Descargar la aplicación
16.66% BABY YOU'RE MINE / Chapter 7: CHAPTER 6

Capítulo 7: CHAPTER 6

Narinig kong nag tsk! Ang kapatid ko sa sagot ni Elliot. Halatang hindi niya gusto ang lalaki.

"Hanggang ngayon di parin kayo nagkasundo Ah? Mag iisang taon na yang galit niyo sa isa't isa? Di pa ba kayo napapagod kasi ako tong napapagod sa bawat bangayan niyong dalawa?!"

Reklamo ni Wyatt at umarte pang parang nasasaktan dahil sa paghawak nito sa ulo nya with matching papikit-pikit pa.

Kaya wala sa oras akong napatawa dahil nakakatuwa siyang tignan hindi katulad ni Elliot na masama kung tumitig sakin.

"Look Beatrix I made your twin laugh!" Parang batang saad ni Wyatt.

Agad ko namang tinikom ang bibig ko at umaktong parang walang nangyari.

Laking gulat ko nalang nang mabilis na lumapit sa akin si Wyatt at hinawakan ako kamay ko. Nanlaki ang mata ko dahil hinihila niya ako pababa ng hagdan patungo sa sofang kinauupuan nila Elliot at Beatrix na may masamang hangin na pumapalibot sa kanila.

"Teka ba't mo ba ako hinihila?!" Tanong ko. "Bitiwan mo nga ako kaya kong maglakad ng mag isa."

"Ayoko...." sagot ni Wyatt.

"Bakit naman..." Huminto siya sa paglalakad kaya huminto narin ako.

Humarap siya sakin at pinakita ang kamay namin na magkahawak kamay, nabigla ako dahil mahigpit rin pala ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Hihihihi....

"Ayoko.. tignan mo oh... perfect na perfect sila sa isa't isa." Nakangiting sagot ni Wyatt na ikinatigil ko. Nakangiti siya na parang walang problema at hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako.

Tinignan ko ang kamay naming dalawa bago ko muling titigan ang nakangiti nitong mukha.

"I think we're meant to be----!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may kutsilyong dumaan sa pagitan namin!

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa direksyon kung saan nanggaling ang kutsilyo at mula iyon sa kusina.

Umawang ang labi ko dahil sa nakita ko.

Nakatayo roon si Dhom na may dalang isang platong bananaque pero nanlilisik ang mga mata nito. Kung kinakabahan ako kay Elliot dito namn kay Dhom natatakot ako dahil lumiliyab sa galit ang mga titig niya.

"Boss... natagpuan ko na ang nakatadhana para sa akin!" Masayang sigaw ni Wyatt sabay pakita nang kamay namin...gusto kong bumitaw pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na mas lalong nagpakunot ng noo ni Dhom.

Pero hindi ko inaasahan ang pagtalikod ni Dhom na para bang walang nangyari kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko, grabe ang bilis ng tibok!

"Any last wish Wyatt....let go of my woman's hand or I'll k*ll you myself!"

Agad na napabitaw si Wyatt dahil sa baril na nakatutok sa direksyon niya.

"Boss I'm just joking,hmmmm...ang bango ng luto mo kahit amoy sunog na saging." Dahilan ni Wyatt.

Pero isang pagputok ang pinakawalan ni Dhom at tumama iyon malapit sa paa ni Wyatt kung saan siya nakatayo!

"And you....akyat sa taas mag uusap pa tayo!" Utos niya sakin.

Napalunok ako at mabilis na tumango.

Mabilis ang bawat hakbang ko paakyat ng hagdan.

"Paano nga ulit ang meant to be ha ha ha ha!" Pang iinis ng kapatid ko kay Wyatt.

Paglingon ko para tignan kung kumusta na ba si Wyatt sa ibaba kung maayos na ba ito kasi kanina halos hindi ito makagalaw na kinatatayuan niya.

Pero isang lalaking nagngangalang Dhom ang nakita ko. Nakasunod siya sakin at ilang hakbang nalang at maabutan na niya ako kaya mas binilisan ko ang paglalakad.

Hanggang sa pareho na kaming nasa loob ng kwarto niya, ilang beses ko na ring linunok ang laway ko dahil sa takot ko sa kanya.

"Now let's talk," sabi niya bago ilock ang pinto.

Kinakain na ako ng kaba at takot ko. Hindi na gumagana ang utak ko kung saan saan dumapo ang paningin ko hanggang sa huminto ito sa isang baril na nakapatong sa isang lamesa.

Kailan pa nagkaroon ng baril dito... bumalik ang paningin ko kay Dhom at ngayon alam ko na yun ang baril na ginamit niya kanina...ito na ba nag kinatatakutan ko papatayin na niya ba ako. Kung ano ano nang mga negatibo ideya ang pumasok sa utak ko, hanggang sa bumalik ang mga alala ko ng gabing iyon...

At di ko namalayan sinakop na ako ng walang hanggang kadiliman.

Pero naramdaman ko nalang na may sumalo sakin at ilang sandali tumama ang likuran ko sa isang malambot na bagay.

"Sleep for now, we'll talk later. I'll talk to you pag alam kong okay na ang kalagayan mo. But for now rest first." Narinig kong sabi niya at di nag tagal may isang malambot at mainit na bagay ang dumapo sa noo ko.

(Dhom's p.o.v)

Matapos kong ihiga ang dalaga sa kama ay napaisip ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya.

Siguro dahil sa sitwasyon namin at sa kalagayan niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay takot parin siya sa akin.

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong bumaba sa unang palapag ng mansion dahil may importante kaming pag uusapan dahil sa Org. na pinapamunuan ko.

Inimbitahan ko sila Elliot, Wyatt at Beattix sa underground basement kung saan nakatago ang daan patungo sa hideout dahil konektado ito. Sa lahat ng nagtratrabaho sa mansion iilan lang ang nakakaalam na ako ay kasapi ng Mafia. Hindi ko masasabing lahat ng ginagawa namin ay mabubuti dahil kung napasok ka sa mundong ito ay kailangan mong dungisan ang mga kamay mo ng dugo. Hindi mga dumi kundi dugo ng mga taong napatay mo.

Habang nakasakay kami sa elevator pababa sa basement ay naisipan kong tanungin agad si Elliot tungkol sa mission nila kung nagtagumpay na ba sila o hindi. Kung nakuha na ba nila ang mga impormasyong kinakailangan ng Org. para sa muling pag tutuos ng magkabilang Organization ng Mafia.

"Dhom..." tawag sakin ni Elliot at base sa tono ng boses niya ay alam kong may hindi magandang balita.

"They're after your woman dahil sa isang ispiya...." pagpapatuloy ni Elliot sabay sulyap kay Beattix. Nakita ko iyon dahil ang elevator ay napapalibutan ng salamin sa itaas kung saan makikita mo ang bawat galaw ng kasama mo.

"Ako ba ang pinaparinggan mo Elliot, sa tingin mo kaya kong ibenta sa mga kalaban ang impormasyon tungkol sa kapatid ko. Elliot kadugo ko ang pinag-uusapan dito!" depensa naman ni Beatix.

"Wala akong sinasabing pangalan mo, bakit apektado ka?" tanong naman ni Elliot.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan sa totoo lang naririndi na ang tenga ko sa kanila. Ganito na sila noon, kaya pagdating sa mga misyon ay pinaghihiwalay ko sila hindi para sa ikakabuti nila kundi sa ikakabuti ng buong Org. dahil sa isang pagkakamali ay katumbas niyon ng isandaang pagsisisi.

"Manahimik kayo!" Pagbabanta ko sa kanila at tinignan sila ng isa isa. Hanggang sa tumingin ako sa mga mata ni Wyatt.

"Wyatt any news?" Tanong ko rito, agad siyang umayos bago niya ko sagutin. Napansin ko ang paglunok niya kaya napabuntong hininga nalang ako at humarap sa kanya.

"Dhom..... about the council pinag-uusapan na nila ang susunod na mamumuno sa Org. at mukhang hindi pa nakakaabot sa kanila ang balita tungkol sa kapatid ni Beatix. Nalaman ko rin na ang isusunod nila ay walang iba kundi si---!" hindi ko na pinatapos si Wyatt dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Kahit kailan talaga lagi ko siyang kakompitensya sa lahat ng bagay. Sa lahat lahat nalang. Mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko, mabuti nalang at bumukas ang elevator.

Agad naman akong binati ng mga nakakakita sa akin, yumuyuko sila pag nasa harapan na nila ako.

"The three of you in my office now!"

Pagdating namin sa opisina ko sa loob ng hideout ay sinalubong ako ng kaisa isang taong sumasalungat sa bawat patakaran ko.

At walang iba kundi si---!

"Anong ginagawa mo dito." Tanong ko pero bago niya ako sagutin ay isang pamang-asar na ngiti ang pinakawalan ng labi nito.

"Wala lang naman..binibisita ko lang ang magiging opisina ko." Sagot niya na para bang siguradong sigurado siya na mapapalitan niya ako sa mismong trono ko!

"As if.... don't expect too much because too much expectation can kill you. Now get the f*ck out!" sigaw ko sabay turo sa daan palabas ng opisina ko.

Natatawa itong naglakad palabas ng pinto pero bago pa man siya makalabas ay may mga salita siyang binitiwan na maslalong nagpainit ng ulo ko. Dahil sa sinabi niya ay maslalo niya lang dinagdagan ang galit ko sa kanya. Its like adding oil to the fire.

"Kung ako sayo Dhominic sulitin mo na ang mga natitirang oras na ikaw pa ang Pinuno dahil baka bukas ako na ang nakaupo diyan sa trono mo lalo na't may natagpuan akong babae na kaya akong bigyan ng tagapagmana ko. Ikaw Dhominic kailan ka magkakaroon ng tagapagmana? Bakit ko pa tinanong eh iniwan ka na pala niya!" Ha!ha!ha!ha! natatawa nitong saad bago maglaho sa paningin ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Kaya tinawag ko ang pangalan ni Beatrix.

"BEATRIX!!! ihanda mo ang mga papeles na kailangan.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión