Descargar la aplicación
26.86% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 18: The Powerpuff Girls!

Capítulo 18: The Powerpuff Girls!

Dollar's POV

"Unsmiling Prince! Sandali!"

Grabe kanina pa 'ko tumatakbo pero nakarating na lang siya sa parking lot ay hindi ko pa din siya maabutan. Huminto siya sa isang Red Dodge Viper at binuksan sa pamamagitan ng hawak na key fob. So? Iba na naman ang kotse niya? He's that rich huh?

"Unsmiling Prince!" tawag ko ulit nang makalapit ako sa kanya.

"What?" tanong niya at umupo sa driver's seat.

Nakababa ang roof ng Viper kaya kitang-kita ko pa din siya. Nilapit ko sa mukha niya ang basket na kanina ko pa dala-dala.

"What's this thing?" at tinaas niya ang isa sa mga candy na nasa loob niyon.

"Candy. Here's a basket of sweets for a sweet man like you!" at nilapit ko ulit ang basket sa mukha niya. OK, ang corny ko no? Pero napadaan ako kanina sa isang shop na nagbebenta ng mga sweets at naalala ko si Rion kaya ayun, napabili ako ng isang basket ng candies, sweet polvoron at kung anu-ano pa.

"No. Hindi ako kumakain ng mga matatamis. And I'm not sweet. I prefer to be bitter." And he started the engine.

"Sige na! Ayaw mo kasing tanggapin 'yong sukli mo sa tickets kaya pinambili ko na lang nito."

"No. Umalis ka dyan."

"No." at lalo pa 'kong sumandal sa gilid ng kotse niya. "Sige na tanggapin mo na." Binuksan ko ang isang candy at isusubo sana sa kanya pero nilayo niya ang mukha niya. "It's my thank you gift."

"For what?"

"For coming to my life. Ahahaha!"

"No, umuwi ka na." and glanced at me lazily.

"Ikaw talaga, lagi mo na lang akong pinapauwi."

"Kesa magpakalat-kalat ka dito, now, go home."

"Tanggapin mo muna 'to."

"No."

"Tanggapin mo lang naman tapos kainin mo mamayang gabi para maalala mo ko."

"No."

"O kaya ipang-display mo na lang sa tabi ng kama mo para 'yan ang una mong makikita tuwing umaga and you 'll smile dahil maalala mo 'ko."

"No."

"O tanggapin mo na lang tapos itapon mo sa daan mamaya."

"No, ikaw ang kumain niyan."

"Ok." At lumakad ako sa unahan ng Viper nya at padipang humiga sa hood.

Aaah, this is life! Ang sarap humiga sa hood ng multi-million car.

Naramdaman kong lumabas ng kotse niya si Unsmiling Prince at lumapit sa 'kin. Pumikit lang ako. Hmp! Magsawa ka! Dami mong arte! Ikaw na nga ang binibigyan diyan ng regalo.

"Bumangon ka dyan!"

"No." sagot ko.

"Aalis na ako at bahala ka dyan."

"Ok, mas maganda nga 'yon para malaman ko na kung saan ka nakatira. So, let's go?" tiningala ko siya at ang dilim-dilim na talaga ng mukha niya.

"Mukha kang palaka dyan."

"Kokak!"

"Dollar." he called me in a warning tone.

Aaw! Tinawag niya ulit ako sa pangalan ko kahit may tonong pagbabanta.

Tiningnan ko ulit siya at ang madilim na ekspresyon sa mukha niya, pero may isa pa 'kong nakikita... Desire...? Nakahilata nga pala ko sa kotse niya at sa harap niya. Pero hindi ako sure kung iyon nga ang nakikita ko. Paano ba sinisibulan ng pagnanasa ang mga seryosong lalake na tulad niya?

"Hmn, ang sarap matulog dito, 'lika Unsmiling Prince, tabi ka sakin, para lang tayong nagde-date."

I heard him cleared his throat. At nag-iwas ng tingin.

"Sige na, wag ka ng mahiya!"

"I'm warning you." He said grimly.

"I know and I'm scared!" Ngumisi ako.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakakunot-noo at mayamaya ay nagpigil naman ng tawa? Anong problema nito? Napabangon tuloy ako at napa-upo.

"Baket?"

He cleared his throat again at iniwas ang mata sa 'kin.

"Huy, baket?"

"Ibaba mo yang skirt mo. Nakikita ang favorite characters mo."

Tinungo ko nga ang sarili ko at-- I gasped! Kitang-kita ang short shortS ko na may design ng power puff girls. Oh my! Nakakahiyaaa! I wanna die! Bakit iyon pa ang kailangang makita ni Unsmiling Prince? (T_T)

Napatayo ako bigla at nilingon ko siya na nakasandal sa gilid ng kotse. Umaalog ang mga balikat niya at namumula ang tenga. Ugh! Tinatawanan pa 'ko ng hudyo!

"So? Natawa ka na dahil doon? Huh?!"

Syempre, pagtataray ang panlaban sa pagkapahiya. Asar! Nakaka-inis talaga!

"I'm glad I made you laugh, Hmp! Maka-alis na nga." At dinampot ko ang basket at ang bag ko.

Pero hindi ko mahila ang basket dahil hawak din niya iyon.

"What do you think you're doing? Huh? Ayaw mo naman di ba?" singhal ko sa kanya.

"Yeah, pero ibinigay mo na 'to sa 'kin."

"Binabawi ko na."

Asar talaga! Nakikita ko pa ang pagkislap ng amusement sa mata niya! Nakakahiya! Bakit ba ito pa ang nasuot ko?

"No, akin to." Mabilis niyang inagaw ang basket at nilagay sa passenger seat.

"Kukunin mo rin pala, hinintay mo pang maki--"

"That's a lesson, Dollar. Huwag kang basta hihiga kung saan lalo na't ang suot mo pala ay..."

At talagang binitin niya ang pagsasalita! Lumelevel-up ang pagka-asar ko ah! Wala naman masama sa pagsusuot ng undies na may tatak ng characters di ba? 'Yun nga lang, wag mong ipapakita sa iba. At inakala ko pang naaakit siya sa 'kin!

Binuhay niya ulit ang makina ng kotse niya at nagsimulang umandar palayo. But not before I see him smile through the side view mirror...


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Royal_Esbree Royal_Esbree

Thank you for spending time to read my first story. Lots of love!

Creation is hard, cheer me up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Capítulo 19: Shadows #2

Unknown Character's POV

"F*cking hell!" napamura ako at binilisan ang pagpapatakbo sa kotse ko.

It's my new Lamborghini Gallardo! My new baby! Pero magagasgasan pa yata ang kotseng 'to na bagong labas sa casa. Or worst, baka bumulusok pa pababa sa bangin na nasa kanan ko. And it will also mean my death!

Nilingon ko ang dalawang motorbike na gumigitgit sa 'kin sa gilid ng kalsada. Ang isang motorsiklo ay nasa kaliwa ko at ang isa naman ay nasa bandang likuran. Hindi man nila 'ko mapatay, hindi rin ako mabubuhay kung maaaksidente ako sa madilim at madulas na kalsada sa magubat na parteng 'to ng bayan ng Flaviejo. Paliko-liko ang daan at matarik, madaming bangin.

Buti na lang at wala masyadong dumadaang sasakyan sa ganitong oras ng gabi. Ang kailangan ko lang ay matakasan ang dalawang humahabol sa 'kin. And that's next to impossible! Hah! Vigilantes! Predators madalas ang tawag sa kanila ng grupo namin. But whatever! They are f*cking pieces of sh*t to me!

Sigurado akong taga-rito din sila sa Flaviejo dahil gamay na gamay nila ang pagpapatakbo sa ganito kadelikadong daan. Limitado ang nalalaman ko sa kanila. Only their codenames; Yaguara, Shrapnel and Cherub. Mga simpleng alyas na naghahatid ng takot sa mga kapwa ko sindikato kapag naririnig nila 'yon. Tinatawanan ko lang dati 'yon pero inaamin kong tumataas ngayon ang mga buhok ko sa batok sa nakikinita ko ng kamatayan.

Dalawa sila ngayon, pero ang balita ko ay nagtatrabaho sila minsan ng magkakasama. Pero kahit lumakad sila nang mag-isa, nasisiguro kong hindi pa din ako makakaligtas. Bastards! I know how lethal they can be!

Patunay ang tumataas na bilang ng mga taong nalalagas sa grupo ko. At ngayon, ako naman ang target nila! These vigilantes must be doing their jobs very well. Dahil nalaman nila ang kaugnayan ko sa drug cartel. I'm a respected lawyer in this city for crying out loud! Kung sinira na lang sana ang reputasyon ko, madali ko lang mare-remedyuhan iyon. Tamang koneksyon at pera lang ang kailangan. But the bastards want me cold and pale!

Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko pinasama ang mga bodyguards ko ngayon. Pero ilang miyembro na ba namin ang napatay din kahit may mga kasamang bodyguards? O sa kasikatan ng araw? Wala silang pinipili!

Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo at nakita ko sa side view mirror nang paputukan ng nasa hulihan ang likurang gulong ko.

"Dammit!"

Naramdaman kong gumewang ako. I may be dying tonight but I will not die without fighting! Nilabas ko ang baril na nasa gilid ko.

Isang putok pa at tuluyang sumadsad at huminto ang kotse.

Hindi pa 'ko nakakabawi sa lakas ng impact nang paglingon ko sa bintana sa gilid ko ay dulo ng baril ang nakita ko. Naaninag ko sa labas ang matangkad na lalakeng naka-helmet.

The devil is in black leather jackets and jeans. Ganoon din ang kasama niya na ngayon ay prenteng nakasandal sa motor niya ilang dipa ang layo sa kinaroroonan ko.

Alam kong hindi nila agad ako papatayin dahil sa impormasyong hawak ko bilang isa sa mga importanteng pangalan sa cartel. And I will use that to buy time! Kahit imposible!

Gitil-gitil na pawis na ang tumutulo sa noo ko. Parang nakalimutan ko na din ang baril ko. Nanlaki ang mata ko nnag hinila ng daliri niya ang gatilyo ng baril at mahinang putok ang narinig ko. Pero sa halip na sa mukha ko tumama ang bala, lumagpas lang iyon sa gilid ko at bumutas sa bintana ng passenger seat. Tinakot lang ako ng p*ta!

Sa labas ay nakita ko ang isa pa na tinutok ang baril sa direksyon namin at walang habas na pinaulanan ng bala ang unahan at likuran ng kotse ko, iniiwasan lang ang kasama niya at ako!

Humihingal na 'ko sa takot. Bakit hindi pa madaliin ng mga hayop na 'to ang kamatayan ko!

Pero nagkaroon ako ng pag-asa nang may makita akong parating na sasakyan. Kilala ko ang sasakyan na 'yon. Sila ang bagong grupo na binuo ng cartel para tumapos sa mga vigilantes! Well-trained assassins! Makakahanap ngayon ng katapat ang mga vigilante na 'to!

Nakipagpalitan ng putok ang dalawa sa bagong dating. At nakalimutan na yata ako ng nasa bintana. Pero ilang minuto na ang lumilipas at hindi ko na makita masyado kung ano ang nangyayari sa labas.

I should know better! Damn!

Hindi talaga ako ililigtas ng grupo! Ginamit lang nila ako at hinayaang lumabas ng nag-iisa para sundan ako ng mga vigilante at nang sa gayon ay magawa nila ang trabaho nila! Those cold-blooded pieces of sh*t!!!!

Pero kailangan kong iligtas ang sarili ko! Lalabas sana 'ko sa kabilang pintuan ng kotse nang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.

Not now! F*cking hell!'

Parang nararamdaman ko ang pagkaubos ng hangin sa baga ko. At lalo kong dinaklot ang dibdib ko. Tumulo na ang dugo sa baba ko dahil sa mariing pagkagat ko sa labi ko. Parang puputok ang mga ugat ko sa sentido at leeg ko. At bago ko hugutin ang huling hininga ko, tunog ng mga putok ng baril at ingay ng mga nagmumurang gulong ng sasakyan sa galit ang narinig ko...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C18
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank 200+ Clasificación PS
Stone 0 Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión

tip Comentario de párrafo

¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

ENTIENDO