"Ano bang ginagawa mo sa labas kanina? Muntanga ka gurl alam mo yun?.." hinila agad ako nitong si Winly sa kumpulan ng mga estudyanteng bagong pasok. First year. Syempre, mga baguhin sa school na to.
"Wala. Namangha lang ako." may katotohanan naman yung sinabi ko. Sa gate palang na kulay gold ang pintura ay namangha na ako. Kasabay pa noon ay ang Naku!. Mama!. Yung chinito! Asan na sya?!.
"Talaga ba?. O baka natakot ka naman?.." kainis sya! Inirapan ko kaya sya ng bongga. Humagalpak ito na nakaagaw talaga ng pansin ng ibang katabi namin.
"Kainis yang tawa mo ha.. psh!." irap ko pa. Hinampas nya pa ako gamit ng pamaypay nya saka tinawanan. "Alam ko gurl. Kaya nga ako tumatawa para mainis ka.. ahahahaha.." Bwiset!! Bakit ba ang hilig nila akong asarin? Lunes mga dai!
Ang dami nya pang sinatsat na ang iba ay binalewala ko nalang.
"Teka nga. Bat wala pa si Bamby?.." kanina ko pa to gustong tanungin kaso di ako makasangit sa mga biro nitong galing yata ng Mars. Korny!
"Hello gurl.. Ayan sya oh!.." hinawakan ako sa balikat saka pinihit paharap saming gilid. Tabi ng gym. Andun si Bamby. Kasama sina Joyce, Jaden at Ryan. Mga dati naming kaklase noong elementarya.
"Tara doon.." alok ko sa kanya. Hinihila ko na ang braso nya ngunit ayaw patinag. "Mamaya na gurl. Masira beauty ko dun. "
Nagtaka ako ng sobra. "Bakit naman?.." hindi maipinta ang mukha nya. Di ko alam kung biro nya lang ba iyon o hinde. Basta. Ewan!
"Ang ganda lalo nung dalawa eh. Hindi haggard ang face. E ako?.." malungkot nyang sambit. Gusto kong matawa sa problemang dinadamdam nya. Para yun lang ayaw nang lumapit?. Naku naman!
"Paano naman ako?. Idadamay mo rin?.." pagbibiro ko sana kaso kinagat nya ng seryoso.
Ngumuso sya. "Yun nga eh. Lahat kayo gumanda gurl.. Paano naman ako?.." naiiyak nitong sambit.
Di na ako nakapagpigil. Binatukan ko na. "Ang drama mo gurl.. Lunes pa naman. "
Nagkibit balikat sya. Ngumuso ng todo sakin. Pacute din. Feeling. "Paano nga kasi ako magkakalovelife neto?.." Pilit pa nya. Abnoy din!
"E basta. Wag ka kasing maghanap para makahanap ka..."
"Ang gulo naman nun.." reklamo nya sakin. Teka. Ano nga ulit yung sinabi ko?. Mukhang di ako yung nagsalita ha.
Yun nga pananaw ko eh. Pag naghanap ka kasi. Wala ka talagang mahahanap o worst malilito ka lang. Kaya it's better to not seek. Let luck find you.
"Nasasabi mo lang yan kasi babae ka.."
"Gurl, wala akong sinabing ganun. I'm generalizing it. Malay mo. Kung di ka hahabol. May biglang maghabol sa'yo. O ano, mas gusto mo ba yung ikaw ang naghahabol o sila?.." napaisip naman sya saglit.
Saan ko ba nakukuha ang mga sinasabi ko?. Hay naku! Gutom na naman ako! Kailangan ko ng chocolates. Kumuha ako sa bulsa ko ng kisses saka patagong binuksan at nilagay sa bibig. Mahirap nang ipakita sa kanya. Dadalawa dala ko eh. Baka manghingi pa. Di naman sa nagdadamot ako. Sadyang, kailangan ko lang magdamot dahil dalawa nga lang. Paano naman ako pag wala na?. Lol!
Napaisip naman sya ng matagal. "May point ka nga. Hmm.. sya.. Tara na nga duon.. makapayo ka dyan.. wala ka din namang jowa.. grr..." kita mo to. Pinayuhan na nga. Di pa nagpasalamat. Inirapan pa ako. Tinalikuran at iniwan. Grrr!
Bahala sya dyan!.
Saan ko kaya makikita ulit yung lalaki sa gate?.
Sana classmates kami. Sana! Owishi!