Kian contacted me that night. He said, he's okay and everything is alright. Nabunutan ako ng tinik noon sapagkat malaking kaba ang tumubo sa dibdib ko nang umalis sya. I just replied him that, I'm glad he's okay. Na wag syang mag-alala sa akin dahil ayos lang din ako.
Umaga ng linggo ay kinumusta ko sya. He just replied again and it says that, he's alright. I was like. Okay. Take care. I ask if he already take his breakfast but he didn't replied anymore. Kinulit ko sya nung dumating ang tanghalian at hapunan. No replies. Not even seen my chats.
"Sana nga. Okay ka lang talaga." I whispered to myself while hugging my Doraemon stuff toys.
Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako't bumaba para uminom ng tubig. Dumiretso ako ng kusina at binuksan ang ref. Kinuha ko roon ang pitsel ng tubig saka nagsalin ng tubig sa may baso. Agad ko iyong tinungga.
"Gising ka pa?." nagulat ako ng matanaw si Papa na pababa ng hagdan. Mabuti nalang nakita ko sya dahil kung hindi baka naidura ko sa kanya yung tubig na nasa loob ng labi ko dahil sa pagkabigla.
"Kayo po?. Bat gising pa kayo?." balik tanong ko.
"E kasi, may binabasa pa akong mga reports. E ikaw ngayon?. Bakit hindi ka pa tulog?." mahiwaga ang kanyang tunog ng itanong nya ito. Nahagip pa ng mata ko kung paano tumas ng bahagya ang gilid ng kanyang kilay nung natamaan sya ng ilaw na galing sa ref. Binalik ko na Ang pitsel matapos salinan din ng tubig ang kanyang baso.
"Wala lang po. Marami po yata akong nakain kanina kaya di ako makatulog ng maaga." Nagluto kasi ng adobo si Mama at iyon ang specialty nya. My favorite. Kaya naparami ako ng kain. Kulang nalang, maubusan ako ng kanin kanina. Pinigil pa nga ako ni Ate Kio pero parang wala akong narinig nung mga oras na iyon. Para bang sa pagkain ko naibaling ang inis at kung anumang nagtatago sa kailaliman ng puso ko para sa nangyayari ngayon. I can't figure it out for now. It's too hazy.
He turn silent. "Akyat na po ako Pa. Good night." paalam ko.
Nasa ika-limang baitang na ako ng hagdan ng tawagin nya ulit ako. Bumaba ako para lapitan muli sya. "Bakit po?."
"I heard some things from your Ate Ken." he look at me. Naawa. Maingay akong napalunok. Saka tumango. I got teary eyed when he slowly hug me and tap my back.
"I want you to know that if you need someone to talk to. Just let me know."
"Bakit ganun po sila Papa?." my voice cracked. At duon naglandas ang mainit na luha saking pisngi. Hating gabi na pero itong diwa ko, gising na gising pa rin. Hinayaan nya akong humagulgol sa balikat nya. Binuhat nya pa nga ako patungong sala at pinaupo. Pinatahan. Binigyan muli ng tubig at sinamahan ako kahit na nakakabingi na ang katahimikan.
Yakap ko ang mga binti. Nakatitig lang sa marahang pagkilos ng kamay ng orasan.
"Wala tayong magagawa anak kundi hayaan lang sila. Anak nila si Kian. Alam nila kung akong mas makakabuti para sa kanya."
"Pero hindi po sya masaya?." rason ko sa kanya na para bang may magagawa sya kapag sinabi ko ito.
I saw how his head moves. Tumatango sya. Ibig sabihin, alam nya ang punto ko?.
"Iyon ang mahirap. Hindi kasi lahat ng oras ay magugustuhan nyong mga bata ang desisyon naming matatanda. Pero kalaunan. Kapag kayo na rin ang nasa posisyon namin. You'll understand your unending whys."
"Kayo po ba?. Gusto yung ginagawa nila?."
"Half half."
Kumunot ang noo ko't nagsalubong ang kilay. "Half half?." parang bata kong tanong.
"Hmmm. kalahating gusto, yung Kalahati rin, hinde." paliwanag nya. Tinanong ko kung bakit. "Gusto ko kasi gusto ko maging sigurado na sa future nang anak ko. Lalo na't nag-iisa ito't lalaki pa. Sya lang ang tanging tagapagmana at ang nais ko lang ay ang maging maganda ang buhay na maghihintay sa kanya. Hinde rin sapagkat, iyon. Ang sabi mo nga na di sya masaya?. Bakit ko sya pipilitin sa ayaw nya diba?. Sino ako para planuhin ang future nya kung alam kong di naman sya sasaya?."
Buti pa si Papa. Ganyan yung opinion nya. Sana, ganyan din ang isip ng kanyang Ina. Sabagay nga naman. Magkakaiba ang pananaw ng bawat isa.
"Atsaka, kahit naman anak nila ang Kian. May karapatan pa rin itong pumili sa kung sino ang gusto nya, hindi lang ng kung sino ang nais nila." dagdag pa nya. Tumango ako dahil totoo naman ang mga sinasabi nya.
"May magagawa ka po ba para pigilan sila?." I wnat to try my best for him to be free. For us?. For now?. Di ko naiisip iyon. Mas gusto kong maging malaya sya't mabigyan ng karapatan magdesisyon para sa sarili nya. Saka na ang kami kapag naging independent na sya. Pakiramdam ko kasi, nakatali lagi ang leeg nya't hindi pwedeng pumunta kahit saan. Masakit isipin ang ganito.
"Sa totoo lang anak. Wala. Walang magagawa ang Papa mo para sa Kian. Mas lalo ka lang maiipit kapag pumasok pa ako. Hayaan nalang natin sila. Gulo nila iyon at wag na tayong dumagdag pa."
"Pero Papa?." Kami po ni Kian. Gusto ko yang idagdag subalit mariin kong pinigilan ang sarili na wag sambitin ito.
"Nga lang. Mukhang wala akong magagawa kung, darating sya bigla dito at hihingi ng tulong ko." tinignan nya ako. I feel like he knew what's on my mind. "Lalo na kung, dawit na ang pangalan mo." he caressed my hair slowly. Napalood ko ang labi sa narinig.
"Papa?."
"Ramdam ko pa nung una ang pagtingin sa'yo ni Kian anak. Iba ang ngiti nya sa tuwing ikaw ang nagpapatawa sa kanya. Hindi ko lang alam na ganun ka din pala sa kanya." Tinanguan ko sya. "Pero makakaya mo bang indahin lahat ng sakit?."
"Opo naman po?." mabilis pa sa andar ng pitik ng orasan ang sagot ko.
"Masyado ka pa sanang bata para payagan ka't pasukin to pero anong magagawa ko kung ito talaga ay para sa inyo. Iisipin ko nalang na ito ay daan para turuan kayo ng buhay. Tandaan mo. Hindi porket pinayagan kita sa gusto mo ay susuwayin mo na ako. Hinde iyon pwede sa akin Karen. Pinayagan kita pero ang hahayaan ka nalang na gawin ang hindi pa, ay HINDI pa dapat ha?. Bibigyan kita ng kalayaan na gawin ang nais mo pero may paalala lang ako sa'yo. Iyong ipinangako mo?." anya. Ang tinutukoy nya ay ang makatapos ako ng pag-aaral na with honors.
"Hindi ko po iyon babalewalain Papa."
"Maganda kung ganun. Ngayong nasabi ko na sa'yo ang bagay na alam kong gusto mong marinig. Matulog ka na. Lunes bukas at may pasok na." ginulo nya ang buhok ko't tinulungan tumayo. Inakbayan nya ako't sabay kaming pumanhik na sa taas.
May inihabol pa nga sya. Si Kian. Matapang na bata raw sya. Kaya nya ang sarili nya at kakayanin nya raw ang pagsubok na to.
Sana nga po. Sana kayanin nya ito dahil andito lang ako. Maghihintay sa kanya.