Nakakapag taka kung bakit hindi man lang niya ito matawagan sa skype o ano. Hindi ko rin alam kung bakit naka deact ang account ng gf nya kaya hindi nya rin ito maka usap.
Kung bakit hindi sya pwedeng sumunod. Ako ang nahihirapan sa kanya. May konting pagkamalas dahil ako pa ang naging kamukha niya.
Matapos ng ka dramahan nya ay niyaya ko syang maglaro para naman mawala sa isip nya ang panandaliang bigat na nararamdaman nya.
Hindi naman ako nabigo. Dahil nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Umiwas na ka agad ako ng tingin bago pa niya ako mahuli.
"Mananalo ako!"
"Nope, ako ang mananalo." Sambit ko habang naglalaban kaming dalawa sa larong stick badminton.
"Hindi mo ako kaya."
"You'll see." Ngising sambit ko at nag focus pa sa laro. Nang 1st round ay nanalo ako at ganun din sa pangalawa.
Ngunit ng pangatlo ay nagkaka initan na. Parehas kaming tutok at nangunot ang noo ko dahil humahabol siya at natataasan na niya ang score ko.
"I win!" Sigaw nya nang mapatingin tuloy ang tao sa amin kaya naman nahiya ako para sa kanya dahil naka taas pa ang dalawang kamay nya at agad akong niyakap.
Nabigla naman ako at para bang nai slowmo ang paligid dahil ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa habang n yakap nya ako.
"Thanks for making me happy." Sambit nito at naging laking gulat ko nang halikan nya ako sa labi.
Biglang nanigas ako sa kinatatayuan ko at nararamdaman ko pa rin ang labi nya sa akin. At dahan dahan itong bumitaw at napatitig lamang sa akin nang may tuwa.
"No problem." Huling sambit ko bago kami nagka ayaan umuwi. Hapon na rin ng maka uwi kami ay may lakad pa ako ngayong gabi.
Nang maka alis ang sasakyan nya sa tapat ay nakasalubong ko ang tatlong kapatid ko na naka ngisi sa akin. " Now let's ride." Sambit ni kuya na nagpangiti sa akin.
Habang nasa biyahe ay panay ang tanong ni kuya habang ang dalawa ay tahimik lang sa likod namin.
"Kamusta naman ang date nyo?"
"Ok naman." Ngisi ko sa kanya at gumaya rin ito.
"You made him happy huh?"
"Uh.. yes?" Patanong ko
Napatawa naman ito. "Baliktad."
"Hindi rin." Biglaang sagot ko na ikinatigil nya sa pag tawa.
"At bakit?"
Nguniti na lang ako sa kanya at hindi na sinagot ang tanong na iyon. Medyo may point naman siya, pero mas maganda kung parehas ninyong napapasaya ang isa't isa.
Nang makarating kami sa mansyon ay nandun na ang kambal na naka ngisi. Kasama sina, Irish, Israel, Krisha and Chloe.
"Nasaan ang dalawang love life nyo?" Bungad ko sa dalawang kaibigan ko pa.
"Busy."
"Busy saan?"
"Nasa loob sila busy." Sabay sabi nila kaya naman tumango na lamang ako.
Nakita ko ang ibang kakilala ko na nagpa party party na at marami ring tao. Dahil celebration at pagbabalik ni Mico at Naiser, ang dalawang magkapatid na kaibigan din namin kaso hindi ko naman masyadong close ang dalawang iyon.
Nagmodel akong palakad at agad ng kumuha ng wine. Lnjang ke yaman yaman ay kulang sa waiter! Napasimangot ako dahil sa naisip ko at natawa nalang din.
Nang makita ko ang island bar ay agad akong pumunta doon.. Mag isa at hinayaan na lang ang tatlong kapatid ko na gumala sa malaking mansyon na ito.
"Magandang gabi hija." Napatalon ako sa gulat ng maaninag si Mrs morilles.
"Magandang gabi rin ho." At nag beso kaming dalawa.
Ngumiti naman ito. "I really miss your parents, by the way nasaan ang mga kapatid mo?" Tanong naman nito habang naka ngiti pa rin.
"Nasa loob ho siguro sila." Medyo napasigaw ko nang sabi dahil lumalakas na ang tugtog nila.
"Sige hija, halika at alam kong kailangan mo ng makaka usap." Nagulat ako ng hilahin ako nito habang hawak hawak ang wine sa kanang kamay ko.
Makakausap? Tita naman mas gusto kong mapag isa.
Hindi ko namalayan na pumasok na naman sya sa isip ko. Pilit kong binalewala iyon at gusto kong ma enjoy sa party na ito.