Saan kaya may mabibilinh potion dito? Tuloy padin sa pag lalakad si Daven hangang makarating siya sa market place ng village. Napadaming vendor dito at iba't iba ang kanilang tinitinda. May nag titinda ng weapon, armor, potions, materials for crafting, at iba pa na kadalasang ginagamit ng mga adventurer.
"Ah ale, pabili nga po ng limang health potion."
"That will cost you 5 copper coins."
"Here's the coins."
Pag ka receive palang na pag ka receive ni Daven ng health potions ay biglang nag tumunog agad yung system notifications niya.
_System Notification_
Congratulations! You complete the quest for buying 5 health potions!
Rewards: 10 exp and 5 copper coins.
Pagkatapos niyang ma-receive iyon, chineck niya agad yung Monarch System niya.
_Monarch System_
Name: Daven
Class: Swordsman
Level: 2
Exp: 10/20
Money: 10 Copper Coins
0 Silver Coins
0 Gold Coins
-Stats-
Strength: 11
Vitality: 11
Agility: 11
Intelligence: 11
Free Points = 10
Ayos! May 10 stats points na ako. Magagamit ko ito soon kapag nag grind na ako, pero for now mas maganda na ikeep ko nalang muna ito. Napansin ko din na tumaas ng 1 point lahat ng stats ko nung nag level up ako hehe.
Try ko kaya mag grind na? Pero hindi kaya delikado? Baka mamaya mamatay ako tapos hindi na pala talaga ako ma-rerevive.
Saglit na napa isip si Daven baka kasi mapahamak siya. Sobrang realistic din kasi ng battle dito. Talaga sarili mong katawan ang gagamitin mo sa pag execute ng mga skills na kelangan mo sa pakikipag laban. Unlike sa normal game na sasabihin mo lang yung name ng skills mo then mag eexecute na ito ng kusa. Confident naman siya dahil nag aral siya ng martial arts at black belt siya.
Come to think of it. Hindi ko pa pala na checheck yung skills ko. Meron kaya ako nun?
"Skills!"
Pag ka sabi palang na pag ka sabi ni Daven nun ay tumambad sa muka niya ang skill window.
_Skill Window_
Basic Swords Art (Passive) = Level 1 0.0%
-A swordsman swordsmanship damage increase 10% when in combat mode.
Slash (Action Type) = Level 1 0.0%
-Send a slash wave to your opponent causing 100 damage x str.
I see. So this is my skills? Okay ready na ako mag grind ng monsters, matagal nadin nung huli akong nakipag laban gamit yung katawan ko.
Nag tungo na nga si Daven sa open field para mag hanap ng mga monsters. Nakita niya malawak ito at punong puno ng mga monsters. Wala ni isa siyang nakikitang nakikipag laban dito. Tahimik lang na nag papatrol itong mga monsters sa kanilang teritoryo.
So ganito pala dito ang astig! Parang game talaga hehe. Check ko nga kung anong mga monsters ito.
Unti unti namang lumapit si Daven para icheck kung anong klaseng mga monster ito.
[Goblin] (Common Level 1)
HP = 100/100
Okay let's lure this one para ma-testing ko yung attack pattern nila hehe.
Para maging madali ang lahat kelangan mo muna malaman ang attack pattern ng isang monster. Yan ang kadalasan na ginagawa ng mga professional gamer para ma-analyzed nila kung paano nila ma-ccounter ito.
Pumulot ng bato si Daven para batuhin yung goblin. Matapos niya ito batuhin agad namang bumaling ang tingin nito sa direksyon kung saan may bumato sa kanya. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Daven. Bigla naman lumabas si Daven sa pinag tataguan niya ng mapansin niya na malayo na ito sa mga kasama niya.
Pag ka kita na pag ka kita palang nito kay Daven at agad namang namula ang mata nito, at biglang sumugod sa kanya para atakihin siya.
Mabilis ang goblin sa loob palang ng 3 seconds ay nakapag cross na ito ng 5 meters sa kanya. Agad naman nag side step si Daven para hilagan ang stab ng goblin sa kanya. Madali niya lang nahilagan ito dahil level 2 na siya at karaniwan naman na mas mataas ang stats ng isang player sa common monster na same level.
Without hesitating, matapos niyang malaman ang attack pattern ng goblin. Ay agad niyang inexecute ang Slash sa goblin. Nag step back lang siya ng konti sabay swing ng short sword na hawak niya.
Na execute niys ito ng maayos dahil na counter niya yung attack ng goblin. Meaning matapos niya ma dodge yung attack ng goblin sa pamamagitan ng side step ay bigla niyang ginamit ang slash kaya mas naging effective ito.
-111
Isang slash lang ang goblin at agad itong tumumba sa harapan niya. Maliit lamang ang buhay ng goblin dahil common monster lang ito. Pero mabibilis ang mga ito at masyadong troublesome kapag madami sila. Kadalasan kasi umaatake sila bilang isang group. Pero dahil experienced na si Daven sa ganitong larangan. Ay madali lang niyang na lure ng mag isa ang goblin.
-You receive 5 exp and 1 copper coins.
Ayos mukang mas madali mag pa level sa pag grind kesa sa quest ah? Sabagay beginner's quest lang naman yun kaya mababa lang ang bigay at ang layunin lang nito ay tulungan ang mga bagong adventurer. Pero ako lang naman ang may system na ganito. Ang mga naninirahan dito ay parang mga normal na tao at nakikipag laban sa normal pamamaraan.
Hehe mukang kayang kaya ko na mag grind ng goblin. Let's grind!
Hi guys! Sana nag enjoy kayo sa bago kong update. Masaya ako kasi kaka-publish ko palang nito ay may mga nagbabasa na. So ngayon guys araw araw na ako mag uupdate kaya stay lang kayo hehe. Sana maka vote kayo para mas maging masaya pa ako hehe. Keep safe!