Descargar la aplicación
26.82% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 11: PART 11 Poot

Capítulo 11: PART 11 Poot

Ash P.O.V

Tanghali na nang magising ako. Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Pag bangon ko ay agad kong nakita ang Diary ni Austine sa aking tabi.

Wala na nga pala siya...

"bulong ko sa hangin."

Natasha? Mag handa ka na...

"Mahinhin na saad ng Mamá na naka tayo sa pintuan."

"Batid ko ang luhang nangingilid sa kaniyang mata. Higit sa akin, mas mahirap ito para sa isang Ina. Ang ilibing ang sariling anak."

Sana naman, nahimasmasan ka na. "Naka ngiti niyang usal saka naupo sa aking tabi."

"Ngumiti na lamang ako dahil sa sinabi ng Mamá. Nahimasmasan na nga ako pero wala pa rin akong maramdaman na pag-sisisi. O kahit anong emosyon. Wala pa sa Ngayon."

Sasama ka ba sa misa? "Tanong ng Mamá habang hinahaplos ang aking ulo."

Hindi ko pa rin matanggap má... "mahina kong sabi habang naka tingala."

Kailangan anak. "Usal niya habang naka titig sa akin."

"Muli ko na naman nakikita ang dating Belinda na laging positibo. Ang nanay na palaging ipaparamdam at ipapa alala sa akin na ang lahat ng sakit at hirap ay panandalian lang kaya walang dahilan para sukuan ang laban. Kung sana pinanghawakan ito ni Austine..."

Tanggap mo na ba? Má? "Tanong ko."

Wala naman akong magagawa. Kundi ang tanggapin na lang.

"Sambit niya saka tumayo."

Má, kung hindi ba nag pakamatay si Austine, tingin mo ba hindi na talaga babalik ang Papá?

"Tanong ko habang kinukuha ang lipstick sa aking bag."

Natasha... kapag sinabi ng Papá mo na mahal niya tayo, totoo yun. Kapag sinabi niya na babalik siya, babalik siya. Mag tiwala ka lang.

"Saad ni Mamá dahilan upang manumbalik sa aking ala-ala ang isang senaryo nang sabihin niya sa akin na balang araw babalik ang Papá habang hawak ang aking braso."

Ma, mamimiss ko si Paslit...

"Biro ko dahilan para matawa siya. Hanggat maaari paslit ang tawag ko kay Austine kahit pa binata na siya. Palagi ko siyang sinasabihan na dapat tularan niya ako, mag tatapos ng pag aaral bago ang taong mag papasaya sa 'yo"

Kawawa naman siya kung san man siya ngayon. Walang mobile legend sa langit... tss!

"Biro ko'ng muli bago mag lagay ng lipstick."

Kumusta pala ang trabaho mo sa Maynila? "Tanong ng Mamá bago tuluyan lumabas."

Ayos naman po... "Sagot ko habang nag papalit ng damit."

Ikaw po Má? Kumusta ka naman? Ayos lang ba sa 'yo na makisama sa ibang pamilya ng Papá? "Tanong ko matapos mag-ayos."

"Sa halip na sumagot, ngumiti lang ang Mamá at naunang umalis."

"Bago ko isara ang pinto, sinagot ko pa muna ang tawag mula kay Spencer. Siniguro ko muna na walang ibang tao bago ako mag salita."

Yes Spencer?

Natasha... I miss your voice.

"Sambit niya sa malumbay at mahinang himig."

"Hindi ako agad naka sagot dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot sa sinabi niya."

Hey... turtle?

Uh.. okay lang naman ako-

Good. I said I miss you. Have you heard it? "Usal niya sa napaka lambing na tono."

"Shinake ko ang ulo ko nang mahuli ko ang sarili kong naka ngiti."

For sure naka ngiti ka sa mga oras na 'to... turtle! "Chuckle"

"Napakagat ako sa ibabang labi at pinipilit pigilan ang pag lapad ng aking ngiti."

Sorry kung wala ako sa tabi mo para sabihin kung gaano ka cute dahil kinikilig ka...

"Nananatili akong tikom habang kagat ang kuko ng aking hintuturo."

At ako ang dahilan... "pag-papatuloy niya. Naririnig ko pa ang pag hagikgik niya sa kabilang linya."

Hindi ako kinikilig! Wake up! Nananaginip ka lang... "walang gana kong sagot kahit pa ang totoo ay parang ganon na nga!"

Remember the kissed? "He spoke underneath his breathe"

"I sighed of relief."

Spencer!

What? Masama ba na pag usapan natin 'yon? For sure mauulit at mauulit pa 'yon...

"laughed"

"Sasagot pa sana ako ng marinig ko ang boses ng isang babae kaya naman nakinig na lang ako. Medyo humina ang speaker marahil tinakpan ni spencer ang kaniyang phone."

Sir Excuse me...

Yes Secretary?

"Secretary? Meaning nasa office siya?"

Your dad is on the line. He's asking for your schedule...

Hold on Natasha. Just a moment. "Sambit niya hanggang tuluyang wala na akong marinig na kahit na ano. Marahil naka mute na ang kaniyang speaker."

"Sa tantiya ko ay nasa isang minuto rin bago niya muling i-on ang speaker."

Hello? Natasha?

Mukhang busy ka. aalis na rin ako para abutan pa ang padasal...

Sorry for the interruption. I'll call you--

Sweetheart! "Malambing na tinig ng isang babae mula sa kabilang linya."

Fvck! "Spencer Mumble"

Babe I miss you so much! "Dinig ko pang sabi ng babae bago tuluyang maputol ang tawag."

Call ended.

Babe? Christ! She must be his fiance? "I moaned"

"Nang matapos ang ginawang cremation, pinauna naman na kami ng Papá sa kaniyang sasakyan. Naroon na rin ang bagahe ng Mamá. Mas okay na rin na hindi na namin balikan ang bahay at diretsyo ng umalis. Nag abot naman ang Papá ng suportang pinansiyal para sa mga manggagawa at mga dating trabahador namin."

"Si Ann at ang kaniyang ina naman ang naatasan para sa pag papakain sa mga dumalo sa padasal at sa iba pang bisita. Habang nasa biyahe kami ay di pa rin maalis sa isip ko kung sino ba ang babae sa kabilang linya? Isa lang kaya sa mga babae niya 'yon o baka naman fiance?"

Belinda? "Pag tawag ng Papá na naka upo sa tabi ng driver."

Tumawag si attorney Viel. Payag naman maki pag areglo sa akin ng dating company ko. Basta ba't ibabalik ko ang pera sa loob ng dalawang buwan.

At saan ka naman kukuha ng pambayad?

"Tanong ng Mamá habang salubong ang kilay."

Tutulungan ako ni kasandra. Nag usap na kami tungkol sa bagay na 'yan.

"Saad ng Papá na hindi na sinagot pa ng Mamá."

"Nakita ko ang mapait na ngiti na gumuhit sa mukha ng Mamá. Hindi ko tiyak kung selos ba ang naramdaman niya o insulto. O baka naman parehas? Pinisil ko ang kaniyang kamay saka ngumiti. Bago tuluyang lisanin ang huling kalsada ng Cagayan..."

"Sandali ko pang sinariwa ang ala-ala sa probinsya na aking kinalakihan. Kasunod nito ang pamamaalam sa mga taong umalis at nang iwan sa akin. Sina Margaux, havah, Austine, at si Spencer Pascual."

"Habang naka dungaw sa bintana, mula sa malayong bituin ay nagawa ko pang sambitin ang pangalan ni Spencer Pascual habang naka pikit. Iisipin ko na lang na minsan sa buhay ko, naging uto-uto ako ng isang Alipin. Dahil baka yung taong inaasahan ko na babalikan ako, Baka Alipin pa rin ng ibang babae..."

"Spencer Pascual, for sure hindi ka yumaman!"

"Bulong ko sa 'king isip."

"Can't wait to see you..."

"Napa ngiti ako dahil sa text niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya na babalik na ko agad ng Maynila. For sure naman hindi rin siya masu-surprise."

"At hindi ako dapat mag expect ng kahit na ano galing sa kaniya. Alipin niya lang ako. Kung alam ko lang na babalik ang Papá, hindi sana ako nag papaka alipin sa lalaking 'yon."

"Para saan pa na sinugal ko ang buhay at karapatan ko sa isang anak ng bilyonaryo kung sa isang iglap, nawala na si Austine? At bumalik bigla ang Papá?."

Natasha! Malapit na tayo.  "Naka ngiting sabi ni Mamá nang gisingin ako."

Okay. "Sambit ko habang nananatiling naka pikit."

Natasha anak mag ayos ka na ng sarili mo... "malambing na tinig ng Mamá habang tinatali ang aking buhok."

Mamá! Ayoko ng nag tatali ng buhok... "reklamo ko habang kinukusot ang mata."

Natasha gutom ka ba? Nag paluto ako ng Chicken Mami kay tita kasandra mo...

"Saad ni Papá habang inaalis ang seatbelt."

"Naka ngiti naman ang Mamá habang hinihintay ang aking sagot. Pero ni Ha? Ni Ho? Wala silang narinig sa akin."

"Pag labas ko ng sasakyan, agad tumambad sa akin ang napaka lawak na Garden. Mayroon din wishing well sa gitna nito. Sa gilid naman ay mayroong matataas at makikitid na chinese bamboo. Mas lalong naging maganda ang Hacienda ng lolo Ismael dahil don."

Pangalawang renovation na ng bahay na 'to. Marami na ang binago... magugustuhan mo dito Ash. "Naka pamewang na sabi ng Papá na naka tayo sa aking gilid."

"Napairap na lang ako sa ideyang nakuha niya pa talaga ma imagined na sasaya ako dito kasama ang kirida at bastarda niyang anak."

Pasok na tayo... "paanyaya ng Papá na umakbay pa sa Mamá."

"Napapa isip na lang tuloy ako kung ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni kasandra kung sakaling makita sila ni Mamá na mag kaakbayan."

"Pag bukas ng double door, magiliw kaming binati at sinalubong ng apat na babaeng maid. Mukhang nasa thirty up to fourty ang edad nila base sa uniform standard."

"Agad na bumungad ang buffet table na apat na metro ang haba. Maraming naka hain na putahe ang naroon. Pero ni isa ay para bang ayokong tikman. Siguro ay lumipas na ang gutom ko mula pa kanina."

Lando, paki na lang ang gamit ng mag ina ko sa kani-kanilang kuwarto.  "Utos ng Papá sa lalaking naka suot ng purontong na siyang Nakita kong nag didilig sa Hardin kanina. Mukhang nasa kuwarenta na ang edad niya."

Dad! You're here! "Matinis na bigkas ng isang babae. Naka mini short ito at spaghetti strap. Sa tingin ko siya si Beatrixie. Maputi pero may kaliitan."

"Hindi ko natagalan ang pag titig sa kaniya dahil sa kaartehan niya sa pag hakbang sa spiral stairs. Lumabas siya sa ikalawang palapag kung saan nasa pinaka dulo ang kaniyang kuwarto. Apat na kuwarto ang meron sa ikalawang palapag. Nasa gitna ang masters bedroom at nasa ikatlong palapag ang dalawang kuwarto para sa guests."

Bea! "Pag tawag ng Papá sabay halik sa pisngi ng kaniyang prinsesa."

You must be tita Belinda? "Malumanay at naka ngiti niyang saad na agad nag mano sa Mamá."

Napaka ganda mo pala... "matamlay at blangko ang ekspresyon ng Mamá na naka titig ng diretsyo sa mga mata ni Bea. Dahilan para tignan ko rin 'yon."

"Hindi ma ipag kakaila. Anak nga siya ng Papá. Gaya ni Papá, mistisa rin ang beauty ni Bea. Sa aming dalawa, siya ang perfect female version ng Papá."

Thank you po tita. Kayo rin po napaka ganda niyo. Tama si Papá. "Magalang na sambit nito."

"Napasulyap ako kay Papá dahil sa sinabi ni bea. Medyo weird lang na sasabihin ng Papá na napaka ganda ng Mamá sa anak niyang si Bea."

Arturo...?  "Buong himig ng isang babae na naka suot ng sandamakmak na alahas at makapal na ginto sa kaniyang leeg."

"Yumakap ang Papá kay Mamá. Nang maka baba na ang babae ay agad siyang nag lahad ng kamay sa Mamá. Walang alinlangan na inabot iyon ng Mamá. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko sa dalawang ito."

Belinda... Mabuti naman at nakarating kayo.  "Maingay niyang sabi habang nag papaypay."

"Napalakas naman ang aking pag hagikgik dahil sa narinig. How ironic! Kirida pa niya ang nag sabi non? Kung tutuusin lang ay sila ang sampid sa bahay na 'to!"

Hi Natasha!  "Mahinang himig ng matandang babae na pinasadahan ng tingin ang aking ulo hanggang paa."

"Matapos ko siyang titigan sa mata, sa halip na imikin siya ay kinuha ko ang aking phone sa aking shoulder bag upang pag tuunan ng atensiyon."

Natasha hija, siguro pagod ka na?  "Saad ng Papá na tumitig sa akin ng matalim."

Kumain na tayo ng agahan. Nag luto ako...

"Sabat ni kasandra na agad ko rin pinutol."

Siguro nga pagod na 'ko... "hawak ko ang aking batok na akin pang binanat"  Saan ba ang bodega rito?

"Tanong ko matapos ang malalim na pag buntong hininga."

Bodega? Bakit? "Pag tataka ng Papá."

hinahanap ko yung kuwarto ko.

"Bagot kong tugon habang bagsak ang balikat."

Nasa right ang kuwarto mo. Sa tabi ng kuwarto namin ng Mamá mo.

"Napasulyap ako kay Papá at Mamá na ngayon ay mahigpit ang pag kaka hawak ng kanilang kamay."

"Pansin ko tuloy ang abot lupang lungkot sa mata ni Beatrixie habang naka tingin siya sa kamay ng aking magulang na para bang ayaw ng mag hiwalay. Hindi ko alam kung anong palabas ba 'to. Naisip ko na baka ayaw lang ng Papá na isipin kong kaawa awa kami ng Mamá kaya nag papanggap siya sa harap ko."

Narito sa ikalawang palapag ang larawan ng lolo Ismael kasama si Papá at ang kaniyang Ina. Hindi ko lang sigurado kung sino naman kaya ang batang babae na karga ng lolo Ismael na mukhang nasa dalawang taon...

Ma'am, malinis na ang kuwarto niyo... puwede na po kayong pumasok.  "Saad ng hardinero mula sa aking likod. Medyo nagulat naman ako sa biglaang sulpot niya kaya napa hawak ako sa aking dibdib."

Salamat po. Ash na lang po ang itawag niyo sa akin.  "Saad ko at tumango sa kaniya bago pasukin ang silid na kaniyang pinanggalingan."

"Hindi ko alam kung na-engkanto ako o nausog dahil nakukuha ko na igalang ang mga manggagawa at kasambahay. Siguro ay dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng nasa sitwasyon nila. Ang mahalaga sa ngayon ay naiintindihan ko ang hirap ng trabaho nila."

Tsss.. prinsesang alila! "Sambit ko habang naka sandal sa pintuan."

Gaano ba kalawak ang Maynila? Parang ang hirap mo naman hanapin...

"Tanong ko sa aking isip."

Tsss! Grabe nag pa-uto ako sa 'yo! Pag nag kita tayo ulit, sasampalin kita ng toblerone!

"Natatawa kong sambit bago mahiga sa kamang napaka lambot."

"Maayos naman ang kuwarto ko. Aircondition at tanaw ang kabuuan ng Hacienda dahil sa sliding door. Sayang lang at hindi na ito narating ni Austine."

"Pipikit pa lang sana ako nang mag ring ang phone ko. Alam ko na si Spencer lang ang tatawag sa akin kaya agad kong sinagot ang tawag."

Natasha...  "malalim na bigkas ni Spencer na para bang hangin lang na umihip sa aking tainga."

What? 

What? Yan lang sasabihin mo?

Ano ba dapat? "I asked"

I gave you my number to report and informed me everything 'bout you! Tapos sasabihin mo sa 'kin WHAT? Am your boss...

I miss you...uh ? "I snapped"

Again? "He asked"

I miss you? "I replied sounded unsure."

Hell liar!  "Chuckle"

Sorry. Just kidding! "I utter"

I don't believed you! I know you miss me a lot. Miss my lips? "He asked in a husky voice."

Natasha! *soft knock*

Vahrmaux! Sorry I have to cut the call urgent.

Natasha?

Yes Mamá please come in!

Naistorbo ba kita?  "Tanong ni Mamá na naupo sa side ng aking bed."

Hindi po Má. Akala ko ba sasabay ka sa kanila?  "Tanong ko matapos simpleng itago ang aking phone sa ilalim ng unan."

Oo sana. Pero ikaw kasi ang inaalala ko. Sa ngayon, mahihirapan talaga tayo... pero sana buksan mo ang puso mo para sa kapatid mo Natasha.

"Malambing na sabi ni Mamá na naka titig sa akin."

Si Austine Má? Sa tingin niyo ba anong mararamdaman niya? 

"Tumayo ako at hinarap ang Mamá."

Hindi ko alam Má, parang napaka dali lang sa 'yo ng nangyayari?  "Dismayado kong saad habang naka akap sa sariling braso."

Alam ko naman Ash, nabibigla ka pa sa ngayon. Kakamatay pa lang ni Austine tapos ngayon...

"Hindi pa man tapos mag salita ang Mamá nang biglang pumasok ang Papá sa aking kuwarto dahilan para mag tigil kami."

Natasha... Puwede ba, show some respect sa tita kasandra mo at sa kapatid mo?

"Mahinang saad ng Papá matapos isara ang pinto."

Respect? You mean care to knock knock first before entering my room?  "I muttered"

"Papá's lips parted. Angry is evidence on his dark pitch eyes."

Be mature Natasha! You have to respect them as your family...

Fa-mi-ly? Seriously dad? Bakit nakukulangan ba sila sa pera mo at sa pag mamahal mo para irespeto ko sila gaya ng gusto mo?!  "I exclaim"

Natasha! Ang boses mo...

"Muling pumagitan ang Mamá sa amin ng Papá. Kita ko ang nangingitnig niyang ipin na para bang lalabasan ng pangil dahil sa galit."

Fine. I won't make this rush for you. Pero sana, sana lang buksan mo ang puso mo sa kapatid mo.

Never. If that will happened, I think I have to wake up from that nightmare!

"Mariin kong sagot bago maupo sa kama."

You know What? Beatrixie is a miracle child... "saad ng Papá matapos akong tabihan."

"Tumango naman Mamá at ngumiti sa akin habang nag sasalita ang Papá."

Bago ko makilala ang Mamá mo, karelasyon ko na si kasandra ng limang taon. Estudyante kami sa UST nung nagkakilala kami. Engineering ako tapos siya naman fine arts...

Mahal namin ang isa't-isa. Kahit pa ayaw sa akin ng mga magulang niya. Pero kahit pa ganon, Ipinaglaban ko si Kasandra. 

"Ayoko man sana pakinggan ang kuwento niya pero habang nag papatuloy siya ay parang binabalik ako sa nakaraan."

Nag patuloy lang ang relasyon namin. Hanggang sa Graduate na ako at lisensyado na. Ang saya ko kasi maipag mamalaki na ako ni kasandra... "lumapad ang ngiti ng Papá na para bang kahapon lang naganap ang lahat."

Pero, inilayo siya sa akin ng mga magulang niya. Pinadala siya sa United Kingdom. Hanggang sa sinira ko yung buhay ko. Nawalan ako ng direksiyon... nag pasya ako na bumalik ng probinsiya.  Sa Cagayan. Sabi ko sa sarili ko... kapag itong puso ko, pinalambot ng ibang babae, Ibig sabihin... Siya ang para sa akin!

"Natutuwang usal ng Papá habang diretsyong naka titig sa mga mata ng Mamá."

Hindi ko alam kung anong paliwanag. Napakadaling mahalin ni Belinda. Nasa kaniya lahat ng katangian ng Isang mabuting asawa at ina...

"Inilahad ni Papá ang kamay upang abutin ang kamay ng Mamá. Pinakandong niya si Mamá sa kaniyang hita habang patuloy sa pag kuwento."

Tatlong buwan pa lang kaming magkasintahan nung mag pakasal kami. Hindi ako mahal ng Mamá mo dahil bukod sa akin, may mas nauna pa siyang minahal... kung hindi ko mahal ang Mamá mo sa tingin mo ba Hindi ako susugal? Pinakasalan ko siya kahit alam ko na may iba pa...

"Pinunasan ng Mamá ang luhang umaagos sa pisngi ng Papá."

Nung nag tagal... naramdaman ko na natutunan na rin niya akong mahalin.  Lalo na nung dumating ka sa buhay namin. kasalukuyang pinag bubuntis pa lang ni Belinda si Austine nung muli kaming mag kita ni kasandra. Bago yun, madalas ako pag dudahan ng Mamá mo na nambababae ako kahit hindi. At doon ko lang din nalaman na may anak pala kami ni kasandra.

"Naka ngiwi ang mga labi ng Papá nang halikan niya ang kamay ng Mamá."

Hindi ko nilihim sa Mamá mo 'yon. Ora mismo tinawagan ko siya. Kaya ginawa ko lahat para habulin yung oras na ninakaw sa akin ng Panahon...

"Garalgal na saad ng Papa habang pilit na itinutuwid ang kaniyang salita."

Yung saya sa labi ni bea nung nakilala niya ako at nung tinawag niya akong daddy... para akong sinaksak sa puso! Nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong nakawin ng panahon yung pag mamahal na karapat dapat niyang makamtan...

"Maging ang Mamá ay lumuluha na rin sa pag kukuwento ng Papá."

Second life na ito ni Bea. After delivery the doctor has already declared that she's dead. During her mother's labour, nawalan na siya ng heartbeat. Twenty minutes ang inabot para ma revive siya. Naka survive nga siya pero magpa hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ang sakit niya sa puso...

May sakit siya sa puso? "Hindi ko maka paniwalang tanong."

Yes Ash... every time na inaatake siya ng sakit sa puso ako ang palagi niyang hinahanap. Napaka hirap makita siyang nahihirapan lalo na kapag sumasabay ang asthma niya...

"Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa kalagayan ni Bea. Lalo na ng maalala ko yung itsura niya kanina na sobrang lungkot habang naka titig sa magka hawak na kamay ni Mamá at Papá."

Para saan naman yung perang kinuha mo anong nangyari sa bahay natin, sa private properties? Sa ...?

"

Tanong ko."

"Tumingin muna si Papá kay Mamá na maging siya ay nag aabang ng katanggap tanggap na paliwanag."

Pangarap ni Bea na maka punta sa turkey... noon pa man hinihiling niya na sa akin na makasama kami ng kaniyang mommy doon. Wala na silang ibang pamilya Ash. Kaya naman binigyan ko sila ng maayos na tirahan, at sasakyan. Gaya ng marangyang buhay na meron tayo...

Habang kami nakikisilong sa alaga nating baboy? Kinalimutan mo kaya kami Papá!

Ash, naki usap ako sa company na dodoblehin ko ang interes ng perang hiniram ko pero ginigipit nila ako! Kaya wala akong choice...

"Bumaba ang Mamá at Tumayo. Maging si Papá ay napa tayo habang nag papaliwanag."

Walang choice? You only have US or Them! But you chose them over us! Ngayon mo sabihin na mahal mo si Mamá?

Bumalik ako Ash!

At choice mo 'yan! Hindi kami nag maka awa sa 'yo. Ngayon bakit kailangan pa kaming mag sama sama sa bahay na 'to?

Dahil bilang isang Ama, salita ko ang batas!

Bilang isang Ama? Nakakalimutan mo yata na may Asawa kang pinakasalan? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ng Mamá? Uh?

Natasha! Naiintindihan ko ang Papá mo kaya sana ikaw rin! "Sigaw ng Mamá na para bang naipit ang boses.

No! Hindi kailan man! Kahit kailan hindi ako sasaludo sa mga babaeng nag papaka martyr! Mahal mo si Mamá, pero mahal mo rin ba si kasandra?  Uh ? Papá?

"Natameme ang Papá na ngayon ay naka yuko lamang."

See? I told you Mamá. Mas mahal niya ang bastarda niya at ang kirida niya! Kung bakit niya tayo sinama rito ay dahil nakokonsensiya siya sa ginawa ni Austine! Right Arturo?

"Sigaw ko habang pinipigilan ang luhang nais kumawala. Wala akong paki alam kung may makarinig sa akin o wala."

Natasha! Sutil ka! "Sita ng Mamá."

Mas gugustuhin ko pang maging Alila kaysa naman mag tanga-tangahan, mag bulagbulagan, at maki pag plastikan sa kanila! Kung ako lang ang tatanungin? Sa kanila ka na! For All I care! Kaya lang nariyan ang Mamá. Palaging nasa side mo! Humahalik sa paa mo at dyino-diyos ka kahit kita na ang mali mo!

Tumigil ka na Natasha! Napaka bastos mo! "Sigaw ng Mamá kasunod ng paglagapak ng kaniyang palad sa aking pisngi."

"Animo'y kampana iyong umalingawngaw sa aking tainga."

Gusto mo ba irespeto kita? Sila?  "Malumanay kong tanong."

Dahil sa ginawa mo, lumala ang lagay ng Mamá. Kinailangan kong mag sakripisyo para tustusan ang pang araw araw! Nag paka tatay ako nung nawala ka! Nag trabaho ako bilang ... bilang MUSE sa Cassino!

"Nanlaki ang mata ng Papá dahil sa narinig. Nag angat siya ng tingin sa akin na para bang ayaw paniwalaan ang aking sinabi. Ang Mamá naman ay napa hagulgol na lang dahil sa narinig."

Muntik na 'kong ma rape Papá! Narinig mo? Kahit pa binubugbog ako, pinilit kong lumaban! Takot na takot ako...

"Matapang kong saad at nagagawa pang ngumiti."

Nung naisip ko na baka katapusan ko na, pumikit lang ako... nakita ko si Austine at si Mamá. Naisip ko na kailangan kong lumaban para sa kanila...

Salamat na lang at narinig ako ng Diyos. Dahil merong tumulong sa akin para umalis sa impiyernong trabaho na 'yon! Pero sana kasing tapang ako ng kapatid ko. Kaya lang hindi eh!

"Saad ko habang kinukuha sa aking shoulder bag ang diary ni Austine."

Para sa 'yo ang diary na 'to.

Kapag nabasa mo ang nilalaman niyan...

Sabihin mo ulit sa harap ko na dapat ko irespeto ang Mag-ina mo.

Hindi na rin ako mag tatagal.

May nag hihintay sa aking trabaho. Sana naman 'wag mo hayaan na mawala ang Mamá sa paningin mo...

"Matapos kong iabot ang diary ni Austine agad akong lumabas kahit pa inaantok ako at medyo ngugutom. Pag bukas ko ng pinto ay naroon ang mag-ina na naka taas at salubong ang kilay na tumitig sa akin. Mukhang kanina pa sila nakikinig. Sa halip na pansinin ay nilagpasan ko sila na parang hangin lang na napadaan."

"..kahit kailan hindi ako sasaludo sa mga babaeng martyr.."


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión