Descargar la aplicación
80.64% Hurt Me Love Me (Tagalog) / Chapter 25: Kabanata 24

Capítulo 25: Kabanata 24

Scent POV

Kinalimutan ko na lahat ng sama ng loob ko kay Zion. Ang bigat pala kasi sa dibdib kapag hindi ka marunong magpatawad lalo na at may kontribusyon ka rin kung bakit nagawa yun ng isang tao.

Sa kabila ng lahat, aaminin ko mahal ko pa rin si Zion pero sa akin na lang yun. Ang hirap mawala ng pagmamahal ko sa kanya.Pero hindi na ako magpapakatanga pa, natuto na ako. Ayaw ko na ulit masaktan pa.

Pansin ko din simula ng maospital ako, palagi ng nandyan si Zion para sa akin. Unti-unti ng bumabalik ulit ang sigla sa pagiging magkaibigan namin.

Friends with no benefits!

As of now ineenjoy ko talaga ng bongga ang sarili ko. Meeting new friends, nakikipag blind date ako para mapunta ang atensyon ko sa ibang tao pero after all wala pa rin akong mapili. Kahit na nga si Clinton hindi ko pa rin magustuhan.

Me and Clinton are friends at sinabi n'ya na rin sa akin na he likes to know me better. Simula kasi ng insidente na yun, kinontak n'ya ako at sinabing okay na si Paps tapos lagi na s'yang tumatawag sa akin hanggang kanina nakipag kita sa akin. Masaya s'yang kasama, marami siyang kwento kaso more on pets talaga yung gusto n'yang topic. Kaya pakiramdam ko palang sa umpisa baka hindi na kami magkasundo if ever man na maging kami.

"Scent, saan mo nakilala si Clinton? "

Binasag ni Zion ang pananahimik ko. Nagulat na lamang ako sa biglaan niyang pagdating.

"Ah 3 months ago nagkakilala kami. Nabundol ko yung aso n'ya tapos binigay ko calling card ko then call mate na kami. Kanina lang ulit kami nagkita. "

"Ah okay. May pag asa ba s'ya? "

"Oo naman noh, "labas sa ilong na sagot ko. "Kumusta sa office? "

"Okay naman.Papasok ka na ba sa Monday? "

"Parang ayaw ko na,hehe. Pero sige na nga papasok na ako. Hiyang-hiya naman ako sayo. VP for Operation ako pero laging nasa bakasyon. Salamat na lang talaga dahil may boss President na mabait na taga gawa ng trabaho ko. "

"Kailangan itreat mo ako dahil sinalo ko lahat ng trabaho mo. "Umupo si Zion sa sofa.

"Ang daya. Wala nga akong salary. "

"Hahaha, ikaw pa mawalan. Kulang na nga lang mahiga ka sa pera. Dakilang heiress! "

"Ui hindi ah.Sira ka talaga."Binato ko siya ng pillow at gumanti din siya. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan na lamang same as old days.

"Ang saya mo na ngayon at natutuwa ako na makita kang ganyan. Nakikipag tawanan ka na ulit sa akin. Patunay lang na okay na tayo. "

"Live life into the fullest dapat, Zion. Ayaw ko na ng hate, dapat love love lang. "

"So love mo pa ako? "

Natigilan ako sa tanong n'ya.Nawala yung tawa ko. Pero naka recover din agad ako. "Ay naku, Zion. Tigilan mo nga ako sa ganyang bagay. Love naman talaga kita kaso love kita dahil friends kita."

"So love mo pa rin ako? "Ulit nitong tanong. "Kung liligawan kita, papasa ba ako? "

"Hahahaha ikaw manliligaw? Hanap ka na lang ng iba. "

Pero deep inside kinikilig ako lalo na at sincere ang pagkakasabi n'ya.

"Wala akong mahanap. Ikaw yung gusto kong ligawan. "

"Hahahahaha, I'm not available. "Dinaan ko na lang sa tawa ang mga pinagsasabi n'ya. Namumula na kaya ako pero salamat sa make up, naitago kahit papaano. "Baka mapagalitan pa ako nila Mommy kung liligawan mo ako. Alam mo namang magkakaibigan sila nila Tito Jhun. "

"Hindi ko naman kasalanan yung nangyari kaya okay lang naman yun. Okay naman kami nila Tito Jhun at Tita Macel. Ang totoo nga n'yan magiging masaya sila kapag nahanap ko na yung para sa akin talaga. Saka malapit na tayong mawala sa kalendaryo. Malamang papasa naman ako sa mga magulang mo. Pustahan tayo."

"Wow ang bait nga talaga nila Tito Jhun. Wala akong masabi.Teka lang ah, hinamon mo pa talaga ako."

"Nagsasabi lang ako ng totoo, sinta. "

"Sinta mo mukha mo! Hahaha. "

Nakarating na kami sa bahay. Ayaw ko na sana siyang pababain pa ng kotse ngunit mapilit s'ya. Hinatid niya pa rin ako hanggang sa loob ng bahay.

Sakto nandoon ang dalawa kung kuya kaya mas lalo s'yang natagalan. Nagkwentuhan pa ang mga ito at nagkayayaan pang uminom. Di ko na pinakinggan usapan nila,usapang lalaki kasi. Pumasok na lamang ako sa kwarto at natulog.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C25
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión