Pagkarating ng EK. Sya ang bumili ng aming ticket. Napamangha ako sapagkat ang daming tao. Karamihan ay mga edad namin na mga grupo. May mga bata rin na kasama ang kanilang mga magulang. Maraming nagtitindi ng ice cream, lobo at cotton candy. At syempre. Tulo laway ko sa kulay ng cotton candy.
"You want that?." Kian ask nang mapansin yata na nakatitig ako sa dinudumog ng mga bata.
"Nope." Yes. Yan sana ang isasagot ko at hinde ang nauna. Wala e. Nauna na kasi sa akin ang hiya kaya umiling nalang ako kahit na sa loob loob ko ay, takam na takam na ako.
"Tara na dun." hinila ko na sya sa may rides. Una ay sa ferris wheel.
"Masyadong mataas Kaka." tiningala nya pa ito. May fear of heights ba sya?.
Hinigpitan ko lalo ang paghawak ko sa kamay nya. Tinignan nya ito. "Kasama mo naman ako kaya, kaya mo yan."
"Paano kung masiraan at sa pinakatuktok pa tayo?."
"Hahawakan ko pa rin kamay mo ng mahigpit para di ka mahulog.."
"Kyaaaaaahhhhhh!.." nagulat kami pareho nang may biglang tumili sa gilid namin. Grupo ito ng mga kabataan na nakapila rin.
Gamit ang isang kamay nya ay kinurot nya ang kabilang pisngi ko. "Sabi mo yan ah." he said while smiling.
"Waaa..... ang gwapo ni kuya!.."
"Bagay na bagay sila ni Ate. Sana all!..."
"Ang cute nyo po Ate.. pwedeng pahiram si kuya pogi?."
"Hahahahaha.. Timang.. Magdasal ka nalang kaya Kaycee.."
Ang iingay ng mga ito sa likuran namin. Mabuti nalang at kami na ang sumunod na sumakay. At take note. Hindi na ako ang mahigpit ang hawak sa kamay nya kundi, bumalktad na. Kulang nalang umupo sya sa kinauupuan ko. Hindi pa man tumataas ang pwesto namin ay nakapikit na ito.
"Open your eyes Master."
"I can't.." mariin nyang sabi.
"You can. It's just that. You are afraid to see what's Infront of you." medyo malakas kong sabi. Pandalawahan lang ang upuan kaya kami lang din ang magkatabi. Tinitigan ko ang buong mukha nya habang sya'y nakapikit. Di ko na napigilan pa at hinalikan ko sya sa kanyang pisngi. Duon na rin sya napadilat.
"Ang ganda ng view. Bat ayaw mong tignan?.."
"Dahil mas maganda ka sa kahit na sinong makita ng aking mata." pinalo ko sya sa balikat. Nagawa pa nyang magbiro. Tsk.
"Ihulog kaya kita rito.." biro ko.
"Ang sama neto. Pumipick up lines na nga ako eh.."
"Takot ka ba talaga sa heights o hinde?."
"Takot nga.. bat ayaw mong maniwala?."
"E kasi nga, parang di halata.."
"Kasi nga po. Kasama kita atsaka napadilat lang naman ako nung dumampi ang labi mo sa pisngi ko. Isa pa nga?.."
"Tse.. Mukha mo.."
"Sige na. Isa nalang please.."
"Puro ka isa. E diba, isa na yung ginawa ko kanina?."
"E ikaw lang din naman may gusto nun, hinde ako. Kaya isa lang Kaka. Sige na.."
Si Kian ba talaga tong kasama ko o hinde?. Parang ibang tao to. Hindi sya ganito sa harap ng maraming tao. Pero kapag kami lang. Dinaig nya pa si Kim kung magpalambing. Hay...
"Maraming tao.." rason ko. Eksakto kasing nasa baba kami. Umikot muli paakyat. Bahagyang bumilis.
"Whoaaaa!.." sigaw ko dahil ang sarap ng hangin na sumasalubong sakin. Tinignan ko ang katabi ko. Tahimik ito at nakapikit pa rin.
"Open your eyes." utos kong muli rito. Ginawa nya naman agad ito. Duon ko sya hinalikan sa pisngi ng dalawang beses. "Conquer your fears Master. Wala namang mawawala kung susubok ka." sabi ko sabay ng isang kindat. I saw how his jaw dropped.
"Like this?." hinawakan nya ang pisngi ko't hinalikan ako. Napaawang ang labi ko ng kumalas na sya doon. "What can you say?."
Susnako!. Sa labi lang naman nya ako hinalikan!. Ene be?. Erk Karen!
Umiling ako't pinalakpakan lang sya. Kaya naman ito natawa ng natawa hanggang sa pagbaba.
"That was amazing. Balik ulit tayo mamaya dyan.." he requested now. Kanina ay halos di sya mahila e. Ngayon, sya na ang nagyayaya.
"Ayoko na. Madaya ka eh." nguso ko. Sabing sa pisngi lang. Bat napunta na sa labi. Kainis to! Kinikilig tuloy ako!. Ahhh.....
"Hahahahaha.. Tara duon." hinila nya ako sa Space shuttle. Isa sa pinakaayaw ko rin. Hindi nya ako napilit kaya di kami natuloy duon. Sa Bump N Splash nalang kami namalagi. Noong una. Ayaw nya kong banggain pero nung paulit-ulit ko syang binangga. Binasa na nya ako. Wala pa naman akong pampalit na dala.
"Ikaw kasi. Ano na?. Wala akong pampalit.." nagdabog ako sa kanya. Namaywang sya matapos nya akong paupuin sa isang bakanteng mesa na may upuan. Tinanggal ko ang bag sa likod ko at hinanap ang tissue doon. Nagpunas ako kahit alam kong wala rin naman itong kwenta. Sinamaan ko sya ng tingin ng pinanood nya lang ako sa ginagawa. "Kainis. Sabing wag akong basain eh." dagdag ko pa.
"I'm sorry.."
"Sorry mo mukha mo.." Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas hanggang sa may bigla syang inilapag na brown paper bag sa harapan ko. Tiningala ko sya syempre dahil nagulat talaga ako.
"Ano yan?." tanong ko. Hindi sya nagsalita. Inginuso nya nalang ito. Pagkatingin ko rito. Isang pares ng damit. Jagger at puting tees. "Saan galing?."
"Pinabili ko." simple lang nyang sabi. Hay.. Iba talaga kapag mayaman. May taga bili ng kailangan.
"Di ko kailangan yan.." Pag-iinarte ko pa. Sige ka babae ka. Bahala ka sa buhay mo. Mag-inarte ka pa.
Oo na. Eto na. Atat?. Pakipot din dapat tayo minsan girl. Di yung, sunggab agad.
"Magkakasakit ka kapag di ka nagpalit."
"Ayos lang. Di naman na masyadong basa.."
"Please?.." natigilan ako ng sabihin nya ito. Kumurap kurap pa sya. Sinasabing, sundan ko ang gusto nya. Bumuntong hininga ako't hinawakan ang paper bag.
"Okay. Antayin mo ko dyan.." Bumigay din sa wakas ang bruha. E sa, mahirap syang tanggihan. Lalo na pag kumindat at ngumiti ng kahit isa lang.
"Opo Kaka.." ang lambing pa ng gamit nyang boses. Iniwan ko sya't nagpalit ng binili nyang damit. Eksakto lang ito sakin. Buti nalang may supot sa ibabang paper bag kaya duon ko na rin nilagay yung basang damit ko. Noon ko lang rin naisip na pati pala sya ay basa. Tumakbo ako pabalik sa mesa pero wala na sya duon. Kinabahan ako ng sobra.
"Kian?.". tawag ko subalit walang sumagot. Nagpalinga linga ako ngunit di ko mahagilap ang bulto nya. May nakaupo na sa mesa at hindi sya. Malapit na akong mahilo kakahanap sa anino nya pero wala. Saan kaya sya nagpunta?.
"Kaka?." mula sa di kalayuan ay may tumawag sakin ng ganun. Hinanap ko na naman syempre subalit hindi ko makita. Susnako!. Bakit ganito ang kaba ko?. Asan ka na kasi?.
Sa paghahanap ko ay may nabunggo ako sa likod. "Sorry po. Sorry po.." hinging paumanhin ko. Nakayuko.
"You look nervous. Ako ba hinahanap mo?." agad akong napatayo ng tuwid ng marinig ang kanyang halakhak.
"Bwiset ka!. Saan ka ba nagpunta?." sinuntok ko ang kanyang dibdib. Natawa lang naman ito. Hinuli nito ang kamay ko't hinila ako upang yakapin.
"Sorry. Nagpalit lang din ako. Nakita kasi ako ni Kuya Roger. Sinita ang damit ko kaya pinagpalit ako. Hahaha.."
"Nakakainis ka!.." pinalo ko ulit sya kahit nakayakap pa rin ako sa dibdib nya. Wow!. Ang bango!
"Yah. I know. But here's my apology gift for you." anya sabay pakita ng cotton candy sa kamay nya.
"Bumili ka?." namilog labi ko.
"Hmmm.. Nakita ko kasi kung paano ka matakam dito kaya I bought you one."
Nginitian ko sya. Kinuha rin ang candy sa kamay nya bago nagpasalamat. "Thanks."
"You're very much welcome. So am I forgiven?."
"Hmmm.. ikaw pa." sabi ko habang kumakagat na sa bigay nya. Kumagat pa nga sya duon ng minsan bago kami muling umikot at sumakay sa iba't ibang rides.
Babalik sana kami sa Bump N Splash na yun pero baka mabasa ulit kami kaya sa ferris wheel nalang kami huling sumakay bago pumanhik na pauwi ng bahay. I really enjoyed his company kahit takot sya sa heights at binasa ako in public. Atleast, we do share some unforgettable moments there. At nalabanan nya ang kanyang kinatatakutan, heights.