"Where na you?! Saan ka na?! Late na you! Dito na me! Ang init dalian mo!" Napangiwi ako sa isang magandang bungad sa umagang sermon sa akin ni Leighrene.
"Oo na, ito na, falcon na ako." Kalmadong sagot ko saka ibinaba ang tawag. Lakad takbo na ang ginawa ko dahil baka ito ang unang beses kong malelate sa sem na 'to. No choice naman ako ang layo nang pinanggalingan ko,eh. Tsk.
I bit my lip when I saw a Senior highschool students laning up for them to enter. Bakit naman kasi ngayon lang sila?! Yawa.
Nag dire-diretso na ako nang makitang isang minuto na lang ay papasok na ang prof ko! Shutexmarites! Sino bang prof namin ngayon?! Wala akong alam!
"HEP-HEP!"
"WAAH, HORAYYY!" Napapikit ako nang mariin ng marinig ang tawa ng mga studyante! Itinaas ko ang I.D ko saka hinarap sa guard! Sa sobrang pagmamadali ay parang hindi ko na, naitap ang ID ko. Pero syempre tinap ko sa gate, kasi hindi naman ako makakapasok kung hindi!
Muka bang tinalon ko 'yon?!
"Ito po suot ko," Akma na akong tatakbo nang matandaan ko ang inspection nang bag. Shems baka ma-guidance pa ako bago makapasok. Ka-badtrip naman kasi ang aga-aga ng traffic sa taft!
"Hehe, sorry kuya, paki..." bilisan. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumango na siya at gumilid. Kuminang naman ang mga mata ko dahil sa wakas! Makakapasok din.
"Thank you po, aakyat na ko, late na po ako, byieeee!" Panay naman ang pag-excuse ko sa mga students na nakakasalubong ko at nagmadali nang tumakbo papuntang building namin. Nakakahiya 'yun arrghhh! Bakit naman kasi nang gugulat eh! Tsss.
"Shocks," I clear my throat saka inintay na mabalingan ng prof, buti na lang si Ma'am Melo yung first subject prof namin. Napahinga ako nang malalim saka inayos ang sarili ko. Nakasandal siya sa teachers table habang nagja-jumble ng index card, kung saan nakalagay ang basic info namin. Para iyon sa recitation.
May recitation?! The fork!
"Ahh, Sorry I'm late. I promise it wont happen again, eherm. May I ,ugh, Come... in?" Kinabahan ako mga lima, nang biglang tumaas ang kaliwang kilay niya sa akin habang hawak pa rin ang index card namin. I sighed in a relief when she gestured me to come in.
Buti na lang at hindi pala ang terror Proctor namin ang first subject, kundi, yari ako. Isang mahabang seremonyas pa muna ang magaganap bago pa ako makapasok.
I sat beside Leighrene, taking down notes. Nilabas ko agad ang mga kailangan sa subject saka nag simula na mag drawing ng kung ano-anong illustration na naka lagay sa screen. It's our second year on learning liberal arts major in basic education. Ano kaya feeling maging teacher? Hmm.
Parang hindi pa ako handa para ro'n. Napakaraming presentation pa ang dapat na gawin.
"Peram highlighter," I glanced on Leighrene whispering on me. Inabot ko sa kaniya ang highlighters ko nang hindi inaalis ang paningin sa sinusulat.
"Nakalimutan ko, okay?" She added. Hindi pa nga ako nagsasalita. Lakas din maki-dama nitong babaitang to, eh. Fooled by love nga lang. Ts, MARUPOK.
After three subjects for the A.M class, dumiretso kami ni Leighrene sa malapit na convenient store, pwede naman kami sa CS building na lang sa loob ng ADU, pero ang daming tao. Katamad, tsaka nakakasawa na rin 'yung pagkain.
"Nakaka tuyo ng neurons, yung Math! Bakit ba kasi may ganun tayo?! I mean wala sa memo na kinuha natin 'yun pero may ganun. Tsss." Pag ra-rant pa niya habang kumukuha ng ice coffee sa ref. Inismiran ko lang siya dahil ngayon ay sising-sisi na siya sa mga pinaggagagawa niya sa buhay.
"Ikaw kumuha no'n sabi mo para dagdag grade, sinabayan lang kita." Napakunot ang noo niya at ngumiwi nang mapagtanto na tama ako. Kinuha naming optional subject iyon para dagdag credits. Okay pa naman kami sa sub na 'yon, not until now. Last year enjoy-enjoy lang, pagdating ng gitna gusto ko na lang wag ituloy. Pero sayang kasi yung credit.
Sa apat na sub lang kami magkaklase, buti nga sa Majors 'yun, para kahit papa'no nakakapagtulungan kami, sa minor subjects naman kami magkahiwalay.
Wala pa rin kaming plano kung anong kukunin naming degree. Pagka graduate na lang, kung ano na tripan ganun.
"Hello mga hatdog kong prends! Sabi na nandito kayo eh, Aym brayt talaga!" Napangiwi ako kay jarel na hawak-hawak ang kanyang dibdib.
"Proud na proud pa nga," Nakangisi kong pag bara sa kaniya. Napangiwi siya saka padarag na kumuha ng snack sa stalls.
"Walang support? Kahit 0.001 lang? Wala talaga? Sure na? Todo na?" Parang tuta pang dagdag niya. Sabay kaming umiling ni Leighrene habang nagpipigil ng tawa.
"Awts, it's really hurts." He held his chest like it was in pain. Parang sira, baliko na nga, kaya pati utak, ayan may sapak na.
"Drama mo 'di bagay sayo, tangeks." Leighrene held his face, tsaka tinulak palayo sa amin. He pouted saka inilagay ang pagkain niya sa akin.
"Hoi! Ang kapal mo! May patago ka sakin, ha?" I raised a brow in him. He just mocked my words saka pumunta dun sa likod para kumuha ng inumin niya. "Mapapatay ko yun, eh." Leighrene chuckles then hid her phone.
"Hope Lahat." Her brows furrowed saka ngumuso sa akin "May ka-telebabad, tell me, anong course?" She chuckled saka nilagay ang bibilhin niya sa counter.
"Guess what," Hamon pa niya sakin saka nagtaas baba ng kilay. So meron nga? Gagstug wala sa plano kong paaminin siya, buti na lang sanay na ako. Napabuntong hininga ako saka bahagyang umiling sakaniya bago siya sagutin.
"Med?" She shook her head. "Engineering?" Umiling ulit siya. Muka ba akong manghuhula? Bruha to. "Educ? Law? Pilot? Army? Seaman? BSM?" Sunod-sunod siyang umiling habang natatawa pa. "Then what?"I curiously asked! Ayaw pa sabihin eh!
"The great Joseph Gabriel." Sumingit na naman si Jarel sa amin habang proud na nakaturo sa sarili.
"Share mo lang? Hibang na you pag ikaw nagustuhan ko." Natawa ako sa kanilang dalawa. I paid for my food. Naawa lang ako sa pabigat kong kaibigan kaya ako na rin nagbayad nung kaniya. Pasalamat siya, mahal ko siya, wala na nga akong pera, eh.
"So, ano na?" Tanong ko ulit kay Alex. I mean Alex is her nickname from her second name. At dahil maarte siya, kami lang daw ang pwede tumawag nu'n sa kaniya, closest friends and relatives lang daw. Tsh.
"Ayaw pa kasi aminin,eh. Jarel lang naman ang mahal mo. Yieet." Ang kapal... I wonder how we hang out with this guy!
Napaka bait ko naman kasi, kaya ayan pati pusang galang kagaya niya,eh, kinupkop ko.
Gwapo naman kasi siya. Indeed.
If you meet him, he's damn hot. He can catch the spotlight! Sa pagkakaalam ko, thri-lon siya,eh, kaya ganyan ka define yung body. Hindi ko rin sure, hindi naman siya nagsasabi,eh. Magugulat na lang kami may ticket na ibibigay para sa competition niya. Tsh. Olats naman, Haha! Pero kahit ganun pa man, support pa rin namin siya.
I remember nung 2nd year namin bilang junior sabay pa namin siyang naging crush ni Alex, not until naging magkakaibigan na kami. Monggoloid kasi eh! Atsaka matagal na 'yun, at pinagsisihan naming dalawa. Sobra. As in.
"Ikaw, pabuhat ka na nga, assuming ka pa." Inismiran lang kami ni Jarel na nag eenjoy na sa siopao niya. "Anyways, Law." Halos masamid ako sa naranig ko. Jarel was legit choked kaya hinampas-hampas niya ang dib-dib niya saka uminom.
"Ang funny mo, mahar!" Jarel sarcastically said, teasing Alex. Miske ako hindi ako makapaniwala.
"Seryoso... ka?" Naninigurado pang sabi ko.
"Muka ba akong nang chacharot-charot lang dito?" Halos hindi maipinta ang muka ni Alex siyang bumaling sa aming dalawa saka sinamaan ng tingin.
"May tissue ako,marami." Sabi ko saka inubos ang ice coffee.
"Ako may panyo, unlimited, reusable rin." Jarel added saka inubos na rin ang pagkain niya. When our eyes met, sabay kaming tumayo dala ang mga kalat ng pinagkainan namin.
"Seryoso na talaga siya ro'n?" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Jarel saka bahangyang nilingon si Alex.
"Yeah, She's serious.. Again." Tinapon namin sa trash bin ang basura saka umikot sa likod ng stalls, para hindi kami agad makita ni Alex.
"Ay, sis, mars nagpupunas." Sumilip naman ako at bahagya pang tinulak si Jarel, dahil ang laki niyang harang. I bit my lip as I check my wallet on my pocket.
Alex is the most softhearted among us, she's a crybaby kaya masyado namin siyang iniingatan. Masyadong mababaw emosyon niyan kaya minsan hirap din kami mag adjust-an. We care for her that much, minsan pati love life niya pinapakielaman na namin hanggat pwede.
But still, it's her life, her choice and decisions, Support na lang ang pinakamagandang maibibigay namin sa kaniya. Kung dun siya masaya,eh? Then why not? Right?
"Wala akong tissue, bili muna tayo." Hinatak ko si Jarel papunta uli ng counter saka muling bumalik dun sa stall malapit sa inuupuan namin.
"She's not like that. Really. Introvert yang babaitang 'yan. Nagtataka ako ang daming aura." Napahinga ako ng malalim saka tumingin kay Jarel.
"Maybe she had her explanation." Tipid siyang ngumiti sa akin saka pumikit pa. Saying na intindihin ko na lang.
"Ready your handkerchief ,babe." Tumango siya sa akin saka pinakita ang dalawang YSL na handkerchief niya. Edi wow. Hindi 'yan orig, sa divisoria lang namin nabili.
We stop infront of our table where Alex sobbing. Aww poor her. She probably felt pain after hearing that to us. Fake3 friends kasi kami, Eh.
Sabay naming nilahad ni Jarel ang panyo at tissue paper kay Alex. When she felt it, she wiped her eyes using the back of her hands. He looked up on us with a swollen eyes.
We sincerely smiled on her saka pinunsan ni Jarel ang mata niya. Ako naman ang sa pisngi niya pagkatapos. Tumabi kami sa magkabilang gilid ni Alex saka siya mahigpit na niyakap.
"Char-char lang, kasi naman! Mas masarap ako mahalin, siz!" I chuckled on Jarel at marahang tinapik ang braso niya. Hindi naman niya kaya panindigan.
"Support ka namin, kahit nagpapaka-tanga na you. Ganun ka namin kamahal." I wiped again her tears saka siya hinalikan sa pisnge. Aamba rin sana si Jarel but stop midway.
"Maraming magagalit, next time, hehe." Napangiwi naman ako sa kaniya. Ang kapal ng balat nito,eh, 'noh? Dapat wala 'to rito,eh. Hindi dapat siya belong. Humble kasi kami pareho ni Alex, siya lang yung walanghiya.
"Pero, bakit naman kasi Law stud pa napili mo? Ha? Walang time yun, daming readings. Tsh." I chuckled a little on Jarel opening the water bottle for Alex.
"Gumagawa naman ng time,eh. Tsaka di pa naman kami. Level 1 pa lang." Napangiwi kaming sabay ni Jarel sa kaniya.
"Ahh, getting to know each other, stage pa lang naman pala... okeh," I playfully smirked at her saka Umiling-iling.
Anong feeling nang may nagugustuhan? I mean level 2? Having someone you like? I never had one,eh. I mean yeah nagka-crush ako pero di na nag exceed. Hayyy.
"Tambay?" Sabay kaming napatingin ni Alex kay Jarel na nasa harapan namin. "Ayaw niyo? Edi wag." He then pouted and intent his head into his cross arm on the table.
"Ano naman kasing ganap natin?" A playful smirk plastered on his lips.
"Uhh-ahh! No! A very big NO, Jarel. Theres no way we would do that!" Grr, were doomed. We're always doing that, 'walwal' back then, siguro freshmen year ganern, pero ngayon? Hindi na pwede. Bukod sa nangako kaming magbabagong buhay, marami nang school works.
Bumalik na kami sa university, to attend the pm subjects. After class dumiretso na kami sa apartment dahil ayaw talaga kami tigilan ng lalaking ito. Grr. Imbis na tulog kami ngayon, eh!
"Charaaannn, ay wait," Napangiwi ako nang ilabas niya ang electric barbecue grill. He set up everything, while me and Alex highlighting some words on our books. Naka uniform pa kami na pang teacher dahil may major nga kami kanina. Skirt pa nga soot namin! Kaloka, samantalang slacks na ang ginagamit ngayon. Binigay samin skirt,eh. No choice kami.Tsh.
"Bakit ba ang dami mong time?!" Alex said, sabay kaming nag-angat ng tingin kay Jarel na hawak-hawak ang bacon at may nginunguya pang patatas. Tsh.
"Ngayon lang eh, kadamot niyo." Padarag niyang nilagay sa lamesa yung container.
Weyt, A griller, bacon, gamja jorim. I confusedly look at jarel holding another container full of-
"Last but not the least! Letuce!" My lips parted,
"Ano... what is this?" I look at him, brows furrowed. Tumaas ang gilid ng upper lip niya saka sinaksak ang grill. He stop mid-way when he noticed something.
He then turned his gazed on me wearing a goofy smirk. He rose up and down his brows, habang dahan-dahan sinaksak ang grill.
"Ano 'yang nasa isip mo,kaibigan? Ang halay mo ha! Educ stud yan pero yung isip ganyan." He held the hem of his shirt at akmang itatas iyon, hindi ako nagatubili at binato ko siya ng highlighter!
"Shuta! Ikaw yung mahalay, bakla ka!" He chuckled saka ibinato pabalik sa akin yung highlighter.
"Hindi mo sure," Bahagya pa siyang tumawa saka umupo sa harap namin. "Hindi na natin pwede gawin yun, madaming thesis, kay Lord." I chuckled and glance on Alex chewing something while still reading.
"Hmngg!" Natatawa kong nilayo ang jorim kay Alex nang hampasin ni Jarel ang kamay niya.
"Bakit ba! Ang tagal-tagal niyo, nagugutom na ako eh!" Ngumuso siya saka tinabi ang tinidor na hawak.
"Ubos mo na nga,eh. Thank you ha? Mahal na mahal mo talaga ako, pati pagkain na tinira mo sakin, nag a-I love you." He then smirked and started grilling.
They're good together, but nevermind. Okay na yung ganyan.
We bought this rent to own apartment or house, for about, 4 years from now? Yeah. Senior High. Malaki naman itong bahay and may dalawang kwarto. 'Pag lahat kami nandito, si Jarel dun sa kabila siyempre, magkasama naman kami ni Alex.
I met alex nung juinor high pa lang kami. Second year ganun. Makapal kasi muka ko kaya ayun nung nakita ko siyang nag do-drawing ng anime chinika ko na.
Si Jarel naman, sa church ko nakilala. Isipin mo 'no? Hindi siya nasunog du'n? Char. Nabangga ko kasi siya tapos nabangga niya yung tithe box, pareho tuloy kami napagalitan. At dahil buraot siya, nagpalibre sakin ng ice cream para daw 'friends' na kami. Tsh.
Ibang school si Jarel while same naman kami ni Alex, so ang ending madalas sa church lang kami nagkikita-kita. Pero noon lang 'yon. Ano bang akala ko na araw-araw ko na palang makikita mga muka nila pagtungtong ng college?
"Paheram laptop," Nag-angat ako ng tingin ng walang sumagot sa akin. "Dali na, hui. May presentation pala akong gagawin."
"Bawal kumain muna? Gawa agad? Baka naman mapag-iwanan niyo ako, aba!" I chuckle on him. Kinuha pa rin naman niya yung laptop, parang tanga.
"Yung tipong kayo 3 minutes sa stage tapos ako 10 seconds lang? Awts, okay lang naman." Dag-dag pa niya habang nag luluto na ng bacon.
He was so carefree! Gagawa 'yan ng individual thesis/research or projects niya the day before the due, matalino lang talaga si loko, kahit hindi na mag review nakakapasa sa mga exams, He's right brainer, mas gusto niya yung logics, pati math, essays and tests. Kaya nga nagtataka ako na pumasok sa sports yan. Tsh. Trip niya lang daw.
Ngumanga ako nang iharap niya sa akin ang samgyup na ginawa niya. "Kamsalamat assistant." He groaned saka kay Alex naman nag subo ng pagkain.
"Say, salamat senpai." We chuckled saka tinuloy ang ginagawa.
After hours, nakatulog na si Alex du'n sa kuwarto, naka-rami na rin naman kami ng topics na nabasa. Jarel is fixing something on the tv, at ako? 6 topics in a row, my brain is under attack, last neuron has been slain. Defeat.
Char, mahirap ang buhay kaya masarap maging kriminal. Bad, joki-joki lang. Laban lang. Kahit hindi ko na alam patutunguhan ko, laban lang. Basta buhay.
"Gusto mo kape?" Lumingon siya sa akin saka pinatay ang headlight na nasa ulo niya. Headlight nga,eh. Malamang nasa ulo.
"Naman, basta libre." Napangiwi ako saka tumango. Kinuha ko ang wallet ko saka lumabas, wait.
"Hot or iced?!" Muli siyang lumingon sa akin.
"Reyn, niloloko mo ba ako?" Napakunot ang noo ko siyang tinitigan. Muka ba akong nagloloko?
"Ang hot-hot ko na tapos ibibigay mo pa sakin hot? Hot plus hot equals positive heat." Tinanggal ko ang suot kong tsinelas saka ibinato sa kaniya, na nasalo naman niya. Putragis, bakit ko ba kaibigan 'to?! Amp.
Oo pinagsisisihan ko!
"Bumili ka ng sarili mo! Bwiset ka!" Lumabas na ako saka bumaba at hirap na hirap buksan ang gate. Bakit ba ang bigat-bigat?! Putsak.
"Kapeng matapang! Yung kaya akong ipaglaban! Hindi gaya niya! Nang-iwan lang!" Pahabol pa niyang sigaw sa bintana nang makalabas na ako.
"Shut up! Gosh!"
Buti na lang walang tao sa babang apartment kundi mapapagalitan na naman kami! Tsaka muka ba siyang iniwan?! Siya 'yung nangiiwan, certified ghoster. Subok ko na.
May malapit lang na coffee shop dito samin kaso sarado kaya no choice ako sa malayo mapunta kaya ro'n na lang. Tim Hortons nga lang. Saan aabot ang limang daan ko? Choz. Mura lang naman dun, promise mga hindi ko rin sure. Mamaya na lang ako maglalakad pauwi, ang layo,eh.
After several minutes of waiting, nakuha ko na yung order ko. Muntik na ako makatulog owemji, ang tagal eh! Tapos ang tahimik pa, yung music din, chill lang.
I was drinking my iced coffee while walking along the United Nation Ave. When someone bump on me! Siya 'yung naka bangga, hindi ako!
"Shit!" Napatingin ako sa lalaking naka white jacket na nakapatong sa black scrub niya.
"Gagi, sorry miss!" Pinunasan niya ang coat niya para kahit papaano ay matuyo. Kinuha ko ang panyo ko tsaka siya tinulungan punasan ang jacket niya. He was talking on his phone habang pinupunasan din ang damit niya. Shems.
Napatingin ako sa muka niya, hindi ko alam kung Frustrated ba siya o ano,eh.
"Ugh, sorry, ano hindi ko sinasadya. Sorry." Tinigil ko ang pag pupunas sa kaniya nang mapagtanto kung ano 'yung ginagawa ko. Sheez, pwede ako makasuhan ng sexual assault, owemji.
"Yes, Doc malapit na." He ended the line saka tumingin sa akin ng seryoso. "Sorry miss, emergency lang talaga. Bawi ako next time!" Mabilis siyang tumakbo habang kumakaway sa akin patalikod.
"Intern." I mufled. Napatingin ako sa kape kong tatlong higop pa'lang ang nababawas. Buti na lang hindi mainit, baka mapagastos pa ako nang wala sa oras. Tinapon ko na lang yung cup saka umuwi. Magtitimpla na lang ako, ts. Wala na akong pera 'di ko pa nasulit. Awit.
"Oh? Nasaan 'yung sayo?" Jarel asked, pagkabigay ko sa kaniya nung kape niya. Alex is now laying her head on Jarel's lap, hindi ko alam kung nag memeditate ba silang dalawa o ano. Bahala na sila. I sighed saka umupo sa kabilang couch.
"May nakabungguan ako. Natapon. Sayang 150, tsh." He chuckles saka inalog ang binti niya para bumangon si Alex.
"Bakit kayo lang?! Bakit siya lang?!" Turo niya kay Jarel habang naka tingin sakin at nakanguso. "Bias ka na, ha!" Jarel splint on her saka nilayo ang kape niya. Hashtag betrayed, Tulog siya kanina,eh. Malay ko ba na pag-uwi ko gising na siya.
"Bakit 'di mo pinabayaran?!" Tanong ni Jarel sakin habang naghahabulan sila ni Alex, paikot dito sa sala.
"Isa lang,eh! Napakadamot!" Alex said, chasing Jarel.
"Ha? Hakdog! 'Yung isa mo, isang cup!" Nanga-asar naman na sagot ni Jarel, habang pilit na itinataas ang kape niya para hindi maabot ni Alex. Ang gulo-gulo nila.
"Gwapo naman eh." Napasandal ako saka nangalumbaba at tumitig sa bintana. I saw them stop chasing each other then stood infront me, na parang may lumabas na magandang show sa telly.
"Come again?" Alex ask na parang hindi niya naman narinig. She even leaned forward on me! Tsh. Saan naman ako babalik ulit, hindi naman ako lumabas ng kahit anong establishment?
I let out a sighed and glanced on them. "Gwapo naman, kasi." Paguulit ko sa sinabi ko kanina.
"Woah?!" Sabay nilang sabi at nagkatinginan pa. OA na tinakpan ni Jarel ang bibig niya at si Alex naman ay marahang pumapalakpak.
"Isa pa, dali!" Napangiwi ako sa sinabi niya kaya sinipa ko na ang binti. "Ganyan mo ako kamahal at sinisipa mo ako?!" Madramang sagot pa ni Jarel while caressing his legs. Tsh. Mama niya mahal.
"Gwapo rin naman ako, pero nung natapon ko milktea mo dalawang milktea kapalit. Tsh." Jarel mufled but I still Heard it. Share niya lang? Wala naman nagtanong.
"Hindi ka naman gwapo." Pang babara ko pa, sa kaniya. Ang assuming, sinabi ko lang na ang gwapo niya kanina, kasi kanina lang 'yon. Hindi na 'yun totoo. Scam ako.
Tumabi naman sa akin si Alex nang may pilyong ngiti sa labi. Habang nagpa-puppy eyes pa. "Wag ako, hindi ko nakita." Alam ko na agad 'yung itatanong niya kung anong ID lace ang suot, kaya napahinga siya ng malalim saka sumandal.
"First time in the history! May tinawag ka ring gwapo! Shet." Nginisian ko lang siya saka pumikit. Hindi naman, si Daniel Padilla naman sinabihan ko rin nang gwapo.Tinabig ko ang kamay niyang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.
"Anong pez ni bakla?"
"Ikaw yung bakla, buset ka." Naiirita ko nang sagot kay Jarel saka pumasok sa kwarto. Narinig ko pa yung hagikgik nila bago ko isara yung pinto.
"Ang panget mo kasi magtanong."
"Ikaw 'yung panget." Rinig ko pang bawing asar ni Jarel kay Alex, saka ko narining yung mga yapak nila. Naghahabulan na naman. Para silang mga bata tapos ako nanay nila. Ako lang matino.
Hindi ko manlang nakita yung I.D. sayang. Tapos side profile lang nakita ko. Actually silhouette nga lang, ang tangkad kasi,eh! Pero ang lakas nang kutob kong taga PLM.
Pabagsak akong humiga sa kama saka tumitig sa ceiling. I wonder how he get there at UN ave. Sheez taga rito lang din kaya siya?
Naway makita ko ulit siya. May utang siya sakin, dapat niya bayaran. Grr.
Itutuloy~