Lumipas ang ilang minuto, hindi pa rin ako kumikilos. Nananatili kaming naka yakap sa isa't-isa. Nakatulog na lang si Ash sa aking bisig kakahintay ng biyaheng langit na nauwi sa biyaheng panaginip.
Wala akong ibang ginawa kundi ang pag-masdan ang kaniyang mukha. Dalagang dalaga na talaga siya. Wala siyang pinag bago buhat ng dalawang linggo mahigit kaming nag kalayo.
Hindi ko alam kung bakit siya asar na asar kapag pinapaasa ko siya. Sadyang hindi pa rin mawala sa isip ko na natulog siya sa bahay ni Tyrone at nagawa niyang mag-sinungaling sa akin. At magpa hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako.
Sa totoo lang gusto ko talagang saktan si Tyrone. Noong mga oras na 'yon. Pero alam ko na hindi niya magagawang traydorin ako. At kahit paano ay may tiwala ako sa kaniya dahil nung unang beses na natulog sa bahay niya si Ash ay wala naman siyang ginawang hindi maganda.
Kinailangan ko pa tuloy ituon ang atensiyon ko sa trabaho. Sadyang hirap akong makalimot ng masamang bagay na nagawa sa akin. Kaya hanggat maaari, ayokong may pagtatalunan kami ni Ash. Lalo na at nauuwi lagi sa pag iyak. At alam ko naman na nag dudulot iyon ng tinik sa dibdib niya.
Flashback:
Spencer Pascual POV
"Asan na kaya siya?"
Palinga-linga ako dahil hindi ko mahanap yung babaeng naka iwan nitong hair clip na butterfly.
Nakita ko siyang pumasok dito sa sakahan kaya sigurado akong narito lang siya. Tatlong araw ko na siya inaabangan. Ganitong oras din nung nahulog niya ito dito sa puno.
Kasalukuyang nag lalako ako ng paninda ni Nanay na suka noong mapansin ko na nahulog niya 'to.
Aalis na sana ako nang bigla na lang may maliit na boses ng babae ang tumawag sa akin. Matinis pero maangas.
"Payatot!"
Nang masdan ko siyang mabuti, laking gulat ko ng mapag tanto ko na siya pala ang batang babae na hinahanap ko.
"Ako ba kausap mo?" Tanong ko habang palinga-linga.
"Dayuhan ka rito sa probinsya? Taga maynila ka ba?" Mataray niyang tanong.
Hindi ako agad naka sagot dahil para akong hinihipnotismo ng mga mata niyang bilugan.
Medyo nanliit ako nang titigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang dungis ko pala tapos mag kaiba pa ang suot kong tsinelas. Sira at bulok na.
"Taga Isabela kami. Isa kami sa mga nasunugan... " sagot ko na medyo nauutal.
"Ganon pala... luhod!" Utos niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang liit liit niyang babae para utusan ako. Mukha siyang matapobre.
"Bakit? Hindi kita Dios kaya hindi kita sasambahin!"
"I said kneel!"
Aba! Nag english pa... siguro minumura niya ko?
"Diyos ka ba?"
"I'm not. Pero nasa private property ka namin. Tresspasser!" Sigaw niya.
Ano raw? Tress--pasah? Minumura niya nga ako. At umirap pa.
Ginawa ko na lang ang gusto niya. Tutal naman, cute siya.
"Anong hanap-buhay ng pamilya mo? Magkano ang income niyo a month?"
Ngayon naman pahihirapan niya pa ako mag kuwenta!
"Gumagawa lang ang nanay ko ng suka. Nasa two hundred isang linggo... bale nasa eight hundred kada buwan."
"Kawawa ka naman pala... stand up! " utos niya.
Kawawa? Di niya ba alam na sobra pa sa amin ang eight hundred? Nag sinungaling ako. Ang totoo four hundred ang malaking kita namin. Pero parang masyado pa yata iyon maliit para sa kaniya.
Pero hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng tsokolate. Sobrang saya ko dahil naalala ko yung tatay ko. Sabi ni nanay, pag nakita ko na ang tatay, mag sasawa ako sa tsokolate.
"Toblerone yan! Galing sa New Zealand. Pasalubong ng Papá." Kalmado niyang sabi.
Aba! Siguro lugar sa Maynila 'yon?
"New Zealand? Maganda 'ron!" Usal ko habang lumakain.
"Bakit, nakarating ka na ba sa New Zealand?" Taas kilay niyang tanong.
"Hindi pa!" Natatawa kong sagot.
"Sus! Eh paano mo nasabing maganda?"
"Pag maganda sa pandinig... parang ganon na rin!"
Buti naman kahit paano, napangiti ko siya.
"Wh--what you name?" Tanong ko na sobrang nakapag patawa sa kaniya.
Medyo nahihiya ako dahil sa baluktot kong english.
"I'm Natasha. And you are?"
"Natasha... ang ganda sa pandinig. Ang ganda mo rin sa paningin." Uyy kinilig siya! Nag-bibiro lang naman ako.
Nakalimutan ko na tuloy iabot ang hair clip niya. Masyado akong naaliw sa batang 'yon. Sana lang maging mabait siya sa akin. Sa kaniya lang ako lumuhod. Dinaig niya ang Nanay Beybi ko.
Simula non, madalas na akong tumambay sa puno na 'yon. Yung puno ng mangga na saksi sa una naming pag kikita. Saksi sa una kong pag luhod. Saksi nang maging alipin niya ako. At saksi sa pag iyak ko na siya ang dahilan. At saksi sa pag iyak ni Natasha na ako rin ang dahilan.
Nang minsang umakyat ako sa punong iyon, Bigla siyang tumakbo roon saka sumandal. Tatalon na sana ako nang mapansin kong hinahampas niya ng tsinelas ang puno habang sinisigaw ang Pangalan ko.
"Aalis ka? Iiwan mo na 'ko!" Sigaw niya habang patuloy sa pag tadyak ay hampas sa puno.
Nababaliw na yata siya? Kinakausap niya kasi yung puno.
"Sana--hindi kayo mag kita ng tatay mo!"
Ako ba tinutukoy niya?
"Narinig ko si tita beybi, sabi niya hinahanap na raw kayo ng tauhan ng dady mo..."
Tatawa na sana ako pero nung makita ko siya kung paano siya umiyak, batid kong magiging napaka sakit nito sa kaniya.
Naiiyak na rin ako at nalulungkot. Pero pangako ko sa sarili ko na gaya ni Papa, hahanapin rin kita.
"Huhuhuhuhu-----huhuhuhu"
"Salbahe ka talagang Payatot ka! Bago ka umalis, sisingilin ko yung mga ginastos ko sa 'yo!"
"Matapos kitang turuan mag english, ----"
Kumulog...
Kumidlat...
Lalong dumilim ang kalangitan...
Medyo pumapatak na o ulan...
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para umalulong nang malakas na malakas.
"Awooooooooo!" Alulong ko.
Napasandal siya sa puno at palinga-linga.
"Sino nandiyan?" Matapang niyang tanong.
Nang akmang hahakbang siya, naisip kong alugin ang mga sanga. Halos malaglag na ang mga dahon dahil sa gigil kong pag alog.
"Dios ko po--" sambit niya.
Natatawa na ako dahil takot na takot na siya. Habang ako, namimilipit na sa kakatawa.
Dahan-dahan akong bumaba. Naninigas na siya at giniginaw. Nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya, hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil naka pikit siya na para bang ayaw makakita ng multo o aswang.
"Spencer?" Sambit niya na halos maluwa ang mata nang makita akong namimilipit sa kakatawa.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"
"W--wala! Nasarhan ako ng gate. Tumakas lang kasi ako..."
"Paano ka-"
Niyakap niya ako ng mahigpit. Yakap na parang sinasabing huwag akong umalis.
"Iuwi mo 'ko sa Mansion mo?" Biro niya na tinotoo ko.
Mahimbing ang tulog ni Nanay. Maingat kaming umakyat ni Natasha sa Atic. May kalumaan ang istilo ng bahay at marupok na ang muwebles. Hindi ito kasing linis at kasing laki ng gaya ng sa kanila pero magugustuhan niya dito.
Mahirap ang buhay namin. Lalo na ng masunugan kami. Wala na ako halos matinong maisuot. Buti na lang at nag mamagandang loob ang tita Belinda na binibilhan ako ng tsinelas at pares ng damit.
Sinindihan ko ang kandila dahil wala naman kaming kuryente. Medyo malamok pa dahil umuulan at madilim. Maingay pa ang mga daga at Alam ko naman na naiirita si Natasha pero parang ayos lang din sa kaniya.
Alam ko naman na hindi siya nasarhan ng gate. Pero totoong tumakas siya.
Binalatan ko ang mangga na napitas ko kanina. Binalot ko siya sa makapal na kumot. Para lang akong nag aalaga ng bunsong kapatid. Habang nag babalat ako, paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya.
Pinapanood niya lang ako habang nag babalat. Nang matapos ay tinabihan ko siya. Sabay kaming kumain habang nag kukuwentuhan. Halos patayin niya na ako sa pag hampas dahil inamin ko na ako yung nanakot sa kaniya. At nahihiya siya sa mga natuklasan ko.
"Spencer!" Tawag ni nanay mula sa labas.
Dali-dali kong pinatago si Natasha sa ilalim ng papag. Ayokong mag-isip si nanay ng masama. Dahil may tiwala sa amin ang pamilya Amorine.
"May--kasama--"
"Kumakanta lang po." Sagot ko. Hinintay ko muna si nanay na pumanaog saka ko kinandado ang pinto.
Hininaan namin ang mga boses namin. Mag damag kaming nag kuwentuhan habang mag katabi sa papag. Naka sandal kami sa dingding at naka upo.
Nalusaw na ang kandila pero kaming dalawa ay buhay na buhay pa. Ilang araw na lang--luluwas na kami ni Nanay pa Maynila. Mahirap man, pero gagawin ko pa rin para ipag malaki niya ako sa tatay niyang engineer na may sariling construction company.
"Wag ka mag sho-shota ah?" Basag ko sa sandaling pananahimik naming dalawa.
Hindi ko alam kung paano nga ba namin nagawang yakapin ang isa't-isa. Basta ang alam lang namin ay masaya kaming nag uusap tapos magkayakap na kami bigla.
"Baka ikaw! Gusto mo nga si Ann--"
"Di ko siya tipo. Ikaw gusto ko." Nahihiya kong sabi habang naka titig sa kaniya.
Napangiti naman siya habang kagat ang ibabang labi.
"Gusto mo lang naman ako dahil sa chocolate--"
"Basta gusto kita. Pero di pa puwede." Usal ko.
"Malabo na yan. Maraming magandang babae sa Maynila. Marami ka pang makikilala."
"Hindi. Gusto ko ikaw lang. Kaya kapag nalaman ko na nag ka shota ka--mag susuntukan kami." Biro ko na naka pag patawa sa kaniya.
"Suntukan? Sa payat mong 'yan?" Natatawa niyang sabi.
Napansin ko na Medyo umiinit na siya. Bumabahing at sinisipon kaya naman minabuti kong ipahiram sa kaniya ang matino kong damit.
Binuksan ko ang bintana at hinawi ang kurtina para makapasok ang liwanag mula sa bilog na buwan.
"Baka ka magkasakit. Malalagot ako." Nag aalala kong sabi.
Napanganga naman ako nang mag hubad siya sa harap ko. Wala pa siyang malisya at napaka inosente pa ng kaniyang mukha.
Hindi pa talaga fully developed ang kaniyang katawan. Baby bra pa lang ang gamit niya at masyado pang hilaw ang kaniyang pangangagatawan.
"Kita mo 'to?" Tanong niya na naka turo pa sa kaniyang katawan.
"Balang araw, sasambahin mo ang katawan ko. Kaya dapat, manatili ka lang na mahirap." Naka ngiti niyang sabi.
Natawa naman ako dahil sa kayabangan niya. Baka nga kapag nag kita kami ulit, katawan ko naman ang sasambahin niya.
Isinandal ko siya sa aking dibdib.
Sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri.
Masaya ako sa sandaling ito. Masaya na para bang nakakabuo ako ng pangarap kapag kasama siya.
Balang araw, mabibigyan kita ng magandang bahay. Walang daga o ipis. Di tulad nito.
Sambit ko saka ngumiti ng punong-puno ng pag-asa.
"Basta ba ipangako mo, na kahit kailan hinding-hindi ka mag papa-iksi ng buhok."
"Bakit?" Tanong niya saka bumahing.
"Dahil gusto kong makita ka kung ano ka nung una tayong nag kakilala. Sa debut mo, sumayaw ka sa Puno ng mangga. Isipin mo na ... naroon ako at isinasayaw ka."
"Walang aalis. Dito ka lang Alipin." Mahina niyang sambit bago tuluyang dalawin ng antok.