MORPHIL's POV:
Sheet! Bakit ba kasi ako masyadong pahalata... hindi niya pwedeng malaman...
"ayos ka lang?" tanong niya sa akin na nagpabalik naman sa akin sa realidad. Hindi ko kasi mapigilang mapatulala sa kanya... hindi pa rin siya nagbabago simula noong una ko siyang nakita... pero medyo nalulungkot ako kasi hindi manlang niya ako namukhaan...
Maya-maya pa ay bigla na lang siyang nag-lean papunta sa mukha ko, hindi naman ako makagalaw... I was stoned in my place by the eyes of him... it's big with a black void inside it... I was busy looking into those beautiful eyes when I feel a hand touching my forehead...
"hindi ka naman mainit... masakit ba ulo mo?" I need to get back to reality, I need to stop myself first... when the time comes at naaalala mo na ako... hindi na kita papakawalan pa...
NIGEL's POV:
Ano ba kasing nagyayari sa lalaking to... hindi ko namalayan na natagalan na pala ako sa pagiisip kaya matagal narin akong naka-lean sa mukha niya... hindi ko mapigilan tingnan ang mga mata niya, those eyes... parang nakita ko na yun dati ehh? Saan ba? Ay bahala na nga diyan...
"pwede mo ng ibaba ang kamay mo... bakit ikaw naman ang parang natulala?" sagot niya sa akin bago ako umupo ulit sa aking upuan... napansin ko rin na marami nang nakatingin sa amin... hays ano pa nga ba ang ineexpect ko? Anak ng may-ari ng school ang kasama ko...
"nalaman ko na gusto mo niyan kasi ang ingay nung kasama mong babae... I just hear it from her," salita niya out of nowhere... hindi ko naman siya masisi kasi kahit ako man ay naiingayan kay Nat, babae nga naman...
Kumain na kami nang mga inorder niya... ng saya saya kasi libre, sino ba naman ang tatanggi sa libre diba?
Habang kumakain kami ay hindi maalis sa akin ang mailang kasi halos lahat ng nandito sa cafeteria ay nakatingin sa akin... hindi naman sa assuming ako, pero yung mga mata nila nakatingin sa akin na para bang nakakita sila ng multo...
"Morphil... may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya na nagpakunot naman ng kanyang noo...
"wala naman, bakitmo naman natanong?' sagot niya sa akin
"ehh bakit parang nakatingin sila lahat sa akin?" sabi ko ng pabulong, tiningnan niya naman ako bago siya tumawa...
Sa sobrang lakas ng tawa niya ay napatingin na sa amin lahat ng nandito sa cafeteria... ano ba yan ehh, kanina kaunti lang ang nakatingin sa amin ngayon pati tuloy yung mga staff na nagtratrabaho nakatingin narin sa amin...
"wala ka kasing salamin ngayon... mukha kang babae, akala siguro nila may tomboy akong kasama," hirit niya bago tumawa ulit.
Eto na nga bang sinasabi ko ehh, dapat pala dalawa yung pinagawa kong salamin ehh... buhay nga naman ohh!
"wag mo na nga akong asarin," sabi ko sa kanya bago ko tiningnan ang cellphone ko, nakita kong magtitime na kaya tumayo na ako.
"saan ka naman pupunta?" tanong sa akin Morphil... pinakita ko sa kanya ang oras sa aking cellphone kaya tumayo na rin siya...
Tumunog na ang bell kaya nagmadali na kami ni Morphil papunta sa room...
"anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako? Hindi ako batang tatawid sa daan!" sabi ko sa kanya ng hinawakan niya ang kamay ko at nagmadaling tumakbo... kaladkarin ba naman ako!?
"nagsalita ang muntik ng mabangga kanina ng jeep kung hindi ko lang niligtas," sabi niya habang ngumingisi ng nakakaloko... aba't!!???
"hoy para sabihin ko sayo- uy sandali lang!!!" hindi niya pinatapos pa ang sasabihin ko dahil tumakbo na siya... iniwan ako ng loko
"sabi kong hintay lang ehh..." sabi ko sa kanya ng malapit na kami ng classroom...
"sabi ko hinta...yin...mo –" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng nakita kong nakataas ang kilay ni Mrs.duque at nakatingin saakin... shheeettt nakalimutan ko na math sabject pala ang pagkatapos ng breaktime... kapag minamalas ka nga naman ohh
Tumingin ako sa classroom at nakita ko naman na nakangisi ang loko... nakaupo na siya sa pwesto niya, hindi na siya inabutan ni maam sa sobrang bilis niya tumakbo... edi kayo na may mahabang biyas!!!!
"and who are you... how can I help you my dear?" tanong sa akin ni Mrs. Duque na ikanalito ko naman... bakit hindi ako kilala ni maam?
"ang sabi ko ano ang sadya mo dito?" tanong ulit ni maam sa akin...
"dito po ang klase ko maam?" sagot ko kay maam na lalo namang nagpagulo sa utak niya... ano ba kasing meron?
"ha? Ang alam ko wala ng bagong transferee ngayon?"
"hindi po ako transferee maam... ako po si Nigel," sabi ko bago ito sinundan ng katahimikan ng klase... ano ba kasing meron?
At bigla ko namang naalala na wlaa pala akong salamin ngayon... oo nga pala!!! Ano bayan ohhh!!!
"maam pwede na po ba ko umupo?" pagbasag ko sa katahimikan na kumukulob sa buong classroom... bigla namang napabalikwas sa realidad si maam at tumango nalang...
Naku naman ohhh!!!
Nagpatuloy ang klase namin at napansin kong may mga tumutuingin parin sa kin kahit nagdidiscuss na si maam sa unahan, kinalabit ko si Morphil at tinanong ko siya...
"may panyo ka ba?"
"and what will you do with it?" tanong niya habang nakangisi... hay bwiset talaga tong mokong na to...
"tinitingnan kasi ako nung iba nting mga kaklase... naiilang ako ehh" sabi ko sa kanya
Nagulat naman ako ng itaas niya ang kanyang kamay... jusko, gusto niya bang mapagalitan ni maam?
"yes Mr. Vanderturf?" sabi ni maam kaya naman ay napapikit nalang ako... lord iligtas niyo po ako!!!
"pwede po bang makipagpalitan kay Nigel ng upuan," naku naku ano bang ginagawa mo Morphil... pinandilatan ko siya ng mata para sabihin na tumigil na siya...
"sure," walang ano-anong sabi ni maam, nakalimutan ko na anak pala ng may ari ng school itong mokong na ito...
Nagpalitan na kami ng upuan... akala ko lalo niya pa akong aasarin pero hindi, nanahimik siya... pero hiniharangan niya ko!!
"bakit mo ako hinaharangan?!" tanong ko sa kanya ng pabuong...
"tinatakpan kita," sabi niya, hindi naman ako nakakibo dahil iba yung boses niya, di katulad ng dayi na parang nang-aasar, ngayon ay hindi ko maintindihan pero... ay basta!?
Hinayaan ko nalang lumipas ang oras...sana matapos na ito!!!
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña