Descargar la aplicación
45.43% M2M SERIES / Chapter 173: Jin (Chapter 18)

Capítulo 173: Jin (Chapter 18)

NAPABUNTONG-HININGA na lang siya at muling pumikit. Nainis na naman siya sa sarili kasi ramdam niyang unti-unti na naman siyang tinitigasan nang mga sandaling iyon.

"Jin, nakaka-adik ka talaga. Alam mo bang magmula nang may nangyari sa atin ay hindi ka na nawala sa isipan ko?"

"Gano'n? Puwede ba, Sir Glen, h'wag kang umakto na may patutunguhan 'yang kabaliwan mo sa akin. Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga bakla," inis niyang sabi rito.

"I'm not expecting though. Ang gusto ko lang naman sanang mangyari e hindi mo ako pagdadamutan sa tuwing kailangan kita."

"Sir Glen, hindi puwede 'yang gusto mo, e. Hindi ako bayaran, okay?" sabi niya. Napakagat pa siya ng ibabang labi sa kanyang pagsisinungaling.

Hindi na tumugon si Glen. Inalis din nito ang kamay sa kanyang namumukol na harapan. Sa totoo lang ay medyo nag-init na siya no'n. Nagpapatunay roon ang tumigas niyang pagkalalaki.

"Jin, magkagusto ka na sa lahat ng babae, basta h'wag na h'wag lang sa kapatid ko. H'wag kay Marian."

Nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Sir Glen, sino naman kayang lalaki ang hindi magkakagusto sa kapatid mo?" mariin niyang tanong dito.

"Basta, Jin, ayoko."

Tumawa siya nang pagak. "Bakit? Nagseselos ka?"

"Oo," diretsong sagot ni Glen.

"Sir Glen, babae si Marian. Kailangan ba talagang makipagkompetensiya ka sa mga babae? Lalaki ako, normal sa babae lang ako magkakagusto."

"Puwes, pigilan mo, Jin. Kung gusto mo, bigyan kita ng maraming babae, gamitin mo sila hanggang gusto mo, pero h'wag na h'wag lang si Marian."

Napailing-iling siya ng ulo. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ng kanyang amo. Alam niya sa kanyang sariling hindi puwede ang gusto nitong mangyari. Mahal na mahal na niya si Marian. Naguluhan tuloy siya sa kanyang sitwasyon. Dumagdag pa ito sa problema niya kay Din na patay na patay rin sa kanya.

*****

"ITO ANG sarili kong bahay, Jin," sabi ni Glen nang pinahinto na nito ang sasakyan sa loob ng garahe.

Hindi siya tumugon. Lumabas kaagad siya ng sasakyan. Sa totoo lang ay namangha nga siya sa laki ng bahay na iyong nasa isang exclusive subdivision pa sa lungsod.

Kaagad siya nitong inakbayan. "Pasok na tayo," sabi ni Glen.

Umayon naman kaagad siya sa among bakla. Manaka-naka'y hinahalikan pa siya sa leeg at braso. Hinayaan na lamang niya ito. Medyo natatawa pa nga siya sa isipan dahil katulad lang ito ni Marian na mahilig sa maalat. Inaangkin pa rin siya kahit pawisan at amoy araw. Magkapatid nga ang dalawa.

Pagpasok nila sa bahay ay talagang napahanga siya. Nagmistula na iyong palasyo sa kanyang paningin. Hindi naman kasi kalakihan ang kanilang tinitirhan. Baka nga buong bahay nila ay katumbas lang ng isang banyo sa naturang bahay na iyon. Tatlong palapag pa. Napakaswerte nga talaga ng mga mayaman. Kayang tumira na mag-isa sa ganoon kalaking bahay.

"Have a seat," wika ni Glen. Nasa sala na sila.

Umupo naman si Jin sa malambot na sopa. Pansin niyang puti ang main color ng buong bahay. Kompleto pa sa mga kagamitan. Napatingin siya sa malaking telebisyon.

"Baka gusto mong manood ng movie, Jin, pili ka lang ng CD diyan sa lalagyan," sabi ni Glen na napansing nakatingin siya sa naturang telebisyon.

"Okay lang?" tanong niya.

Lumapit ito sa kanya at pinisil ang matangos niyang ilong. "Kakasabi ko lang 'di ba na baka gusto mong manood ng movie tapos ngayon magtatanong ka pa," sabi ni Glen sabay ngiti. Nginitian niya rin ito.

"Oh, baka gusto mong ako ang mamili ng panonoorin mo."

"Ikaw ang bahala. Wala akong alam sa pag-operate niyan, e."

"Okay, you're the boss!"

Kahit papaano ay natuwa naman si Jin nang mga sandaling iyon. Hindi niya aakalaing marunong din naman palang maglambing si Glen. Nasanay kasi siya noong para itong gutom na tigre kapag hinarap silang mga trabahante na tila nais na silang kainin ng buhay.

Sa pagkakataong iyon ay ibang Glen ang nakikita niya. Palangiti, mabait at malambing. Kung gano'n lang siguro palagi ang maging approach sa kanya ng amo ay baka hindi na siya magdalawang-isip pang magpagamit kaagad sa tuwing kailangan nito ang kanyang katawan.

Kung tutuusin kasi ay malaki rin naman ang utang na loob nila sa pamilya ni Glen. Matagal na silang nagtatrabaho ng kanyang tatay Ryan sa kanila at nasa tamang sweldo naman. Isa pa, kapag kailangan talaga nila ng pera ay kaagad na nagpapautang ang mga ito.

Nakita niyang may kinuhang CD si Glen sa lalagyan kapagkuwa'y nakangiting lumingon sa kanya. Ngumiti rin siya rito. Umayos na lamang siya ng upo sa sopa.

Bahagya siyang natawa nang mag-umpisa ang palabas na napili ni Glen. Porn pala iyon. Alam na niya kung ano ang nasa isipan nito. Gusto ni Glen na mag-init siya at makalimot para magbago ang isip at tuluyang magpagamit dito.

"Loko-loko ka talaga, Sir. Bakit porn?" tanong niya.

Lumapit naman si Glen sa kanya. Hindi muna ito sumagot. Bigla siya nitong hinalikan sa leeg.

"Hubarin ko 'to ha," paalam nitong nakahawak na sa laylayan ng kanyang sando. Inaamoy rin siya nito sa bandang dibdib.

Hindi siya nagsalita at hinayaan lang itong hubaran siya ng sando. Nang mahubad ay tinitigan siya ni Glen nang mabuti.

"Ang hot mo talaga, Jin," komento nitong namumungay ang mga mata.

Ngumiti lamang siya rito. "Paano ako makakapanood kung nandiyan ka sa harapan ko?" tanong niya.

Bigla itong tumabi sa kanya. Naramdaman niya ang labi at dila nito sa kanyang mamasel na braso. Hinayaan niya lang ito. Sa totoo lang ay handa na siyang magpagamit no'n kay Glen kung ipipilit nito.

Samantalang ramdam na ramdam na niya ang paninigas ng kanyang kargada sa loob ng pantalon at panloob. Napakainit nga naman kasi ng eksena sa palabas. Kasalukuyang bino-blow-job ng napakaganda't seksing babae ang ari ng lalaki. Parang nakaramdam pa tuloy siya noon ng inggit at gusto niya ring may sumubo sa kanya. Pero naisip niyang hinding-hindi siya magpapahalata kay Glen na nadadarang na rin siya noon.

"Jin..."

"Bakit?" tanong niyang nasa palabas lang ang pansin.

"Jin, marunong ka bang sumayaw?"

Napatingin siya rito. "Bakit?" nakakunot-noong tanong niya rito.

"Gusto lang kita makitang sumayaw. 'Yong macho dancing, marunong ka?" Panay ang himas nito sa kanyang malapad na dibdib. Inaamoy-amoy rin nito ang bandang kilikili niya.

Natawa siya. Sa totoo lang ay marunong talaga siyang mag-macho dancing. Minsan na rin niyang nagawa iyon sa harap ng isang mayamang bakla. Pinagsayaw muna siya bago ginamit.

"Okay, 'yon lang pala, e," tugon niya.

"Talaga? So, tayo ka na, sayawan mo ako," tuwang-tuwang sabi ni Glen.

"Kadarating palang natin, a. Puwede mag-relax-relax naman muna tayo, Sir. Ni wala ka nga yatang plan na bigyan man lang ako kahit tubig, e," sabi niya.

Nang mga sandaling iyon ay parang ang gaan-gaan na ng loob niya kay Glen. Dagdagan pang kamukha nito si Marian kaya minsan ay biglang nagiging si Marian ang paningin niya rito. Lips at ngiti ng mga ito ay parehong-pareho.

Tumawa naman si Glen sa kanyang sinabi. Napatingin ito sa bandang kilikili niya kaya siya na mismo ang naglagay ng kaliwang kamay sa likod ng ulo. Alam na niya ang nais nitong gawin. At gaya nga ng kanyang iniisip ay inamoy nga ni Glen ang kanyang mabuhok ng kilikili at hinalikan pa. Kapagkuwa'y tumayo na ito at nagpaalam saglit para kumuha ng snacks.

Muling natuon ang pansin niya sa mainit na eksena sa palabas. Ang ingay-ingay ng mga ungol ng babae habang nakatuwad na animo'y aso at binarurot naman nang husto ng lalaking kapareha na nasa ten inches na yata ang haba ng kargada. Hindi niya makontrol ang kanang kamay na humimas sa namumukol niyang harapan. Hindi na talaga niya maitatanggi pa ang katotohanang labis na siyang nag-init no'n.

"Ahhhh... shit... fuck me harder, babe..." anang babae sa palabas.

Napakaganda pa mandin kaya hindi talaga niya napigilan ang sariling magpantasyang siya ang lalaking kapareha ng babaeng walang awang naglabas-masok sa napakapulang hiyas nito.

Patuloy siya sa paghimas ng kanyang pagkalalaking sobrang tigas na rin nang mga sandaling iyon.

"Jin, why not let me do that for you instead? Mas masasarapan ka pa," nang-aakit na sabi ni Glen na palapit na sa kanyang kinaroroonan dala ang isang tray na may lamang pitsel ng juice at hamburger.

Ngumiti lamang siya rito at itinigil ang ginagawang paghimas. Inilapag naman ni Glen ang tray sa center table. Tumabi ito sa kanya at kaagad na lumanding sa kanyang kandungan ang kamay.

"Ang tigas mo na, Jin. Are you sure ayaw mong serbisyohan kita ngayon? Ikaw rin, sasakit ang puson mo," sabi ni Glen na medyo mariin na ang kamay sa ginagawang paghimas sa kanyang harapan.

Hindi siya tumugon. Sa halip ay dumampot siya ng hamburger at kaagad na nilantakan. Hinayaan na lamang niya si Glen.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C173
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión