Mga ilang oras ang nakalipas ng makarating sa Baguio sila Ysmael at di na namalayan ni Felly na nakatulog na sya sa biyahe.
"Sir? Andito na po tayo." Sabi ni Basty.
"Shhh... Mauna ka na ibaba mo na din ang mga gamit."
Napatingin si Basty sa likuran at nagulat syang naka dantay si Felly sa balikat ni Ysmael at natutulog.
"Si-- Sir gusto nyo po bang gisingin ko sya?"
"No need. Ako ng bahala sa kaniya. Open the door."
"O-- Opo."
At binuksan nga agad ni Basty yung pintuan ng kotse at nagulat syang binuhat pa ni Ysmael itong si Felly.
"Si-- Sir ako na po."
"Just bring the things up there."
"O-- Opo."
Sa isang hotel manunuluyan sila Ysmael kasama nga itong si Felly.
"Wow! Ang sweet naman ng boyfriend nung girl buhat pa sya." Sabi nung isang babaeng nakakita.
At dahil nga nasa hotel maraming tao ang naroroon at nakakakita sa kanila.
"Dang it! Why should I do this?" Ysmael thought at napatingin sya sa natutulog na si Felly.
"In fairness ang ganda nya."
Narinig naman ng isang lalaki nasa elevator rin ang sinabi ni Ysmael.
"Did you kidnap her?"
"Wha-- What?"
"Just kidding. You two looks so cute together you better watch her always baka one day mawala sayo ang ganyang kagandang dilag."
Ding!
At bumaba na nga yung lalaki ng elevator at natameme lang si Ysmael habang nakatitig kay Felly.
"Mmmm..."
Felly hold him tightly while sleeping at dahil nga nakatitig sa kaniya si Ysmael napalapit ang mga mukha nila sa isa't isa ng biglang gumalaw ito.
Ysmael gulped at pakiramdam nya may mali sa nararamdaman nya dahil sobrang bilis ng tibok ng puso nya ng mga oras na yon.
At mga ilang minuto pa nga ang nakalilipas nag mulat ng mga mata si Felly at nagulat na buhat sya ni Ysmael.
"Ahhhhh!!!"
"What?!"
"Put me down! Anong gagawin mo?!"
"Huh! Cute ka sana pag tulog pero na realized ko na mas okay pang tulog ka na nga lang dahil para kang amazona kapag gising!" At binitawan nya ngang bigla si Felly.
"Aray!!!"
"Tssss! Deserve!"
"Hoy!!!"
Ding!
Nag bukas na yung elevator at bumaba na si Ysmael.
"Where are you going?"
"Kung gusto dyan ka na matulog sa elevator mag damag."
"Hayssss. Kainis!"
At dali-dali na ngang lumabas rin si Felly ng elevator at sumunod kay Ysmael.
Ysmael smirked and he said in a low voice "dang it! Muntik na nya kong makitang tinititigan sya kanina. What the heck is going on with me?!"
"."
Matapos ayusin ni Basty ang mga gamit bumili na rin sya ng makakain nila bilang nakakagutom talaga ang mahabang biyahe.
"What are you doing?" Sambit ni Ysmael kay Felly na may niluluto sa kitchen.
"Masyadong bland yung binili ni Basty na manok I'm just adding some you know magic."
"Magic?"
"Wag ka ng maraming pang tanong maupo ka nalang at mag hintay wala pa naman si Basty para sa special mong tubig! Tss! Ang arte kasi!"
"Whatever!"
Napatigil si Ysmael at bumalik sa kitchen "wait, alam mong ayaw ko ng carrots?"
"Aha, yang gaya mong puro karne lang ang alam ang pinakaayaw ay ang mga gulay."
"How-- How did you..."
"Wag mo ng itanong kung paano ko nalaman malamang mga bata palang tayo ayaw mo naman na talaga ng mga gulay parehas kayo ni Sir Chase."
Natahimik si Ysmael at pinagmasdan lang si Felly na magluto.
"Andito na po ako." Sambit ni Basty pag dating nya pero wala syang nakita sa sala.
"Hmm? Asan si Sir?"
Kaya hinanap ni Basty si Ysmael at nakita nyang nasa kitchen at nakatingin lang kay Felly.
"Anyare? Bakit parang in love na ata si Sir kay Felly. Nadurog na ba ang bato nyang puso? Hayssss... Di ko maintindihan itong si Sir napaka labo."
Samantala,
Nag tungo naman si Don Fernan sa tinutuluyan nila Chase.
Ding... Dong...
"Sino? Si Daddy?" Sambit Chase.
"Opo si Don Fernan po ang nasa labas kasama ang right hand nyang si Dante."
"Anong ginagawa nya dito?"
"Sinong nag doorbell?" Tanong ni Ricai habang pabalik ng sala galing sa kusina para kumuha ng snacks.
"Si Don Fernan po Miss."
"Belj!"
"So-- Sorry Bossing."
"Bakit di nyo papasukin? Ako na nga! Ito namang nga ito tayamad." Sambit no Ricai at binuksan nga ang pintuan.
"Ricai!"
"Hello po Uncle." Masayang pag bati ni Ricai.
"Oh, hello sayo. Akala ko walang tao kanina pa kasi kami nag do-doorbell."
Lumingon si Ricai dun sa dalawa ni Chase at ang sama ng tingin.
"Ah, pasensya na po di siguro nil narinig mga binge po ata. Hahaha..."
Napatingin naman si Don Fernan kay Chase pero iniwasan sya nito.
"Mukhang hindi ata kami dapat nag punta dito sige aalis na lang kami."
"Po? Hindi, dito lang po kayo malamig na po ngayon sa labas kaya halina po kayo at mag painit sa loob mag titimpla po ako ng hot choco."
Don Fernan smiled habang papasok at di pinansin si Chase na ang sama ng tingin sa kaniya.
"Pasensya na po nag pumilit kasi ang daddy nyo na bisitahin kayo ni Ms. Ricai dito." Pabulong na sambit ni Dante.
Chase smirked "siguraduhin nyong aalis rin kayo! Dahil hindi kayo welcome dito!"
"Pasensya na po Sir."
At tuluyan na ngang pumasok sila Don Fernan at nasa likuran lang sila Chase at Belj.
"Bossing, sa tingin ko ayos lang na andito ang daddy nyo."
"Ano? Anong ayos don? Ayokong maging malapit si Ricai kay daddy dahil di ako mapalagay."
"Pero Boss, tignan nyo parannga silang mag ama eh tignan nyo yung nga ngiti sa kanilang mukha kapag sila ang mag kausap."
"Ah basta! Ayokong mapalapit ai Ricai kay Daddy!"
"Sige po kayong bahala."
"Anyways, alam mo na ba kung san nag punta o sino ang totoong kasama ni Ricai nung umalis sya?"
"Base on my information Boss. Totoo pong lahat ng sinasabi ni Ms Ricai satin."
"Ano? Kailan pa sila naging close ni Ms. Catalina?"
"Di ko po alam pero ang sabi ng informer natin di talaga sila mag kikita nagkataon lang na resto ni Ms. Catalina yung kakainan ni Ms. Ricai."
"Hmmm... Mag research ka about that woman at siguraduhin mong may malalaman ka. At tignan mo rin kung ano pakay dito ni daddy bakit sya nasa Baguio."
"Yes Boss."
Habang palihim na nag uusap yung dalawa masaya namang nag kukwentuhan sila Ricai at Don Fernan.
"Really? Gusto mo kong isama sa pag gagala nyo?"
"Opo, para naman maka pag chill kayo. Alam ko pong parati kayong busy sa work nyo eh."
"Oh... Thanks but no thanks."
"Po?"
"Alam mo namang di kami okay ng anak ko kaya baka di sya mag enjoy kapag kasama nyo ko."
Hinawakan ni Ricai ang kamay ni Don Fernan "wag po kayong mag alala ako pong bahala sa inyo."
Napatigil naman ng mga oras na yon si Don Fernan dahil pakiramdam nya gusto na nyang sabihin kay Ricai na sya ang tunay nitong ama.
"Don Fernan? Naiyak po ba kayo?"
"Ha? Hi-- Hinde may pumasok lang sa mata ko." At dali-dali naman nyang pinunasan ang mata nya ng kaniyang panyo.
"Ahem! What brings you here dad?" Bungad ni Chase.
"Chase!"
"What? Di yan pupunta basta dito kapag wala yang kailangan. Kaya sabihin nyo na dad!"
"He just want to chill tsaka bakit wala ka ng pag galang sa daddy mo kung mag salita ka!"
"Huh! Are you teaching me how to treat him? Do you think mabait na yan sayo? Pwes, nagkakamali ka nasa loob ang kulo nyan! Kaya wag kang mag titiwala diyan!"
"Enough! Good or bad sya parin ang daddy mo! Hindi ka mabubuhay sa mundong ito kung wala sya!"
"Fine! Mag sama kayo!" The he left.
"Bo-- Boss!!!" Pahabol na sabi ni Belj at sinundan nga nito ang kanyang amo.
"I think we better go. Pati kayo nag aaway na."
"Its okay lang po lagi naman kaming nag aaway nun. Nakakairita lang po kasi na di na nya kayo ginagalang."
"Thankyou for your concern."
"Turo po kasi sakin ng mga magulang ko na gumalang sa nakatatanda kahit di mo pa ito kaano ano. Kaya mali po ang pag trato sa inyo ni Chase bilang kayo ang ama nya."
"Hinde."
"Po?"
"Ha? A... Ano kasi ang ibig kong sabihin is I used to it hindi rin kasi talaga ayos ang pakikitungo ko sa kaniya habang nag bibinata sya. Madalas kaming nag tatalo kahit sa maliit na bagay. Busy rin kasi ako parati sa trabaho kaya hindi ko na sya natutukan."
"Don't worry po tutulungan ko kayong mapalapit sa anak nyo."
"Sayo?"
"Sakin po? Hindi po kay Chase hindi po ba sya ang anak nyo? Tsaka medyo close naman na po tayo. Di ba po? Hehe."
Don Fernan smiled "yes... And I want to know more about you."
"At kasabay po nun ang pagiging malapit nyo sa anak nyong si Chase para wala na po kayong alitang mag ama. Para po everybody happy."
"Um. Salamat Ricai."
"No worries po. Maliit na bagay. Hehe..."
Maya maya pa nga...
Napilit na ni Ricai na sumama si Chase sa kanila ni Don Fernan pero magka bukod sila ng sinasakyan.
"Miss, hayaan nyo na po di nyo mapipilit kausapin ni Boss si Don Fernan kung di naman about sa business." Pabulong na sambit no Belj habang ito ay nag dadrive at nasa front seat naman si Ricai at si Chase ay nasa back seat na kunwari ay natutulog.
"Tsss! Napaka pride kamo yun ang sabihin mo."
"Kahit anong sabihin mo hindi parin ako makikipag usap sa daddy ko."
"Huh! I knew it! Nag tutulog tulugan ka lang!"
"Tell me, anong sinabi sayo ni dad? At nag kakaganyan ka!"
"Ano? Ano namang sasabihin nya? Ako ang may gusto na mapag bati kayo. Alang- alang nalang kay Don Arnulfo. Ayaw mo bang pag naging okay na ang lolo mo maging masaya sya kasi ayos na kayong mag ama."
"Huh! Si dad? Makakasundo ko? For you information Ms. Ricai..."
"What? Ms. Ricai? Huh! Ganyan ka nalang kagalit sa daddy mo na kahit akong girlfriend mo nag iiba ang ugali mo?"
"Well, kung parati mong papaboran si daddy baka..."
"What? Di mo na rin ako kikibuin? O papansin? Edi sige! Go! Pero eto tandaan mo... wala ka ng real girlfriend from now on. Ibalik nalang natin ang pagiging fake natin sa isa't isa!"
"Ah... Mi-- Miss... Wag naman po g ganyan baka na misinterpret nyo lang po ni Bossing ang isa't isa. Bossing!"
Pero walang kibo si Chase.
"Stop the car!"
"Miss?"
"I said stop the car!"
Krrrrkkkk...
At pag pa preno nga ni Belj bumaba agad si Ricai.
"Miss!!! Bumalik po kayo!!!"
"Let her be."
"Po? Pero boss..."
"Drive!"
"Pero Boss, paano si Ms. Ricai?"
"Drive!!!"
"O-- Opo eto na."
At iniwan na nga ni Chase si Ricai ng tuluyan.
"Ricai, what happened?" Sambit ni Don Fernan na bumaba agad sa kotseng sinasakyan nya ng makita nya agad si Ricai.
"Pwede po bang maki sakay?"
"O-- Of course!"
At sya rin mismo ang nag bukas ng pintuan para kay Ricai.
"Are you okay?"
Nag simula naman ng umiyak si Ricai.
"A-- Ayos ka lang ba?"
"Yung anak nyo po kasi...Boohoooooooooo..."
Kinomfort naman ni Don Fernan ai Ricai na sya pa mismo ang nag punas ng luha nito "don't cry, alam kong wala kang kasalan... Ako na rin ang humihingi ng tawad para kay Chase." He patted Ricai's shoulder.
"Boohooooo..."
Umiyak lang ng umiyak si Ricai habang humihingi naman ng tawad si Don Fernan para kay Chase while comforting her.
Samantala,
Binalikan nung dalawa si Ricai kung saan ito bumaba pero hindi na nakita nila Chase ito.
Pagka sakay na pagka sakay kasi ni Ricai sa kotse ni Don Fernan nag iba na ito ng direction at di na sinundan pang muli ang kotse ni Chase gaya kanina.
Bumaba ng kotse si Belj para hanapin si Ricai pero hindi nito ito makita "Boss, wala na po si Miss. Baka sumakay na po sya sa taxi."
Napansin ni Chase ang bag ni Ricai dun sa front seat "no, sumama sya kay dad."
"Po? Ah, oo nga pala kasunod natin ang kotse nila kanina."
"Bumalik na tayo."
"Po? Pero hindi po ba natin sila susundan?"
"Bakit? Alam mo kung nasan sila?"
"Ah... Eh... Hi-- Hindi po."
"Then lets go!!!"
"Ye-- Yes Boss."