Descargar la aplicación
92.85% BABY YOU'RE MINE / Chapter 39: CHAPTER 38

Capítulo 39: CHAPTER 38

"Oo...wala na," sagot naman ni Elliot sa malungkot na tono.

Hindi na muling nagsalita si Billie at isinubsob ang mukha nito sa dibdib ni Dhom at tanging ang mga hikbi nalang niya ang naririnig sa loob ng silid na kinaroroonan nilang apat.

Maging si Wyatt ay hindi na nagtangkang magsalita pa, maging siya ay nasasaktan at dala-dala niya sa puso't dibdib niya ang bigat ng nawalan ng importanteng tao sa buhay niya.

Lumipas ang mga segundo, minuto at oras nang naisipan nila Elliot at Wyatt na umalis dahil may mail pa silang gawin. Samantalang naiwan si Dhom kasama ni Billie para alaga ang asawa nito na parang nawalan ng buhay at kulay ang mga mata nito.

Habang sinusubuan siya ni Dhom ay napapaluha nalang si Billie hindi matigil-tigil ang mga luha niya sa pagpatak kung kaya't minsan ay napapatakan ang kamay ni Dhom pag sinusubuan niya si Billie.

Nakatulalang nakatingin si Billie sa puting kisame at patuloy ang mga luha niya sa pagpatak wala namangagawa si Dhom dahil alam niya na nabigla si Billie sa pangyayaring iyon. Kaya ang tangi niyang magagawa ay ipagdasal ito na sana bumuti na ang kalagayan niya dahil hindi kaya ni Dhom na nakikitang nasasaktan at napapaluha si Billie dahil sa bawat sakit na nararamdaman ni Billie ay dobleng sakit ang nararamdaman niya.

"Wife... time for your medicine," sabi ni Dhom habang hawak ang isang baso ng tubig at ang tatlong tableta na nireseta ng doktor para kay Billie para mapabilis ang paggaling nito.

Maghahapon na at malapit nang dumilim nang may pamilyar na mukha ang dumalaw sa kanya, nakangiti ito pero makikita mo sa mata nito ang pag aalala.

Naglakad siya palapit kay Billie habang si Billie naman ay muling napaluha dahil dito. Hinawakan siya sa pisngi ng taong dumalaw sa kanya na maslalong nagpasakit sa dibdib ni Billie.

"Kumusta ka na Billie," nakangiting saad nito.

"Nasasaktan ako Beatrix....napakasakit ang bigat-bigat sa dibdib...di ko kaya Beatrix napakasakit.... sobrang sakit Beatrix." Sabi ni Billie kay Beatrix, kahit na hindi sigurado si Billie kung talagang si Beatrix ang nasa harapan nito ay kahit papaano ay nakaramdam siya ng konting kasiyahan dahil kahit linoloko man siya mga mata niya masaya siyang nasilayan muli ang kapatid nito.

"Magiging maayos din ang lahat," sabi ni Beatrix naluluha namang napatango si Billie kahit hindi niya alam kung magiging maayos pa ba siya ngayong iniwan siya mg sabay ng kapatid at ina nito.

"Bakit niyo ko iniwan?" Naiiyak na tanong ni Billie kay Beatrix.

Napatingin naman si Beatrix kay Billie na puno ng pagtataka ang mukha.

"Iniwan... Billie nananaginip ka ba ng gising?" Tanong ni Beatrix habang hindi makapaniwalang napahawak sa magkabilang balikat ni Billie. Maging si Billie ay nagulat sa inakto ni Beatrix.

"Iniwan niyo ko, kita ng dalawang mata ko namatay kayo ni mama dahil sa pagsabog ng ambulansya," sabi ni Billie kay Beatrix na lalong ikinakunot noo ni Beatrix.

"My Ghad twinnie I'm not dead, malakas ata ang pagkakabagok ng ulo mo dahil sa ginawa ni Callisto. Billie hindi kami patay ni mama ano ka ba...." Sabi naman ni Beatrix habang niyuyugyog ang balikat ni Billie.

"Buhay kayo?"

"Yes" sagot ni Beatrix na siyang pagpasok naman ng isang caregiver na tulak tulak ang ina ni Billie papasok ng silid. Tuluyan nang napaiyak si Billie.

"Kumusta ang pakikipag mo anak, nawalan ka kasi ng malay nung biglang pinaputukan ni Callisto ang bandang paanan ni Dhom," sabi naman ng ina nito sabay hawak sa kamay ni Billie.

Napatango nalang si Billie sa ina nito at naiiyak na napatingin sa asawa nito, ilang minuto ang lumipas nang pumasok ang isang doktor.

"Doc, kumusta po ang pakiramdam ni Billie?" Tanong nito sa doktor.

"Well she's fine physically pero mentally and emotionally hindi....natrauma siya sa gunshot na nakita niya kung saan nag-oover think siya leading to depression and unrealistic pictures of memories. Ang tanging magagawa ko lang ay irefer siya sa isang psychologist para matulungan si Mrs MacCoughlan..." Sagot ng doktor.

Napatango naman silang lahat sa lahat ng paliwanag ng doktor.

Yes, Billie si suffering psychological problem dahil sa kagagawan ni Callisto. Nang baril ni Callisto si Dhom sa bandang paanan nito para takutin si Dhom na huwag siya nitong lapitan. Dahil sa ginawa ni Callisto ay nawalan si Billie ng malay mabuti nalang at mabilis na nasalo ni Dhom ang asawa nito bago tuluyang bumagsak sa buhangin.

Samantalang nung oras na iyon ay hindi napansin ni Callisto ang mabilis na paglapit nila Elliot at Wyatt sa kanya mula sa likuran. Mabilis nilang inagaw kay Callisto ang hawak nitong baril bago may masaktan pa ito. Matapos nilang makuha ang baril ay mabilis na pinunit ni Wyatt ang mahabang nasuotan ni Callisto at ginamit iyon para itali sa kamay ni Callisto nang hindi na makawala pa.

Samantalang ang mga lungkot at sakit na nakita ni Billie kila Elliot at Wyatt sa pagbisita nila kanina ay nabusted kasi si Elliot kung kaya't nasagtan ang ego niya bilang lalaki. Samantalang si Wyatt naman ay nalulungkot ito dahil nakita niya sa Boracay ang babaeng bumihag sa puso niya na masayang masaya kasama ang isang lalaki na kaedad nito kaya nung nakita ni Wyatt ito ay gumuho ang mundo niya kung saan ang darling nito kuno ay may iba nang iniibig.

Iyon ang dahilan ng pagkalungkot ng dalawa at inakala nila na ang tungkol roon ang ikina iiyak ni Billie yun pala naiiyak ito dahil sa imahinasyon nito dahil sa trauma na natamo nito at ngayon nalilito siya kung ano at ang hindi totoo sa isip nito. Kung saan ginugulo ng trauma na nararanasan ni Billie ang katinuan nito.

Tatlong buwan na ang nakakaraan nang tuluyan nang bumuti ang kalagayan ni Billie. Samantalang ang ina nito ay binalik sa Ospital dahil sa paglala ng kondisyon nito at natural sa mga taong tumatanda ang sakit na ito.

Sa apat na beses na pagbisita nila Dhom at Billie sa psychiatrist ay sa bawat linggong lumipas ay bumubuti ang kakayahan ni Billie kung saan na-oovercome na nito ang trauma niya nung araw na iyon.

Samantalang sila Hellion at Beatrix ay napagdesisyonan nilang umalis ng bansa para magbakasyon sa France. Nagpaalam naman sila kila Billie at Dhom.

At sa tatlong buwan na lumipas ay sa susunod na tatlong linggo na manganganak si Billie sa buwan Hulyo. Habang si Callisto naman ay tuluyan nang nakulong dahil sa ginawa nito. Dahil sa pagkakakulong nito ay tuluyan na siyang nawalan sa katinuan kung saan kinailangan siyang ilipat sa Mental hospital at sa Ospital na iyon kilala si Callisto sa pinakabiyolenteng pasyente dahil minsan na niyang malapit na mapatay ang isang caregiver na nagpapakain lang sa isang pasyente.

Kaya wala nang maisip ang mga doktor sa Ospital na iyon kundi ang ilipat si Callisto sa silid kung saan wala diyan kasamahan at nang hindi na manakit pa.

Tahimik na lumala sila Dhom at Billie nang pumasok sila Wyatt at Elliot na kanina pa nagbabangayan tungkol sa isang bagay.

"Ano ba ako ang unang nakakita sa kanya kaya sakin siya." Sabi ni Wyatt kay Elliot na ngayon ay nakakunot noong nakatingin kay Wyatt.

"Yeah right pero baka nakakalimutan mo sakin siya tumingin," sagot naman si Elliot sabay upo sa sofa at kinuha ang remote control para i-on ang tv.

"Kahit na pero sakin siya," sabi naman ni Wyatt sabay agaw ng remote control kay Elliot dahil ang pangit daw ng palabas na napili ni Elliot.

"Ang pangit naman ng palabas na yan,"sabi ni Wyatt sabay lipat sa ibang channel. "Ang pangit ng palabas kasing pangit mo." Sabi nito kay Elliot sabay tingin.

Samantala sila Dhom at Billie sa kusina ay kumakain, hindi nagtagal ay napatayo si Billie at pumunta kila Elliot at Wyatt at inagaw ang remote control sa kanila at pinagpupukpok sa ulo ng dalawa. Galit na binagsak ni Billie ang remote sa gilid ng sofa bago umakyat sa second floor ng mansion.

Pareho namang nagtinginan sila Elliot at Wyatt sa isa't isa bago ilipat ang tingin kay Dhom na may marka ng isang sampal sa mukha.

"May ginawa ba kaming masama?" Tanong ni Wyatt napailing nalang si Dhom sa tanong ni Wyatt. Pagkatapos niyang iligpit ang pinagkainan nila ay tumungo si Dhom kung nasaan ang dalawa.

"Nagalit siya kanina sakin," pagsisimula ni Dhom bago kunin ang remote control at ini-on ang Tv.

"Bakit naman?" Tanong ni Elliot.

"Today is Monday at may trabaho pa ko kaya maaga akong umalis pero nang nasa parking lot na ko ay biglang napatawag si Billie. Galit na galit ito bakit daw ako umalis nang hindi siya pinaghahanda ng pagkain kaya pinabalik niya ko pero hindi na niya ako pinapansin." Napabuntong hininga nalang si Dhom bago ituon ang atensyon sa palabas.

"Kahit naman siguro sino magagalit kung paggising nila wala silang pagkain na nakahanda," Sabi ni Wyatt. "Lalo na't sinanay mo siya," pagpapatuloy nito.

"Naiintindihan ko ang asawa mo Dhom pero mas lalong hindi ko siya naiintindihan pag tinotoyo ito. Bumalik ka naman tas pinagluto siya pinakain tapos galit parin tapos dinamay pa kami ni Wyatt ang sakit ng remote control sa ulo." Reklamo ni Elliot bago tumayo at tumungo sa kusina para kumuha ng makakain mabuti nalang may hotdog pang natira kaya iyon ang kinuha ni Elliot.

Bago bumalik kila Dhom, kinuha niya ang isa hotdog at inabot iyon kay Wyatt.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C39
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión