Descargar la aplicación
80.76% Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 21: Kabanata 18

Capítulo 21: Kabanata 18

HINDI nito aakalain na magbabalik pa ito, okay na  siya sa kaniyang kinaroroonan. Pero malaki rin naman ang pasasalamat nito at binigyan  siya ng kakaibang kakayahan para makabalik ito sa mundo ng mga mortal.

Sinulyapan niya ang sariling repleksyon na nasa salamin. Napataas ang sulok ng labi nito ng sa wakas, nakakuha rin ito ng katawan na magagamit. Dahan-dahan siyang lumabas sa silid na kinaroroonan, kailangan niyang magmadali. Upang maunahan si Carrieline sa pupuntahan niya, baka kung ano na namang maganap na hindi umuukol sa itinakda.

Dahil hindi dapat maputol ang sumpa, labis itong nagngitngit ng patayin siya ni Dexter. Dahil dapat ito ang namatay at hindi siya! Hindi niya tuloy nagawa nang maayos ang dapat mangyari dati. Kung hindi sana nakialam ang gago nilang ama, dapat ito ang buhay at si Dexter ang namatay. Sa pakiwari niya siya ang panganay kaya siya ang may karapatang mabuhay, naiinis ito dahil mas pinapaboran na anak si Dexter. Dahil ba  magkamukha ang ama at ito, kaya labis ang katuwaan nito na si Dexter na mismo ang pumatay sa kanilang ama. Pero mas pinahirapan lang ni Dexter ang sarili, kung sana ininom na lang sana nito ang kapeng lason na ginawa nito. `Di sana`y ang ama nalang nila ang nabuhay at pinapahirapan lang ng itim na anino.

Hindi ito  papayag na sa ikalawang pagkakataon ay magkaroon ulit ng ugnayan sila ni Carrieline. Para rito ay kaniya lamang si Carrieline at walang sino man ang makakapigil sa kaniya!

Kaya nakipagtulungan ito sa itim na anino para hindi matigil ang sumpang iginawad sa kanilang angkan.

Palabas na siya nang pinto ng may isang tinig ang umagaw at pumigil sa binat para lumabas sa pintuan. Liningon niya ito mula sa itass ng hagdan.

"Saan ka pupunta Jared, gabi na?"Tanong nito sa binata.

"Diyan lang po Tito, ahmm magpapahangin lang,"sagot niyarito.

Narinig niya ang unti-unting pagbaba ng hagdan at pagbukas ng mga ilaw nito. Nagtagis ang kaniyang mga ngipin, dahil sa tinitimping galit sa mga sandaling iyon. Sa wari niya'y may balak pangmakikialam ang matandang lalaki.

Sabagay noong mga bata pa sila ni Carrieline noon ay alam niyang mas mahal nila ito. Wala naman siyang magawa, dahil ito naman ang tunay nilang kadugo at anak. Habang siya  ay hindi kabilang sa kanilang pamilya.

Alam niyang may nalalaman ang mga ito sa sumpang bumabalot sa angkan nila. Kaya sa halip na patawan ng kaparusahan si Dexter dati ay minabuti nila itong pabayaan. Dahil alam nilang si Dexter ang nakatakdang huling Lacus na magbibigay dugtong sa buhay ni Carrieline. Oo, pananatiling buhay si Dexter haggang pagtanda. Upang magdusa sa sumpa. Kapalit ang karugtong na buhay ni Carrieline, kaya kung mamatay si Dexter. Indikasyon niyon ay kamatayan rin ng dalaga, malalagot ang sumpa.

Parehas na itinakda sa magkabilang angkan ay muling magbibigkis sa susunod na buhay. Kung saan wawakasan nito ang lahat-lahat.

Pero... 

Kung hahayaan niyang matupad ni Carrieline ang pagputol sa sumpa. Dahil dadaan muna ito sa mga kamay ng binata, bago nito magawa iyon.

Pinili niyang maging mahinahon sa mga sandaling iyon, pinalawak niya ang pagkakangiti.

"Magaalas-onse na iho, hindi ka pa ba matutulog? Baka parating na rin si Carrieline niyan."

"Sige ho Tito, hihintayin ko na lamang siya diyan sa terasa. Magpapahangin lang po ako,"paalam niya rito. Hindi na niya hinayaan na sumagot ito. Mabilis niyang hinawakan ang seradura ng pinto, ngunit sa pagkabigla niya. Kusa iyong pumihit at iniluwa niyon si Carrie, kasama pa nito ang kakambal nitng si Dada.

Hindi niya ipinahalatang nakikita niya si Dada, nagkunwari siyang walang alam sa nangyayari. Katulad nang dati...

Kitang-kita niya ang kabiglaan sa mukha nito. Hindi siguro aakalain ni Jeyda  na naririto ito ngayon sa kanila.

"Hai Carrieline!"Masiglang pagbati nito sa kaniya. Ang pagkagulat niya ay napalitan ng pagkalito sa mga sandaling iyon.

"Wha-what are you doing here Red, akala ko ba nasa business tour ka ngayon. Bakit naririto ka?"Puno ng pagtatakang usisa nito sa binata

"W-wala lang baka kasi puntahan mo na naman si Dexter, ikaw din lang ang mahihirapan,"palusot niya rito.

Tinitigan ni Carrielindm ito ng mga sandaling iyon, tila may kung anong tumatakbo sa isip nito na hindi mawari ng binata. 

"Labas ka na roon Jared, saka paano mong nalaman na pupunta ako rito. Kung biglaan naman ang aking pagpunta rito,"anas ng dalaga.

Bigla ang pamamawis ng dalawang palad ng binata, nag-umpisang maglumikot ang mga mata nito. Hindi yata at mabubuking itong hindi siya si Jared, kinabahan ito. Dahil kapag nalaman nitong siya si Jeydi. Tiyak na tapos ang pagpapanggap niya, mabilis itong nag-isip nang idadahilan dito.

Napakahirap pa  naman nitong lansihin!

"Ah kasi Carrie--- lihim akong nakamasid sa bawat kilos mo. I also hired a private investigator."Tuloy-tuloy niyang paghahabi ng kasinungalin.

Mataman lamang siyang pinakatitigan nito, ramdam  niya ang pagmamasid nito sa bawat kilos ko niya.

Hindi yata`t mabubulilyaso pa ang mga plano nito. Mawawalan ng saysay ang kaniyangg pagbabalik sa mundo ng mga mortal kapag nagkataon!


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C21
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión