Descargar la aplicación
16.88% When Devil's Fall In Love / Chapter 13: Devil 10: Heart Beat

Capítulo 13: Devil 10: Heart Beat

Zero's Pov

Matapos niyang sabihin iyon ay nagtuloy lang siya sa isa pang pinto na malapit sa malaking monitor.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na waring naguguluhan sa pag uusap namin ni Jack.

"Shane. What is Jack's doing?" Ani Mr. Rider na halatang naguguluhan sa mga sinabi ni Jack.

Sabagay kahit ako naguguluhan din.

"Don't you get it Tanda? She's becoming sensitive to a man's feeling. Wasn't it good?" Mukhang excited namang sagot ni Shane na lumapit pa sakin habang todo ang ngiti.

"Haaayy, Ezequil Zeroin Montero. Sana nga tama ang iniisip ko na nagkakagusto kana kay Jack."

"What the hell are you talking about?" Asik ko naman sa kanya. But she just giggle as if something's playing in her mind.

"Oh my God Zero. Sana lang talaga ikaw na ang maging dahilan para makabalik si Jack sa dati. Kaya ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo." Ani Shane na waring teary eyed pa.

Napasimangot naman ako sa kanya dahil di ko sya naiintindihan. I look to my two friends at waring maging sila ay naguguluhan. Nagkibit balikat nalang ako saying that I'm confused too.

Ang weird talaga nila. Mas weird yata ang Shane na 'to.

"Shane, will you calm down?" Suway naman sa kanya ni Mr. Rider saka bumaling sakin.

"Pagpasensyahan mo na sana ang kapatid ko. Masyado lang syang na overwhelm coz Jack's never brought guys here until now."

"What?!" Halos sabay sabay na bulalas namin ni Drew at Cody.

Wari namang nagulat ang dalawa sa sinabi namin.

"Pero totoo naman yun. Kayo lang ang tanging pinayagan ni Jack na makatuntong sa lugar namin and I think it's a good sign." Nakangiti pang sabi ni Shane.

"No, hindi yun. Tama ba ang narinig namin na magkapatid kayo?" Tanong ko.

Nagkatinginan muna ang dalawa at sabay na napatango.

Napalingon din tuloy ako kina Drew at Cody na bakas ang pagkagulat sa mukha.

"But I thought...you're Jack's father despite that you look too young to be her father."

Natawa si Mr. Rider sa sinabi ko.

"Well, I'm her guardian but not her father. Wala pa nga akong asawa eh. But I'm lucky to be their guardian." Aniya saka inakbayan si Shane na mabilis namang tinanggal ni Shane.

"May kasalanan ka pa pala sakin kaya h'wag mo kong maakbay akbayan." Biglang seryosong sabi niya sa kapatid.

"What? Akala ko ba okay na tayo coz.-!" Natigil si Mr. Rider sa pagsasalita nang makarinig kami ng lagabog sa loob ng pintong pinasukan ni Jack.

"Si Jack!" Bulalas ng magkapatid at mabilis na nagtungo sa pinto.

Naalarma din ako at balak sanang sumunod ngunit pinigilan kami ni Mr. Rider.

"Better stay here. It's dangerous for you to come inside." Aniya at pumasok na sa loob kasama ni Shane. They even locked the door.

"Phew.. they're more weirder this time...have you noticed it dude?" Ani Cody.

"Yeah right. I think they're hiding something." Sabi naman ni Drew.

"Napansin ko rin iyon. Ano naman kayang nangyari sa mayabang na Salamander na yun?" Sabi ko habang di mapakali.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa bahay na ito. Pero hindi ko matukoy kung ano iyon.

"Ang mabuti pa hintayin nalang natin sila." Ani Drew at muling naupo sa sofa.

Sumunod naman kami ni Cody ngunit hindi ko maalis ang tingin ko sa pintong pinasukan ng tatlo kanina.

Ano kayang nangyari dun?

"Yo bro. Ang lupet mo kanina sa motor ni Jack ha? Ang bilis ng takbo mo. Ni hindi ka namin maabutan." Pang iiba ni Cody ng usapan.

"Yeah, I saw that too. Akala ko ba hindi ka marunong magdrive ng big bike?" Ani Drew.

"Well, ang totoo hindi naman talaga ako ang nagdrive. It's her motorbike itself who drove us here."

"What?!" Bulalas nila.

"Eh ang astig pala ng motor ni Jack eh. Parang sya lang." Bakas ang paghangang wika ni Cody.

"Sinabi mo pa. Para akong nakikipag usap sa tao kanina habang nakasakay kay Raegun."

"Raegun?" Takang tanong nila.

"Yun ang pangalan ng motor ni Salamander."

"Wow, talagang may pangalan pa ang motor nya ha? Di kaya transformer ang motor ni Jack?" Si Cody.

"Yun din ang iniisip ko kanina dahil kung sumagot sya para talaga syang robot at ang nakakaasar pa tinawag nya akong Master Natsu." Nakabusangot na sabi ko. Sabay na natawa ang dalawa.

"Tsh!"

"I have an idea." Napatingin ako kay Drew.

"What is it?"

"What if hiramin mo nalang ang motor ni Jack para kahit di ka marunong magpagana nito ay makakalaban ka kay Draco."

"Wow, Oo nga ano? Grabe ang genius mo talaga dude! At sa bilis ng takbo nyo kanina may posibilidad na manalo ka pa sa mayabang na Dracong yun." Bulalas ni Cody.

He's right. Pwedeng ganun nalang ang gawin ko atleast may chance na mananalo ako.

"Great idea bro. Sana lang pahiramin ako ni Salamander." Sabi ko at muling napatingin sa nakasaradong pinto.

"Hindi pa ba sila lalabas? Ano kayang nangyari kay Jack sa loob?" Si Cody.

"Baka nagtransform into devil." Nakangising sabi ko.

Siniko naman ako ni Drew.

"Sya naman ang nagsabi kanina na hindi sya angel na pinapangarap ko. Well, dahil siguro devil sya at hindi naman talaga bagay sa kanya ang angel dahil isa syang Salamander."

"Baka marinig ka bro. Patay tayo. Don't you remember what happened to Trevor and friends? Ayoko ngang ilampaso ni Shane." Ani Cody na nagkunwaring takot na takot pa at sumiksik pa kay Drew.

Napailing nalang si Drew.

Sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at lumabas si Mr. Rider.

He looks problematic.

"I'm sorry guys but Jack wasn't able to go with you this time. Something's came up at hindi sya pwedeng lumabas." Aniya.

"What happened to her?" Takang tanong ko.

"She's just having her asthma and she can't help but to rest. But don't worry she'll be okay by tomorrow."

Asthma? Sa yabang ng babaing yun nagka asthma?

"Ah, okay lang po Mr. Rider. Magkikita naman po kami sa school tomorrow." Ani Drew.

"Just call me James or Tanda. It's too formal naman kasi kung Mr. Ryder pa ang itatawag nyo sakin."

"Okay. Salamat sa pagtanggap samin dito James." Ani Drew.

Napatango tango naman si Mr. Rider.

"Pero may itatanong lang sana ako." Napatingin naman sakin si Tanda.

"Yes?"

"Kung kapatid mo si Shane then why do you have the same last name with Jack? Coz as far as I remember Shane's last name is Gravalez."

"Oh that. Actually I'm Gravalez too. Pero kapag napapagkamalan akong guardian ni Jack hinahayaan ko nalang na isipin nilang Ryder ang last name ko. But Jack and I are actually not related but we're friends."

"Friends? Wala ba syang family? Nasaan ang mga magulang nya?" Takang tanong ko.

Napabuntong hininga si Tanda.

"I think it's better kung kay Jack mo nalang itanong yan. I don't want to meddle with her own privacy."

Saglit akong natigilan saka napatango.

"Okay, well. Siguro kakausapin ko nalang sya tomorrow kung tuturuan nya pa ba ako sa motor. Thanks nga pala sa pagtanggap samin dito." Sabi ko nalang.

"You're welcome Zero."

Inaya ko na ang dalawa at hinatid naman kami ni Tanda sa labas ng gate.

"Tanong lang James. Ikaw ba ang tagaluto dito? Wala kayong katulong?" Tanong ni Cody na akala mo'y close na sila ni Tanda.

"Well, yeah..parang ganun na nga. Panget bang tingnan?" Sagot naman nito na napakamot sa ulo.

"Hindi ah, ang cool mo ngang tingnan sa apron mo eh." Natatawa namang sabi ni Cody.

Nang makarating sa kotse ang dalawa ay muli akong humarap kay Tanda.

"Ahmm, Tanda. Pakisabi nalang kay Salaman- I mean Jack na mag uusap kami bukas."

Napangiti siya sakin na parang may sinabi akong maganda.

"Okay. Makakarating sa kanya."

Napatango nalang ako at sumakay na sa kotse ni Drew.

Muli akong sumulyap sa bahay nila bago kami umalis. At dahil naiwan ang sasakyan ko sa school ay bumalik muna kami ni Drew para kunin ito habang nauna na si Cody na umuwi.

*****

Shane's Pov

Tulala akong nakatingin lang kay Jack habang nasa loob siya ng kanyang tube glass at nakalutang sa makakapal na yelo.

Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya kanina bago sya mawalan ng malay.

"My heart is melting...I think it's beating!"

Sa ilang taon na magkasama kami mula ng araw na tumakas kami sa underground lab ay ngayon lang nangyari ang bagay na yun.

Her body was frozen. Literally.

Walang kahit na anong organ ang gumagana sa kanya. She was dead inside and only the wargon blood that's keeping her alive.

Kaya papanong bigla nalang natunaw ang yelo sa puso niya at ang mas nakakagulat pa ay bigla itong tumibok.

Hindi kaya dahil kay Zero?

"Is she okay?" Napalingon kay Tanda.

"Tanda, I think it was Zero why Jack's heart beats."

Napakunot ang noo niya. Napatingin siya kay Jack tapos sakin.

"Are you telling me that her heart beats for Zero?" Parang di makapaniwalang wika niya.

Sunod sunod akong napatango.

"But that's impossible Shane. Jack will never be fall for a man."

"I know. But what if it's true? Don't you think it's a good idea that she's slowly becoming a human again?"

"I don't think so Shane. You know how much dangerous she is. You saw what happen to a boy that tries to kiss her before. She will never fall for human coz she's not human."

"No James, she was a human before-!"

"That exactly the point. She was a human. Was Shane, was."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"She maybe a girl in everybody's eyes but inside her was a demon trying to kill everyone she sees. And that includes us. Kaya kahit hindi nagigising ang wargon sa loob nya ay di parin tayo pwedeng makampanti. We're always dangerous whenever she's around but at the same time we're safe for treating her as human."

Nangilid ang luha ko sa aking mga mata dahil para akong nagising sa katotohanan na kahit kailan ay hindi namin makakayanang ibalik si Jack sa dati nitong buhay.

Ang wargon ang dahilan kung bakit sya naging ganyan ngunit ito rin ang tanging dahilan kung bakit sya nabubuhay ngayon.

"Kaya hindi maganda kung mapapalapit ng husto sa kanya si Zero. Mapapahamak lamang sya pati na ang mga kaibigan nya kay Jack."

Mabilis kong pinahid ang luhang nagmalisbis sa aking mga mata.

Napatingin ako kay Jack.

Tahimik lang siyang natutulog sa loob ng tube glass na para bang nasa kwarto lang sya at nakahiga sa kama.

Hindi siya mabubuhay ng walang yelo sa katawan. Dahil kapag natunaw ang yelong bumabalot sa kanya ay magigising ang wargon na nasa katauhan niya.

Ang wargon na kinatatakutan kong nilalang. Wala itong kinikilalang tao. Pinapatay nito ang lahat ng taong makita. At mas malakas ito sa gabi. Mas malakas at mas malinaw ang pakiramdam nito. Kaya naman hindi namin hinahayaan sa labas si Jack pag kagat ng dilim. Mahirap na.

Alam ko kung gaano sya kadelikado dahil nakita ko mismo kung papaano nyang kinitil ang buhay ng ama ko.

Pero kahit ganun. Hindi ako nagalit kay Jack. Alam kong hindi sya ang pumatay kay dad. It was the wargon. The demon that sleeping inside her body. A dangerous species all over the world. A devil that has only one goal.

And that is to kill every living things in this world.

--

-itsmejollytheminion


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C13
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión