Descargar la aplicación
94.33% THE SEARCH: Beryl / Chapter 50: 47

Capítulo 50: 47

CHAPTER 47

Escape

Nanindig ang balahibo ko ng marinig iyon. Binalot ako ng takot, ako ang pakay ni Zandrus!

Bakit?

Mas lalo ko pang binilisan ang aking pag takbo. Kahit na halos madapa ako ay dumeretso lamang ako upang makalayo.

"Hindi ka na makakalayo, ang mabuti pa'y huminto ka nalang!" Sigaw ni Zandrus, ngunit hindi ako nakinig at patuloy na tumakbo.

"Zavan.." bulong ko sa ere, umaasa na dumating siya at iligtas ako sa mga kamay ni Zandrus.

"STOP!" Muling sigaw ni Zandrus.

Pagod na pagod na ako, kinakapos na ako ng hininga. Hindi ko na kayang tumakbo pa, magpatuloy man ako sa pagtakbo ay mahuhuli rin naman nila ako.

So I stopped running.

"Zavan.." Bulong kong muli sa ere.

"Hulihin niyo!" utos ni Zandrus. Sa isang iglap lamang ay dalawang echelons na ang may hawak sa akin.

Sa likod ni Zandrus ay ang mga dukha sa unang distrito kasama si Marcus.

"Nakakapagod kang babae ka!"

"I didn't expect that Prince Zandrus knows how to get tired." Pang iinsulto ko. Napasinghap ako ng bumaon sa kabilang braso ko ang dagger na hawak niya.

Nakita ko ang pagpipigil ni Marcus, kung hindi ako magkakamali ay nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata.

"Huwag kang magkakamali ng sasabihin, simple lang sa akin ang ibaon ka." Pagbabanta nito. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa inis at poot na nararamdaman.

Magkaibang-magkaiba sila ni Zavan, ubod ng sama ang Prinsipeng nasa aking harapan. Hindi siya karapat-dapat sa trono, isa siyang madayang Hari kapag nagkataon..

"ARGH!" sigaw ko ng bunutin ni Zandrus ang dagger na itinusok niya sa akin. "Damn you!" Bumuhos ang dugo mula rito.

"Ako na ang hahawak sa kanya." Prisinta ni Marcus sa dalawang echelons na umaalalay sa akin.

"Oras na makawala siya hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kasama ang mga hampaslupang katulad mo!" Pagbabanta ng isang echelon na may hawak sa akin at itinapon ako patungo kay Marcus.

Marcus catched me, napasubsob ako sa dibdib niya at pasimple niya akong niyakap. Ngunit mabilis lamang iyon upang walang makahalata, kunyari ay marahas niya akong hinawakan at kinaladkad pasunod sa grupo ni Zandrus.

Hindi ako nagsalita, kahit na papa'no ay ramdam kong ligtas ako kasama si Marcus.

"Nahanap na ng grupo ni Zavan ang karamihan sa mga bato. Mahanap lang natin ang batong berilo mananalo na tayo." Wika ni Zandrus.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. They are looking for the eighth stone, at alam kong iyon din ang batong hinahanap nila Zavan.

"Ngayon babae, hindi na bago sa akin ang iyong kakayahan." Ani Zandrus at lumapit sa akin. Itinago ako ni Marcus sa kanyang likod at nagulat ako dahil doon.

"Anong ginagawa mo hampaslupa?" Tanong ni Zandrus, humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Marcus. Alam kong nanggigigil siya sa paraan ng pagtrato ng masamang prinsipe sa amin.

"Oh! Oo nga pala, isa rin siyang katulad mo!" Ani Zandrus at humalakhak. "Huwag kang mag-alala, parehas kayo ng hukay na pag lilibingan kapag may ginawa kayong mali sa aking paningin." Pagbabanta ni Zandrus.

Nais kong matakot, ngunit galit ang nangunguna sa akin ngayon.

"ARGH!" sigaw ko ng walang pasabing hinila ako ng prinsipe at inagaw kay Marcus. Muli sana akong kukunin ni Marcus ngunit pinigilan siya ng dalawang echelons.

"Wag kang magkakamaling saktan siya!" Ani Marcus.

"Isang pagbabanta mula sa isang hampaslupa, matatakot na ba ako?" Ani Zandrus at humalakhak.

"Kayo na ang bahala sa kanya." Ani Zandrus sa kanyang mga echelons. Wala pang isang segundo ay sumuka ng dugo si Marcus dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng isang echelon sa kanya.

"HAYOP! Itigil niyon yan!" Sigaw ko.

"Malapit na rin lang naman s'yang mamatay." Natatawang saad ni Zandrus.

Napaiyak ako ng tuluyang bumagsak si Marcus sa lupa, hindi siya tinatantanan ng mga echelons na bumugbog sa kanya.

"Walanghiya ka! Hayop ka! Tigilan mo kami, itigil niyo yan!" Saad ko at sinuntok ng walang pasabi ang prinsipe sa mukha.

Mukhang nagulat ang lahat dahil sa ginawa ko. Nahinto ang mga echelons pambubugbog kay Marcus at lumapit kay Zandrus.

"PWE!" ani ko at dinuraan ang prinsipe, nang makita kong dumugo ang ilong nito ay tumakbo ako papunta kay Marcus at niyakap siya.

"Marcus, Marcus?" Saad ko at niyakap ang aking kaibigan.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha ng yakapin ako pabalik ni Marcus. Dumikit ang mga dugo niya sa aking balat, tila napag isa ang paghihirap namin ng oras na iyon.

"Fuck that bitch!" Inis na saad ni Zandrus at tinutukan ako ng baril.

"Sige! Patayin mo nalang kami, hayop ka!" Sigaw ko.

"Hindi iyan maaari Zandrus, siya na lamang ang pag-asa natin upang mahanap ang ika-walong batong hiyas." Pagpipigil ng isang echelon sa kanya.

Nakita ko ang panggigigil sa mukha ni Zandrus, ngunit napigilan iyon dahil sa katotohanang kailangan niya pa ang aking mga abilidad.

"Ngayon mo ako subukan." Ani Zandrus at walang hirap na hinablot sa akin si Marcus.

"MARCUS!" sigaw ko, mas lalong gumuhit sa mukha ni Marcus ang sakit. "Ano'ng kailangan mong hayop ka? Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!" Sigaw ko.

Ngunit pinagtatawanan lamang ako ni Zandrus at itinutok ang kanyang dagger sa leeg ni Marcus.

"Ngayon babae inuutusan kitang buksan ang iyong abilidad at pakiramdam kung nasaan ang batong hiyas na berilo kapag hindi mo nagawa ay tutuluyan ko ang lalaking ito." Pagbabanta nito.

Bumaon ng kaunti ang dagger sa leeg ni Marcus dahil dumugo ko.

"Hayop ka!" Saad ko.

Wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Pumikit ako at huminga ng malalim, sa pagdilat ko'y bukas na ang aking abilidad. Malakas, makapangyarihan, at hindi basta-bastang nawawala.

Mas lalong lumawak ang pakiramdam ko, pati ang mga bagay na nasa himpapawid ay akin nang nararamdaman.

Unti-unti kong matutuklasan ang mga bagay na kaya ko pang magawa.

"HANAPIN MO NA!" sigaw ni Zandrus. Nagising ako sa katinuan, mas lalong bumaon ang dagger sa leeg ni Marcus.

Inikot ko ang aking paningin.

"Wala akong makitang batong hiyas." Saad ko.

"NARIRITO ANG BERILO! HANAPIN MO!"

Muli kong inikot ang aking paningin, pinakiramdaman ko rin kung may kakaibang bagay sa lugar na ito.

"Wala talaga akong makita." Tuluyan na akong nanginig. Wala akong makitang batong hiyas, paano kung tuluyan niya na si Marcus?

"Kung ganoon ay humayo ka, pangunahan mo kami kung saan ka nakakaramdam." Utos ng Prinsipe.

Tumayo ako, saka ko naalalang lagpas nang hatinggabi. At ako lang ang nakakakita ng maayos sa madilim na gubat na ito. Tanging ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa mga kasama ko ngayon.

"Nagniningning iyon, kakaiba iyon sa simpleng bato. Berdeng maasul asul, lahat kayo maghanap!" Utos nito sa lahat ng kasama niya.

Kinapa ko ang aking bulsa, may mga dart pa ako roon.

Ang compass ni Zavan! Nasa bulsa ko pala ang compass ni Zavan!

Muli akong nabigyan ng pag-asang mahahanap ako ng aking Prinsipe, nasa akin ang compass niya.

The Prince will look for me, right? Im still safe, alam kong hahanapin niya ako.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C50
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión