Descargar la aplicación
46.8% She Leaves (Tagalog) / Chapter 22: The Husband's Other Friend: Part 1

Capítulo 22: The Husband's Other Friend: Part 1

Dumaan ang ilang linggo na nasa penthouse pa rin ako ni Darry. It feels normal kahit na malamig ang turing ni Darry sa akin. It feels punyemas normal kasi pinapatulan ko ang pagiging cold niya. I told you, varsity player ako sa larangang iyan.

Gaya ng una kong sinabi, ako ang magha-handle ng Manila office namin. Hindi naman daw masalimoot ang pagha-handle ng office dito sa Manila dahil marami naman akong makakasama. My other cousins were also here, handling the other businesses under Osmeña Business Empire.

At saka front lang naman itong meron akong iha-handle na opisina ng Osmeña Business Empire. Wala rin naman akong gagawin, binigyan lang naman talaga ako ng opisina sa malaking building na ito para may tahimik na lugar akong review place. You know naman, not a fan of group studying kaya ayoko sa review center although gusto ko sana para may challenge but I don't want to take the risk. Ganoon kasi 'yon. And besides, minsan naman may tinatrabaho ako rito sa opisina kaya multitasking ako rito. I also have my own secretary who almost handle my works. She's Aira Macellones.

Sa penthouse naman... hindi kami masiyadong nagpapansinan ni Darry dahil na rin sa sobrang busy. Maaga siyang umaalis at kung uuwi naman ay sobrang gabi na. Siguro pino-proseso na ang merging ng dalawang company kaya siya naging abala. Ito 'yong tinatrabaho niya ngayon dito sa Manila. Wala rin namang problema sa akin 'yon, sa tingin ko nga mas mabuti 'yon kasi abala rin ako kung uuwi ako sa penthouse, lalo na kung weekend. I always spent it with reviews and sleeping. Kung wala nga lang si Alice at Erna dito, baka napanis na ang laway ko. But that's fine with me, sa tingin ko nga pinaka mas mabuti 'yon kasi mas lalong lumalamig ang penthouse sa pagiging cold niya! Punyemas mo, Darry! Pasalamat ka kailangan kong mag-review kaya hindi ko papatulan 'yang inaasta mo!

Isang buwang naging ganoon ang routine ng buhay ko. Mukhang nasasanay na nga ako kaka-review, e.

I sighed and look up the ceiling.

It's the last week of June and I've been self-reviewing for more than a month now, approaching two months, pero kaonti pa lang ang nari-review ko. I am enrolled in a review center pala here in Manila kaso hindi lang ako uma-attend ng review kasi ipinapadala lang sa akin ang mga modules, powerpoints, and other notes na d-in-iscuss during the review. Pumupunta lang ako sa review center 'pag may diagnostic testing. So far, maayos naman ang last diagnostic test result ko pero kailangan ko kasing mag-double time yata. Napapadalas kasi ang mga meeting na dinadaluhan ko sa opisina kaya nauudlot ang pagri-review ko. Ayoko namang sabihin na ayoko munang um-attend ng mga meeting dahil sa review pero kailangan kasi ako roon. Lalo pa't hanggang ngayon, nawiwili pa rin si Mama at Papa sa Pennsylvania at ayaw na yatang umuwi. Aaaaaah! Ka lami!

It's a gloomy Monday afternoon. Mamayang alas-tres ay may meeting na naman ako. This time, hindi na tungkol sa kahit anong business ng Osmeña Business Empire, a-attend ako sa meeting para sa Lizares Sugar Corporation.

It's a meeting with a construction firm na siyang mangunguna sa pagri-renovate ng iilang building ng milling, isasama ako kasi siguro may connection ang construction firm sa pagiging soon to be engineer ko? Aba ewan kung anong trip nila. Dito ang venue sa Osmeña Building kaya nandito lang ako sa opisina habang naghihintay ng go-signal sa secretary ko. Tumigil na rin muna ako sa pagri-review ng Hydraulics kasi malapit ng mag-alas-tres. Nakatingin na lang ako sa mga ulap sa labas ng malaking glass wall ng opisina.

"Missis Lizares, the meeting is about to start."

Wala sa sarili akong napa-irap nang marinig na nga ang sekretarya ko. Humarap ako sa kaniya at muling umirap.

She's been calling me that since day one! And I hate it.

Bigla siyang ngumisi nang nakakaloko atsaka nag-peace sign.

"Masanay ka na kasi Boss. Dalawang buwan na kitang tinatawag na ganyan. Dapat masanay ka na talaga Missis Lizares."

Umismid ako sa naging rason ni Aira, my secretary, younger than me. Iwinasiwas ko sa kaniya ang kamay ko at nagsimulang kunin ang phone ko para makaalis na.

"Okay, okay, whatever. Just give me time. Sinong nandoon?"

Sinabayan na niya ako sa paglalakad at siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto.

"Si Sir Darry at iilang stockholders ng Lizares Sugar."

Tumango-tango naman ako habang pasakay kami ng elevator.

"'Yong construction firm na magpi-present ng design nila, nand'yan na?"

"Opo, boss, ikaw na lang ang hinihintay."

What?

"Bakit hindi mo ako agad inabisohan? Ako 'yong nandito sa building na 'to tapos ako 'yong late? Aira naman!" Gulat na gulat na tanong ko sa kaniya.

That's a bad etiquette, you idiot!

"Relax, boss! Bilin po kasi ni Sir Darry na tatawagin ka lang kung kumpleto na ang lahat," pagpapakalma naman ni Aira sa akin.

"Kahit na! Okay lang kung ako ang maghintay kesa ako 'yong hihintayin! Malalaking tao 'yong mga 'yon tapos ako na kaka-graduate lang at wala pang napapatunayan sa buhay ang hihintayin? Sa susunod sa akin ka na makikinig, ako ang boss mo hindi si Darry. Understood?" Mahabang litanya ko sa kaniya at saktong nasa tamang palapag na kami ng conference room.

"Opo boss, pasensiya na, utos lang kasi."

Tumango na lang ako at pinakalma ang sarili. Walang patutunguhan kung magagalit pa ako sa kaniya. Magkaka-wrinkles lang ako. 'Wag na.

"Papalampasin ko 'to, sa susunod sa akin ka na makikinig kasi ako ang boss mo. At kung may mag-uutos man sa'yo, consult it to me first."

Tumango naman si Aira at ilang lakad pa ang ginawa namin at nakarating din kami sa conference room.

Kahit alam kong late ako, taas-noo akong pumasok ng room na iyon. At sa inaasahan, nakatingin sila sa akin. Ni wala akong tiningnan sa kanila kasi diretso lang talaga ang tingin ko. Iginiya ako ni Aira sa isang bakanteng swivel chair sa tabi ni Darry.

"Good afternoon everyone," pahapyaw na bati ko sa lahat. Still without looking at them.

"Siya na nga 'yong nasa malapit, siya pa 'yong late."

Ops?

Parang robot kong nilingon ang ulo ko sa direksyon ng babaeng nasa kanang banda ko, mga two chairs away from me. Rinig na rinig ko kasi ang bulong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

Sino ba 'tong babaeng ito?

"You can start now, Engineer." Narinig kong sabi ni Darry sa tabi ko pero nanatiling sa babaeng iyon ang atensiyon ko.

Alam na alam ko, girl, na ako ang pinaparinggan mo! Alam na alam ko! Problema mo? Kung wala lang tayo sa isang meeting, baka pinatulan na kita.

Nagsimula ang presentation pero hindi ko magawang ibaling doon ang tingin ko. Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng iyon. Naka-office attire nga siya pero nagsusumigaw naman ang dibdib niya na parang puno na at nag-uumapaw pa. Sexy siya, maganda, naka-kulot ang mahabang buhok at full-blown ang make-up. Sino ba 'to? Ba't ba 'to nandito?

"What do you want?"

Punyemas.

Automatic kong naiwas ang tingin sa babae nang marinig ang bulong ni Darry. At mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ang presensiya niya malapit sa akin. Humigpit ang hawak ko sa arm rest at pinakalma ang sarili.

"I'm fine with coffee," sagot ko naman at sinubukang iharap ang atensiyon sa nagpi-present sa gitna.

Oo girl! Maraming tao rito kaya ka niya kinakausap. Ganoon naman 'yon, e. Sobrang lamig at hindi namamansin 'pag kaming dalawa lang tapos kung maraming tao at maraming nakatingin, siya pa unang pumapansin sa akin. Pati 'yon pinalampas ko at hindi ginawang big deal pero kailangan kong magtimpi. Kung ayaw kong masira ang pagri-review ko.

Naramdaman ko ang paglayo niya at may inutusan somewhere pero wala na roon ang atensiyon ko, nasa nagpi-present na sa gitna.

Punyemas. What the shit! Is... this... real?

Pagsabog. Granada. Kaba: Unti-unting naramdaman 'yan ng aking sistema. Umusbong ang kaba nang makita ko ang isang pamilyar na mukha sa aking harapan. Gusto kong isipin na namamalikmata lang ako. Gusto kong isipin na kamukha niya lang ito. Gusto kong isipin na mali ang iniisip ko.

Buong oras na nagsasalita siya sa gitna ay hindi ako nakapakinig. Buong oras hindi ko mapulot ang sanity ko. Buong oras akong lutang. Buong oras kong nilalabanan ang mga iniisip ko. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya 'yon pero mas lalong nawasak ang kagustohan kong paniwalaan ang mga iniisip nang makita ang pangalan niya sa screen.

Engr. Thibault G. Valmayor

Punyemas. Punyemas. Punyemas. Isa pang punyemas!

Labing isang taon. Labing isang taon kitang hindi nakita. Labing isang taon akong pahapyaw na umaasa na sana... magpakita ka sa akin at tuparin ang minsan mong ipinangako sa akin kahit na nawalan na iyon ng bisa. Labing isang punyemas na taon, Tibor! Punyemas!

I tried clearing my mind. I tried going back to earth kahit sunod-sunod na alaala na ang pumapasok sa utak ko. Kung dati, motorsiklong alaala lang ang dumadaan, ngayon, punyemas, isang dump truck na! Punong-puno pa.

Ibinalik ko ang sarili ko sa realidad at dahan-dahang tumayo habang abala ang lahat sa pag-alis sa opisina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa meeting dahil buong oras akong lutang. Ang gusto ko lang, lumabas sa conference room na ito.

At 'yon nga ang ginawa ko. Lumabas ako ng conference room. Halos takbuhin ko na nga ang elevator para agad makasakay at makapunta sa opisina.

Wala na akong pakialam kung may makapansin sa wa poise kong pagtakbo, that's the last thing I want to think of right now: other people's opinion.

Naabutan ko si Aira sa labas ng opisina ko, sa table niya, kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"O, boss?"

"'Wag kang magpapapasok sa opisina ko nang kahit sino. Sabihin mo umalis ako o 'di kaya'y busy. Basta gumawa ka ng rason," diri-diretsong sabi ko na ikinagulat niya.

"P-Po?"

"Basta, sundin mo na lang ang utos ko."

"Sigurado po kayo? Hindi po ba kayo pupunta sa closed door meeting nina Sir Darry kasama si Engineer Valmayor, Boss?"

Mariin akong napapikit. Good thing I runaway or I'll suffocate myself in that closed door meeting.

"Sundin mo na lang ang utos ko, Aira. No one will enter my office."

"Maski si Sir Darry, boss?"

"Specially Darry," huling habilin ko bago pumasok sa opisina at ini-lock ang pinto.

Sumandal ako sa pintuan ng opisina at napatitig sa glass wall. Patuloy pa rin sa pagpasok ang mga alaala, labing isang taon na ang nakakaraan. Naglakad ako papuntang table at umupo sa swivel chair with trembling knees and trembling hands. I tried composing myself but I just can't stop the memories from coming back.

I thought I already forgotten it? I thought I'm done dealing with it? But why am I still trembling with... fear and a slight smile of happiness?

Goddamn it!

How could I ever forget his face when he's my living proof of what happened one summer afternoon that changed my perspective in life.

Sinapo ko ang ulo ko. Pinipilit na ilabas ang mga luha, baka sakaling mawala ang nginig. Baka sakaling mawala ang mga alaala.

I did a breathing exercise I used to do: Inhale seven seconds, exhale seven seconds.

Ilang minuto akong ganoon hanggang sa kumalma ang sistema ko. Nakatitig lang ako sa sahig ng opisina.

At no'ng maging okay, hinarap ko ang Macbook at pumunta ng Google. Tinipa ang kaniyang pangalan.

Thibault Valmayor

And like always, in a span of seconds, results in all shapes and sizes rush through. May pinindot akong isang article. Tahimik ko itong binasa.

'Engr. Thibault Valmayor, the rising international civil engineer of his generation.'

He's now succesful in a field the same as mine. What are the odds? What are the punyemas odds to be in the same field as him? Punyemas!

Hindi ko tinapos ang article at bumalik ako sa Google para maghanap ng larawan niya. Cl-in-ick ko ang images, and there... I saw thousand pictures of him. There's a photo of him in a party with and without a girl, a photo on his groundbreaking ceremony, in a bar... with girls and friends… punyemas!

Punyemas! Pagkakataon nga naman!

Matinding singhap ang nagawa ko nang makita ang isang litrato ni Tibor kasama ang mga lalaki na pamilyar sa akin, pamilyar na pamilyar.

He's punyemas with Darry's friends and Darry himself! Punyemas! What are the odds? Punyemas!

Pabagsak kong isinarado ang Macbook at padarag na sumandal sa swivel chair.

Ayoko nang mag-isip. Kaonti na lang sasabog na ang utak ko. I don't want to stand, baka hindi kayanin nang nanghihina kong katawan dahil sa mga na-diskubre. Of all the time na nagkaroon ako ng lakas ng loob na hanapin ang pangalan niya sa internet, bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa!

O kay liit nga naman ng mundo at hindi ako natutuwa sa kaliitan nito!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatiling tulala sa opisina ko. Basta ang alam ko, nawalan ako ng lakas.

Nang mapansing madilim na ang paligid ko at automatic na bumukas ang mga ilaw sa loob ng opisina ay nagkaroon ako ng lakas para abutin ang intercom na naka-konekta kay Aira sa labas. Buong mga oras na nandito ako sa opisina ay walang nang-istorbo sa akin. Hindi ko alam kung meron bang naghanap sa akin o wala talaga, basta ang importante, nagkaroon ako ng oras para mag-isip. Kaya bilang pasasalamat, kailangan ko nang pauwiin si Aira, baka naghihintay pa kung kailan ako lalabas.

"Aira..."

"Yes, Boss?" Medyo nakahinga ako nang maluwag nang sumagot si Aira sa intercom.

"You can go home now, no need to wait for me."

"Ikaw po Boss?"

"I need to finish something, medyo matatagalan kaya ma-una ka na."

"Sigurado ka Boss?" Puno nang paniniguradong tanong niya.

"Yes, Aira. By the way, may naghanap ba sa akin?"

"Yes, Boss, 'yong secretary ni Sir Darry."

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Anong sadya?"

"Hinahanap ka for the closed door meeting, Boss, tapos nagtanong na rin kung bakit ka raw biglang umalis ng conference room pagkatapos ng meeting."

I sighed again.

"Anong sinabi mo?"

"Sinabi ko po na nagri-review po kayo at ayaw n'yo pong pa-istorbo. Pero sa pag-alis n'yo kanina, Boss, na hindi ko naman alam, ay wala akong sagot kasi nga hindi ko naman alam. Umalis pala kayo Boss?"

I sighed for the third time.

"Good. Puwede ka nang umuwi, Aira," I said ignoring her last question.

"Ay teka, Boss, pinapasabi nga rin pala ng secretary ni Sir Darry na lalabas po raw siya kasama ang mga kaibigan, Boss. Kung gusto niyo raw pong sumunod, nasa Bank Bar po sila."

Oh, hell no! Not gonna happen, lalo na kung nandoon si Tibor.

"Okay. Ingat ka, Aira."

"Ikaw din Boss. 'Wag masiyadong magpakalunod sa pagri-review, may bukas pa Boss."

A sly smile crept in my lips when I heard her say that.

"I will," 'yon lang ang sinagot ko at hindi na pinansin ang intercom kasi pinatay na rin naman ni Aira ang connection niya.

Sumandal ulit ako sa swivel chair at inikot ito. Hinarap ko ang madilim na kalangitan at ang maliwanag na ciudad sa ibaba. Nang ma satisfied sa masalimoot na tanawin ay tumayo ako para pumunta sa mini pantry at kumuha ng isang bote ng Heineken.

Bumalik ako sa harap ng glass wall at nilagok ang alak.

Naka-apat na lagok ako nang mag-ring ang phone ko. Sinulyapan ko iyon at nang makitang si Alice ang tumatawag ay in-accept ko iyon at ni-loudspeaker.

"Anong atin?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa madilim na tanawin sa labas.

"Hindi ka ba uuwi, Ma'am MJ?"

Lumagok ako sa alak na hawak.

"Bakit?"

"Anong bakit? Kanina pa kaya tapos ang office hours n'yo." Napa-iling ako sa litanya ni Alice. "O baka gumigimik ka rin? Hindi ba kayo magkasama ni Sir Darry?"

"Hindi ako gumigimik at hindi ko siya kasama."

"Alam namin na hindi mo siya kasama. Tumawag kanina, e, tinatanong kung nakauwi ka na ba tapos pinapasabi na nasa Bank... ano nga 'yong sinabi ni Sir Darry kanina, Erna?"

Punyemas.

Halos masamid naman ako sa iniinom ko dahil sa sinabi ni Alice. At talagang tinanong pa si Erna.

"Banko de oro?" Mas lalo akong nagpigil ng tawa dahil sa sinagot ni Erna sa kaniya.

"E banko 'yan, e. Para sa pera 'yan!" Ani Alice, mukhang pinapagalitan si Erna. E, siya rin naman nakalimot.

"Bank bar!" sabi ko.

"Oo! Tama! Bank bar nga. Nandoon daw sila kasama 'yong mga guwapo niyang kaibigan."

"Okay. Uuwi ako mamaya. D'yan ako kakain," huling sinabi ko at ako na mismo ang nag-end ng call.

Punyemas, Darry. Ganyan ka ba talaga ka lamig sa akin at sa ibang tao mo pa sinasabi ang wherebouts mo? How about a text, Darry? Can't do that, huh? Punyemas!

Matapos ang ilang minutong pagmuni-muni sa opisina ay naisipan kong umuwi na. Gaya ng sinabi ko kay Alice, sa penthouse nga ako kumain ng hapunan.

Alas-diyes na ako nakauwi ng penthouse. Gaya ng inaasahan, hindi pa rin nakakauwi si Darry. Inasikaso agad ako ni Alice kasi si Erna, nakatulog daw kaka-aral kaya hindi ko na pinagising nang makarating ako. Mag-isa akong kumakain habang si Alice ay nasa harapan ko lang, nakaupo at mataman akong pinagmamasdan sa bawat subong ginagawa ko. Masiyado akong gutom para pansinin ang mga titig niya. Uminom ako ng tubig at bahagyang tumikhim. Inilapag ko ang kubyertos at tiningnan si Alice.

"Kumusta pag-aaral n'yo?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

Oo, pinapag-aral ko ng college ang dalawang ito kaya ko sila sinama sa Manila. High School lang kasi ang natapos nilang dalawa at dahil pa 'yon sa Alternative Learning System ng government. But now, I am letting them study and their schedules are only on weekdays, 'yong wala kaming dalawa ni Darry sa penthouse dahil agahan at hapunan lang naman kaming dalawa rito at kung minsan wala pa nga, e, kaya swak lang sa schedule nila. Kahit na gustong-gusto kong manatili sila sa akin habang-buhay kasi napalapit na rin ako sa kanila, alam kong hindi puwede kaya hinahayaan ko silang mag-grow with their own.

"Mabuti naman. Pareho pa kaming nag-a-adjust ni Erna sa bagong paligid namin," sagot naman niya kaya napangiti ako.

"Pagbutihan n'yo ha? At kung mahirapan man kayo, sabihan n'yo lang ako baka may maitulong ako," ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kaya na namin, Ma'am. Malaking tulong na nga 'yong pareho mo kaming pinag-aral ni Erna, e."

Ngumiwi ako habang ngumunguya ng pagkain.

"Ngayon ka pa talaga tatanggi sa offer ko, e, hindi nga matatawaran no'n ang mga pambabara mo sa'kin. Hindi naman ako nagreklamo kaya kahit sa ayaw at sa gusto n'yo, aabisohan n'yo ako sa mga kailangan n'yo, ha? At saka just think of it as a kabayaran sa mga pambabarang ginawa mo sa akin noon," itinuro ko pa sa kaniya ang tinidor kaya natawa siya. Natawa na rin ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Natahimik din si Alice. Pero ilang minuto ang nakalipas ay bigla ulit siyang nagsalita.

"Ma'am MJ, ayaw ko sanang itanong 'to pero matagal ko na kasing napapansin..."

Umiinom ako ng tubig nang magsalita si Alice.

"Na ano?" Nagkamot siya sa may noo niya at mukhang hesistant kung ano mang gusto niyang itanong sa akin. "Ano ba kasi 'yang itatanong mo at parang natatakot kang itanong sa akin 'yan?" panghahamon ko sa kaniya.

"Ano kasi... m-may problema ba kayo ni Sir Darry, Ma'am?"

Sana pala hindi mo na lang itinanong, Alice. At sana hindi mo pinilit, MJ!

"Paano mo naman nasabing may problema kami? Wala, a!" Pilit akong ngumiti at inubos ang laman ng baso ko bago tumayo.

"Ako na, Ma'am." Liligpitin ko na sana ang pinagkainan ko nang naunahan ako ni Alice na kunin ito. "Sigurado ka, Ma'am? Ayaw ko sanang manghimasok sa relasyon n'yong dalawa, ha, pero matagal na kasi naming napapansin na hindi kayo nagpapansinan na dalawa at saka kung magpapansinan man, tungkol naman sa trabaho ang pinag-uusapan." Sinundan ko si Alice patungong kusina kaya patuloy siya sa litanya niya.

I swallowed hard. Very very hard. Ayan, hindi lang pala ako ang nakakapansin, pati pala ang dalawang kasama namin sa bahay. Ganoon ba ka obvious 'yon?

Pagak akong tumawa sa pinagsasabi ni Alice.

"Wala kaming problema 'no," sagot ko naman.

"Nahihiya ka pa rin ba kay Sir Darry o talagang may hindi kayo pagkaka-unawaan?"

Hindi ko alam Alice! Tanungin mo 'yan sa yelo mong amo!

"Ganoon lang talaga ang mag-asawa, Alice. Lalo na kung parehong abala ang mag-asawang iyon sa mga trabaho nila. Nauubusan minsan ng oras pero nananatiling magkasama."

Tama, MJ! Ang galing talaga ng rason mo!

"Baka, Ma'am, sa kaka-focus n'yo sa trabaho ng isa't-isa, tuluyan na talaga kayong mawalan ng oras hanggang sa hindi na kayo ang magkasama."

Very very light na bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Alice nang gabing iyon. Hindi ko alam. Baka nga? Pero ito naman ang gusto ko 'di ba? Ang hindi kami masiyadong ma-attach sa isa't-isa kasi nga maghihiwalay din naman kami.

Kaya kinabukasan, hindi na ako nagtaka na mas na-una nang umalis si Darry patulak ng opisina. Hindi na rin ako nagtanong kung anong oras siyang umuwi dahil hindi rin naman alam ng dalawa naming kasama sa bahay. Maybe it's another day of ignoring each other, then.

Bored na bored ako sa opisina. Wala akong meetings. Wala akong ibang trabahong kailangang trabahuin. Tapos ko na rin ang module ng Hydraulics. Nakaka-bored! Kaya ang ginawa ko, tinusok-tusok ko ng toothpick ang scratch paper na meron ako.

Wala naman akong matawagan na malapit na kaibigan dahil pare-pareho silang abala. I want to hang out and have a vacation! Kailan ba kasi babalik sina Mama?

Nag-beep 'yong intercom kaya napalingon ako roon.

"Boss, si Sir Darry nandito po."

Nice! Umayos ako sa pagkakaupo at hinagilap ang mga notes kong itinabi ko na kanina. Inilatag ko 'yon sa harapan ko at nagbasa. At saka ako sumagot kay Aira.

"Okay..." Malamig kong sinabi.

Ilang segundo lang ay nagbukas na ang pintuan ng opisina ko. Hindi ako lumingon, nilabanan ko ang urge at nanatiling sa mga papel ang tingin ko kahit na wala naman akong naiintindihan.

Mapagpanggap, MJ!

"Are you reviewing?"

Pinilit kong igalaw ang mata ko habang nakayuko pa rin pero ang tanging naaninag ko ay ang pang-ibabang parte ng katawan niya. Sa may ano... sa may... shut it out, MJ! Ang laswa mo nga!

"Yes, why?"

O, ano? Akala mo ikaw lang ang marunong mang-ignora, ha? Kaya ko 'yon.

"Okay."

Bigla akong may narinig na paalis kaya agad kong naiangat ang ulo ko. Tama nga ang hinala ko.

"B-Bakit sana?" Ano bang ginagawa niya rito? Pinuntahan niya ba ako para itanong lang sa akin 'yon? At kailangan kong magtanong kung para saan kasi nga bored ako 'di ba? Kailangan ko ng gagawin. "May gagawin ba?" Lakas loob na tanong ko habang nakatalikod siya.

Doon ko napagmasdan ang kabuuan niya kahit na nakatalikod siya. Humahaba na naman ang buhok niya pero hindi kasing haba ng dating buhok niya pero halatang hindi siya nagpa-haircut after that engagement party. Naka-gray suit siya na sobrang hapit na hapit sa kaniya. At nakapamulsa. Sa dalawang buwan naming magkasama sa iisang bubong, ngayon ko lang siya napagmasdan sa kabuuan niya in an office suit. And it suits him well, very well.

"Mom and Dad are here in Manila and they want to have a lunch with us but if you're busy-"

"Tara na!" Agad kong kinuha ang handbag ko para makalapit sa kaniya at unahan na siya sa paglalakad. Palapit na sana ako sa pinto nang magsalita siya.

"But you're reviewing, we can do it next time."

Lumingon ako sa kaniya at matinding paglunok ang nagawa ko nang makita na ang front view niya.

He is so punyemas handsome! Punyemas! Kailan ko ba huling natitigan ang mukha niya? Maybe two weeks ago? Two months? Ganoon ba katagal para hindi ko mapansin na meron nang balbas ang mukha niya?

"I have the time in the world to review at minsan lang pumunta rito ang Mom and Dad mo so let's go!" Iminuwestra ko pa ang pinto. Umiling at lumabas na lang ako.

"Boss... aalis po kayo, Boss?"

"Lunch with Tita Felicity and Tito Gabriel. Babalik din ako agad."

"Asawa na kita and two months na tayong kasal. You should, by now, call them Mom and Dad," with conviction niyang sabi kaya napaayos ako ng tayo.

Umirap ako sa sinabi niya. Nakita ko pa si Aira na ngumiti pero sinamaan ko lang ng tingin. Kung anong iniisip, e.

"Sige, Boss, Sir Darry, ako na po muna ang bahala sa opisina. Enjoy po kayo sa lunch n'yo, Boss!"

Inirapan ko si Aira at kinawayan na lang siya.

"Babalik din ako agad, 'wag kang OA sa pagbabantay."

"I'm afraid you can't go back here in the office after the lunch. Mom wants to be with you."

May kawala pa ba ako?

"Ang daldal 'pag may kaharap na iba," bulong ko sa sarili ko bago ko siya hinarap at nginitian nang pagkalawak-lawak. "Tara na, baka naghihintay na sina Mom and Dad," at in-emphasize ko talaga ang word na Mom and Dad.

Punyemas mo, Darry!

Naglakad na kami papuntang elevator. Tahimik at pinilit ko talagang manguna sa paglalakad. Wala na rin namang tao, hindi na siya magpapanggap na ayaw niya akong kausap kung 'yon talaga ang ginagawa niya. Nagpapanggap na mabuti ang samahan namin kahit na hindi. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi, parehong hindi namin ginusto ang kasalang ito. I guess i'll go with the flow?

Noong nasa elevator kami at kaming dalawa lang, medyo may distansya siya sa akin. Pero noong may biglang pumasok ay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang baywang ko.

Punyemas.

Halos singhapin ko pa ang lahat ng hangin sa elevator na ito dahil sa ginawa niya. Punyemas. His bare hands on my waist. Punyemas. Kalma, MJ, your ex-flings already did that, dapat hindi ka na manibago.

"Good morning, Boss MJ, Sir Darry," magalang na bati ng dalawang babae na pumasok sa elevator. Ngumiti ako sa kanila para ipakitang hindi ako apektado sa ginawa ni Darry.

Hindi talaga! Kahit na amoy na amoy ko na ang manly scent niya na halos sakupin na ang buong sistema ko. Punyemas? Ang bango niya! Hindi nakakaumay!

Diretso lang ang tingin ko kahit na kitang-kita sa gilid ng aking mata na maya't-maya ang tingin ng dalawang empleyado, tapos biglang magbubulongan at maghahagikhikan. Punyemas naman.

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang lumabas ang dalawang empleyadong iyon at naiwan na naman kaming dalawa.

Ang akala ko, babalik siya sa distansya niya kanina pero nanatili siyang nakahawak sa aking baywang na animo'y mawawala ako kapag binitiwan niya.

"You can get your hands off me. Wala na rin namang nanunuod," matigas na sabi ko habang hinihintay na bumukas ang elevator door.

"What? I can't do this to my wife?"

I can feel that Darry Lizares is mockingly smiling at me so I mockingly laugh at his remarks.

"Oh come on, Darry. Alam nating dalawa na nagpapanggap ka lang na maayos ang relasyon nating dalawa bilang mag-asawa. You're just pretending that you're treating me right in front of others. You're just pretending that everything is fine. 'Di ba?" Nilakasan ko ang loob ko na lingunin siya at padarag na inalis ang kamay niya sa baywang ko at nag-martsa palabas ng elevator.

Hinanap ko ang kotse niya at no'ng makita ay hinintay kong pindutin niya ang car alarm para mapagbuksan ako. Nakahawak na ako sa knob ng car door.

"Aren't you?"

Aren't I? What the shit? Ako pa? Ako pa talaga ang nagpapanggap?

Agad din naman niyang binuksan ang car alarm kaya padarag ang bawat kilos ko hanggang sa makaupo ako sa kotse niya at nakapag-seatbelt.

Kalmado naman ang naging pagpasok niya pero kakasarado niya pa lang sa pinto ng kotse ay niratratan ko na siya.

"Anong ako? Sino ba sa atin ang hindi namamansin? Dinaig mo pa aircon ng penthouse mo sa sobrang lamig! Pero kung nasa harapan ng maraming tao, sa harapan ng ibang tao, kung makipag-usap ka sa akin na parang I'm your closest friend in town!"

Namnamin mo, Darry! Namnamin mo ang dalawang buwan kong itinagong mga salita! Namnamin mo!

Sinulyapan ko siya ng tingin at mahigpit ang hawak niya sa steering wheel pero ni paandar ng kotse ay hindi man lang niya ginawa. Nandoon lang siya, mahigpit ang hawak sa steering wheel habang nakatingin sa harapan niya. Sa kawalan.

"I am your husband not some kind of friend, wife."

Mariin akong pumikit. Pinipigilan ang sariling sumabog.

"Oo, Darry, alam nating dalawa na hindi naman natin talaga gusto ang kasalang ito pero kahit isang magandang pakikitungo lang kahit walang nakakakita, Darry? Kahit 'yon lang? Hindi 'yong hindi mo ako pinapansin 'pag nasa bahay tayo. Hindi 'yong 'tsaka ka lang makikitungo sa akin nang maayos 'pag maraming nakakakita? Mahirap ba talaga akong pakitungohan, Darry?"

O, ayan pa! Lasapin mo 'yan, matagal kong pinag-praktisan 'yan! Mga dalawang buwan lang naman! Nakakairita! Nakaka-frustrate. Sobra! Naglagot na jud ko!

Hindi kami nagsisigawan pero mararamdaman sa mga boses namin ang diin at ang tensyon.

"Who told you I don't like this marriage?"

Ang sarap mong balibagin, Darry!

Mariin kong hinilot ang sentido ko, pinipigilan pa rin ang sariling sumabog. Kaonting-kaonti na lang talaga! Bakit ba hindi niya makuha ang point ko! Bakit ba sa isang pangungusap lang ng paragraph na sinabi ko siya magri-reak!

Marahas akong huminga at napatingin na rin sa harapan ko. Pinapakalma ang naghuhuramentadong isipan.

"Wala akong pakialam kung ayaw mo o gusto. Ako, ayaw ko, pero sinubukan ko ang sarili kong pakitunguhan ka nang maayos." Ngayo'y kalmado na ako. Kalmadong-kalmado na.

"What do you want me to do, then?" Kalmado na rin siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Ayoko nang ulitin ang kung anong sinabi ko kanina.

"Just drive."

"What do you want me to do, Maria Josephina Constancia Lizares?"

Punyemas.

I never thought my name will be that beautiful 'pag siya ang nagsabi, 'pag galing sa labi niya. I never thought na bagay ang pangalan ko sa apelyido niya.

What the shit, MJ! Ano ba! May giyera o! Nagawa mo pang magpahinga?

"Just drive, Darry! We're fucking late!" Pinandilatan ko siya ng mata at iminuwestra pa ang harapan niya para sundin niya ang gusto kong gawin.

Bumalatay sa mukha niya ang iritasyon at ang gulat. Sasagot na sana siya kaso biglang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya ito at sinagot.

"Yes Mom?" nanahimik ako nang sagutin niya ang tawag. It's Mommy (awkward) Felicithea pala. "We're on our way Mom... Okay." 'Yon lang at pabato niyang inilagay ang phone niya sa dashboard sa harapan ko at sarkastiko akong tumawa.

"Galit ka na n'yan?" Sarkastikong komento ko sa ginawa niya.

Pinaandar na niya ang kotse niya.

"Don't ever use profanity against me, wife."

Profanity! Profanity. Profanity. Punyemas, Tangina. Fuck. That. Shit. O ano pa? Madami pa akong mura rito!

Medyo mabilis ang pagpapatakbo niya papunta sa kung saan man kami magla-lunch.

"Stop calling me wife! It's cringing! Kanina ka pa ha!" Singhal ko sa kaniya bago padarag na bumaba ng kotse niya nang makarating kami sa lobby ng Shangri-La Hotel. Binilisan ko na rin ang lakad ko para hindi niya ako maabutan.

Pero masiyado yatang mahaba ang bias niya at agad niya akong nasundan.

"I'll keep calling you wife, then," and he hold my hand and entertwined his fingers to mine. He entertwined our hands, not leaving any small space of our palms. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na halos mapahinto ako sa paglalakad.

What the shit is happening? I've hold other boys hands before but what is this?

I feel fireworks blow up inside me. Sandamakmak na fireworks na umabot sa tiyan at para akong giniling. What the shit? What is this feeling? Oo, may gusto ako sa kaniya pero dahil sa pang-i-ignora niya sa akin, winala ko 'yon.

Kaya... ano 'to? Bumabalik ba? Nawala ba talaga o naitago ko lang? Ano ba 'to?

~


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C22
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión