Descargar la aplicación

Capítulo 7: 07

"Who's that guy? Bakit palaging nakabuntot sayo ang lalaking 'yon? Kilala mo ba siya? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya sa school." sunod sunod na tanong sa akin ni Grant habang nagmamaneho ito. Diretso ang tingin nito sa daan at hindi ito tumitingin sa akin. Eto ang dahilan kung bakit gustong gusto kong sumama sa kaniya, pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko siya.

Kahit pa kung minsan ay napaka sungit niya at hindi mo maintindihan ang ugali. Kahit pa ang hirap basahin ng kinikilos niya at expression niya, kahit pa kung minsan binabalewala ako nito.

Umiling ako rito, "Hindi ko siya kilala. New student siya at kaklase namin. Wala siyang kaibigan kaya sa amin tinatangkang sumama. Sino ba naman kami para humindi? Kawawa naman 'yong tao kung hihindian namin." saad ko na agad nitong nginisian at dahan dahang tinanguan.

Sa kauna unahang pagkakataon ay sumulyap ito sa akin at agad ring bumalik ang tingin sa harapan, "Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Sa sabado ka daw gustong imbitahin ni Mommy sa bahay for dinner." saad nito at iniliko pakanan ang kotse.

Ngumiti ako, "Sure. Pupunta ako. Anong oras ba dapat akong pumunta roon?" tanong ko rito.

"Mga seven dapat nakaprepare kana. Susunduin nalang kita sa bahay niyo. Matagal ko nang hindi nakakausap si tita at Daya kaya mag he-hello narin ako sa kanila." saad nito dahilan para tanguan ko at mapangiwi ako.

Naalala ko palang sa bahay nakatira si Triton. Itatago ko nalang siguro ang lalaking iyon o ililigaw ko.

"Sige." saad ko nalang rito. Hindi na muli ako nagsalita at ganon din naman siya. Agad akong napatingin sa side view mirror upang tignan kung nakakasabay ba sa amin si Triton o naligaw na pero nakakasabay naman.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Grant kaya agad kong tinuro ang side view mirror.

"Tinitignan ko lamang si Triton, baka kasi naligaw na." saad ko kaya siya naman ang tumingin sa side view mirror niya.

Nangunot ang noo nito dahilan para macurious ako, "May kasama ba siya? Sino iyong babae na katabi niya? Hindi ko alam na may dala pala siyang babae, hindi ko napansin iyon." saad niya dahilan para mapatingin ulit ako sa side view mirror.

Ngunit wala naman akong nakikitang kasama nito. "Nasaan? Wala akong makita. Wala naman siyang katabi." saad ko kaya agad itong nailing at nagfocus sa harapan maya maya lang ay tumingin ulit ito sa side view mirror niya.

"Wala na ang babae." bulong nito na narinig ko naman, "Mukhang namamalikmata lang ako. Hayaan mo na. Wag mo ng intindihin." saad nito na siyang tinanguan ko.

"Magpahinga ka kasi. Sunod sunod ang projects mo tapos isinasabay mo pa ang pag aaral mo. Sigurado akong pagod na pagod ka." saad ko rito. Napangiti ito atsaka tumango tango at hindi na nagsalita pa. Pagkarating na pagkarating namin doon sa park ay agad itong lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." nahihiyang anas ko rito. Ngumiti lang ito sa akin at agad ring isinara ang kotse.

Agad nitong hinawakan ang kamay ko, "Let's go." saad nito at hinila ako papasok roon.

"Hey wait!" tawag sa amin ni Triton kaya agad akong huminto para hintayin ito. Baka kasi kung saan saan pumunta, kapag 'yan naligaw ako ang may kasalananan. Baby pa naman 'yan ni Mama.

"Baka gusto mo ring hawakan kita sa kamay? Kalalaki mong tao para kang babae kung umasta." naiinis na saad ni Grant kay Triton pagka lapit palang nito sa amin.

"Sure. Here." itinaas ni Triton ang kaniyang kaliwang kamay dahilan para mapa ngiwi ako dahil tinapik iyon ni Grant at agad ako nitong hinila papaalis doon.

Habang naglalakad ay napatingin si Grant sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko at agad nitong binawi ang pagkakahawak roon, "I'm sorry." ani nito dahilan para mapailing ako rito.

"No. It's alright." mas mabuti nga kapag hawak nito ang kamay ko. Gusto kong sabihin iyon pero nakakahiya.

"Nagugutom ako. Kumain muna kaya tayo?" tanong ni Triton sa tabi ko. Napatingin sa kaniya si Grant at agad siyang inirapan nito.

"Edi kumain ka mag isa mo." anang nito at bumaling sa akin, "Saan mo gustong sumakay?" tanong nito sa akin.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pinaharap ako sa isang direction, "Doon kaya tayo? Mukhang maganda eh." saad ni Triton atsaka nito tinuro ang horror house kaya agad nanlaki ang mata ko at napabaling ng tingin kay Grant. Hindi mahilig sa ganoon si Grant at matatakutin siya sa mga multo.

"Edi ikaw pumasok roon ng mag isa mo." naiinis na saad ni Grant. Doon na nagsimula ang asaran at hamunan nang dalawa na parang wala ako sa gitna nila.

"Bakit takot kaba? Kalalaki mong tao natatakot ka sa ganiyan."

"S-Sinong nagsabing takot ako? Ako matatakot diyan? No way."

"Talaga? Tara pasok tayo?"

"Pumasok kang mag—" agad kong itinaas ang dalawang kamay ko sa gitna ng mga mukha nilang dalawa. Tumingkayad pa talaga ako para maabot silang dalawa atsaka nagsalita.

"Pupuwede bang tumigil na kayong dalawa? Para kayong mga aso't pusa. Palagi nalang kayong nag aaway." saad ko sa mga ito atsaka naiinis na tinignan si Triton.

Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa dibdib ko, "Ikaw naman Triton. Sino ba kasing nagsabi na sumama ka? Pinagpipilitan mo lang ang sarili mo na sumama sa amin tapos ikaw pa 'tong manggugulo." naiinis na saad ko atsaka nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa.

"Kung mag aaway rin lang naman kayo buong hapon, uuwi nalang ako. Kayong dalawa nalang ang sumakay sa mga gusto niyong sakyan at nang magkaroon kayo ng magandang usapan at magbati na kayong dalawa. Mas lalo akong naiis stress sa inyo." inirapan ko ang mga ito atsaka agad nang naglakad papalayo roon.

"Teka—" hindi natuloy ni Triton ang sasabihin ng nagsalita na si Grant.

"Wag mong kalilimutan iyong dinner with Mommy, okay?" napangiwi ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko sila nilingon kahit na isang beses. Pagkarating ko sa labas ng park ay naiinis na sinipa ko ang basurahan na nakita ko sa may gilid.

Ang akala ko pa naman ay pipigilan nila ako at magsosorry sila tapos magbabati para sa akin. Pero hindi nangyari 'yon, ang nangyari parang mas gusto pa nilang umalis nalang nga ako.

Baka naman sila talaga para sa isa't isa? Wag naman sana. Ang klaseng nilalang na kagaya ni Grant, ang genes niya dapat naipapasa at naipapares sa genes ko at ng makabuo kami ng bagong angkan na punong puno ng mga gwapo't magaganda.

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng tanong ni Mama kung nasaan na at kung anong nangyari sa legal niyang anak, "Wag niyo akong simulan ng ganiyan Mama. Nakakainis 'yong legal niyong anak, unti nalang lalayas na ako rito upang hindi ko siya makita." saad ko dahilan para kumunot ang noo ko.

Hindi na ako pinansin nito kaya agad akong nagtungo sa loob ng kuwarto ko atsaka nagpicture ng dalawang shot at ipinost sa instagram.

# HindiSinipotNgKadate

Maya maya lang ay may tumawag sa phone ko kaya agad ko iyong sinagot, hindi na tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Sid!"

Napataas ang kilay ko, "Yes, Sarah? What's wrong?" tanong ko rito.

"Do you remember Raphael? Yung nagsesend sayo ng mga gifts? I saw him. Nandirito siya kanina sa labas ng bahay. Siya 'yong nakita kong naglagay ng regalo sa harapan ng gate ng bahay namin, though i didn't see the face of the guy clearly but i'm sure siya talaga 'yon." ani nito kaya agad akong napakibit balikat.

"Anong regalo ang binigay niya? Wala bang cctv sa labas ng bahay niyo? Anong suot niya?" sunod sunod na tanong ko rito.

Napahiyaw ito sa background, "Glad you said that! Naalala ko tuloy na meron pala kaming cctv sa labas and sana makita yung mukha nung lalaking nagbibigay kasi medyo weird na pero hindi naman creepy. Nakasuot kasi ng jacket and mask yung lalaking nagbigay kaya i hope makita sa cctv camera yung mukha niya. I don't know but i really wanna know who's he." saad niya kaya agad akong napatango tango na akala mo naman makikita nito.

Kung si Raphael nga at ang lalaking nagbibigay ng regalo kay Sarah ay iisa. Ba't ako binibigyan niya noong una at ngayon naman ay si Sarah?

"Puwede ka bang pumunta rito? Kinakabahan kasi ako." ani nito.

"Yes. Pupunta ako riyan. Nasaan ba ang mommy at daddy mo?" tanong ko.

"Nagka emergency kaya ayon nagtungo roon sa site." saad nito kaya agad akong napatango tango at agad na bumangon sa kinahihigaan ko.

"Pupunta ako diyan. Hintayin mo nalang ako. Wag ka munang lalabas. Ingat ka. I love you." nagmamadaling saad ko.

"I love you too." saad naman nito pabalik at agad ko ng pinatay ang tawag. Inilapag ko ang cellphone sa kama ko at mabilis na kinuha ang box sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko iyon at agad na binukbok ang laman non sa kama ko.

Ang box na iyon ay naglalaman ng mga gifts, cards and kung ano ano pa na natanggap ko galing kay Raphael. Para sa akin weird talaga si Raphael, at kung nantitrip man siya ayokong pati kaibigan ko idadamay niya. Hindi magandang biro ang pagbibigay ng kung ano anong gifts sa isang tao lalo pa't hindi ka nagpakilala, at wala siyang alam na kahit isang impormasyon ukol sa'yo.

Sa mundo ngayon, mahirap na ang ganitong sitwasyon. Naninigurado lang naman ako.

Agad kong ikinalat ang mga iyon at isa isang tinignan. Baka may makita akong clue. May nabubuo ng ideya sa utak ko ngunit hindi ko naman alam kung totoo iyon kaya mas mabuti pang humanap muna ako ng pruweba.

Pinulot ko ang mga kulay violet na mga plastic flowers na ibinigay nito sa akin at inilagay sa isang tabi. Kinuha ko rin ang mga cards and letters na color violet din at inilagay sa gilid ng violet na flowers. Agad kong binasa ang mga nakalagay sa letters. Ang mga binigay niya kasing sulat ay kelan man hindi ko binasa.

Here's a violet flower and a violet color card for the most beautiful girl in the whole world for me. I hope you're doing fine. How's life? Are you okay, or not? Probably not... you're drowning on my love for you ksksks.

Napangiwi ako sa letter na iyon at agad na ibinalik sa box. Hindi ko alam na ganoon pala siya kacheesy. Dapat pala hindi ko nalang sinimulang basahin. Nakakapanindig balahibo, take note hindi siya nakakatakot, sadyang ganiyan lang talaga naramdaman ko.

Nang makita ko ang card na pinaka huling binigay niya sa akin ay agad ko iyong pinulot. Tinanggal ko ang pagkakatali ng violet ribon sa violet na card at agad na binuklat at binasa.

Hello my violet! How's your day? I saw you eating your favorite hatdog on the canteen. I'm sad i can't go near you. By the way, you look so cute with your violet hairband. Let me take a picture of you, for remembrance.

Nangunot ang noo ko at agad na nagsalubong ang kilay ko. Unti unting naiipon ang mga ideyang pumapasok sa isip ko. Bakit hindi ko 'to napansin sa umpisa palang? Agad ko ulit pinulot ang isa pang letter at agad na binasa ulit ang laman niyon.

Wow! I can't believe you got the rank two, my violet! You're really good! Eventhough you didn't get the rank one, you're still my number one. mwa.

Agad akong napangiwi sa mwa sa huli. Masyado na talagang cringey. Pero, ba't ba sobrang tanga ko at hindi ko muna binasa ang mga laman ng cards? Edi sana dati palang nagawan ko na ng paraan. Agad akong napailing at niligpit lahat ng 'yon pabalik sa box.

Hangga't hindi pa ako sigurado sa nasa isip ko hindi ko muna 'to isisiwalat. Kailangan kong tanungin si Raphael ng personal.

"Mahal na hari! Nandirito na po si Ministro Jang! Siya ay papasok na sa inyong silid!" anunsyo ng kawal na tagabantay ng mahal na hari. Agad nilang binuksan ang pintuan at agad ring pumasok sa loob si Ministro Jang. Nang makalapit ay yumuko ito.

"Mabuti at nakarating kana, Ministro Jang. Kumusta? Ano ang balita sa dating mahal na prinsipe?" tanong ng mahal na hari kay Ministro Jang na kadarating lamang. Galing ito sa kung saan saan upang makakalap ng impormasyon.

"Hindi ko alam kung tama ba ang impormasyong aking nakalap Mahal na Hari. Ngunit ang alam ko ay ang dating Mahal na Prinsipe ay nasa mundo ng mga tao. Nasa mundo ng hinaharap." ani nito at bahagyang yumuko.

Nangunot ang noo ng mahal na hari, "Nasa mundo ng mga tao? Nasa iisang mundo kung nasaan ang aking anak? Kung tama nga ang iyong sinabi. Ngayon din at utusan mo si Hadurius na magbantay sa aking anak. Sabihin mo na ang misyon niya sa mundo ng mga tao ay nagsimula na. Iyon ay ang hanapin ang dating mahal na prinsipe." ani nito na siyang marahang tinanguan ng Ministro.

"Masusunod po Mahal na hari." saad nito at agad ring tumalikod at naglakad paalis ng silid ng Mahal na Hari.

Dahan dahang natawa ang Mahal na Hari at sumimsim sa kaniyang alak na nasa kopita, "Mahuhuli rin kita, Mahal na Prinsipe. Mawawala ka rin sa hadlang ko, at sa hadlang ng susunod na haring itatalaga ko." saad nito at agad tumayo at nagtungo sa kaniyang silid aklatan.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión