Yey! February 14 na! alam niyo ba kung anong araw ito? araw ng mga puso! Valentines day! tas sa 16 Prom na! alas singko palang ng madaling araw ay gising na ako,grabe yung adrenaline rush ko.
May date kami ni Ohm ngayon at talagang inihanda ko na ang pinaka maayos kong damit. Sobrang excited ko lang dahil ito ang unang Valentines na may boyfriend ako.
Kahapon,friday akala ko ibibigay na namin ang mga letters namin para sa mga seatmates namin,bigla akong pinagpawisan ng malagkit,kasi matindi ang laman ng sulat ko,nandun na lahat at ang naisip ko bahala na pag hindi na ako pinansin ni Chance,yun na din naman ang last at hindi na ako magpapakatanga,sa totoo lang nagiging unfair na kasi ako kay Ohm dahil hindi ko matanggal sa sistema ko ang bwisit na Chance na yon. Pero mabuti na lamang at sa Monday na lang daw para sakto Prom na kinagabihan.
Sa totoo lang halos ma Sisa ako nung outing ng tropa dahil sa mga kinikilos ni Chance,ang hirap niyang basahin. Iniisip ko nga nun,kung may gusto lang siya sa akin at aamin siya,kakausapin ko agad si Ohm habang maaga pa,Im willing to take a risk,sabi nga ni Khaim nung outing diba? Love is all about taking a risk.
Kaso malabo talaga,sadyang tinopak lang siguro si Chance nun kasi wala namang naganap na pag amin at umasa ako sa wala.
Bwisit! Hindi naman ako ganito mag isip dati eh?! Animal yang si Chance eh.
"Hoy Kiji! Ang aga aga nagti-tv ka na?" puna sa akin ni Mama na kakagising pa lang. Actually mag a-alas sais na ng umaga.
"Maaga akong nagising Ma eh. Nag init na din ako ng tubig pang kape niyo ni Papa." naka ngiti kong sabi. Kahit ang totoo eh wala naman akong pinapanood maliban sa mga cartoons sa Tv5.
"May date ka siguro? Kilala kita pag excited ka!" sabi ni Mama at nagpunta sa kusina.
"Meron nga po!" masaya ko pang sagot. Ang bilis naglakad ni Mama pabalik sa akin.
"Huwag mo munang ibibigay kay Chance ha? Kailangan mauna ako!"
Nangunot ang noo ko sa dalawang rason na hindi ko.nagets.
"Huh? Anong ibig mong sabihin Ma? At saka hello? Si Chance? Hindi naman---"
"Buntis ako Kiji,one month na." pamumutol ni Mama sa sasabihin ko. Napanganga ako at napatitig kay Mama.
Ano daw? Buntis siya? Magkakaroon na ako ng kapatid!?
Ngumiti si Mama,yung ngiti.niyang napaka ganda. Pag ganon ang ngiti ni Mama mas lumalabas ang ganda niya.
Bumukas ang pinto ng kwarto nila at lumabas si Papa. Ngumiti at magkasunod kaming hinalikan ni Mama,nanibago ako. Bakit parang ngayon ko lang na appreciate ang kagwapuhan ni Papa?
"Happy Valentines,Ma at Kiji! Kain na tayo." nakangiting sabi bi Papa. "Oh bakit hindi makapagsalita ang Kiji?"
"Sinabi ko na sa kanya. Na shock siguro." naka ngiting sabi ni Mama.
My gowd! Magkakaroon na ako ng kapatid?
"Ah,kaya pala. Ikaw talaga Ma,tara kape at kain muna tayo. Iwan muna natin si Kiji mamaya makaka recover na din yan." ani Papa.
Sinundan ko sila ng tingin. Ngayon ko lang sasabihin to,maganda at gwapo mga magulang ko. Dati silang theater actors sa school nila,dahil sa may pagka comedian sila ay nagkasundo sila at nagka gustuhan. May mga bagay talaga na hindi mo nabibigyang pansin pag masyado kang focus sa sarili mo,tulad ko. Ngayon ko lang narealize na napaka swerte ko sa mga magulang ko kahit mga alien sila.
Pagsapit ng alas dose ay gumayak na ako. Usapan kasi.namin ni Ohm na magkita na lamang sa may simbahan.
Pagdating sa simbahan ay nakita ko agad siya na may dalang roses.
"Happy Valentines mahal ko." ani Ohm ng makalapit ako. Hinalikan niya ako sa labi at iniabot ang tatlong red roses. Para na akong mamamatay sa kilig. Bakit kaya ganon? Kilig na kilig ako kay Ohm,siguro lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kanya?
Napatingin ako sa paligid,may mangilan.ngilang napapatingin sa amin at ngumingiti.
"H-happy Valentines din. Maraming salamat." nahihiya.kong sabi.
"Ang cute mo talaga! Tara,simba muna tayo." aniya kinurot ang pisngi ko saka pinag intertwined ang mga kamay namin at sabay kaming pumasok sa makasaysayang Pasig Simbahan.
Lord,maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng makukulit at mapagmahal na mga magulang,ng mga kaibigang maaasahan. Hindi man ako pinalad sa minamahal ko ay hindi mo ako pinabayaan at binigay mo sa akin si Ohm.
Yan ang mataimtim kong dasal. Kaya pagkatapos namin magdasal ay sumakay na kami.ng taxi at nagpunta sa SM Megamall.
"Anong gusto mo? Mag watch ng movie o sa Timezone na lang tayo?" ang tanong ni Ohm habang naglalakad kami. Medyo nakaka ilang lang dahil HHWW ang peg namin,hindi pa ako sanay mag PDA.
"Ikaw? Ikaw ang bahala. Basta ikaw ang kasama ko,kahit saan o kahit ano pa yan paniguradong mag e-enjoy ako." ang nakangiti kong sagot sa kanya. Tumigil siya paglalakad at tinitigan ako.
"Talaga? Totoo ba yan?" ang parang hindi niya makapaniwalabg tanong.
"Ayaw mo? O edi joke lang!" nakangisi kong sabi.
"Hindi! Wala ng bawian! Tara na!" masaya niyang sabi at hinila na ako. Hindi ko mapigilang mapangiti,masaya ako na napapasaya ko si Ohm sa mga ganon lamang kasimpleng salita.
Nagpakasawa kami sa Timezone,ano bang tawag dun sa sinusundan mo yung sayaw? Tas yung bawat galaw.ng katawan mo kinukuhaan bg score kung perfect ba o hindi,kinetic ba yun? Basta yun na yon. Yun ang pinaka nag enjoy ako.
Pagdating ng alas tres ay niyaya ako ni Ohm na kumain,gusto pa niya sa mamahalin pero umayaw ako,sabi ko sa Jollibee na lang mura pa at madami kaming makakain.
Siya ang pumila at ako naman ay naghanap na ng pwesto.
Madali naman akong nakahanap ng pwesto at naka sunod agad si Ohm. Natakam agad ako sa nakita kong order niya.
"Salamat at ikaw naging boyfriend ko." sabi ni Ohm ng magsisimula na kaming kumain,natigil tuloy ako sa pag ngasab ng chicken joy.
"Ako nga ang dapat magpasalamat eh---"
"Uy! Fancy seeing the two of you!" pamumutol ng isang boses sa sasabihin ko.
Kilala niyo ba kung sino?
"Uy pre! Nandito ka din pala. Date namin ni Kiji eh." ani Ohm dito. Nako Ohm,dapat hindi mo na pinansin yan. Magpapower trip na naman yan.
"Talaga? Pwede bang maki share ng table?" sabi ng gago at tumingin sa akin. Kahit pa napaka gwapo niya sa porma niya at napaka bango niya,at kahit pa nagdidribol ang puso ko ay naiinis ako sa kanya.
"Sure. Have a sit." paunlak ni Ohm,tumingin sa akin at kumindat kaya ngumiti na din ako.
"Anong ginagawa mo dito Chance?" sabi ko agad ng sa akin siya tumabi kaya halos mangatog ako.
"Wow ah? Wala ba akong karapatan pumunta dito? Sayo ba ang megamall? Sy na din ba apelyido mo? Nandito ako dahil Im dating myself. Naunahan kasi ako sa dapat na ka date ko." direderetso nyang sabi kaya natameme ako.
"Kain na lang tayo. Madami pa tayong pupuntahan Mahal ko." ang pagsingit ni Ohm. Kitang kita ko kung paano tumaas ang kanang kilay ni Chance.
Oha? Ano ka ngayon? Wala kang ganyan! Mamatay ka sa inggit.
"San naman ang sunod nating pupuntahan?" malambing kong tanong kay Ohm at ngumiti pa ako.ng ubod ng tamis.
"Hindi pa pwedeng sabihin. You will know later." at kumindat si Ohm kaya napangiti ako,mukhang alam ko na kung saan.
"Kiji,handa ka na ba sa prom? Ako wala pang isusuot pero gagawa ako ng paraan,dyahe kasi sa bahay hindi pa din ako pinapansin." pagsingit na naman ni Chance kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano ba talagang problema mo sa inyo? Sabihin mo.nga sa akin kahit huwag na kina Mama at Papa sa akin na lang. Hindi pwedeng ma stress si Mama buntis siya." sabi kong ganyan kay Chance. Nanlaki ang mata ng bastos at napangisi.
"Talaga? Buntis si Tita? Nako! Dapat ako ang paglihian niya huwag ikaw. Kasi pag ikaw papangit din si baby!" sabi ni Chance kaya hinampas ko siya sa braso.
"Pakyu! Sinasabi mo dyan? Sinisira mo araw ko! Umalis ka na nga." sabi ko naman. Ang hilig talaga manira ng mood ng animal na to.
"Sabay tayong umuwi. Gusto kong magpakita kay tita." ang excited pang sabi nito kaya inirapan ko.
"Ayoko." ang agad kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain.
"Ahem."
Oh my gowd! Nandito nga pala si Ohm! Bwisit na Chance to eh! Nakalimutan kong nandito si Ohm. Siet! Nakakahiya! Anong gagawin ko?
"Uhm. Tapos na akong kumain,tara na Ohm." sabi ko at tumayo na.
"Sigurado ka?" ani Ohm na titig na titig sa akin. Natakot ako.
Natakot ako hindi kay Ohm kundi sa sarili ko. Natatakot ako na any moment ng dahil lang kay Chance ay bitawan ko agad si Ohm.
"Oo naman! Gusto ko ng pumunta dun sa sinasabi mo." ngumiti ako. Ngumiti din si Ohm pero alam kong hindi totoong ngiti iyon.
Biglang tumayo si Chance at may sinagot na tawag. Lumabas siya kaya hinila ko na din palabas si Ohm.
Nilampasan namin si Chance pero nadinig ko ang sinabi niya.
"Opo tita kasama ko si Kiji. Po? Sige po sasabihan ko siya."
At bakit hindi sa akin tumawag si Mama?
"Kailangan mong bumawi mamaya. May kasalanan ka." nakangiting sabi ni Ohm at kinurot ako sa pisngi.
"Aray! Oo na,mapatawad.mo lang ako." nakangiti ko na ding sabi at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Kiji! Teka! Hintay lang!" boses iyon ni Chance. Tumigil kami ni Ohm sa paglalakad at hinarap siya.
"Ano?" inis kong sabi kay Chance.
"Pinapa uwi na tayo ni Tita. Naka uwi na daw sila at may niluto sila." ani Chance at namulsa. Napabuntong hininga ako,ito ang ayaw ko ang makasakit ng iba.
Nilingon ko si Ohm,tahimik.lang siya at nakatitig sa akin.
"Im sorry Ohm,family matters." ang malungkot at nahihiya kong sabi.
"Its okay. I understand." ani Ohm at ngumiti.
"Im really sorry at natapos agad ang date natin. Pero maraming maraming salamat,sobrang nag enjoy ako." at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Okay lang nga. Mas pinasaya mo ako. Ingat at Happy Valentines ulit.I love you!" mabilisan nya akong hinalikan sa labi. "Wait for my text."
Tumalikod na siya at naglakad palayo. Napabuntong hininga na naman ako. Naramadaman kong tumabi sa akin si Chance.
"Ako at ako ang pipiliin mo Kiji. Ngayon pa lang maghanda ka na."
Sabi ni Chance na ikinatigil ng tibok ng puso ko.