Descargar la aplicación
4.44% Chasing Her Smile / Chapter 4: Ricai a.k.a Little Bunny ni Chase

Capítulo 4: Ricai a.k.a Little Bunny ni Chase

Ricai's POV,

Ang sabi nila masamang tumanggi sa grasya dahil kamalasan daw ang katugon nun pero paano kung ang grasya namang dumating sayo ay labag sayong kagustuhan? Ano nga ba ang gagawin ko? Haysss…. Bwiset na Chase yan sana tama sya ng malakas na kidlat para matauhan. Kainis!

"Ano? Gusto mo akong mag panggap na girlfriend mo? Huh! Ang kapal naman ng mukha mo ni hindi mo nga ako kilala tapos gusto mo akong maging girlfriend mo? Asa ka!"

Aalis na sana ako pero syempre may bodyguard ang luko at may assistant pa paano pa ako makakaalis sa lintek na lugar na ito?

"Ano ba? Bitawan niyo ko!!!"

"Miss, wag ka ng mag pumiglas pa kung ako sayo pumayag ka nalang sa alok ni Boss sayo para rin naman yun sa kapakanan mo at ng pamilya mo. Lalo ng nag tatay mo." Ang bulong sakin ni Belj.

"No! Gagawa ako ng paraan para makabayad ang pamilya namin sa pamilya nila hinding hindi ako mag papaalipin sa bwiset na yan."

"Pero Misss…"

"Let her be Belj aanihin ko nga naman ang gaya niyang duwag at walang pakialam sa magulang."

"Anong sabi mo?"

"Bakit hindi ba totoo? Isa kang duwag at walang pakialam sa magulang!"

"Bitawan niyo ko! Sasampalin ko lang ang lintek na yan!"

"Miss… kumalma muna kayo."

"Sige bitawan nyo sya."

"Sir?"

"I said let her go!"

Ako yung tipo ng tao na kapag galit talagang nananakit at syempre hindi ko hahayaang hindi makatikim ang mayabang na ito ng pang malakasang sampal ko.

"Bakit gusto mo kong sampalin? Subukan mo ng dumoble ang utang ng pamilya mo sa pamilya ko."

Syempre natakot ako sa sinabi niya yung 5M ng alang hindi ko na alam ang gagawin ko kung papaano ako mag babayd tapos dodoblehin niya pa? Bwiset talaga sya!

"6months at tapos ang utang mo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala tayong magiging kontrata ayoko namang sabihin mo na para kang isang inaaping bida kaya 6months walang kontrata pwede kang umalis kung gusto mo pero tandaan mo kapag hindi mo natapos ang pinapagawa ko sayo ng 6months magiging doble ang utang mo."

"Ano? Baliw ka ba?!"

"Siguro nga baliw ako pero kapag nasiyahan ako sayo 1M na agad ang bawas nun. At ikakaltas ko na yon sa utang mo ng 5M."

"Wha—What do you mean about nasiyahan?"

"Isa ka ba talagang accountant? Hindi ba dapat ang mga gaya mo ay mabilis ang utak? Dahil marami kayong perang tinutuos."

"Heh! Mag explain ka nalang kasi!"

"Okay, dahil naaawa naman ako sayo bobo."

"Ikaw!!!!"

"Sige ganito once na may magawa mo ang ipinapagawa ko sayo like maging girlfriend ko for 6months tapos ang utang mo as in burado na ang utang ng pamilya mo sa pamilya ko sagot ko pa ang bago niyong bahay."

"Talaga?"

"Yes, I know your smart pero may pag ka slow ka pero ayos lang mapag tyatyagaan naman."

"Aba't!!!"

"If one day may hiniling ako sayo na nagawa mo ng maayos at nasiyahan ako sayo babawasan ko na agad ng 1M ang utang mo at kahit hindi mo tapusin ang 6months kaltas na yon kaya kung ako sayo gagalingan ko ang pag arte lalong lalo na sa harap ni daddy."

"Okay, deal."

"Sumasangayon ka na?"

"Oo pero ang ayoko sa lahat yung walang isang salita kaya siguro naman may isang salita ang gaya Mr. Alcantara."

"Deal! Belj ihanda ang kontrata."

"Kontrata? Hindi ba sabi mo wala tayong ganun?"

"Oo at may isang salita ako kailangan ko lang ng pirma para sa bagong bahay na magiging prize mo kapag nagawa mong maging girlfriend ko sa loob ng 6months."

"Dahil simula ngayon doon na tayo maninirahang dalawa."

"Ano?"

***

Kasalukuyan, matapos ang usapang Chase at Ricai about sa kanilang kasunduan naging araw-araw na nga ang kanilang pag aaway nag kakasundo lang sila kapag kaharap nila si Fernan.

"Bakit tayo uuwi sa probinsya? Alam mo namang ang paalam ko sa mga magulang ko ang mangingibang bansa ako pero ang totoo maninirahan lang naman ako kasama ka na hindi ko na dapat sinangayunan pa."

"Oh, really? Gusto mo bang ang 1M na kinaltas ko ay ibalik ko na uli sa pag kakautang mo?"

"Ganyan ka naman lagi yung utang ang pinanakot mo sakin pero ang totoo ayaw mo lang mag isa."

Galit na galit si Chase at sinakal niya si Ricai at malakas rin ang pagkakahmapas niya ditto sa pader "anong sabi ?!!!"

Nahihirapan si Ricai sa sitwasyon niya pero kinakaya niya pa ring mag salita "bakit totoo naman di ba? Dahil ang Chase na kinakatakutan ng lahat ay isa naman talagang duwag."

"Sumosobra ka na!!!"

Hinigpitan pa ni Chase ang pag sakal niya kay Ricai "sige patayin mo ko para makunsensya ka gaya ng ginawa ng daddy mo sa papa ko! Ganyan naman kayong mga mayayaman mag walang puso!"

"AHHHHHH!!!" sumigaw si Chase dahil sa galit niya tapos binitawan niya si Ricai at iniwan niya ito at nag tungo sa kanyang silid.

"Ahem…ahem…" nakahinga naman na ng maluwag si Ricai ng biglang dumating si Belj at tinulungan siyang tumayo.

"Sandali lang po Miss ikukuha ko kayo ng maiinum."

"Salamat."

Kumuha ng baso na may tubig si Belj at ibinigay kay Ricai "ako na po ang humihingi ng pasensya para kay Sir Chase sana intindihin nyo nalang po ang pag uugali niya."

"Sa isang linggo kong naririto at pag aaway naming ng amo mo bakit ba parati ka nalang nahingi ng patawad samantalang hindi naman ikaw ang nakakasakit sa akin."

"Ayoko lang po kasing may maging kaaway na naman si Sir Chase gusto ko po magkaroon sya ng kaibigan na gaya niyo."

"Bakit ikaw?"

"Po? Ako?"

"Oo ikaw hindi ka ba niya kaibigan?"

"Ho? A—Ako?"

"See, kahit ikaw ayaw mong maging kaibigan ang napakalupit na si Chase kaya bakit mo pa pipilitin na maging kaibigan ko ang bwiset na yon. Kung ayaw niya sa akin pwes ayoko rin sa kaniya!"

"Hindi naman po sa ganon sa tingin ko gusto talaga kayo ni Sir Chase."

"Gu---Gusto? Ako?"

"Opo gusto niya kayong maging kaibigan."

"Ahhh…kala ko kung ano na."

"Bakit may iba pa po ba kayong iniisip?"

"Ha? Wa—Wala naman."

"Alam, nyo po mabait naman talaga yang si Sir Chase yun nga lang hindi sya showy kasi pinalaki sya ng lolo niya wag mag papakita ng kahinaan sa iba para hindi sila matalo."

"Hmm? Matalo? Bakit anog tingin ba nila sa mga tao? Kalaban? Minsan ang sarap talagang sampigahin ng mga mayayamang yan. Ang lakas ng trip sa buhay tapos ang hirap pa nilang intindihin hindi kaya mag alien talaga sila?"

"Pffft… Miss talaga hindi po sila mga alien sadyang mga wirdo opo yun nga yung magandang term mga wirdo sila kasi nga po nakukuha nila ang ano mang gustuhin nila kasi marami silang pera."

"Tama ka nga diyan. Mukhang gamay na gamay mo na talaga ang mga Alcantara samantalang mas matanda naman sayo si Chase kung tutuusin mas okay ka pa ngang kausap kaysa sa bwiset na yon."

Pangiti ngiti naman si Belj na animo'y nahihiya "nako, hindi naman po pinalaki lang po talaga ako ng mga magulang ko na maging positive sa buhay. Yung tipong kung hindi ka masaya mag pasaya ka ng iba para gumanda ang araw nila para maging masaya ka na rin."

"Ano daw? Joke lang. Pero tama ka naman and I really like your attitude na ganyan nakakatuwa ka talaga I think I like you na."

"P---Po? Yo—You like me Miss?"

Ricai patted Belj head "oo I like you to become my baby bro wala kasi akong kapatid kaya sana pumayag ka na maging ate mo ako."

"A—Ate? Pero isang taon lang naman ang tanda niyo sakin."

"Oo nga pero kung gumamit ka ng po at opo sakin wagas kaya sige lubusin mo na dahil simula ngayon sa ayaw mo man o sa gusto ako na ang magiging ate mo."

"Pe—Pero po kasi…"

"Magagalit ako sayo kapag tumanggi ka."

"O—Oh sige na nga po ang daya naman eh."

Pinisil ni Ricai ang pisnge ni Belj at nakita yun ni Chase habang nasa may gilid ng pader at nag tatago "huh! Pag sa iba ang bait-bait nya pero pagdating sakin kulang nalang ibaon niya ako ng buhay 6ft under the gound."

","

Kinagabihan nakapag impake na si Ricai ng mga damit niya dahil nag bago na ang isip niya sa kinuwento sa kaniya ni Belj about sa death anniversary ng kapatid ni Chase.

"Knock…Knock…"

"Hoy Mr. Bwiset buksan mo ang pinto."

"Wala, umalis, tulog."

"Wag ka ng mag inarte nakapag imapake na ko ready na akong umuwi! Bilisan mo bago pa mag bago ang isip ko!"

Pandalas namang binuksan ni Chase yung pinto ng kaniyang kwarto "okay lets go."

Hinila na ni Chase si Ricai papalabas "ibang klase kalian pa sya naka pag impake?"

At nung gabi nga ring yon umuwi ng Barrio De Espenzo sila Chase at Ricai.

"Sandali lang bakit kailangan diti pa tayo sa mansion nyo mag palipas ng gabi?"

"Bakit? May problema? Baka nakakalimutan mo ako ang boss dito at empleyado lang kita. Kaya kung anong gusto ko susundin mo!"

"Aba't ang yabang ng isang ito ah!" Ang pabulong bulong na sambit ni Ricai.

"May sinasabi ka?"

"Wala po BOSS!!!"

"Boss? Hindi pa at mag boyfriend at girlfriend kayo?" Ang sambit ni Eulla na bigla nalang sumulpot sa likuran nila habang papasok sila ng mansion.

Nagkatinginan naman sila Chase at Ricai "ano namang pakialam mo? Hindi ba at boss rin ang tawag mo sa daddy ko nung "yaya" ka palang dito?"

"CHASE!!!!"

"Oh, bakit? naiinis ka? Tsaka don't shout my name or even call my name as if close tayo! Dahil sa paningin ko "yaya at utusan" parin ang tingin ko sa isang gold digger na gaya mo!"

"Chase!!!" Ang galit na galit namang sambit ng daddy niya na si Fernan.

Nag inarte namang bigla si Eulla "honey…"

"Are you okay? Did he hurt you?"

"Hindi naman nag uusap lang kami dito kaya wag ka ng magalit kay Chase."

"Tsss! Arte!" Ang pabulong bulong na sambit ni Ricai pero narinig yon ni Eulla.

"Ano na naman ang masasakit na sinabi mo sa mommy mo ha Chase?!"

"Huh! What the? Mommy? Eh mas matanda pa nga ako ng tatlong taon sa babaeng yan tapos mommy? This is insane!"

"Enough!"

"Sige lang dad ipagpatuloy niyo yan diyan kayo masaya eh pero orasa na pakasalan niyo ang babaeng yan hinding hindi ko na kayo ituturing na ama! Tandaan nyo yan!"

Hinila na naman ni Chase si Ricai patungo ng kwarto nya "Chase! Bumalik ka rito mag uusap pa tayo!!!"

"Talk to me kapag wala na yang babaeng yan ditto sa mansion!"

"CHASE!!!!"

"Ibang klase talaga sila pang dramarama sa hapon ang peg," Ang pabulong bulong na sambit ni Ricai na hindi na malalayan na pa tungo na pala sya sa kwarto ni Chase.

"Hoy bunny!" Ang sabi ni Chase sa kaniya na binuksaan na ang pintuan ng kwarto.

Luminga linga naman itong si Ricai dahil hinahanap niya yung sinabi ni Chase na bunny na ang tinutukoy pala ay sya "ako ba?"

"Oo pumasok ka na!"

"Ha? Ba— Bakit ako papasok?"

Binuhat sya ni Chase papasok ng kwarto at ibinagsak sa kama "ayokong makasama ka sa iisang kwarto!!!"

Nagtatakbo si Ricai at binalak na buksan ang pinto ng kwarto pero hindi niya ito mabuksan dahil may special lock ang pintuang yon na si Chase lang ang may access.

"Ba—Bakit ayaw mag bukas?!!! Buksan mo ito kung ayaw mong mabuking ka nila na nag papanggap lang tayo!"

Hindi naman nag aaalala si Chase at nakuha niya pang mag hubad ng sapatos at humiga sa kama "sabi kong buksan mo ito kung ayaw mong sumigaw ako dito!!!"

"Gawin mo at wala akong pakialam dahil ang lahat ng kwarto dito ay sound proof at higit sa lahat hindi ka makakalabas diyan dahil espesyal nag pintuang yan dahil tanging ako lang ay may access diyan! Kaya kung ako sayo sumuko ka na dahil mapapagod ka lang!"

"Bwiset ka talaga!!!"

"Goodnight my little bunny."

"Hoy! Wag mo nga akong tawaging bunny."

"Whatever bunny."

Binato ni Ricai ng sapatos niya si Chase pero nasalo ito nito at itinapon.

"Hoy!!!"

"Alam mo hindi ko rin naman gustong makasama ka sa iisang kwarto pero no choice ako dahil ayokong makahalata ang daddy ko lalong lalo na ang gold digger na yon!"

"Bakit ba… inis na inis ka sa daddy mo? Dahil ba umibig sya ng mas bata sayo o dahil mahirap lang si Eulla?"

"Matulog ka na!"

Tinakluban ni Chase ng unan ang tenga niya at tumalikod kay Ricai "Tsss! Nag tatanong lang eh! Hayaan mo hinding hindi na ko mag tatanong sayo! Bwiset!"

"Tahimek! Diyan ka matulog sa sofa!"

"Oo na!"


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
lyniar lyniar

Like it ? Add to library!

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión