"Kuya, ano ba?!.." hiyaw ni Bamby sa kapatid nyang kanina pa namin hinihintay. Ang sabi, pagkatapos nyang ibigay ang uniform ko. Maliligo na sya. Pero hindi iyon nangyari dahil bumalik pala muli ito sa pagtulog. Isang batok o sipa yata ang natanggap nito sa bunsong kapatid. Ganun raw kasi ito pag sya ang ginigising kaya, ganun din ito ngayon sa kanya.
."What the hell Bamblebie.." reklamo pa nito sa kapatid. Nakita kong nakadapa nga sya sa malaki nyang higaan.
"What the hell kuya!. Di ka ba, papasok?.." humalukipkip na si Bamby sa pagtitimpi ng pasensya sa kanya.
"Inaantok pa ako. Ano ba?.." sinenyas nito ang kamay na.umalis na sya. Malalim na buntong hininga ni Bamby ang narinig ko.
"Really huh?.." di makapaniwala nitong sabe. Saka nya ako nilingon sa may likuran nya. Di ako pumasok sa silid nya. Andun lamang ako sa may hamba, hawak ang nakasiwang na pintuan.
Nagkibit ako ng balikat.
"Sinong maghahatid samin ni Joyce, kung di ka papasok?.."
Ilang segundo lang ay nagkukumahog na itong bumangon. "What!?.. bakit di mo agad sinabi?!.." reklamo pa nya. Agad hinila ang tuwalya na nakasabit sa upuan tapos diretso ng banyo. Nang di ako, tinitignan.
"Sa baba na lang kami maghihintay.. faster please.." minadali pa nya ito. Humalakhak sya pagkababa namin. Ugali kasi nya pag si Bamby ang late magising. Lagi nya itong mainamadali. Yung tipong laging may emergency na pupuntahan ganun. Kaya pala minsan busangot mukha nya oagpasok Ng school.
"Ilang ikot na naman yan sa salamin.. Daig pa may pinopormahang babae.." bulong nito sa tabi ko.Heto na kami ngayon sa baba. Nakatingala sa may hagdanan. Hinihintay ang pagbaba nya.
"Bamby, wag magpapagabi ha.." bilin pa minsan samin ni tita ng madaanan kami. Tinanguan lamang namin sya.
"Sa labas na nga lang tayo maghintay Joyce. Nakakainip dito.." tumalikod sya't naglakad na papuntang garahe nila. Itim ang sasakyan na nilapitan ni Bamby. Ang alam ko. Mustang ata pangalan neto. Di ako sigurado.
"Pag wala pa mamaya yan. Mauna na tayo.."
"Antayin na natin. Baka andyan na yan.." pigil ko din sa gusto nyang gawin. Wala pa namang alas syete. Di pa kami late. Nga lang. Sigurado na ang penalty namin sa di paglilinis ng aming area.
Ilang minuto pa kaming naghintay ng pumapadyak na itong si Bamby. "Damn! what take him so long?.."
Pinanood ko sya. Kunot ang noo nitong nakatingin sa labasan ng kanyang kapatid.
."Kuya!!." sigaw na nya ng di na nakatiis.
"I'm coming!.." balik sigaw rin ng isa. Nakamot ko ng wala sa oras ang ulo. Mukhang maiipit yata ako sa awayan ng dalawang ito mamaya. Sana lang di ako maaunog ha!.
"Grabe ka!. Aware ka ba sa orasan?.." salubong nito agad ng tuluyan itong lumabas. Suot ang presko at nakakapigil hininga nitong taglay na kagwapuhan. Muli. Hindi ko na naman mapigilan ang humanga ng todo.
"I'm sorry, okay. Get in.." suko nalang siguro nya dahil alam nyang kasalanan nya rin naman talaga. Anong nangyari duon sa sinabi nya kaninang maligo na?. Hmm, Lance.
"Tsk!. Nakakainis talaga.." parinig pa nitong si Bamby pero hindi sumasagot itong kanyang katabi. Andito ako sa likod nila nakaupo at diretsong nakatitig sa kaharap na salamin. Minsang nagtama ang paningin namin. Agad din akong nag-iwas.
Isang kamay nya ang may hawak ng manibela. At ang isa ay nakatuko sa binatan ng sasakyan. Sa labas ko napiling tumingin para na rin marelax ako sa init ng kanyang titig. May gusto syang iparating mula roon pero hindi ko talaga makuha.
Saka ko lamang nalaman nang, magvibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe nya.
"You look glowing, baby. I want to kiss you.."
Di ko mapigilan ang maingay na paglunok sa nabasa. Damn! Paano ba to?. Anong irereply ko?.
"Stop texting. Concentrate on driving.." iyon lang ang naisip kong ireply dahil kanina pa nagrereklamo si Bamby sa kabagalan nya.
Muli kaming nagkatitigan sa salamin. Kagat labi akong nagbaba ng tingin. At nagpanggap na sa labas tumingin kahit na ang totoo ay sa buhok nyang bahagyang magulo napunta ang aking paningin. Di ko mapigilan eh. I'm damn Inlove with this boy but I don't know how to show it to him, without knowing by any. Di naman sa gusto kong itago ang sa amin. Sadyang di pa talaga ako handa sa ngayon na pakisamahan ang lahat ng mga taong nakapaligid sakin. Lalo.na ng mga taong di ko alam kung boto ba sa amin o hinde. They can't blame me. Unti unting sumisibol ang kawalan ko ng agarang pagtitiwala sa kahit na kaninong tao ngayon. Except sa mga taong alam lahat ng nangyayari sa akin.
Taon binubuo ang tiwala pero minuto lamang ito kung mawasak.
Mahirap makuha ang tiwala ko ngayon. Maging yata kay Lance, ay di ko masasabing maibibigay ko iyon ng buo. But I'll try my best to give him my all. Hindi ko iyon maipapangako pero I'll do my very best to ensure that.
"No thanks.." galit na sinarado ni Bamby ang pintuan ng bumaba sya. Tapos na yata ang flag ceremony ng makarating kami ng school.
"Ang sungit.. di lang pinansin ng crush eh.." bulong naman nya sa harapan. Inayos ko ang sealbelt saka bababa na sana kaso hinarangan nya ako gamit ang kanyang braso. "Not that fast.."
"Ano?. Kailangan ko nang pumasok Lance.." pinigilan ko na naman ang wag mautal o ipakitang kinakabahan ako ng sobra sa harapan nya. Malapit na nga akong kapusin ng hininga sa lapit ng mukha nya sa aking mukha. Damn!!
"Bakit ka namumula?.."
"Hindi ah.." angal ko. Nagbaba ako ng tingin na agad nya namang hinawakan ang aking baba saka pinagpantay ang aming paningin.
"You are, hmm..."
Umikot ang aking mata. "Lance, malelate na talaga ako.." palusot ko . Kailangan ko nang makababa bago pa ako mawalan ng malay dito.
Humalakhak sya. "Okay, okay.. hahaha.." matamis ang kanyang halakhak bago ako hinalikan sa noo at piandaan sa gawi nya.
Hawak ko ang dibdib nang ako ay makababa. Sa lakas ng kabog nito ay kulang nalang lumabas sa labas ng aking katawan. Natatakot ako sa lakas nito. Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor o ipatingin sa kanya na ganito ang nararamdaman ko pag malapit sya. Damn Joyce!. Magtigil ka nga! Bilisan mo nalang sa paglalakad at para makalinis ka na gurl! Hay!