Descargar la aplicación
43.26% No More Promises / Chapter 122: Chapter 11: Papa

Capítulo 122: Chapter 11: Papa

Pagkatapos ng tawag na iyon ni Rozen. Nawala na naman ako sa sarili. Tulala sa tabi ng bintana. Tanaw ang malayo. Umaasang, sana okay lang sya. Base kasi sa sinabi ng kapatid nya. Hindi sya okay simula nang umalis ako't nawala ang baby namin. It really breaks my heart knowing that she's in pain right now. If only I have this chance of being with her today. Di ko sya iiwan kahit ayaw nya pa akong makita. Kahit ipagtabuyan pa nya ako. I'll stay by her side. Pero sobrang hirap naman ng ganito. Yung ang dami mong gustong gawin, umuwi tapos puntahan sya, pero hindi mo magawa o wala kang magawa dahil nasa malayo ka. Or worst. Baka di pa payagan.

Pinagsalikop ko ang mga palad habang tinatanaw ang papalubog nang araw. Tapos na naman ang isang araw. Anong nang mangyayari sa amin?. Ano nang gagawin ko?. Kausapin sila mama o wag nalang?.

Nasa ganuong akong pag-iisip nang pumasok si Bamby. Di ko man lang namalayan ang pagpasok nya. Tinabihan nya ako sa may bintana tapos ginaya ang posisyon kong nakatayo habang nasa malayo rin ang tingin.

"Papa is home.. kanina ka pa nya tinatawag.." she said after a long span of silence. She never glance at me while saying this. Para bang pinapakiramdaman nya ako. Hindi kasi sya maingay like her usual. Di rin sya nangungulit sa tuwing papasok ng silid. The way she act in front of me today is so weird. Pakiramdam ko tuloy. May nalalaman na sya tungkol sa kung anumang problema ko ngayon. Sana lang. Walang sinabi sa kanya si kuya. Nakakahiya pag ganun!

"Hoy!.." sabay pitik sa noo ko. "Ano ba?. Hindi mo ba ako naririnig?. Kanina ka pa hinahanap ni papa.." she said frowning.

Umawang ang labi ko at kumurap nang wala sa oras. "What?.." di malamang tanong ko.

Umikot ang mata nya't namaywang sa harapan ko. Napaayos rin ako ng tayo saka nakamot ang likod ng ulo sa kawalan ng pokus. "I.. said.. Papa.. has.. been... calling.. you.. psh.." nawawalan na sya ng pasensya.

Kumurap muli ako. Huminga ng malalim. Inayos ang sarili bago nagsalita. "Bakit raw?.."

Humaba ang kanyang nguso. Sumama ang tingin nya sakin saka humalukipkip na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "I don't know okay.. puntahan mo nalang sya.. bye.." paalam nya bigla. "Psh!.. nakakainis.. lutang na naman.." bulong pa nya pagtalikod sa akin.

Di ko maiwasang mapanguso at mapangiti sa iniaasta nya. Bata pa nga sya. Madaling napipikon!

Bakit kaya hinahanap ako ni papa?. Kinakabahan tuloy ako.

Ilang sandali lang ay sumunod na rin akong bumaba. Hinanap ko si papa sa may silid nila. Katabi ng library nya pero walang tao roon kaya bumaba na ako. Doon ko sya natagpuan sa may terasa. Nakaupo sya sa duyan at nakapikit. Maingat ko syang nilapitan ngunit naramdaman nya pa rin ang presensya ko. "Kanina pa kita tinatawag Lance.. where have you been?.." he asked without looking at me. Patuloy lang ang pagduyan ng upuan nya. Tumayo ako sa tabi nya kung saan di ako matatamaan.

"Nasa kwarto ako Pa.. sorry.."

"Hmm.. timplahan mo nga ako ng kape.. tas idala mo sa library ko.."

"Ngayon na po?.."

"Yes, ngayon na.." duon lamang dumilat ang kanyang mga mata. Dumiretso pa sakin. Tumigil ang pagduyan ng upuan nya saka huminto ng bahagya bago sya tumayo. Naunang pumasok ng bahay. Sumunod na rin ako.

"Pakibilisan Lance.. marami pa akong gagawin.." Anya pa bago tuluyang pumanhik sa taas.

Taka ko syang sinundan ng tingin. Bakit kaya ako pa ang ipinatawag nyang magtimpla?. Andyan naman si Bamblebie eh.. Tsk.. Iba talaga pag spoiled brat. Di nauutusan.

Mabilis kong tinimpla ang kanyang kape. Dinala ko iyon sa silid nya gaya ng utos nya. Inilapag ko sa tabi ng mesa nya't iiwan na sana sya ngunit tinawag nya akong muli. "Sit down.." his voice echoed around my head. Matunog akong napalunok dahil sa kabang hindi ko kailanman maintindihan. Hindi ako nakagalaw agad. Kailangan pa nyang magsalita ulit upang matanto ko ang sinasabi nya. "Sit down.." itinuro pa nya ang upuang nasa harapan nya dahil ang akala nya hindi ko nakuha ang ibig nyang sabihin. Naintindihan ko naman ang utos nya. Sadyang hindi lang talaga agad naproseso ng utak ko ang dahilan kung bakit kailangan pa nya akong paupuin. Kung may sabihin sya sana. Wag nang patagalin. Mawawalan ako ng hangin bigla e.

"Bakit di ka nagtinpla ng kape mo?.." tanong nya nang makaupo na ako sa harapan nya. Maingat pa rin akong sumandal sa upuan. Dahil isang maling galaw ko yata ay mapapagalitan nya ako.

"Ayoko sa kape Pa.." tamad kong sagot.

"Really?.. paanong ayaw mo na nang kape, e halos gawin mo na ngang alak ang kape?.."

Natahimik ako. Napansin nya pa iyon?. Paano kasi. Hindi ako mapakali sa kaiisip. Nakakabaliw!

"May problema ka ba anak?.." nangilabot ako sa tanong nyang iyon. "Pansin kong lagi kang balisa ngayon. Tulala pa at sobrang tahimik.. Bakit?." tinignan ko sya. Nawala sa abong pader ang paningin ko. Nalipat sa kanya. "You can talk to me son.." dagdag pa nya.

Nakapaloob ko ang labi. Hindi malaman ang gagawin. Natatakot. Nalilito. Kinakabahan.

Kalaunan. Napayuko ako sa mga kamay kong bahagyang pawisan na rin. "Hindi ko man tanungin sa'yo kung may problema ka o wala.. I want you to know na andito lang ako.. handang makinig bilang papa mo.."

Nang iangat ko ang paningin ko. Nagsalubong ang aming mata. Nginitian nya ako. "Pa.." tawag ko sa kanya. Mas lumapad ang kanyang ngiti. Napatayo ako. Hindi na ako nag-isip pa Niyakap ko sya sa leeg. Itinago ko sa likod ng batok nya ang mukha ko. "Papa.." tawag ko sa kanya. Tinapik nya ang brasong nasa bandang baba nya at humalakhak.

"What is it son?.." at hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya ang lahat. Tahimik lang sya buong oras. Hindi sya nagtaka o nagtanong pa. Nakinig lang sya't tinitigan ako.

"Papa, I don't know what to do now..." sabi ko na parang bata. Sumeryoso ang mukha nya't bumuntong hininga.

Matagal syang naging tahimik kaya kinutuban ako ng masama. Di ko maiwasan dahil alam kong nadismaya ko na naman sya.

"You know what son.. I'm so disappointed on you.." sa dami ng naikwento ko sa kanya. Ngayon lamang sya nagsalita. At ang masama pa. Gaya ng inakala ko. Dismayado nga sya. "Bakit mo tinago samin ito?.."

"Natatakot po ako.." nakayuko kong pag-amin. Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Hindi ko makita ang itsura ng mukha nya dahil ayokong tignan. Lalo lamang bababa ang tingin ko sa sarili ko kapag nakita ko kung gaano sya kadismayado sakin. Sa nagawa ko.

"Bakit ka matatakot?. Apo ko yung anak mo.. and.." sadya nyang pinutol ang sasabihin para huminga. "Did your sister know about this?.." agad ko syang inilingan.

"Lance.. tsk.. tsk.."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.

"Alam mo bang mataas ang pangarap ko sa inyo?.." umpisa nitong kwento. "Sobrang taas na sa sobrang taas nun, ako rin pala ang mahuhulog sa pangarap kong iyon.." napipi ako. What now Lance?!.

"Pa, I'm sorry.." bulong ko. Pero dahil sa walang ingay sa paligid. Narinig nya iyon.

"Pero wala yata akong magagawa kundi gabayan lang kayo dahil magulang nyo lang kami.."

"Papa naman.. don't ever say that.." pigil ko sa kanya. Malungkot nya akong nginitian.

"Oo.. magulang nyo kami.. pero porket ganun na iyon ay pag-aari na namin kayo.. hinde.. dahil darating ang oras at panahon.. kukunin na rin kayo ng tunay na nagmamay-ari sa inyo.." tumigil sya. "Just like you.. noon ko pa napapansin ang kakaibang pagtingin mo sa bestfriend ng kapatid mo... kakaiba ito.. at dahil abala rin ang kapatid mo sa iba.. hindi nya kailanman napansin iyon." napalunok ako. What!?. Noon pa?. Papa naman! "Ayokong pigilan ka dahil alam kong alam mo ang ginagawa mo.. alam kong marami kaming naituro sa inyo.." yumuko sya't umiling na naman. "Pero nagkamali pala ako.."

"Papa.."

"Nagkamali pala ako.. dahil pakiramdam ko.. wala lang sa inyo ang mga pangaral namin ng mama nyo.." natamaan talaga ako. Sobra!

"Hindi po kayo ang nagkamali. Ako po.. wag nyo pong sisihin ang sarili nyo dahil ako po ang may kasalanan.."

Mataman nya akong tinignan. "Ano ngayon ang balak mo?.."

"If you grant me po para makauwi.. uuwi po ako. aayusin ko po ang maling nagawa ko.."

"Okay son.. but I want you to always remember this.. ayusin mo ang mga bagay na kaya mo pang ayusin.. kung may bagay na ayaw pang maayos sa ngayon.. let it be.. sooner or later.. maayos rin yan.. got that?.." nginitian nya ako. Nangilid ang luha ko't kagat labi syang tinanguan. "Halika ka nga rito.. mukha kang bakla dyan.. hahaha.." biro pa nya. He hugged me. Tinapik tapik nya ng ilang ulit ang likod ko bago pinakawalan. Nahihiya kong pinunasan ang luha saking pisngi sa mismong harapan nya. "Pag may problema ulit.. feel free to approach me okay?.. Papa mo ako.. I'm not your damn enemy.." puro tango lang ang naisagot ko sa kanya. "Sige na.. puntahan mo na si Bamblebie at kanina pa iyon nagtatanong sakin bakit lagi ka nalang tulala.."

"Yes Pa.." garalgal pa ang tinig ko. Sinuntok nya ang braso ko dahilan para mapaatras ako.

"Lalaki ka na pala talaga huh?.. hahaha.. pero sayang yung apo ko anak.. gawa ka ulit ha?.."

"Pa!?.."

"Hahaha.. biro lang.. sige na.. let's talk again later.."

Nagpaalam ako't nagpasalamat. Humingi muli ng tawad bago tuluyang lumabas at ginulo si Bamby.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C122
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión