Rion's POV
Aalis na sana 'ko sa pagkakasandal sa railing ng second floor nang may mapansin akong estudyante na naglalakad papunta sa ChemLab sa ibaba..
That familiar face.
Dollar Mariella Viscos.
Of course, I know her.
That girl from Science Department. Una ko siyang nakita na nakatingala sa bulletin while munching a bar of chocolate. That was the first day of school. At madalas akong makarinig ng tungkol sa kanya mula sa mga estudyante at professors. She's smart. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kilala siya, mas sa dahil isa siya sa mga maiingay at pasaway na estudyante ( ayon kay Shamari, the SSC Vice President).
And she has guts. Ang mga pinaggagawa niya these past few days ang hindi ko inaasahan. She obviously was trying to win me. Kaiba ng mga paraan ng mga matured women na harap-harapang nang-aakit sa'kin. Kaiba ng mga estudyanteng hindi magkaintindihan sa harap ko para lang magpa-cute.
No love letters, stuffed toys and other silly gifts. Just herself and her words.
Her acts were childish and ... cute.
Napailing ako. I don't know if I really know the meaning of the word.
Walang cute na matatawag sa buhay ko...
But the image of her acts and her face flashed in my mind. Dollar Mariella Viscos may not possessed a beauty queen beauty but she has an interesting face. It's may be because of her eyes na para laging may naiisip na kalokohan yet makikita mo ang kainosentehan.
Naughtiness and innocence. What an odd combination.
She only stands 5'3 in height pero makikita mo ang liksi sa bawat pagkilos pero nandon pa din ang class. At dahil maganda ang posture, mas matangkad siyang tingnan kaysa sa totoong height. Her straight shoulder-length, messy hair is in deep brown that it's almost black. She must be a mix blood, Eurasian gene. And fair complexion. Pouting lips and proud chin...
Kanina pang nakapasok sa ChemLab si Dollar pero nanatili pa rin ako sa pagkakasandal sa railing ng second floor. 'Wondering why I'm still thinking that annoying girl...
Mayamaya ay nakita kong tumakbo palabas ang mga first year BS Chem students mula sa ChemLab. Kahuli-hulihan si Dollar na nakataklob ang mga kamay sa dalawang tenga. And there came an explosion.
Hindi naman masyado malakas pero narinig ko pa rin sa kinaroroonan ko. Sa isang panig ng Lab ay makikitang may usok na lumalabas galing sa glass window.
Parang nahuhulaan ko na ang nangyari base sa ekspresyon ng mukha ng mga kaklase ni Dollar. Napailing ako.
Umalis na 'ko sa pagkakasandal sa railing at naglakad papunta sa sunod kong klase, with my hands in my pockets.
Now, I came into a conclusion: Na ang mga katulad niya ang gugulo sa magulong mundo ninuman. And that I must avoid everything about
DOLLAR MARIELLA VISCOS.