Descargar la aplicación
68.68% Ms. Hoodie / Chapter 318: Kabanata 318

Capítulo 318: Kabanata 318

Kasalukuyan,

"Sigurado ka kuya ayos ka lang dito na mag isa?" Ang nag aalalang sambit ni Kelly.

"Yes I'm okay gusto ko rin kasi na ako ang unang makita ni Inay pag mulat ng kaniyang mga mata." Ang sagot naman ni Julian.

"Pero ayos lang naman na maiwan ako dito."

"HINDE!" Ang pagalit na sambit naman nila Kian maliban kay Patrick.

Kaya napa bulong naman si Kevin sa bayaw niya "bakit hindi ka tumutol? Nakatunganga ka kang talaga diyan?"

"Eh kaso kuya matic naman na yon kapag dumito si Kelly tututol kayo kaya sige kayo nalang ayokong pati sakin magalit sya."

"Ahhh... Ganon..." bineltukan ni Kevin si Patrick "gusto mo palang samin lang magalit si Kelly at wala kang pakialam, bugbugin ka kaya kita? O sabihin ko nalang kila kuya Kian."

"Ku— Kuya naman hindi ka na mabiro."

"Tsss!"

Nagulat sila Kian na dumating na si Julio at para itong artista dahil isa itong modelo sa ibang bansa kaya pinag titinginan sya ng madla.

"Ku— Kuya..." ang kinakabahang sambit ni Kelly kay Julian at hinila naman siya ni Kian sa likuran nito.

"Wow reunion. Ah no, there's no need to celebrate a reunion dahil kahit kailan hindi naman kami ni Julian naging welcome sa pamilyang ito."

"Jules!" Ang pagalit na sambit ni Julian at Jules ang tawag niya kay Julio.

"What's the matter? Our Mom said na I need to accompany you here and call me kuya after all I'm the eldest to you in a minute and I'm your only kuya na tumanggap sayo." Ang sama naman ng tingin ni Julio kila Kian.

"Jules, wag kang manggulo dito!"

"I said call me kuya!"

"Wag na po kayo mag away." Ang sabi ni Kelly.

"Kelly! Dito ka lang sa tabi ko!" Ang sabi naman ni Kian.

Nilapitan naman ni Julio si Kelly "you must be our little sister am I right?"

"Wag mo syang lapitan!" Ang sambit nila Kian at hinarangan nila si Kelly.

"Ohh... over protective kuya ang sweet naman but were her kuya too na hindi kinilala."

"Jules enough!" Ang pagalit ng sambit ni Julian at hinila nya si Julio.

"Aalis na tayo hindi ko kayang tagalan ang mga ganitong tao." Ang sabi ni Kian.

"Huh! Gaya ng dati? Bakit wala pa rin ba kaming karapatan maging Dela Cruz?" Ang parang nang iinsultong sambit ni Julio.

"Ano ba?! Sabi ng tumahimik ka na!" Ang galit na galit ng sambit ni Julian.

"Kuya..." Ang nalulungkot na sambit ni Kelly.

"Sorry babysis, pero sige na umalis na kayo nila kuya."

"Kuya?! So ako nalang pala ang na out of place dito?" Ang pagalit na sambit ni Julio.

Julian make a facepalm "Jules hindi ka ba talaga titigil?"

Sasapakin na sana ni Julian si Julio pero pumagitna si Kelly "kuya wag!"

"Kelly umalis ka diyan!" Ang sambit ng tatlo niya pang kuya na sila Kian.

"Kuya tama na kung natanggap nyo si kuya Julian dapat ganoon din si kuya Julio."

"Kelly halika na uuwi na tayo!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"No!" At nag tago sa likuran ni Julio si Kelly "Hindi tayo aalis dine hangga't hindi kayo nag kakaayos nila kuya Julio At alam kong pakita ng tao lang yang pagka mabait niyo kay kuya Julian kaya hindi ako aalis dito!"

"Totoo ba ang sinabi ni Kelly? Pakita ng tao lang kayo? Hindi niyo pa talaga ako natatanggap bilang kapatid niyo?" Ang sambit ni Julian na may kasamang pag hihinagpis dahil na dismaya sya sa sinabing iyon ni Kelly.

"Oo sige! Sabihin na nating Wala naman talaga kaming balak na tanggapin ang anak sa labas ngunit wala kaming choice dahil napalapit na sayo si Kelly." Ang sambit ni Kim.

"Tol!" Ang sambit naman ni Kevin nanapra bang hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kuya Kim niya.

"Bakit? Anong masama kung hindi ko kinikilala sila Julian at Julio bilang kapatid? Sino ba naman ang tatanggap sa mga gaya nilang anak sa labas? Tama ba ako kuya Kian?"

At napatingin ang lahat kay Kian "tama na na Kim sobra na yang mga sinabi mo kahit anong gawin natin anak pa rin sila ni daddy."

"Pero kuya ikaw na ang may sabi hindi natin sila mapagkakatiwalaan dahil anak sila ng kabet!"

"Ikaw!!!" Ang na gagalit at susunod na sanang sambit ni Julio pero sumenyas s a kaniya si Julian na para bang sinasabing "kumalma ka nasa harapan mo si Kelly." At huminahon naman itong si Julio.

"Sige sapakin mo ko bakit walang ansiai rang pamilya kung walang kabet! Alam naman ng nanay niyo na pamilyadong tao na si daddy pero ano? Pumatol parin yang malandi nyong nanay tapos walang awa namang ipinapatay ng kapatid ng nanay niyong walang kwento ang daddy namin."

"Sumosobra ka na!!! Wala kang karapatang pagsalitaan sila ng ganyan!!!" Ang galit na galit na sambit ni Julian at hindi na nga niya na pigilan ang sarili dahil nasapak niya si Kim.

"Kuya!!!" Ang sigaw ni Kelly at bigla namang sumagot ang tyan niya. "AHHHH..."

Dali-dali namang inalalayan ni Julio si Kelly at lumapit rin si Patrick "wifey Anong nangyayari?"

"Ang sakit ng tyan ko... AHHHHH..." at biglang nahimatay si Kelly.

"Wifey!!!!"

"Kelly!!!"Ang sabay-sabay namang sambit ng mga kuya ni Kelly.

***

Ilang taon na ang nakalilipas bago pa man sumapit ang limang kaarawan ni Kelly ay nagkakagulo na ang mga Dela Cruz.

"May anak si daddy sa labas?" Ang pagulat na sambit ni Keith habang nag uusap usap ang mag kukuya sa isang café kung saan malapit ito sa playhouse kung nasan si Kelly dahil iniwan nila ito doon.

"Hindi ko sigurado pero base sa narinig ko oo meron kaya tiyak akong kaya pupunta si daddy sa Cebu ay para kuha an ang mga ito ng DNA para maka tiyak sya na anak niya nga ang kambal." Ang sagot ni Kian.

"So, kung sala-sakali pala namana ni daddy ang pagkaka anak ng kambal?" Ang sabi naman ni Kevin.

Bineltukan naman ni Kim si Kevin "aray bakit mo naman ginawa yun kuya?!"

"Imbes na magalit ka kay daddy yun talaga ang napansin mo?"

"Hayaan mo na kaya nga gusto niyan mag nurse eh mahilig sya sa mga ganyang genes-genes." Ang sambit naman ni Keith.

"Eh... kasi naman kuya..."

"Heh! Tumigil ka nga lakad sundan mo na sa play house si Kelly baka hinahanap na tayo nun." Ang sambit naman ni Kim.

"Ayoko pa... di naman na ako bata eh gusto ko rin malaman ang mga pag uusapan niyo."

"Lumakad ka na baka umiyak si Kelly." Ang sabi naman ni Kian.

"Pero kuya..."

"Lalakad ka don o gusto mong pauwiin ka namin mag isa?!"

"Eto na nga... balitaan niyo ko mamaya ha?"

"Lakad na!!!" Ang sabi ng mga kuya niya.

"Tsss! Mga KJ!"

"Kevin!!!!" Anila.

At kumaripas na ng takbo si Kevin at nag patuloy naman sila Kian sa pag uusap.

"Ano ng balak mo tol?" Ang sabi ni Keith kay Kian.

"Sa ngayon si Mama ang inaalala ko natanggap niya si kuya Flin dahil mas na una namang naging ka relasyon ni daddy si tita Monica at may asawa na rin naman ito pero ito kasing bago ni daddy hindi ko matansa kung ano ba talagang gusto."

"Ano ang ibig mong sabihin kuya?" Anila Kim at Keith.

"Sa pag kakaalam ko pinikot si daddy nung babae kaya nagkaroon sila ng anak pero base sa narinig ko yung kakambal talaga nito ang nagugustuhan ni daddy."

"May kakambal yung babaeng pumikot kay daddy?" Anila.

"Oo pero hindi nya gusto si daddy dahil may pagka tibo raw ito"

"Eh?" Ang reaksyon ni Keith.

"Ahhh... kaya naman pala mahuhulog ang loob ni daddy dun sa kakambal ganun ang mga tipo niya eh kaya nga na gustuhan niya si Mama." Ang sabi naman ni Kim.

"Pero hindi ko talaga alam ang buong kwento nag tanong lang ako dun sa ka samahan niya na nadestino rin sa Cebu. Kaklase ko kasi ang anak nung ka buddy ni daddy kaya ayun nalaman ko." Ang sabi ni Kian.

"So kaya pinikot nung babae si daddy kasi patay na patay ito kay daddy tapos ang gusto pala ni daddy eh yung kapatid?" Ang sabi naman ni Keith.

"Parang ganun na nga pero ang alam doon sa Cebu ay binata pa rin si daddy kaya gusto ng mga magulang nung babae at nung kakambal na pakasalan ito ng tatay natin." Ang sagot naman ni Kian.

"Ano?! Hindi pwede!" Anila.

"Kaya nga ako eh nag aalala baka kung anong gawin nung pamilya nung babae kay daddy tapos feeling ko alam na rin ni mama ang tungkol dun."

"Pero walang sinasabi satin si Mama." Ang sabi ni Keith.

"Alam mo naman yon martir." Ang sagot naman agad ni Kim.

"Pero paano yan hindi ba at papà roon na si daddy? Paano kung hindi na sya makabalik dito satin?" Ang nag aalalang sambit naman ni Keith.

"Wag kang mag alala kilala ko si daddy kahit na pasaway yan may isang salita sya kay Kelly at alam niyong lahat yan." Ang sure na sure namang sambit ni Kian.

Samantala,

Pagbalik ni Kevin sa playhouse nawala si Kelly kaya hinanap niya muna ito bago nya sabihin sa mga kuya niya.

"Sorry Sir, pero wala po talaga sa playhouse ang kapatid niyo." Ang sabi nung staff na babae.

"Bakit niyo naman kasi pinayagan na lumabas si Kelly? Hindi ba sabi namin sa inyo na wag niyo syang papalabasin hangga't hindi kami nabalik?"

"Sorry Sir, pero kilala po kasi sya ng kapatid niyo kaya naman buong akala namin ay kaanak nyo ang sumundo sa kapatid niyo."

Napakamot nalang sa ulo si Kevin "hindi ko nga kilala yung sinasabi niyo kapag nalaman ito ng mga kuya ko lagot kayo kaya siguraduhin nyong mahahanap nyo si Kelly!!!"

"Ye— Yes Sir..."

Makalipas ang ilang oras mag gagabi na at oras na para umuwi dahil nag text na rin sa kanila ang nanay nila kaya naman hindi na mapakali ang mga kuya ni Kelly.

"Ano? Hindi nyo pa rin sya nahahanap? Anong klaseng mga pulis ba kayo?!" Ang pa galit na sambit ni Kian.

"Kuya kumalma ka muna hindi masasagot ng init ng ulo ang problema." Ang sabi ni Kevin.

"Manahimik ka!"

"So— Sorry kuya."

"Tama na yan may lead na kami kung gusto nyo sumama kayo." Ang sambit nung lalaking pulis.

"Uncle Mike!!!" Ang sambit naman nila Kevin maliban kay Kian na galit na galit.

"Bakit po kayo naririto? Dito po ba kayo na destino ngayon?" Ang sabi ni Kim.

"Ahhh... Oo pero bukas pa dapat ako naka duty dito eh nung itinawag sakin ni Kelly ang problema nyo dali-dali akong nag tungo dito sa presunto."

"Si Kelly po?" Anila.

"Um. At tama nga sya nag papanic na nga kayo. Alam niyo matalinong bata talaga ang kapatid nyo manang mana ninong nya."

Nagkatinginan naman ang magkakapatid na para bang hindi naniniwala dahil ang tinutukoy ni Mike na ninong ni Kelly ay sya.

"Anyways, case closed na ito naiintindihan niyo?"

"Pero uncle hindi pa po namin alam kung nasan si Kelly." Ang sabi ni Kian.

"Oo alam ko kaya nga sumama kayo sakin dahil nasa bahay si Kelly."

"Ano?!" Anila.

"Oo pasensya na hindi ko naman alam na isasama pala ng auntie niyo si Kelly sa bahay namin wala kasi ako samin nung tumawag ang inaanak ko kaya hindi ko alam."

Napa buntong hininga nalang ang mga kuya ni Kelly "Bakit naman po hindi sinabi ni auntie?" Ang tanong ni Kian.

"Opo nga sasabog na ang pantog ko sa sobrang ka a baka mapatay kami ni mama kapag hindi namin kasamang umuwi si Kelly." Ang sabi naman ni Keith.

"Sorry, bagong lipat lang kasi kami dine sa Manila at hindi naman namin alam ang telephone number nyo si Ethan naman eh wala pa sa bahay. Buti nga at dito pala kayo sa presinto namin nag punta."

"Pwede po bang pumunta na tayo sa bahay nyo?" Ang naiinis na sambit ni Kian.

"Kuya..." ang pabulong naman na sambit ni Kevin na para bang nahihiya sa sinabing iyon ng kuya niya.

"O— Oo sige halina kayo sa sasakyan ko na kayo sumakay."


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
lyniar lyniar

Next chapter na po kayo mehehe... 2 updates po tayo ngayon. (っ^▿^)

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C318
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión