Natasha P.O.V
Alas nuwebe ng umaga nang marating ang unang palapag ng eskuwela. Huli na ako sa klase. Ngayon lamang ako na late. Trenta minutos na lamang ay matatapos na ang unang asignatura.
Napuyat ako sa pag tapos ng mga gawaing bahay. Hindi kakayanin ni Mamá mag isa kaya pinilit kong tumulong para naman habang nasa eskuwela ako ay hindi ko na isipin pa ang lagay ng bahay.
Dahil pinahatak na ang sasakyan namin, sumakay na lang ako ng jeep patungo dito sa "Global Reciprocal University." Isa sa mga kilalang Christian School dito sa probinsya ng Cagayan Tuguegarao.
Dahan dahan pa akong pumasok sa aming silid. Nag uumpukan na kamag-aral at nag kalat na paligid ang bumungad sa akin. Walang propesor. Mainam at hindi ko siya naabutan.
"Poor cupcake lady... pamilya ng magnanakaw!"
Binaba ko ng marahan ang aking bag sa aking desk. Napa lingon ako sa direksiyon ng mga classmate kong nag uumpukan. Naka tutok sa mga phone at nag papakita ng iba't-ibang larawan.
Lumapit ako at naki usisa. Nagulat ako ng makita na Si Papá ang pinag uusapan nila. Hindi na nakaka pag taka... iba na talaga ang nagagawa ng social media.
"Gosh! It's ridiculous! I can't believed, naki pag kaibigan tayo sa isang "cupcake lady"? Can't even!"
Usal ni Margaux na Best friend ko. Naroon din si Thea at Havah na nakiki second demotion pa.
"Cupcake lady" Bansag sa mga Pobre at scholar dito sa University. Cupcake lady masahol pa sa daga...
Nag kalasan sila isa-isa ng makita akong naka tayo sa gilid.
Nag katitigan ang tatlo kong kaibigan na ngumiti sa akin ng kaplastikan. Sa halip na patulan, inignora ko na lang.
Kinuha ko ang aking bag at lumabas. Alas dies y media pa naman ang sunod kong klase.
Ngayong wala na yatang amor sa akin ang mga kaibigan ko, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Sa kakalakad ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa gymnasium. Kung hindi pa ako muntik tamaan ng bola ng mga varsity player ay hindi pa ako babalik sa wisyo.
Mabuti na lang at may bruskong mabilis na yumakap sa akin at hinagip ako sa gilid.
"Miss okay ka lang?"
"Tumango lamang ako at nananatiling naka yuko."
"Naupo ako sa bench. Lutang."
"Kinuha ko ang phone ko at nag post. I took selfie and posted it to my facebook account. Split second, Facebook notify me.
"Austine Amatiel Amorine reacted on your photo.. "
Sunod ay nag comment siya..
Austine Amatiel: "life goes on. "
Nang subukan ko siyang i-stalk, nabasa ko na puro shared post ng bible verse ang timeline niya.
May isang post din siya na hindi ko ma gets. Gayon pa man, nag react din ako sa mga post niya.
"When the rock hits the ground"
Ito ang pinaka tumatak sa akin. Kahit di ko ma gets, ni LIKE ko na lang.
Makalipas ang ilang pag scroll, nakita ko ang Isang pamilyar na mukha. Na click ko iyon sa name niya ng hindi sinasadya. Nang ma visit ang Profile ng babaeng Kasandra Surio, nadurog ako ng sobra.
Nakita ko si Papá at ang babaeng halos ka-edad lang ni Mamá. Kompirmado na nasa turkey nga sila. At ang kapal ng mukha! Nag post pa talaga.
Gustuhin ko man sila murahin sa comment box ay di ko magawa. Nakaka inis lang na naisip niya pang i-tag si Papa sa post niya. Hindi niya ba nirerespeto ang pamilya namin?
Hindi ko na kinaya yung sakit. Napa pikit ako at ninamnam ang sakit. Sa aking pag mulat, kasabay nito ang pag dampi ng panyo sa aking pisngi. Nakaluhod sa aking harap ang lalaking nag lakas ng loob para gawin iyon.
Base sa suot niyang Jersey, siya din yung lalaking humagip sa akin kanina.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang palapulsuhan at binalibag iyon. Tumalsik ang panyo at napunta roon ang aming atensiyon.
Dahan-dahan siyang lumakad at dinampot iyon. Nang muling mag tama ang aming paningin ay nag pasya na akong umalis. Ilang sandali pa ay naririnig ko ang kaniyang pag sigaw. Hindi na ako lumingon pa at nag pasyang pumasok na sa aking sunod na subject.
Akmang pipihitin ko na sana ang doorknob nang biglang tawagin ako ni Ms. Torres na aming adviser.
"Amorine, 'wag ka na munang pumasok. Kailangan ka ng iyong Mamá." Hawak ang aking kamay
Wala ng tanong-tanong pa. Agad akong tumakbo. Matiyagang nag abang ng masasakyan. Nag darasal ng taimtim. Bumubulong sa hangin. Kumakapit sa Dios.
"Iligtas mo po ang aking pamilya."
"Mamá! "Naka hinga ako ng maluwag nang makita si Austine at Mamá na naka upo sa labas ng aming bahay"
Umiiyak habang pinag mamasdan ang aming mga kagamitan na isa-isa at maingat na nilalabas.
Walang protesta ang Mamá. Mabigat man sa kaniyang kalooban, ramdam ko na nais niyang lumaban. Ngunit wala na siyang lakas pa para don.
"Paano na tayo Mamá?" Tanong ni Austine
Inaasahan ko na agad na ang nais niya ay bumalik sa Maynila pero hindi. Matigas ang kaniyang puso para bumalik sa magulang ni Papá.
"Sa Babuyan natin muna tayo pansamantala.."Malungkot niyang sabi habang himas ang pisngi ni Austine.
Knowing Mamá, hindi siya sasagot ng Ewan, o di ko alam. Palagi siyang may paraan. Palagi siyang humahanap ng dahilan.
"Ayos lang po sa akin Ma. Basta kasama ka namin." Usal ni austine.
Wala ng mas sasakit pa na makita mong palayasin ang pamilya mo sa sariling tahanan. Tanging damit, at mahahalagang dokumento ang aming dinala.
Sumapit ang gabi ngunit wala pa si Mamá. Si austine naman ay busy sa pag sulat. Nasa tabi niya ang lampara at flashlight ng phone para sa karagdagang liwanag.
Ilang saglit pa ay dumating na si Mamá. Bitbit ang mga supot na nag lalaman ng mga styro na may pag-kain.
Agad kaming nag mano at humalik kay Mamá. Masayang masaya siya na tila ba walang problemang dinaraanan.
Habang binubuksan ang mga supot ay napukaw ang aking atensiyon sa kaniyang nag susugat na mga kamay. Batid ko ang hapdi niyon.
Unang gabi ito ng aming pag sasalo-salo. Maraming kuwentong nakaka aliw si Austine. Si mama naman ay napag alaman namin na dishwasher sa school canteen ng Global Reciprocal University "GRU"
Sinapinan namin ng karton at makapal na kumot ang higaan na gawa sa kawayan. Mahirap akong dalawin ng antok dahil sa mainit, malamok, maingay at mabaho ang paligid gawa ng nakikitira kami sa aming alagang baboy..
Bumangon ako at iniwan si Austine na mahimbing na natutulog. Si mama naman ay nakita kong nag lalaba. Gigil na gigil niyang ini-eskoba ang aming labada. Paminsan-minsan ay hinihipan niya ang mga kamay na humahapdi sa sakit.
Ngunit kung may mas mahapdi sa mga oras na ito, iyon ang makita ang luhang bulto bultong umaagos sa mata ni Mamá. Tila asido ang bawat patak. Nakaka panlumo. Nakaka baliw.