Descargar la aplicación
88% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 88: Chapter 88: Carry on

Capítulo 88: Chapter 88: Carry on

Sa bahay nga. Kasama na namin si Papa. Walang minuto ang pinalagpas ko para pasalamatan si Kian. He even gave his phone to his Dad. Kaya ilang ulit akong yumuko habang nagpapasalamat dito kahit hindi ko naman sya kaharap. Wala lang. Para bang nakasanayan ko ng yumuko sa tuwing nagbibigay salamat sa kung sino.

"Anong nangyari?. Sinaktan ka ba nila duon?." ang oa ni Mama. Sinipat pa ang buong katawan ko para lang makasiguro syang hindi ako dinapuan ng kahit anong klase ng pisi. Grabe. Hindi naman siguro aabot pa sa ganun ang lahat hindi ba?.

"Ma, ang oa naman eh.. Wala ba kayong tiwala kay Kian?." si Ate Keonna ito. Base sa isinalaysay nya. Mukhang may alam na nga ito sa ginawa ni Kian kanina.

"Meron naman.. sa Nanay nyang bruha. Wala.."

"Yang tabil ng dila mo Mama ha.. kapag nakarating yan kay Kian.. nakakahiya.." si Ate Ken naman ito.

Hay... May alam na nga sila about the engagement.

Mukhang ako lang ata ang naisahan ha?.

"Aba!. Totoo lang ang lumalabas sa labi ko. Hindi ako nagsasalita ng hindi tunay Kendra.. kaya kahit marinig pa ako ng batang yun.. alam kong alam na nya rin ang ugali ng Nanay nya.."

Umupo ako sa tabi ni Papa sa sofa at bahagya syang niyakap. Hinawakan nya rin ang braso ko't ulo sabay yakap na rin sakin. "Ma, tama si Ate Ken. Nakakahiya po kay Kian.. Kahit ganun ang Mommy nya. Kahit alam pa nya ang tunay na ugali nun. Nanay nya pa rin iyon. Masasaktan sya kahit sabihin pa nyang ayos lang sa kanya."

"See?. Nagsalita na ang may jowa.." inginuso ako ni Ate Keonna paitaas dahil nakasandal ito sakin ngayon. "Sana all, Papa.." pagpaparinig nya sa aming Ama. Papalit palit kasi ito ng kasintahan. Tuloy, hinigpitan na ni Papa na hindi magdadala ng kahit na sino sa bahay hanggat hindi sila nagiging seryoso sa buhay. I mean. Tapat sa isa't isa.

"Magtitino ka lang Keonna.. matutupad na yang mga sana all mo.."

Hindi ko talaga maiwasang matawa.

"Bwahahahahaha!.." di rin ako lang. Pati sina Mama, napapailing sa pagtawa. Si Papa nga eh. Napatakip na ng mukha. Wag lang maipakita sa isa na pinagtatawanan nya ito.

"Sige lang. Pagtawanan nyo lang ako. Kapag ako talaga nakahanap ng sinasabi nyo?. Tsk!. Tsk!. Tsk!.. Ako naman ang hahagalpak sa harapan nyo.."

"Nyahahahahahahahahahaha!.." tawa yan ni Ate Kendra. Isa ito sa pinakabully nya kaya wag nang magtaka.

Hanggang sa hindi na natapos ang bangayan nila. Iniwan ko sila't nahiga nalang. Kinuha ko ang phone ko't kinumusta nalang si Bamby sa Australia. Isa pa to e. Di man lang nagpaparamdam. Nakalimutan na ata ako.

"Kamusta na?." yan ang una kong chat sa kanya. Online kasi ito sa messenger.

Sampung minuto pa muna ang lumipas bago ako nakatanggap ng reply nya.

"Eto hindi okay.. Alam mo ba, naiinis ako dyan sa kaibigan ng kasintahan mo?. Bakit saka lamang sya magpapadala sakin ng mensahe kapag gusto nya ha?. Hindi nya ba alam na hirap na hirap na ako dito kakaisip sa kanya tapos sya sakin parang wala lang?. Pakisabi sa kanya. Bwiset sya!.."

Hay.. ewan ko ba sa dalawa ring to. Alam mo yung obvious ang mga galaw nila pero hindi pa rin sila magkatugma?. Ganun siguro kapag long distance relationship. Mahirap.

"Oo na. Relax okay.. Mahighblood ka dyan. Makakarating ang mensahe Madam.. gusto mo pa nga. tawagan ko eh.."

"Wag na.. just tell to Kian at sya nalang magsasabi sa kanya. Wag na ikaw.."

Kita nyo?. Bakit hindi pa kasi idiretso sa taong concern diba?. Bakit kailangan idaan pa kay Kian eh. Hays...

"Thanks for the understanding Karen.. I have to go.. may pasok pa kasi kami rito.. Love you.. I miss you also.. regards to Winly.. bye.."

At dahil sa pagod. Nakalimutan ko ng sabihin to kay Kian. Tanghali ko nalang naalala. Habang kami'y kumakain ng tanghalian sa bahay. He's here to talk about the abrupt and exclusive wedding just for the family and closest friends. Wala ng iba. Binulong ko ito sa kanya. While he's talking about Jaden and Bamby. If we'll let them know about what's happening. Sinabi ko na para di ko makalimutan. "Magtatampo ang mga iyon kapag di natin pinaalam sa kanila babe.. Lalo na at parang nag-away pa ang dalawa." he then ask about what's the meaning of my words. Ayun. Kinwento ko sa kanya yung hinaing ng kaibigan ko.

"Alam mo babe. Nagkakahiyaan lang kasi sila. Alam mo rin bang naghihintay lang din ng chat yung isa?.. Alam mo na torpe nga diba?. Kaya sana maintindihan iyon ni Bamby. Let her know na hindi sya iniiwasan nung tao. Talagang mahiyaan lang sya't di alam kung paano sya kakausapin."

Ginawa pa nilang messenger kahit na pwede naman na sjlang mag-usap na dalawa. Nakakaasar. Sa dami ng iniisip ko. Dumagdag pa sila.

Pero ayos lang. Atleast. Nalilibang ako kahit kaunti sa kakyutan nila.

Ngunit.

Ang nagpasakit pa lalo ng ulo ko ay ang biglang pagtawag ng Mommy nya sakin na makikipagkita. Hindi ko man alam ang totoong dahilan nya. Parang may sumasagi na sa isip ko na may ideya na ako kung ano. Kumpirmasyon nalang yata ang kulang.

Wala akong mapaglagyan ng kaba kaya tinawagan ko ang bakla. "Ano?." hilig nito ang hindi bumabati sa tuwing may tawag syang natatanggap kaya di na rin nakakapagtaka.

Kinagat ko ang dulo ng hintuturo ko. Paano ko nga ba ipapaalam sa kanya nang di sya nagugulat? Pero impossible rin na di pa nya alam ang lahat diba?. Maaaring posible rin Karen. Magtanong ka nalang kaya. "Ano!!?...." inilayo ko ng kaunti ang hawak na phone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses nito. "Totoo na ba yan o prank na naman?. Ikaw Karen ha? Gumising ka nga.. Wag puro pantasya ang gawin.." anya matapos kong ihayag sa kanya ang lahat.

"Seryoso nga ako. Ayaw mo kasing maniwala.."

"Kasi nga.. parang hindi ako naniniwala.."

"Imposbleng di mo pa ito nalalaman?." tanong ko. Na maging ako ay nacurious kung totoo ngang inosente sila rito.

"Wala nga.." giit pa nya. Meaning. Totoo ngang wala syang alam. Pero bakit hindi ito pinaalam ni Kian sa barkada?.

"Makita ko lang yang si Kian. Sasapakin ko. Hindi man lang nagsasabi.."

"Baka may dahilan sya?." rason ko. Baka nga. Di ko lang din alam kung ano.

"Wala akong pakialam sa dahilan nya. Ang sakin lang. Pakakasalan nya ang best friend ko tapos wala akong kaalam-alam sa plano nya?. Naku! Nang-gigigil talaga ako!.."

"Oo na. Tama na. Atleast nalaman mo na hindi ba?. Marami kasi ang nangyari bakla. Sana maintindihan mo sya kahit wala kang naririnig na dahilan nya.."

"Hay...." mahabang buntong hininga ang ginawa nya. "Ano pa nga ang gagawin ko hindi ba?. Si Bamby, alam na ba nya?."

"Hindi pa.." dismayado itong natahimik.

"At wala kang balak ipaalam kung ganun?." anya. Galit na ang tono ng boses nito.

"Iniisip ko ngang pagkatapos kitang kausapin. Sya naman ang isusunod ko.."

"At kung di ko ba nalaman di mo rin ipapaalam sa kanya?."

"Hindi ganun bakla. Ano ka ba?. Busy lang kasi ako. Idagdag mo pa tong Mommy nya na ayaw pa rin samin. Sa totoo nga e. Di ko na alam ang gagawin."

"Bakit?. Wag mong sabihin na hindi mo sisiputin ang Mommy nya?. That's a big disappointment Karen kapag umabot ka sa ganung kaisipan.. Pumunta ka. Harapin mo sya. Wag kang matakot na ipakita sa kanya ang tunay na ikaw. Ano man ang ipakita nya sa'yo panatilihin mo ang meron kang paggalang sa kanya.."

Oo naman. Bali-baliktarin ko man ang mundo. Nanay pa rin sya ni Kian. Kaya hindi mawawala sa akin ang paggalang.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C88
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión