Umalis ang matatanda sa hapag. At kahit kami nalang ang naiwan. Hindi halos nagalaw ni Kuya ang nasa plato nya. Tumayo na sina Winly at Karen para ilagay sa lababo ang pinagkainan. Si Kian naman ay iniabot na kay Karen ang kanyang gamit. Nakaupo ito sa tabi ni Jaden na katabi din si Bamby habang nakatayo. Lance sat beside me. Naglakad si Kuya Mark at naupo sa stool chair sa may bar counter.
"Wala bang landmark sa Tuguegarao bro?. Parang gusto kong pumasyal.." out of the blue. Tinanong ni Mark si Kuya. Napabaling sya kung saan ito nakaupo. Di naman ito kalayuan. Ilang hakbang lang sa pagitan ng mahabang hapag. Na sya nang naging pagitan si Knoa na nakasakay sa maliit na kotse na pawang umaandar pa. Iniikot nito ang manibela na para bang nasa gitna sya ng maingay at magulong kalsada.
"Marami.. white beaches.." simpleng saad lang ni Kuya. Tapos ay sumubo sya sa pagkaing nasa harap nya. Maliit man ay parang sandamakmak ang kinakain nya dahil sa tagal nitong sumubo. Tsaka. Kilala ko sya. Di nya ugaling kumain lalo na kapag napangunahan na sya ng galit o inis o kahit ano pa man. He's not small minded. He's just like that.
"I have an idea.." natahimik kami kay Bamby. She look at us. May pakiramdam ako na gusto nya ang ideya ng Kuya nya. Watching her. Suot nito ang isang malalim na ngisi. May naglalaro sa isipan nya na di ko alam. Subalit mababasa mo rito ang excitement. Kumunot din ang noo ni Lance sa kapatid habang inaakbay ang braso sa likod ng silyang inuupuan ko. "What if, we celebrate Mommy's birthday on a beach?." ngiti nya na para bang it's really a good idea. Para sakin naman din. That's a bright idea para naman malibang sila habang nandito pa sila. Who knows nga naman kung kailan pa sila babalik rito kapag nakaalis na. Tsaka. "Ano sa tingin mo kuya?." Bamby glance at her Kuya Lance na cool namang nakaupo lang sa tabi ko. Not minding people around him.
Tumikhim ako sabay siko sa kanya. Tinignan nya naman ako. Taas nga lang ang kilay. I look at him then to his sister. Kung di ko kasi iyon gagawin agad. Baka kung ano pang isipin nya. Natanto nya naman iyon kaya bumaling na rin sya sa kanyang kapatid. "We should try that.. para makapag-unwind ang lahat." Lance answers without thinking twice.
"Yes.. Kuya, what about your idea?. Tara pa Norte.." tumayo sya't naglakad. Nilapitan ang Kuya na abala sa cellphone. May hawak din itong wine glass na may lamang alak.
"G.. kailan ba?." sagot nya na di man lang tinatapunan ng tingin ang kapatid. "Saan tayo diidretso kung ganun?. Is it in the City or right through the beach?." habol pa nito na ngayon ay sa amin na ni Kuya nakatingin. "What about your idea bro?. Tutal taga duon kayo, maganda bang dumiretso kami ng syudad o beach nalang?."
"It's up to you bro.. malayo din kasi ang City sa mga beaches.. it takes two to three hours depending on where do you wanna go.."
"You mean.. maraming beach pa?. Hindi ba tayo dun sa venue ng wedding nila Kuya?." Bamby is referring to Sta Ana beach. Place were we made a promise.
Umoo ai Kuya sa tanong nila tungkol sa maraming beach. Pero di na ako nakarinig pa ng tugon patungkol sa sunod na tanong nya. Ang mga Kuya na nya dapat ang sasagot nito. Hindi na si Kuya dahil desisyon na nila iyon, if tuloy nga ang plano nila.
Hinintay lang na matapos si Kuya kumain saka na kami lumabas. Kung saan hindi gaanong mataas ang araw. Maulap. At di gaanong mainit. Eksakto lang para di ka mangitim kapag naligo sa pool.
Naupo ako kasama sina Winly, Karen at Bamby sa upuang nakapalibot sa pabilog na kulay puting mesa. Gawa ito sa kahoy na Narra daw. May succulent sa gitna nito na may bulaklak. Ang boys naman ay umupo nalang sa bermuda grass. Nagpatayo din sila duon ng isang case ng red horse.
"Kamusta na bro?." Kuya asked Lance. Magkaharap sila. Sa tabi ni Lance, Aron, Kuya Mark habang ang katabi ni Kuya ay si Jaden at Kian. Pabilog din sila na ang grupo ni Lance ay may nasasandalan sa likod. Plant box ng mga rosas na wala pang bulaklak. Habang sina Kuya ay, nakaupo lang. Sa harap nila ang pulang baso na disposable. Binuksan ni Aron ang isang bote ng red horse at nagsalin sa kanyang baso. Pinasa nya iyon kay Lance tas umikot na.
"Okay naman ako. Eto buhay pa.." naghalo ang lamig at init sa katawan ko sa narinig na sagot ni Lance sa kanya. I didn't hear any sarcasm on his voice but I saw how Kuya moves. Nagulat sya't parang natamaan ng bomba na di nya inasahan. Niligon ko si Bamby sa gilid ng mata ko. She look at me too then to his brother intensely. Just like me. Parang biglang nalagyan ng asin ang pwet nya dahilan para di sya mapakali. Gumalaw din si Karen at Winly. They move a bit closer to where the boys is.
"Bes bakit yun?." gulat ding tanong sakin ni Bamby. Nagkibit ako ng balikat sapagkat narinig ko naman kung gaano kasimple ang naging pagtanong ni Kuya. Di ko inasahan na ganun na si Lance towards him. All I thought he's cool to Kuya Rozen. Na di sya galit dito dahil di naman ito ang nanakit sa kanya but I was so wrong. Lance made me realize na di lahat ng nakikita ng mga mata natin ay totoo. Because he's this cool and calm. Ang buong akala ko. Di na sya magagalit pa sa kanya. Na hahayaan nalang si Kuya Ryle na matuto at tulungan na makabalik sa tamang isip. But, am I wrong?. Sabagay. Para kay Lance. Di madali ang ginawa sa kanya ng kapatid ko. Hindi madaling makita na nasasaktan ang taong mahal mo. Hindi madaling tanggapin na umabot pa sa sukdulan ang lahat. But I didn't know that, his silence is a rage. Natatakot ako sa maaaring isipin nya kapag walang sinasabi ang kanyang labi.
"Bro chill.. lumabas tayo rito para magpahangin."
"Let me be Kuya.. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob rito.. don't stop me."
"Tsk.. don't be so stubborn lil bro.. inimbita natin ang bisita dito para makipagsaya sila.. not this.. just to insult them or what?. Nakakahiya.." iling ni Kuya Mark.
Di umimik si Lance. "Fine.. I will let you tell what you want to say but please, bare with your words.. ayokong lumabas muli si Daddy rito at dumagdag pa."
Nothing breaks the silence that roam around us. Tahimik na umikot ang bote ng alak. Habang kami ni Bamby ay tahimik rin na nakikinig sa pananahimik nila. "I'm sorry.." sa kabila ng nakakakilabot na katahimikan. Binasag din iyon ni Kuya. Nakayuko sya. Hawak nito ang bote ng red horse sa kanang kamay habang sa kaliwa ay ang cup. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kapatid ko. He's not normal. He is obviously mentally ill. Hindi nya alam ang ginagawa nya. Wala syang alam. His wrong doings and wrong decisions is unforgivable. Kung ako man ang gawan nya ng ganun. Magagalit talaga ako to the point that, I'll assure he'll suffer.."
"Kung ako lang din. I'll let him suffer more." nagkatinginan kami ni Lance ng sabihin nya ito. Galit ang mga mata nya. Paghihiganti ang nababasa ko sa mukha nya. And I look at him saying, "No. Please don't" in a silent nod while looking at him. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Ganun pa rin. Madilim at galit. I want to utter words for him to calm down but I guess, it's not yet time.
"Lance.." si Kuya nya ito. Pinipigilan muli.
"I'm sorry Lance.. for tasting his obnoxious behavior.. kung sana dati ko pa syang tinulungan para di na sya mabaon pa.. ginawa ko na. Pero matigas sya. Tuwing sinasabi ko sa kanyang may sakit sya at kailangang magpatingin. Tumatanggi sya at nagagalit.. and that rage goes to Joyce. Hindi ko kayang umabot pa sa pagbuhatan nya pa ng kamay ang kapatid ko na halos buong buhay nya ay hindi sya malaya sa hirap.."
"Kaya hinayaan mo nalang?. Hinayaan nyo nalang na magdusa ang asawa ko sa bakal nyang kamay?. Hindi ko kayo mapapatawad.." dinig sa boses ni Lance ang pagpapakatotoo. "Kung makaalis man kami rito.. isasama ko ang kapatid mo.. at hinding-hindi ko na sya ibabalik dito.."
"Galit talaga.." I heard Winly whisper this. Maging sya ay natakot sa nakitang galit ni Lance. Tumango naman dito si Karen.
Lumunok ako.
Walang masabi. O sa madaling salita. I don't want to interfere. Maging ako ay di kayang lunukin ang galit nya ngayon.
"I understand that.." ani Kuya.
"It should be Rozen. If you're willing to protect and want her leave the prison of hell you are saying, hahayaan mong umalis ang kapatid mo, kasama ako."
"Don't worry.. I won't stop you. Gusto ko rin yang gusto mo.. thanks for loving my sister despite the gap between us.."
Alam ko. Alam na alam ko na hindi pa tapos si Lance dito. He's just thinking or worst. He is summarizing things that should be done today.