sa kaibigan ko. Hinding hindi mo na mababawi pa iyong sakit nang dinanas nang kaibigan ko sayo." Seryosong sambit ko at nilayasan na sya.

Napabuntong hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko malaman ang gagawin at kung kanino ba ako dapat kumampi pero wala iyon sa bokabularyo ko dito.

"Tagal mo naman sis, may chika ako." Sabi ni Chloe kaya napataas ang kilay ko.

"Anong chismis na naman ba nasagap mo?" Tanong ko at umupo kung saan sila naka pwesto.

Hindi pa nakakapag salita si Chloe nang unahan sya ni Irish. "Yung crush nya since high school, nandito na ulit."

Kumunot ang noo ko. "Sino doon?"

Tinakpan agad ni Chloe ang bibig ni Irish para hindi makapag salita. Parang baliw tong dalawang to, ayaw na lang sabihin eh. Gusto pa laging pinapatagal, malalaman din naman.

"Wala! Wag ka maniwala dyan." Tanggi ka agad ni Chloe kaya hindi na ako nag salita at tumango na lang.

Si Chloe, magkakaroon nang crush? Parang imposible. Wala yata sa usi nya iyong ganoon bagay. Pati, baka tumandang dalaga na siguro to dahil may crush pa din roon sa hindi ko nalaman kung sino.

Hindi ko alam kung may plano paba syang umusad doon.

Pagka tapos namin kumain ay nag kanya kanya na kaming mundo. Tinapon ko ang candy wrapper bago iyon tunawin sa bibig ko. Minsan, nag ca candy ako para hindi ko masuka iyong kinain ko kapag naso sobrahan ako. Gumagana naman kaya hindi ko din masasabi na naging hobby ko. Ayoko naman nang ganoong feeling.

"Ano nang balita?" Bungad ko kay Lex nang makadating ako sa likod ng school para doon mag practice.

"We need to have improvement in our steps." He shrugged while playing the video dance in YouTube.

Napakunot ang noo ko at nilapitan sya. "Akala ko ba ikaw na gagawa nung steps?"

"It's better when we watched YouTube. Our time is running so we need to settled this things so our other subjects won't clash." Paliwanag nya na nagpa tango sa akin.

May point sya kaya pumayag na lang din ako. Inulit nya mula umpisa ang pinapanood nya nang simulan ko syang tabihan at nag focus na doon.

Madali lang naman nakukuha kaya pinapasok ko na sa mga isipan ko ang mga steps bago ko tignan ang katabi ko. Nagulat pa ako nang sa akin sya nakatingin kaya pinitik ko ang noo nya.

"Aww!" Reklamo nya bago hinimas ang sentido nya dahil doon ko sya pinitik.

"Ang sabi mo manood, hindi panoorin ako!" Irap ko sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa harap.

"Of course, pwede bang hindi ka manakit at sabihin mo na lang?" He scoffed sarcastically and rolled his eyes on me.

Nagkibit balikat ako bago ibinalik ang tingin sa cellphone.

"Krisha," Tawag nya sa akin.

"Bakit?"

"Look at me." Utos nya kaya naman napalingon ako agad sa kanya.

Medyo nagulat pa ako nang malapit sya sa akin kaya inilayo ko ang kaonti ang sarili ko sa kanya. "Ano ba yon?" Pagtataray ko.

Nagulat na naman ako nang marinig ang sinabi nya. "Can I have dance with you?"

To be continued...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión