Noong unang panahon, may isang kastilyo kung saan may naninirahang kakaibang nilalang. Walang sinuman ang nagtatangkang makalapit ni pumasok sa kastilyong iyon. Dahil sa takot na makain o anumang masama ang mangyari sa loob ng kastilyo.
Ngunit hindi nila alam na ang nilalang sa kastilyong iyon ay nagagawa palang makalabas nang hndi namamalayan ng mga tao na sya pala ang nilalang sa kastilyong iyon.
Hanggang sa may isang babaeng manlalakbay ang magtatangkang pumasok sa kastilyo at harapin kung sino man ang nilalang na iyon. --- Siya si Renestica. Isang manlalakbay at matalinong babaeng kayang lumutas ng mga problema.
Sa una, ay nagmamatyag lamang siya sa baryo at nagtanong-tanong sa mga tao roon kung ano nga talaga ang mayroon sa kastilyong iyon. Ngunit walang tiyak na sagot ang kanyang nakuha.
Hanggang sa may lumapit sa kanyang babae. Isang babae na akala mo'y inosente sa paligid. Ang babaeng ito ay hindi pa mawari kung ano bang gustong gawin. Kaya si Renestica na mismo ang lumapit dito at nagtanong.
"Anong ginagawa mo?" biglang nagulat ang babae at nagtangkang tumakbo pero nahuli at nahabol rin ito ni Renestica. Ang kadahilanan pa lang iyon ay kailanman, hindi pa nangusap ang babaeng iyon kanino man, kung kaya'y laking gulat niya na lamang na may kumausap sa kaniya. Tinanong siya ni Renestica kung ano ang pangalan niya.
"Ako si Shenny" matapos no'n, wala na siyang dinugtong pa at akma na sanang aalis. Pero pinigilan siya ni Renestica .
"Dumito ka muna. Gusto ko sanang mag-kuwentuhan pa tayo o kaya naman ay kuwentuhan mo ako ng mga bagay tungkol sa baryo at sa kastilyo" ani Renestica.
"Hindi ako nakikipag-usap sa mga tao" sa pagkakataong iyon, nasaktan ni Shenny ang damdamin ni Renestica kung kaya'y siya na mismo ang tumayo at aktong aalis na. Pero pinigilan siya ni Shenny.
"Hindi pa ako tapos. Nalaman mo ang pangalan ko, kaya marahil 'di ka na kasama sa mga taong tinutukoy ko" namumulang sambit nito.
Sa sobrang tuwa ni Renestica, napayakap siya rito na lalong nagpamula kay Shenny.
"Ahhh, hndi ako sanay. Hehe" pagkasabi niya no'n ay napabitaw na si Renestica at humingi ng paumanhin. Tinanong niya si Renestica kung ano ang pinaka-gustong malaman niya sa baryo. Sinabi naman nito na ang kakaibang nilalang raw sa kastilyo.
Pumayag si Shenny na mag-kuwento ngunit ititigil niya raw ito kapag sumapit na ang ika-anim ng gabi dahil kailangan niya na rin daw makauwi. Ayaw man sana ni Renestica na mabitin, ngunit pinili niyang sumang-ayon na lamang para lang makapag-kuwento na si Shenny.
Nagsimula na ngang mag-kuwento si Shenny. Sa una, ang mga kuwento niya ay puro lamang sa baryo, hanggang sa patungkol na sa kastilyo. Sinabi niya na ang mga nilalang sa kastilyo ay hindi kailanman nagpapakita ng kanilang totoong anyo sa mga tao. Dahil mata pa lang nila ay matatakot na ang mga tao sa kanila.
Dahil sa kuryosidad, tutok na tutok lamang si Renestica sa pakikinig kay Shenny at napatanong siya.
"Masasama ba ang mga nilalang na nasa kastilyo?" huminto si Shenny at humarap sa kaniya.
"Nasa mga taong gumagawa nito ang tunay na pagbatid kung masama o mabuti ang isang tao" makahulugan niyang sabi.
Nag-kuwento pa si Shenny patungkol sa mga nilalang sa kastilyo 'tulad ng, isinumpa raw ang mga nilalang doon at hindi pa nalalaman ang lunas. Sa bawat kuwento ni Shenny kay Renestica nito, hindi maiwasang magtaka at mamangha siya sa kuwento sa kaniya. Kung kaya...
"Paano mo nalaman na ganoon nga sila?" biglang napahinto sa pag-kukuwento si Shenny at...
"Oras na pala. Malapit nang mag-alasais. Itigil na muna natin ang kuwentuhan at bukas ulit Renestica" tumayo na niyon si Shenny at tangkang aalis na nang...
"Sandali, ang huli kong tanong hindi mo sinagot. Alam ba iyon ng mga taga-baryo? Ngunit lahat ng tinanungan ko ay hindi iyan alam" Hindi inaasahan ni Shenny na hindi pala alam ng mga tao sa baryo ang totoong kuwento. Kung kaya...
"Ahhh, gawa-gawa ko lamang iyon. Hehe. Malapit nang mag-alasais. Kailangan ko nang umalis" ani Shenny.
"Pero huwag ka munang umalis. Puwede bang sa in'yo muna ako? Naglalakbay kasi ako at wala pang matuluyan. Hehe. Pero teka. Tingin ko, totoo ang istorya mo Shenny. At... Isa ka sa kanila, tama?" napahinto ng mga oras na iyon si Shenny kasabay ng pagsapit ng alasais ng gabi. At tumapat sa kaniya ang liwanag ng buwan. Sa unan'y madilim, hanggang sa tuluyang lumiliwanag. Si shenny na nakausap kanina ni Renestica ay...
Isang lobo... Ang kaniyang mga mata ay sing-talim ng mga mata ng tigre. At mayroon syang pitong buntot sa kanyang likuran. At unti-unting lumalabas ang kanyang pangil kasabay ng kaniyang mga tenga sa ibabaw ng ulo niya.
Napaatras ng kaunti si Renestica. Kaya nama'y hindi maiwasang malungkot ni Shenny. Yumuko siya habang tumutulo ang mga luha.
"Ito ang sumpa sa kastilyo namin. Puwede ka nang umalis" sabi niya habang nakayuko.
Nagulat man at napaatras si Renestica noong una, ay nawala rin ito sabay patong ng kaniyang kamay sa ulo ni Shenny at hinimas-himas niya ang ulo nito.
"Shenny, alam kong mabuti ka. Katulad ng sinabi mo, nasa desisyon ng gumagawa nito kung mabuti o masama sila. Mabuti ka. Kasi noong simula pa lamang, hindi mo na ako ginawan ng masama" nakangiting saad nito.
"Tanggap mo ako kahit ganito ako?" tanong niya.
"Oo naman. At saka, kaibigan na kita dahil tinanggap mo rin naman ako"
Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang yumakap si Shenny kay Renestica. Sa mga oras ding iyon, hindi nila alam na may nakatingin na pala sa kanila...
[A/N: Hi guys! Thank you for reading my story. Chapter 1 pa lang tayo, kaya kapit lang! Loveyouuu all! Mwaaaps!]