***
Napalingon siya ng tapikin siya sa balikat ni Zack, kasunod nito si Lenard At Spring.
Isang buwan nang mahigit ang nakalipas hindi pa siya na kakabalik sa Mundo ng mga tao, lalunat may pinagawa sa kaniya ang kaniyang Ama sa Mundo nila.
Gustuhin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya pina hintulutan lalunat nag babalak na ang kaniyang Ama na Umalis sa pag kapinuno nito sa AClas. At siya na atasan na papalit roon mariing niyang kinausap ang kaniyang Ama, na wala siyang balak na pumalit sa puwesto nitong iiwan.
Ang nais niya lamang ay mamuhay at makasama ang babaeng mahal niya sa mundo ng mga tao.
May ilan man silang hindi pagkakaunawaang mag Ama, na intindihan naman din agad nito ang nais niya kaya nang magkaayos silang mag Ama. Kay Rayo na lamang nito Ipinag katiwala ang trono na dapat sa kaniya ipapasa ng Ama.
"Naroon na si Vernnan, hinihintay ka. "
"Sinigurado niyo ba na hindi pupunta rito si
Megami? " Tanong niya sa mga ito.
Napakamot naman sa ulo si Zack at Ole.
Bago sumagot si Ole.
"Hindi namin sure, Man. Pero sa tingin ko nag babalak na yon si Megami na pumunta rito sa Vamwolf. "
"Ole, is right lalupat' galit na galit yon samin dahil wala kaming sinasabi sa kaniya kung nasaan ka. "
Mariing siyang napa buntong hiniga binilanan niya kasi ang mga ito maging ang mga magulang ng dalaga na kung maaari ay wag sabihin rito kung nasaan siya laluna may pinag hahandaan siyang surpre para dito.
Hindi man niya gusto, ang pag taguan at hindi pagpapakita rito ng matagal ipina ngako naman niya sa kaniyang sarili kapag natapos na ang lahat at magkaayos na rin sila ni Vernnan ay uuwi naman siya at handa na sa kung ano mang parusa ng dalaga sa kaniya.
Tila siya napa ngiwi ng ma imagine niya ang itsura ng kaniyang Asawa na naka busangot ang mukha.
"Hayaan niyo' lang, basta yung mga pinapagawa ko sa inyo. Tapusin niyo na ilang araw na rin kaya kayo don nag aayos. "
"Tch. Panira kasi talaga tong kapatid ni
Lenard. "
"Isa pa ang gagong yon. Bantayan niyo ng mabuti baka ibuko niya yung surpresa ko para kay Megami. Sa kadaldalan at pagiging pakialamero non. "
Nag tawanan ang tatlo kahit siya ay mariing natawa dahil sa pinag gagawa ng mag Kapatid.
Nang malaman nilang pinaglaruan sila ni Lenard labis ang galit niya sa kaibigan, kaya ng dahil sa ungas na ito nagalit sa kaniya agad si Megami, sa pag aakalang pinapatay nga niya si Vernnan.
Kung tutuusin ay buhay na buhay naman pala ang lalaki.
Mag kapatid nga naman talaga parehong mga gago at maloko. Tch.
"Sigi na Man, baka mainip si Vernnan umalis na lang yon. "
"Shit. Oo nga pala sigi mag kita na lang tayo sa makalawa. Kailangan maganda at maayos na yung mga pinapagawa ko. "
"Don't worry Man, ma kakaasa ka at t'yak namin sayo na ma gugustuhan yon ni Megami. Ikaw pa, ikaw naka isip ng ed'yang yon. "
"Tama, tama tara na Led. " Nag paalam na ang mga ito sa kaniya bago siya pumasok sa loob ng palasyo.
Kasunod ang ilang mga tagabantay mula sa labas ng
AClas.
Nang makita siya ni Vernnan Agad itong napatayo gayon din ang kasama nito na sa pag kakaalam niyang kapatid nito iyon.
"Raffaelo.. "
"Vernnan." Nag batiaan silang dalawa at nag kamayan.
"I'm glad na pinaunlakan mo ang imbitasyon
ko. " Seryoso niyang sabi.
Huminga ito ng malalim bago sumagot.
"Hindi ko sana tatanggapin ang imbitasyon mo, ngunit nag bago ang isip ko at para na rin kay Megami. "
"Alam kung may hindi tayo pag kakaunawaan, naging mag kahati tayo sa puso ni Megami, at alam mong una palang ay saakin na siya. "
"I know. And I'm really sorry for what I did. Malaki rin ang kasalanan ko sa asawa mo, aminado ako roon' minahal ko lang talaga siya ng sobra."
"Hindi rin naman kita masisisi, pero asawa ko siya. Una palang gusto na kitang patayin, selos na selos ako na araw-araw binabanggit ni Megami ang pangalan mo, ipinag gigiitan niyang Asawa ka niya, well That was hurt. Na hindi ako ang nakikita niyang Asawa niya. "
Sabi niya bago niya ito inabutan ng Bloody wine na tinanggap naman din nito at ng kapatid nitong tahimik at pawang na kikinig lamang.
"May kasalanan karin naman kasi. " Natawa siya nang bahagya, dahil sa sinabi nito.
"Yes, pero araw-araw kung pinag sisisihan yung mga panahon nayon na labis ko siyang nasaktan. "
"Tch. Gago ka kasi, "
"Ikaw rin naman. " Sagot niya bago sila nag tawanan.
"Pero nag papasalamat ako, na hindi talaga ako tinuluyan ng kaibigan mo. Ang akala ko katapusan ko na talaga."
"May isang salita si Lenard, kapag inutos sa kaniya ay tutuparin niya hindi ko lang ma intindihan kung bakit hindi ka niya tinuluyan, maging kami rin naman ni loko niya. "
"Baka may dahilan sigurp siya. "
"Baka nga. "
"So, ano na plano mo. Tutal tanggap ko na rin naman na hindi talaga kami ni Megami para sa isat -isa. At alam ko naman nung una palang kahit kinuha ko ang ilang alaala niya ramdam na ramdam ko nakapag nag tagpo kayong muli, ay mawawala rin ang bisa ng Black magic. At hindi nga ako nagkamali. Nasakatan rin ako Raff, tinanggap ko na lang talaga ang katotohanan na hindi talaga kami ang para sa isat-isa ako ang kasama, ngunit ang puso niya ay nasa iyo. Humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. "
Napa buntong hininga siya tinapik ito sa balikat hindi siya d'yos para hindi mag patawad sa kagaya nito.
"Na intindihan ko naman ang na raramdaman mo. Wala na saakin yon, alam ko na isang araw makikita mo rin ang babaeng para sayo. "
"Yeah.. Masaya na rin ako kung saan si Megami masaya at ikaw ang dahilan no'n. But if you hurt her again, I swear kahit mas dihamak na mas malakas kapa kaysa sakin lalabanan na talaga kita. "
Natawa siya sa pag babanta nito well hindi naman din niya ma ipapangako na hindi niya ma sasaktan ang kanyang Asawa.
Basta ang magagawa niya lang ay mahalin, ingatan at alagaan ito ng buong pagmamahal.
"I won't do that. "
"Siguraduhin mo lang. " Naka ngiting payahag pa nito.
"Yes, I'm really sure. "
Magaan ang dibdib niyang tinanggap ang pakikipag kamay nito sa kaniya. Gumaan na rin lahat nawala na ang agam sa dibdib niya, gayon nag kaayos na rin sila ng kaniyang Karibal. Ang kailangan niya na lang isipin ngayon ay ang kaniyang Asawa.
Damn.
Rayven_26