Mikay's POV
After kong isend sa kanila ang message na iyon, ibinaba ko yung phone ko sa may table ko and tatayo na sana para maghanda nang napansin ko ang isang envelope na nakalapag sa table ko.
I sighed as I picked it up at inilabas ang mga papel na laman ng envelope.
Isa iyong test result sa isang hospital at may kapansin pansin ang dalawang salitang nakabold sa sulat.
BRAIN CANCER
Iyon ang itinatago kong sakit sa kanila dati pa. Hindi ko man naipapakita sa kanila, pero ramdam na ramdam ko naman ang sakit sa tuwing sumasakit ang ulo ko. We tried treating it before. But I guess those medicines doesn't work for me. Last month lang namin nalaman na umabot na pala sa third stage itong sakit kong ito, at I have to undergo chemotherapy. 'Di ko akalaing posibleng magkaroon na pala ng taning ang buhay ko.
"Pa, pupunta lang po ako sa park." Sabi ko kay papa.
"O sige, mag-iingat ka, ha." Sabi ni papa. Naalala ko yung mga araw na lagi kong nakikitang umiiyak si papa sa harapan ni mama tuwing magkatawag sila simula noong nalaman namin yung sakit ko.
"I'm sorry Helen, hindi ko man lang naingatan ang buhay ng anak natin." Naalala kong sabi ni Papa.
Iwinaksi ko na lamang iyon sa isipan ko at umalis na sa bahay namin.
Since walking distance lang naman ang park sa bahay namin, minabuti ko nang maglakad para makalanghap ng sariwang hangin. Nadaanan ko rin yung paborito naming tindahan noong mga bata palang kami.
Pagkarating ko sa park, umupo muna ako sa mga benches doon dahil wala pa naman ang mga kaibigan ko.
"Mikay, kanina ka pa ba dito?" narinig kong tanong ni Oliver kaya lumingon ako. Magkasama sila ni Cassie. "Sorry we're late."
"No, you're just in time maupo kayo dito." Sabi ko at umurong ng kaunti upang magkasya sila sa tabi ko. Umupo rin naman sila.
"Sorry, traffic papunta dito eh." Sabi ng kakarating lang na si Kristan at umupo na rin sa tabi namin.
Habang naroon kami ay tahimik lamang kaming nanonood sa mga batang naglalaro.
Naalala ko na naman noon na masaya kaming naglalaro dito after school.
Walang iniisip.
Walang iniindang sakit.
"Nakakamiss rin pala dito no? Dito tayo madalas maglaro dati eh." Sabi ko habang tinitignan yung area sa center ng park kung saan naglalaro yung mga bata. Bigla namang nagflash back sa isip ko yung mga panahon na masaya kaming naghahabulan.
Yung mga ngiti sa mga mukha namin.
I will miss those precious moments.
I will sure miss them.
Tumango lamang silang tatlo, kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.
"Naalala niyo yung araw na naglalaro tayo dito. Habulan pa nga yung nilalaro natin eh." Sabi ko habang inaalala yung isang bagay na iyon. Pero habang inaalala ko iyon, sumasakit yung ulo ko. "Natisod pa nga ako nun eh, tapos tinawanan niyo ako kasi ang dumi-dumi ko na." sabi ko at pinipilit indahin ang sumasakit kong ulo.
Napangiti lamang si Cassie, habang si Oliver at Kristan ay poker face pa rin.
"Pero nagpapasalamat ako sa inyo nun, kasi gumawa tayo ng paraan para hindi ako pagalitan ni mama.." pigil ng luhang sambit ko.
Hindi pa rin sila kumikibo , pero ramdam kong humarap sila sa akin.
"Alam niyo bang kahit na maliit na bagay lang iyon, pinapahalagahan ko iyon." Sabay punas ko ng luha sa aking mga mata. "Kasi sign yun na you care for me." Sabi ko at hindi ko na mapigilang umiyak.
"K-kaya s-sana kung may mangyari man, ituloy niyo lang ang buhay. Kung may mangyare man sa akin, sana huwag ninyong sisihin yung sarili niyo. Kasi ayaw kong maging malungkot kayo." Sabi ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.
Mas tumindi ang pagsakit ng ulo ko.
Parang bibiyakin na sa sobrang sakit.
Hindi ko na kayang tiisin.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko at tuluyan nang napahiga sa lupa.
"MIKAY! What is happening to you?! Mikay!" sigaw sa akin ni Cassie habang inaalalayan niya ako.
"Kris get your car!" sigaw ni Oliver kay Kristan kaya biglang tumakbo si Kristan. Inalalayan naman ako ni Oliver patayo. "Bakit Mikay? May problema ba ha?" tanong niya sa akin.
Gusto kong sabihing everything was fine.
But ayaw ko nang magsinungaling pa sa kanila.
Tama na siguro na malaman na nilang lahat.
"ARGHHH!!!!!" sigaw ko dahil naramdaman ko na naman yung pananakit ng ulo ko.
I'm sorry guys, pero hindi ko na kaya.
And everything became pitch black.