Noong gabi ring iyon tinawagan ni Kelly ang kuya Flin nya habang nasa balcony sya ng kanilang kwarto.
"Oo kuya kita kits nalang bukas. Byie, ingat po."
Pagkababa ni Kelly ng phone nya na gulat sya kay Patrick pag lingon nya dahil nakaabang ito sa may pinto "mukhang masaya ka honey."
"Ka—Kanina ka pa ba dyan?"
"Ngayon ko lang napansin na ang sarap pala ng hangin dito sa balkunahe natin." Nag inhale exhale pa sya na para bang hindi bother sa ginawa ni Kelly.
"Say it, ayoko ng ganyan ka."
"Hmm?"
Nag lakad lakad naman si Patrick sa balcony at sumandal sa may pader.
"Alam ko gusto mo kong usisain kung paano ko nalaman ang sikreto nyo nila kuya kaya wag ka ng umasta na parang chill na chill dyan."
"Bakit honey? Kapag ba tinanong kita sa bagay na yon sasagutin mo ko?"
"Ha? Ah…Sye…"
"Don't worry, alam ko namang alam mo yang ginagawa mo pero sana lang wag mong kalimutang may asawa ka at malapit ka ng manganak." Tinitigan nya ng seryoso si Kelly at nag lakad na papasok ng kwarto nila.
"STOP!"
Napahinto at ngiti naman si Patrick "sorry na… ayoko lang naman kasi na gaya nila kuya na ituring mo akong parang bata na hindi marunong mag desisyon ng kaniya lang. Isa pa busy ka kaya ayokong…" hindi na nya na ituloy ang sasabihin dahil bigla syang niyakap ni Patrick.
"Gaya ng sabi ko don't worry hindi mo kailangang mag paliwanag andito lang naman ako para suportahan ka."
"Salamat. Ahm… nga pala narinig ko yung usapan nyo nila kuya na nag pa test ka rin para sa bone marrow? Bakit mo yun ginawa?"
"Tinatanong mo pa kung bakit? Syempre part na ko ng pamilya nyo kaya kung anong problema ng pamilya mo ay problema ko na rin kaya gagawin ko ang makakaya ko kahit ano pang mangyari."
"Sus… nag mamatured ka na ah."
"Ha? Ganito naman ako noon pa."
Kelly smirked "asa ka! Di ka ganyan noon pero nagsisisi ka na ba dahil ako ang pinakasalan mo?"
"Bakit naman? Wala namang perpekto sa mundong ito kahit nga kaming mga Santos may problema rin hindi lang kayong Dela Cruz. Tsaka bakit naman ako magsisisi na ikaw ang pinakasalan ko? Di ba nga sating dalawa ako ang unang nag confess ng feeling sayo kaya hindi ako magsisisi sorry nalang dun sa ibang nag hahabaol sakin dahil ikaw ang pinili ko."
"Huh! So, thankful pa pala ako na ako ang pinili mo? Bakit parang gusto kitang sapakin?"
"Hahahaha… yan, mga ganyan talagang galawan ang na gustuhan ko sayo eh arogante ka pero hindi mo alam napaka inusente mo kasi na para bang ayoko na kitang ilabas ng bahay."
"Sira! Meron ba namang inusente na arogante? Luko ka."
Hinawakan naman ni Patrick ang kamay ni Kelly "wag mo nalang kasing isipin ang mga yon halika na matulog na tayo para makapahinga na tayo. Bukas may schedule ka sa OB mo di ba?"
"Hmm? Bakit mo alam?"
"Honey naman alangan asawa mo ko eh."
"Ehhh… busy ka, sasama ka?"
"Oo naman aba."
"Pero sabi ni Mr. Sensen ang dami mong kailangang pirmahan tapos may construction problem pa kayo sa Cavite."
"Ayos na yon magagawan ko naman yun ng paraan syempre may time ako sa inyo ng twins."
"Sus… ikaw bahala." then she yawn.
"Okay, inaantok ka na tayo eh matulog na."
"Oo nga, nakakapagod ang araw na ito."
"Yah…"
Habang papasok ang mag asawa sa kwarto nila sinabi ni Patrick kay Kelly na "honey… sorry…"
"Sorry?"
"Nalaman ko kasi kanina na hindi rin match ang bone marrow ko kay daddy."
"Ohhh… don't be sorry alam ko naman na di ka nag match kay daddy."
"Hmm?"
"Oo nabanggit na rin kasi sakin ni kuya Kevin."
"Ohhh… kaya pala pero sorry ha?"
"Okay lang, naniniwala naman akong mag mamatch sila kuya Flin at si daddy."
"Pangako honey hahanap kami ni ate May ng mag mamatch kung sakaling di sila mag match ni kuya Flin pero syempre mag prayer ako para mag match sila ni kuya."
"Oo kaya halikana samahan mo kong mag pray."
"Um."
Kinabukasan nagising si Kelly ng late at pagbaba nya nagulat syang inaantay sya ng mga kuya nya at si Flin nalang ang kulang para mabuo silang magkakapatid.
"Mo—Morning mga kuy's?"
"Morning babysis." Sabay-sabay na sambit ng mga kuya nya.
"Anong meron? Bakit andito kayo? Wala ba kayong mga pasok?"
Bigla namang sumulpot si Patrick at nag abot ng baso ng tubig kay Kelly "nalimutan mo na bang naka leave silang lahat para kay daddy?"
"I—Ikaw rin nandito?"
"Yep, nag leave rin ako tsaka sabi ko naman sayo di ba na sasama ako papunta sa OB mo."
"Kami rin." Ang sabay-sabay namang sambit rin ng mga kuya ni Kelly.
"Ha?!"
Nakasilip naman sa may kusina yung mag lola ni Jacob at ni Keilla "Mamsie, mukhang okay na po sila ano?"
"Oo babyboy kaya nga masayang masaya ako na hindi na galit ang tita Kelly mo sa daddy at mga uncle mo."
"Opo nga po eh sana parati nalang silang masaya."
"Pero hindi pwedeng ganon baby eh kasi kapag parating masaya ang tao sunod-sunod naman ang kalungkutan kaya kailangan balanse."
"Po?"
"Ang sabi sakin ng lola ko nun hindi maaaring parating masaya ang emosyon ng tao kailangan rin nyang makaranas ng kalungkutan, pagkatakot at pagkamuhi. Dahil tao tayo at hindi isang bagay na kinokontrol ng sinoman."
"Ohhhh… gets ko po so pag po ba masaya tayo ngayon ang kasunod na nun kalungkutan?"
"Hindi naman parating kasiyahan ang nauuna madalas mas okay kung kalungkutan ang mauuna bago maging masaya para magaan lang ang pang araw-araw."
"Ahhh… ganun po pala sa tingin nyo po ba mag papatuloy ang sayang nararamdaman nating lahat?"
"Well, hindi natin masasabi baby boy tanging ang Poong Maykapal lang ang nakakaalam kaya di ba sabi nyong mga kabataan "YOLO" you know that word right?"
"Opo. You Only Leave Once."
***
Last Night…
Nakaupo sa may terrace ang mga kuya ni Kelly na nag uusap nhg mahinahon dahil ayaw nilang magising ang kapatid at marinig nito ang mga usapan nila…
"Oo kuya, hindi rin nag tugma ang bone marrow ni Patrick kay daddy eh. Sayang nga eh." Ang sabi naman ni Kevin.
"Ahhh... hindi rin pala nag match ang bone marrow ni Patrick kay daddy. Ehhh…wala naman rin tayo magagawa dahil di naman kasi natin ka dugo si Patrick kung tayo ngang mga anak na di rin nag match eh sya pa kaya na bagong salta lang satin?" Ang sabi naman ni Keith.
"May chance nga kahit di ka dugo pero wala ganun talaga mahirap talaga makahanap ng mag mamatch ng bone marrow mas mahirap pa ata ito sa pag hahanap ng mga blood donor." Ang opinion naman ni Kim.
"Well, parang ganun na nga kuya wala tayong magagawa kung dugo lang yun pwedeng pwede na nating mailabas sa hospital si daddy." Ang sabi naman ni Julian.
"Sighhh…what should we do now?" Sambit naman ni Jules.
"Bro, bakit tila ata natahimik ka dyan?" Ang tanong naman ni Kim kay Kian.
"Iniisip ko lang kasi kung mag sasabi rin ako sa mga kakilala ko na mag pa test sila para sa bone marrow ni daddy."
"Nice idea kuya!" Ang pag sangayon naman ni Jules.
"Pwede nga rin yon pero ang tanong papayag ba ang mga kaibigan natin o ilang kaanak?" Ang sabi naman ni Keith.
"Don't lose hope mga anak." Ang bungad ni Keilla na may dalang isang tray na may lamang mga tasa ng kape.
"Ma!!!" Anila Kian maliban sa twins na napangiti lang.
"Oh. mag kape na muna kayo masyado kayong seryoso diyan mag uutol eh."
"Salamat po." Anila at kumuha na nga ang mag kakapatid ng tig iisa tasang kape.
"Wow tita, ang sarap nyo po palang mag timpla ng kape." Ang sabi naman ni Jules.
"Ah… hindi naman ayoko kasi ng instant coffee eh."
"Po? So, hindi po ito simpleng kape lang?"
"Oo naman bakit naman kami mag kakape dito ng instant coffee kung mula kami sa Batangas? Iba ata ang kapeng barako dun." Ang proud na sambit naman ni Keith.
"Ohhh… ganun pala yon this is my first time na makatikim ng kapeng barako."
"Jules, paano ka naman makakatikim eh di ka naman mahilig sa kape puro ka milktea." Ang sabi naman ni Julian.
"Pfft…"Ang natatawang reaction nila sa sinabing iyon ni Julian kay Jules.
"Hoy, nag kakape rin ako di nga lang madalas."
"Tsss… puro ka tsaa kasi iniisip mo ang kutis mo "feeling model" ka kasi."
"At bakit model naman talaga ko ah. Lintek na ito."
"Oh, tama na yan baka mamaya kung san pa mapunta yang usapan nyong yan." Sambit ni Keilla.
"Sorry po tita." Sagot naman nung kambal.
"Ma, bakit nga po pala gising pa kayo?" Ang tanong naman ni Kian.
"Ah di pa naman ako inaantok gaya nyo."
"Nga po pala, di pa kayo nadalaw kay daddy." Ang sabi naman ni Kevin.
"Kevin!" Ang sabi ng mga kuya nya.
"So—Sorry."
"Ayos lang wala naman akong galit sa daddy nyo o sa kahit sino ang mahalaga ngayon eh alam nating buhay ang daddy nyo pero yun nga lang masakit malaman na may malala pala syang kondisyon. Nga pala Jules and Julian, tinawagan nyo na ba ang mommy nyo?"
"Opo tita bukas po pauwi na siya dito sa Manila." Ang sagot naman ni Jules.
"Nag kasundo kasi kami na mag papatest rin kami para sa bone marrow ng daddy nyo."
"Talaga po?" Anila.
"Oo gaya ng alam nyo na kahit di naman kamagnak eh pwede kaya sana nga may mag match samin ni Jenny pero naniniwala akong si Flin ang makakatulong satin."
"Opo. Gaya ng sabi ni Kelly kanina manalig po tayo." Ang sabi ni Kian.
"Ahm… mga tol kayo rin Ma… may hindi pa kasi ako sinasabi sa inyo…" Ang pa suspense na sambit ni Kevin.
"Hmm? Ano yon? Tungkol ba ito sa daddy nyo?" Ang tanong naman ng Mama Keilla nila.
"Ahm… parang ganun na nga po pero mas more on kay Kelly po ito."
"Anong meron kay Kelly?" Ang tanong ni Kian agad.
"Naalala nyo yung araw na nag pa test tayo para sa bone marrow?"
"Oo." Sagot nila Kian.
"Nakausap ko si Dr. Inigo na nag pa test rin si Kelly."
"Ano?!" Anila.
"Son, totoo ba yan? Pero hindi pwede si Kelly maselan ang pag bubuntis nya."
"Opo Ma. Kaso, nag match po sila ni daddy ng bone marrow."
"Wha—WHAT? SI BUNSO?!" Anila.
"Shhh… wag kayong maingay baka marinig kayo ni Bunso."
"Pero hindi nya yun sinabi satin." Ang sabi ni Kim.
"Oo kuya kasi ang alam ni Kelly hindi sila match ni daddy pero nakiusap lang ako kay Dr. Inigo para opposite ang sabihin nya kay bunso."