Wednesday 10am sa clinic ni Dra. Rosal...
Mag isa lang na pumunta si Kelly kay Dra. Rosal dahil hindi sya na samahan ni Vince sa kadahilanang may pasok ito sa trabaho hindi narin naman nya dinistorbo ang mga kuya nya kaya nagulat syang sumunod ito sa kaniya doon.
"Ku— Kuy's? Anong ginagawa nyo dito?"
Naupo ang mga kuya nya na para bang normal lang walang explainations.
"Doktora please proceed to the results..." Sabay-sabay sambit ng mga kuya ni Kelly.
Sa isip-isip ni Kelly habang nakaupo feeling nito ang awkward kay Dra. Rosal "kahit kailan talaga sila kuya ang hilig sa grand entrance."
"As what I'm saying to Ms. Kelly the results was good for the meantime."
"Doc, what do you mean by meantime?" Ang tanong agad ni Kim.
"It's nice that all of you are here para kayo na mismo ang humusga sa kalagayan ni Ms. Kelly."
"Doc?" Reaction ng mga kuya ni Kelly.
"Gaya ng nakikita nyo ayos at hindi nanghihina si Kelly sa gamot na ibinigay ko at base sa resulta ng mga test na ginagawa sa kaniya healthy naman ang puso nya."
"So, doktora... ibig sabihin po ba nun kahit hindi na magpa pacemaker ang kapatid namin?" Tanong ni Kevin.
"Yes nurse Kevin maaaring noong unang test natin sa kaniya ay weak ang puso nya dahil sa hika at depression nya kaya I decided na she need to undergo to pacemaker but I studied her case kaya nag pa physical examination ulit ako sa kaniya and base on the x-tray and her ecg there's no blockage naman sa mga ugat niya though merong mga pamamaga but medicines can cure her."
Natuwa naman ang mga kuya ni Kelly ma nag tatalon pa nga sa kaligayahan.
"Maraming salamat Doc sa pag care nyo sa kapatid naming si Kelly. God bless po sa inyo." Ang sabi ni Keith na niyakap pa nga si Dra. Rosal.
"Ah... Eh... that's my job as a doctor and nurse Kevin's friend."
Niyakap pang lalo ni Keith si Dra. Rosal sa sobrang saya nya.
"Thankyou po talaga."
"Ahm... O— Okay..."
"Kevin!" Ang sambit ni Kian na naiinis kay Keith.
Halos kasing age lang ni Keith si Dra. Rosal at talagang maganda at sexy ito kaya hinahangaan ng karamihan lalo't outstanding doctor rin sya tinalo pa nga nya ang mga seniors nya dahil isa syang genius sa larangan ng siyensa.
"Roger that tol." Sagot naman ni Kevin at hinila ang kuya Keith nya pa kayo kay Dra. Rosal.
"A— Anong..."
"Kuya.... Baka gusto mong isumbong kita kay ate Faith sa ginagawa mo." Pabulong na sambit ni Kevin.
"Ha? No! Wa— Wala naman akong ginagawang masama."
"Heh! Manahimik ka dyan Keith! Humingi ka ng tawad kay doktora." Pagalit na sambit ni Kian.
"O— Oo Tol." He bowed his head and apologize to Dra. Rosal.
"I... It's not a big deal I'm fine. Pangkaraniwan naman kasi ang ganyang reaction and I'm happy na nakatulong ako sa inyo." Ang nahihiyang sagot naman ni Dra. Rosal then she glanced to Kim affectionately.
Napatingin naman yung tatlo nila Kevin, Kian at Keith sa pa simpleng pag tingin na iyon ni Dra. Rosal sa kapatid nila samanatalang umiwas naman ng tingin si Kim at lumapit kay Kelly.
"You okay?"
"Um. I'm happy that I don't need to undergo to a surgery kuya." Then she cried while hugging her kuya Kim.
All her kuy's sighed like they're really happy and assured na okay ang kanilang baby sister.
"Don't cry na pati tuloy kami naiiyak sayo eh." Sabi ni Keith na pinunasan pa ang luha ni Kelly.
"Kuya...."
"Sabi naman kasi sayo God is Good all the time kaya be happy na okay?" Sabi naman ni Kevin na nag labas din ng kaniyang panyog puti "you blow na."
Dra. Rosal secretly smiled nung pinasinga ni Kevin si Kelly sa panyuan nito pero she ain't feel disgusting dahil natutuwa sya sa Dela Cruz siblings. Habang magkakayakap pa nga ang mga ito nagulat syang napatingin sa kanya si Kim.
"Ahem!" Reaction ni Dra. Rosal at kunwaring inayos ang gamit niya sa table kahit naka ayos naman iyon.
Kim secretly smiled and smirking and he thought "she's kinda cute... interesting."
"."
Dumiretso sa Coffee and TeaNapay ang Dela Cruz siblings at kinatuwa naman iyon ng mga staff ni Kelly dahil fan na fan ang mga ito nila.
"Para talaga silang mga model no? Gaganda ng lahi." Sambit ni Beri habang nakatanaw mula sa counter na crush na crush eh si Kian at gaya n'ya andoon rin ang iba pang mga staff na nakatingin sa Dela Cruz siblings na nakaupo at nag uusap-usap habang nainom ng kani-kanila nilang beverages from the café.
"Swerte ng mga magiging asawa nila no? Sana kahit si Sir Kevin o si Sir Kim sakin." Sabi naman ni Liezel.
"Asa ka pa may girlfriend na yang si Sir Kevin." Sabi naman ng isang staff na lalaki na si Goefrey ang number one fan naman ni Kelly.
Halos lahat ng staff sa Coffee and TeaNapay ay may kani-kaniyang fansclub ng Dela Cruz siblings.
"Basta ako loyal ako kay Sir Keith." Sambit naman ni Abbie na syang baker sa Coffee and TeaNapay bukod kay Faith na naka leave dahil buntis.
"Cough! Baka gusto n'yong mag masibalik sa mga gawain nyo?" Bungad na sambit ni Leny ang bagong asistant ni Kelly na si Kim pa ang nag recommend gaya ng plano ni Kian.
"O— Opo Ma'am." Sagot ng mga staff.
Dahil feeling close parati si Abbie sa mga nakakasalamuha nito sinubukan nyang i- tease si Leny "ikaw Ma'am sino sa Dela Cruz siblings ang hinahangaan n'yo?"
Nakatingin at excited ang mga staff sa magiging sagot ni Leny pero dahil may pag ka strikto ito...
"Back to work!!!"
At dali- dali na ngang bumalik sa kani-kaniya gawain sila Abbie.
"Puro kayo tsismisan ng tsismisan... paano nalang kung marinig kayo nila Ma'am? Puro kayo crush!"
"Crush? Sinong crush mo?"
Pag lingon ni Leny nagulat syang nakita n'ya si Kim na ang lapit pa sa kaniya "Ki— Kim..."
"Ayos ka lang? Parang namumula ka?" Tanong ni Kim na hinawakan ang noo ni Leny .
"A... Ahm... O— Okay lang ako..."
At dahil nga active na active ang mga staff ni Kelly sa mga ganung ganap pinagtsismisan agad nila yung dalawa na nakamasid at nagtatago sa isang gilid "mukhang alam na natin kung sino ang crush ni asistant Leny." Ang sabi ni Beri at umayon naman ang iba sa kaniya.
"Ahm... nga pala, kamusta si Kelly? Nakipag kita ba s'ya kay Patrick?" Tanong ni Kim na inaayos ang mga pastries sa lagayan ng mga ito.
"She... She's fine... and our little Boss is keeping herself busy para sa collaboration."
"Collaboration?"
"Um. Bukod kasi sa bagong branch nitong café may isang cartoonist ang nag alok na gagawing comics ang kanyang novel. Ang sabi rin ni Ma'am Kelly isang sikat na comics creator yung ang gustong makipag collab sa kaniya kaya pumayag sya. Don't worry I already checked the cartoonist background and he really is..."
"Teka lang... He? Lalake? Bakit di mo agad sinabi sakin?"
"Kalma lang, he maybe a guy but not literally speaking."
"What do you mean?"
"Ahm... you know "barbie" he is not straight pero ang angas nya ang gaganda lahat ng mga gawa niyang comics sa isang sikat na isang comics app."
"Ohhh... ganun pala. Do they have a meeting or something? Gusto kong makilatis ang cartoonist na yon. Do you have a picture of him... ah, no her?"
"Um. I will send you his/her picture and our little boss schedule."
"Thanks Lele. Maasahan talaga kita." Sagot ni Kim na inakbayan pa si Leny.
Namula na naman ang mukha ni Lilian dahil sa ginawa ni Kim.
"Ah... Ahm... welcome Mik- Mik."
Si Leny Aguirre ang kababata ni Kim back then nung parehas pa silang nasa Batangas simula kinder mag kaklase na silang dalawa hanggang sa mag highschool sila ngunit nung nag College na sila nag separate na sila dahil magkaiba na ng course ang kinuha nila. Ngunit 2years course lang ang kinuha ni Leny dala na rin ng financial problem ng pamilya nila at si Kim rin ang gumawa ng paraan para makapunta ito sa Manila.
***
Sa office ni Patrick,
Masayang masaya si May na ibinalita sa kapatid nya na hindi na kakailanganin na mag undergo for pacemaker si Kelly.
"Eh? Hoy! Bakit wala ka man lang reaction dyan?"
Busy sa pag pirma ng mga papers si Patrick kaya hindi n'ya iniintindi ang ate May nya.
Pak!
Pinalo ni May ng nirolyo nyang mga papel si Patrick dahil hindi s'ya pinapansin nito.
"Ate!!!"
"So, you're not bingi naman pala."
"Ano bang problema mo?"
"Aba't!!! Patricio!!!"
Patrick sighed and he sit up straight "alam ko na ang tungkol kay Kelly bago ka pa mag punta dito."
"Eh? So you know na?"
"Of course! Johnsen told me everything about Kelly's health."
"Oo nga naman, ikaw pa ba naman mag papahuli pag dating kay Kelly no?"
"By the way ate, pwede bang di nalang ako pumunta sa birthday ni grandpa next week?
"Ha? No way highway! Kung ayaw mong mag tampo sayo si grandpa pumunta ka alam mo yun pag nag tampo wagas. Baka gusto mong mawalan ng mana."
"Tsk! Ba naman kasi ang hassle."
"Bakit ano bang nangyare? Magkagalit kayo ni grandpa?"
"Hindi naman sa ganun ate paano ba naman kasi si Grandpa nakilala nya na si Kelly."
"Ha? Paano? Ahhh... sya ba yung nakwento sakin ni tita Malou? Yung girl na kinagigiliwan raw ni grandpa kaya nakipag partnership sya for pastries?"
"Oo ate. Kaya nga ang hassle sigurado akong invited sya ni grandpa sa 80th birthday nya."
"Oh, eh... hindi ba okay nga yun kasi magkikita kayo ni Kelly. Ayaw mo ba nun?"
"Hindi naman sa ayaw ko kaso naiwas kasi ako dun."
"Ha? Bakit? Hindi ba sinisimulan nyo na yung bagong project nyo as business partners?"
"Well, oo pero si Mr. Johnsen ang pinapupunta ko pag may meetings kami. Halos wala pa namang isang linggo simula nung nagkapirmahan kami ng contract."
May bonked him "what the? Ano na namang problema mo ate?!"
"Ano na naman kasi yang inaarte mo bakit ka na iwas kay Kelly? Okay na sya di na nga nya kailangan mag undergo for pacemaker eh bakit nilalayo mo naman ang sarili mo sa kaniya? Are you insane or what?"
"Tsk! Basta mabuti ng umiwas muna isa pa may nag babantay sa bawat galaw ko for Kelly. Kaya mahirap mag pa dalos-dalos. Maling hakbang baka hindi ko na talaga sya makita pa."
"Wait, sinong nag babantay? Did Kelly's brothers hire a bodyguard for her?"
"Not really a bodyguard but a assistant named Leny na palagi nyang kasama kung san man sya mag punta. Base on Mr. Johnsen's investigation she is kuya Kim's childhood best friend from Batangas."
"Ohhh... so that means they agreed to Kelly for signing the contract but she need to follow what her kuya's wanted for being with you as her business partner. Am I right? Ganun ba?"
"Oo ate kaya nag decide ako na umiwas nalang muna sa kaniya ayoko namang pahirapan si Kelly kilala ko yun ayaw na ayaw nyang parating may na buntot sa kaniya isa pa ngayong di na kailangang mag undergo ni Kelly for operation lalo ng mag hihigpit ang mga kuya nun. Akala na naman kukunin ko sa kanila si Kelly ng walang paalam."
"Well, hindi ko naman sila masisisi isang babaeng kapatid nila si Kelly at bunso pa kaya talaga sisiguraduhin nilang worth it ang lalaking makakarelasyon nito. And for you bro tama lang na umiwas ka na nga muna siguro gamitan mo ng babae."
"Ha? Anong babae pinagsasabi mo ate? Ginawa mo naman akong sugar daddy."
"Sira! Kami kasing mga babae mabilis kaming mag selos kaya pag selosin mo si Kelly tsaka pakita mo sa mga kuya nya na naka move on ka na sa kapatid nila."
"So you mean umarte akong may gf? Kahit wala?"
"Ahm.... Hindi naman sa ganun it's like mag entertain ka lang ng girls para isipin ng mga kuya ni Kelly na di mo na binabother ang kapatid nila. Tsaka dun mo rin makikita kung mag seselos ba si Kelly. Why don't you hire her sa company first?"
"Eh? Sa anong position naman? Tsaka baka di pumayag yun."
"It's not too late bro, kaya wag kang nega dyan akong bahala basta umattend ka ng birthday ni grandpa next week, Friday."
"O— Okay?"
"Don't worry akong bahala sayo."
***
Lumipas ang isang linggo nagtataka na si Kelly kung bakit tuwing gusto nyang kausapin si Patrick parating ang nakikipagkita lang sa kaniya ay ang assistant nitong si Johnsen.
"Ano? Busy na naman yang Boss mo? Bakit hindi na ba sya nawalan ng trabaho?"
"Sorry Ma'am nasa business trip po kasi ang parents nila kaya si Young Master po muna ang nag take over ng company."
"Bakit nasan ba si Ate May? Bakit kailangan si Patrick ang mag take over ng company nila? Sya na ba yung papalit for CEO position?"
"Napaguusapan na po yung mga ganun bagay sa company pero sa ngayon hindi pa po. And for Lady May, busy po sya for their grandpa's 80th birthday."
"Who's grandpa? Is that Mr. Pacheco?"
"Ah, opo Ma'am eto nga po pala yung invitation nyo."
Iniabot ni Johnsen kay Kelly yung invitation.
"Oh, this coming Friday na pala ito?"
"Yes Ma'am sana raw po makadalo kayo. Pinapasabi rin po ni Mr. Pacheco malulungkot raw po sya kapag hindi kayo makakapunta."
Kelly smiled awkwardly and she whisper "at nangunsensya pa talaga si lolo."
"Ma'am?"
"Nothing, sige pwede ka ng umalis basta sabihan mo yang Boss mo na kung ayaw nyang makialam sa decorations for the café bahala kamo sya pag di nya na gustuhan ang decisions ko!"
"Yes Ma'am sasabihin ko po."
"Sabihin mo rin kung naiwas lang sya sakin forever na syang wag mag pakita sakin dahil di ko rin kamo sya gustong makita!"
"O— Opo Ma'am."
"And tell Mr. Pacheco na pupunta ako sa birthday nya."
"Really Ma'am? Matutuwa po sila pag pumunta kayo."
"Wait, what did you just said? Sila? Bakit do I need audience na magiging happy sa pag punta ko?"
"Ahm... Hi— Hindi naman po sa ganun Ma'am dahil po kasi natutuwa sa inyo si Mr. Pacheco gusto nya rin po kayo makilala ng mga anak nya lalo na po ni Ms. Malou na fan ng pastries nyo dito."
"Ehhh???"
Sa isip-isip ni Kelly "bakit parang ang pangit pakinggan nung gusto akong makilala ng mga anak ni Mr. Pacheco? Mamanhikan ba ko? Nakakaloka! Daig ko pa ang magiging mistress sa pa reveal. Wagas!"
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?"
"Ha? O— Oo iniisip ko lang kasi kung ano ang dapat kong isuot pag kasi mga mayayaman na birthdayan eh parang kailangan formal na formal parati ang mga kasuotan."
"Po? Nako hindi po Ma'am garden party po yan."
"Ha?"
Binuksan ni Kelly yung invitation at binasa...
"Eh? Garden party nga?"
"Opo mahilig po kasi sa mga halaman si Mr. Pacheco kaya ni request nya po na maging garden party nalang kaya hindi nyo po kailangang maging formal na formal sa event."
"You're right... pero ano bang sinusuot kapag garden party?"
***
Two days before the garden birthday party of Mr. Pacheco.
Gaya ng inaasahan wala paring idea si Kelly sa isusuot nya kahit nag search na sya ng dapat isinusuot kapag ganoon ang theme ng party.
Ding... Dong...
"Sandali lang..." Sabi ni Kevin na nag bukas ng gate na saktong nag wawalis sa bakuran nila.
"Hello po."
"Oh, Mimay!"
"Hehe... sorry na abala ko po ba ang pag wawalis nyo?"
"Ah, di naman pero bakit ka nagawi dine samin?"
"Ahhh... si Kelly po kasi magpapatulong bumili ng damit nyang isusuot sa birthday party."
"Birthday party?"
"Yep, dadalo ako sa garden party sa Friday kuya kaya bye na." Bungad naman ni Kelly.
"Ha? Te— Teka lang sama ko."
"Eh? Sasama ka kuya? Kala ko ba mag chill ka lang ngayon kasi off mo?"
"Oo pero boring dito kung ako lang, eh aalis ka pala."
"Ehhh... malay ko ba kasing gusto mong sumama?"
"Hayaan mo na bibigirl para naman maka gala rin si nurse Kevin."
"Oo sandali lang mag papalit lang ako ng damit naka ligo naman na ko mag kotse na tayo ako ang driver nyo ngayong araw."
At nag madali na ngang pumasok si Kevin sa bahay nila.
"Sa— Sandali lang kuya!!! Di pa nga ko na payag na sumama ka..."
"Hayaan mo na bonding nyo na ring mag kuya."
"Well, pwede na rin para kung gabihin man tayo di magagalit sila kuya Kian kasama ko si kuya Kevin eh."
"Aha, di ka pa matataranta mag enjoy lang tayo. Nga pala, may naisip ka na na na gusto mong style?"
"Wala pa nga eh buti nga wala kang pasok kasi wala talaga ako maisip na pwede kong isuot."
"Okay, akong bahala sayo."
Honk... Honk...
"Ay kabayo!" Pag gulat na reaction ni Kelly.
"Hehe... Tara na girls ready na ko."
"Kuya naman!"
"Sorry na. Bukasan mo muna yung gate para mailabas ko itong kotse."
"Oo na! Humph! Sige na Mims sakay ka na sa kotse bubuksan ko lang itong malaking gate para maka gorabells na tayis."
"Okie dokie."
"."
Nang makarating sa mall yung tatlo...
"Oh? San na tayo?" Sabi ni Kevin.
"Kain muna tayo kuya gutom na ko."
"Ha? Agad? Mamaya na mamili na muna tayo ng damit mo."
"Nga naman bibigirl mamaya na tayo kumain para makaikot pa tayo."
"Tsk! Fine."
At inisa-isa na nga nung tatlo ang pwedeng mabilhan ng damit na pwedeng gamitin ni Kelly sa garden party nag try rin sya ng ilang mga damit sa iba't ibang store doon sa mall kaso ilang oras na ang nakalilipas nakabili na ng gusto nilang damit sila Mimay at Kevin samantala si Kelly wala paring magustuhan.
"Hayyyyyyssss... I'm tired na." Sambit ni Kelly na naka patong ang ulo sa balikat ni Kevin habang naka upo sila sa isang bench doon sa mall.
"Bunsuan naman kasi ikaw yung bibili ng damit pero ending ata nire kami lang ni Mimay ang nakabili."
"Opo nga eh ayaw kasi ni Kelly ng mga napipili natin sa kaniya."
"Ehhh...kasi naman di ako comfortable eh."
"Ay siya, pag ganyan umuwi na tayo marami ka namang mga dress sa cabinet mo na di mo pa nasusuot maghanap nalang tayo."
"Pero kuya puros hoodie lang naman ang mga damit ko dun."
"Pano naman po tinago mo yung mga dresses na bigay namin sayo nila kuya pati mga padala ni mama sayo. Mamaya ilabas natin malay mo may maisuot ka dun."
"I will help you Kelly."
"Thanks Mims."
"Oh ano? Uuwi na tayo? Baka andun na sa bahay sila kuya Kian."
"Kumain na muna tayo kuya bago tayo umuwi."
"Ha? Kakain ka na naman? Yung totoo pumunta ba tayo sa mall para bumili ng gagamitin mong damit o gusto mo lang talagang kumain?"
Napatayo naman si Kelly at naka pamewang pa "di no! Imbento ka dyan kuya."
"Hi!" Sambit nung isang lalaki at nagulat sa kaniya si Kelly kaya muntik na itong ma out of balance. "You okay?"
"Ye— Yes." Sagot ni Kelly na nauutal pa kasi ang lapit ng mukha nung lalaki sa kaniya dahil inalalayan sya nito sa muntik niyang pag tumba.
"Cough!" Reaction ni Kevin at hinila agad sa tabi nya si Kelly. "Sorry but we don't talk to strangers. Kelly lets go."
"O— Oo kuya."
Papaalis na sana yung tatlo pero biglang humarang yung lalaki at nag pakilala "I'm Jelseen Baez and I'm aspiring student fashion designer po sorry kung nagulat ko kayo sa mali kong approached kanina."
Note: The named Jelseen is actually Jelson pero dahil nga isang designer itong si "Jelseen" medyo maarte nyang pino-pronounce ang Jelson. Kaya wag po tayong malito.*
"No worries basta wag mo ng ulitin kung ayaw mong sa kulungan ka bumagsak." Ang naiinis na sambit ni Kevin habang hawak ang kamay ni Kelly.
"Kuya..."
"Ahm... I don't have bad intentions po gusto ko lang sanang maging model si Ms.???"
He is referring to Kelly.
"No! Pauwi na kami ng kapatid ko sorry."
"Kahit 30minutes lang po Sir. Para lang po sa project ko."
"I said no! Maraming tao sa mall na ito kaya maghanap ka ng iba wag mong istorbohin ang kapatid ko."
"Sir..."
Naawa naman si Kelly dun kay Mr. Baez "what if ito nalang friend kong si Mimay?"
"Ha? Bibigirl bakit ako? Wala akong alam dyan!"
"Kelly, that's enough pati yang si Mimay dinadamay mo. Halika na umuwi na tayo."
"Pero kuya, 30minutes lang naman ang hinihingi nya tsaka student lang sya na gusto ng model para sa project nya."
"Salamat po Miss..."
"Call me Kelly."
"Um. Ms. Kelly."
"You said you're aspiring fashion designer right? Pag ba pumayag si Mimay na maging model mo matutulungan mo rin akong damitan for garden party?"
"Yes Ms. Kelly actually may mga dala po akong iba't ibang gawa kong dresses kapag po na tapos natin yun photoshoot kahit ano pong damit na magustuhan nyo bibigay ko po."
"Deal! My friend Mimay is your model for 30minutes."
"Kelly naman eh!!!"
"We're good people here Mims and this student need a random people for his obra kaya do it na! Nakatulong ka na may damit pa ko."
Mims sighed and she thought "ang magustuhan talaga nya kailangan masusunod. Haysss... kung di ko lang sya bff eh."
"Kelly, di naman ata tama yang deal mo dun sa dalawa."
"Pero kuya it's a win-win situation nga eh."
"Ewan ko sayo. Bahala ka na nga."