"Gurl, ayan na sya.." nasa loob kami ng library. Naghahanap ng news about today's events. Kaming dalawa lang ni Winly ang nandito dahil abala si Bamby sa pagpapractice nya para sa intrams. Si Karen absent dahil may sakit raw.
Sinipa ako nito sa ilalim ng mesa ng di ko pansinin. Tinaasan ko pa sya ng kilay dahil di nya talaga ako tinigilan. "What!?." inis kong siring sa kanya.
Pinandidilatan nya lang ako ng mata saka na sya ngumuso. Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa ginagawa.
"Andito ka lang pala huh.." kaya pala pamilyar yung kanina pang pabango na nalalanghap ko saking likuran ay dahil nakatayo na sya sa likuran ko.
Naningkit ang malaking mata ni Winly sakin. O sa amin nang lingunin ko ang taong nakangisi saking likuran. Umawang ang labi ko sa presko nitong pagtayo. Wala man lang bahid ng takot o kaba. Paano ba gawin iyon?.
"Hmm.. duon muna ako.." paalam ni Winly pero hindi nya ito pinaalis. "Don't leave.." pigil nya dito. Kaya kahit nakatayo na si Winly, umupo muli sya ng dahan dahan.
Hindi makapaniwala sa nakikita. Parang sa kanya ay nagpapanggap lamang kami. Eh?. Basta. Ewan sa kanya. I'm too pre-occupied to the man whose standing in front of me, confidently.
"Where's Bamblebie?.." una nitong tanong. Nagbaba ako ng tingin sa mata nyang nilalasing ako. Sa bawat kislap nito ay nahihilo ako. Pakiramdam ko, nasa sikat akong bar at sumasayaw kasama sya.
"May practice.." si Winly ang sumagot para sakin. Tumango sya dito habang nasa akin pa rin ang tingin.
Madiin akong lumunok. Masakit iyon dahil tuyot ang aking lalamunan. Natuyot sa labi nyang binabasa nya habang sa akin ay nakatitig. Damn it!
"Hmm.. glad to hear that.. can I sit here?.." mahina nyang tanong ngunit parang gumamit sya ng speaker para marinig ko ng sobrang linaw. Nakakapanghina ang mata nyang nilulunod nalang ako basta. Napipi ako sa hindi ko malaman na dahilan. Gusto kong tanungin kung anong ginagawa nya rito pero wala akong lakas. Hinigop nya lahat ng naglakad sya't umupo sa mismong upuan na kinauupuan ko.
Gosh!!. Lance! Anong ginagawa mo sakin?. Are you playing my God damn feelings?. Don't please! Dahil habang tumatagal, nahuhulog ako sa'yo ng tuluyan. And I don't know what to do if that happens.
"Anong hinahanap nyo?. I can help.." dagdag pa nya ng prente ng makaupo. Nakapatong na sa mesa ang dalawa nyang mapuputing braso. Tipong di man lang dinadapuan ng lamok o kahit anong insekto sa kinis nito.
Pareho kami nitong si Winly na walang masabi. Nagulat din yata sya sa taong kaharap. Lalo na sa mga sinasabi nya.
Mailap kasi ito sa mga tao. At gaya nga ng sinabi kong mailap. Si Bamby, at mga kaibigan nya lang ang madalas nyang kausapin. Ang iba?. Who you sila?. Iyon ang motto nya. Kahit nga ako na kaibigan ng kapatid nya, di nya pinapansin pati sina Winly. Tapos heto sya ngayon, kakausapin kami o ako tapos mag-aalok ng tulong. Gosh!.
"Ahh.." maging si Winly ay utal. Grabe ka bakla!.
Kinagat ko ang ilalim ng labi sa kaba. Kinakabahan ako sa presensya nito sa tabi ko. Di tuloy ako makapag-isip ng tama. Wala akong mahagilap na tamang salita para sa kinikilos nya. Nakakapagtaka ng sobra!
Mahina syang ngumiti saka hinila ang notebook na kulay pink sa ilalim ng nanlalamig kong mga braso. "Why speechless huh?. Nakakapipi ba ang kagwapuhan ko?.." nakataas ang dalawa nyang kilay sakin. Titig na titig. Di ko kayang gumanti dai! Nahihilo ako!
Nasamid pa si Winly pero hindi nya ito pinansin. Titig pa rin sya sakin na para bang ang ganda ng mukha ko. Really Lance?
"Don't stare at me like that baby.. baka matunaw ako... hahaha.." pinitik nya pa ang noo ko saka humalakhak. Tama lang para hindi sya suwayin ng librarian.
What the heck!!