Alyana's PoV
Nakakainis ahh!
Kanina pa kami nagaantay nang progress nang pagbibigay nang kaso kay Cat, buti nalang talaga at nasa manila pa si manager siya na ang umaasikaso ngayon nung mga dokumento at nagfile narin siya nang kaso sa police station, kinasuhan namin nang anty cyberbullying Act yung bwisit na babae nayun.
Lagot na siya ngayon, oo nga pala guys iiinform ko lang nga rin pala kayo na nagpost narin ako nang sagot ko sa mga pinost niya nung isang araw, yes dalawang araw na ang nakaklipas nang magpost nang magpost si Catrina nang mga kung ano anong fake news patungkol saakin na naging isang malaking issue, lalong lalo na yung pagsasabi niya na retokada lang daw ako. Tsk! Mas mukha nga siyang retokada sakin e, at yung mukha niyang parang canvas na sa dami nang make up na nakalagay, kahit ano pang ilagay niya dun waepek lang yun, lumalabas na kasi sa mukha niya lahat nang kapangitan nang ugali niya, deserve niya lang yung papalapit na pagbagsak niya, buti nga sa kanya!
Nasa loob kami ngayon nang Mandaue City Police Station, kasama ko si Dad, Mom, tito Hario, si Harold at si Steven yung kaibigan daw ni Dad, tsk! Promise talaga hindi siya mukhang nasa 40's tulad nang sinasabi niya.
Kanina pa kami nag uusap nitong si Harold, nagtatanong siya about how's the live in Manila, paano daw ako nagreact nang makita ko na nagbaviral in a bad way, paano ko daw naging kaibigan si Cat, paano daw kami nangaway, and so on and so for na mga tanong na hindi ko na masagot sa dami.
Nung ako naman ang nagtanong about how's the live here, wala naman din siyang mga naisagot, para nga rin siyang ilag na sagutin yung ibang mga tanong ko e, Like kamusta ang mga schools dito, kamusta naman yung buhay dito, may ganito ba dito, tsk! Ewan ko ang weird niya talaga, pero yun nga wala naman akong nagawa kasi kami lang naman yung magkasing age dito at kung ano anong mga pinag uusapan nilang matatanda na wala naman ding akong kaalam alam. Tsk! Nakakainip na talaga, sana pala di nalang ako sumama dito, nakakainis!
"By the way Aya, diba sabi mo may weird ka na napaginipan nung dumating ka mga 4 days ago, what it is nga pala?" Tanong niya, dun niya naman napukaw ang naiinip kong isipan.
Napatingin ako sa kanya.
"Its about, about..." Natigilan ako nang sasabihin ko na sana yung napaginipan ko, napaisip kasi ako na pagisipan lang ako nang baliw nitong lalaking to, di ko pa naman alam ang takbo nang isip niya.
"About?" Tanong niya ulit. Curious, parang interesadong interesado sa panaginip ko.
"Hahaha, its nothing, di naman big deal, just a little nightmare lang siguro, you know madaming iniisip so kung ano ano naring napapanaginipan" Natatawa ko kunwaring sagot sa kanya, nililihis ang kwento, tsk! Baka kasi sabihan lang ako nang baliw nito if I tell him what I dream that afternoon.
Naningkit ang kanyang mga mata matapos kong sabihin yun.
"Mmm... So ano nga yung dream mo, about... what?" Tanong nanaman niya, di ko parin maalis sa utak ko na baka kapag sinabi kong nakapanaginip ako nang mga bampira pagtawanan lang ako nang kumag nato.
"Hahaha, wala lang yun talaga, I tell you, madidisappoint kalang kung yun yung pag uusapan natin, promise!" Sabi ko nalang nagbabakasakaling maalis dun sa usapan nayun yung topic namin.
Ang daldal ko naman kasi e, kung di ko nalang sana kinuwento sa kanya na may napanaginapan akong something weird edi sana hindi na niya itatanong pa yun.
"Okay if you don't want to tell, its okay to me, but I think that dream is bothering you" Napatawa nalang ako nang awkward dagil dun sa sinabi niya. Dyos ko wagna kasing yun yung topic, iba nalang please, ayaw ko na rin ngang maalala pa yung nightmare nayun e, nakakainis!
"Hindi naman, nakalimutan ko narin kasi e, sa susunod nalang na managinip ako nang weird ikukwento ko agad sayo para di ko na makalimutan, hehehe!" Napangiwi ako pagkatapos kong sabihin yun. Pangit ko naman gumawa nang kwento, parang wala namang maniniwala dun.
"Okay if that what you want..." Sabi niya bago nilingon yung mga kasama naming papalapit na pala sa dereksyon naming dalawa.
Una kong nakita ang maaliwalas nang mukha ni Mom, si Dad naman kausap yung kaibigan niya na nakatingin saakin, at si tito Hario naman, chill lang na naglalakad sa likod nila.
Para silang isang Squad na papalapit saming dalawa ni Harold.
Sinalubong ako ni Mom nang matamis na ngiti at yakap.
"Okay na anak! Natanggal na sa Fb yung post, nakapagpost narin tayo nang sagot sa mga tanong nang mga nangbabash sayo. Nangako na ang iba sa kanila na hindi ka na ulit nila guguluhin, this issue is finally done, thank God!" Tuwang tuwang sabi ni Mom matapos niya akong yakapin. Mas tuwang tuwa pa siya sakin ahh, parang siya yung binash nang tatlong araw nang mga to kung makareact tsk! Si Mom talaga!
Pero nawala ang ngiti niya nang tumingin siya kay Dad, pansin ko ang bigla niyang pagkalungkot out of nowhere, bakit nanaman kaya?
"P-pero, we decided na dito... dito ka nalang tumira kasama ang Dad mo, sorry anak kasalanan ko to ako ang nagsuggest sayo na humingi nang tulong sa Dad mo at dahil doon malalayo kana sakin, hindi ka na sakin titira, I'm sorry Aya, I do everything just to change your dad's will but... but I lost" Humina ang boses niya nang nasa dulo na siya nang siansabi niya.
Inexpect ko na yun kaya naman di nalang ako nangreact. Nginitian ko nalang si Mom, I know na sge do anything para makauwi ako nang manila after vacation but offcourse dad's will is dad's will, wqla nang makakapagpaiba nang desisyon niya.
Hayyyssss!
Naiinis ako pero hindi ngayon ang tamang panahon para magdabog at magrebelde, I know naman kasi na ginawa lang din to ni Dad to protect me, ayun naman talaga ang gawain nang mga ama, ang protektahan ang pamilya sa kahit ano pa mang pagsubok.
That is my father and his words is hard as stone, hindi matitibag nang kahit sino, pero kahit ganun paman siya kahard, soft parin siya inside at mahal na mahal niya ako, at kahit ganyan siya kay Mom, alam ko na mahal niya parin ito, magtatagal ba siyang walang asawa if hindi.