Descargar la aplicación
90% THE RAPIST SON / Chapter 27: Chapter 27

Capítulo 27: Chapter 27

Chapter 27

Kurt Point Of View

"What the fuck are you doing here, Raven? Hindi ka pa talaga titigil sa panggugulo mo sa buhay namin ni Preets?!" inis na sigaw ko ng makita ko siya sa mismong pinto ko.

Hindi talaga siya titigil hangga't hindi kami na sisira. Una ko palang s'yang nakita ay alam ko nang inggit ang nararamdaman niya kay Preets, dati nang ipakilala niya ako sa kaibigan niya ay iba na ang tono at mas limala 'yon ng maging kami.

"Hindi mob a ako papasukin?" nakangiti niyang tanong bago tinulak ang pinto ko.

Diretso siyang pumasok sa loob at nakangiti pa rin na tumingin sa akin, hindi s'ya nababahala sa pwede kong gawin sa kanya at hindi na rin ako nababahala kung ano man ang magawa ko sa kanya.

Nang dahil sa kanya ay muntik na kami masira ni Preets at dahil sa inggit sa katawan na meron s'ya ay halos makasira na siya ng ibang buhay masunod lang ang gusto niya.

"Ano bang kailangan mo, ikakasal na ako kaya tigilan mo na kami." Pero parang wala lang siyang narinig sa sinabi ko at prenteng na upo sa sofa.

"Naalala mo dito sa mismong sofa na 'to" ngumiti siya sa akin at marahan na hinawakan ang sofa, "Dito mo ako unang pina-punta sa langit."

"Ano bang sinasabi mo d'yan? Lumabas ka na o kakaladkarin kita palabas."

Wala pa rin siyang narinig at tinignan ang buong lugar, ang bawat parte ng sala ko bago muling tumingin sa akin.

"Saksi ang buong lugar na 'to kung paano mo ako pina-ungol at saksi din ang lugar na 'to kung paano mo niloko ang sinasabi mong mahal mo, Kurt."

"Isa!"

"Isa, dalawa, tatlo at higit pa mo ako pinapunta sa langit, sarap na sarap ka na naibibigay ko ang pangangailangan mo bilang lalaki na hindi kaya ibigay sayo ni Preets."

"Lumabas ka na Raven o tatawag na ako ng security."

"Hindi na kailangan, Hindi na kita guguluhin dahil simula ngayon si Preets na ang lalabas na magiging pang gulo sa istorya natin dalawa."

"What do you mean?" tumayo siya at saglit na hinalungkat ang bag niya bago binigay sa akin ang isang sobre, katulad ng sa invitation na pinakita ni Preets nang nakaraang araw kay Mommy.

"Tigilan mo na 'to Raven!"

"Buksan mo, Kurt." Sinunod ko ang gusto niya.

Nanginig ang kamay ko sa laman ng invitation. Isang pregnancy test at isang ultra-sound picture na nakalagay ang isang maliit na bilog.

"Im pregnant at ikaw ang ama." Nakangiti niyang sabi sa akin bago ako niyakap.

"Hindi. Hindi ako ang tatay n'yan."

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Paano nangyari 'yon? Paano ko na buntis si Raven.

"Ikaw lang ang naka-galaw sa akin kaya impossible na iba ang ama n'yan. Kaya ngayon hindi mo na masasabi na ako ang nanggugulo."

"Lumabas ka!"

"Pero kurt,"

"ANG SABI KO LUMABAS KA!"

"Babalik ako, Kurt. Bukas ay sisiguraduhin ko na malalaman na 'to ng lahat o baka sa mismong kasal n'yo ko nalang sasabihin." Nakangiti niyang sabi bago umalis sa harap ko at iniwan ang invitation na binigay n'ya.

Hindi pwedeng mangyari 'to, hindi 'to pwede malaman ni Preets sa susunod na araw ay kasal na namin. Sa susunod na araw ay matutupad na ang parehas naming pangarap, bakit ngayon pa 'to nangyari?

"AARGH!"

Napahilamos nalang ako ng mukha ko, ano na ang gagawin ko ngayon?

Kasalanan ko lahat 'to, kasalanan ko 'to. Kung hindi ako nag paakit sa kanya dati at kung natuto ako mag hintay sana ay walang probleama, sana ay buo ang tiwala ni Preets bago kami ikasal dalawa.

Dalawang araw nalang at kasal na namin.

Kasal na matagal kong pinag-handaan pero paano na ngayon, paano na ngayon nan aka-buntis ako at ang masakit pa non ay sa dati niyang kaibigan na ngayon ay kaaway niya na.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko, hawak ko na ang phone ko ay tulala na nakatitig sa screen.

"Hello Love, may problema?" sagot niya sa kabilang linya.

Ang boses niya, ang bawat ngiti niya at ang pag mamahal n'ya sa akin. Alam ko na anytime ay pwede na mawala 'yon, ang mga memories na binuo namin dalawa at ang plano namin na sabay binuo. Hindi ko na alam ang gagawin.

Kung isa 'tong parusa sa lahat ng ginawa ko sana-, sana ako nalang ang masaktan hindi na si Preets.

"Love?" natauhan ako ng muli siyang mag salita.

"Mahal, I miss you." Malambing kong sabi sa kanya, bago pinunasan ang luha na lumalabas sa mga mata ko.

"Akala ko naman kung ano. I miss you too, love. Anong ginagawa mo?"

"Wala naman. Bukod sa iniisip ka" iniisip ka, kung anong magiging reaction mo at kung anong mararamdaman mo.

Alam kong masasaktan ka sa ginawa ko, ang laki rin nang possibility na this time hindi na ako ang piliin mo at alam ko na hindi na kailanman maayos ang tiwala mo sa akin.

Ang sakit, ang sakit mamili between sa taong mahal ko at sa taong nabuntis ko.

"Naku, matulog na nga tayo! Sa susunod na araw na ang kasal kaya kailangan mo ng maraming lakas baka umiyak ka non, iyakin ka pa naman! Haha" napangiti nalang ako.

Wala akong mapag sabihan, ang bigat na sa dibdib. Ang bigat sa dibdib na niloloko ko s'ya habang siya ay nag titiwala nanaman sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nag paalam na ako sa kanya bago pinatay ang tawag.

Wala sa sariling kinuha ang isang bote ng alak. Hindi ko kayang matulog ngayon, hindi ako makakatulog sa konsensya ko.

Dalawang tao ang posibleng masaktan ko at kung mamimili ako ng isa sa kanila ay parehas akong masasaktan.

Tanginang buhay 'to, bakit ganito 'to?

Bakit kung kalian ko na makuha ang gusto ko kasma ang taong mahal ko saka ako ginagago ng panahon, kung kalian ayos na ang lahat.

Naalala ko ang sinabi niya habang parehas kaming naka-tingin sa pag lubog ng araw.

"Sana, kurt. Kahit anong mangyari ako pa rin ang piliin mo at habang buhay ay ikaw ang pipiliin ko."

Sana nga,love. Sana nga ang magiging desisyon ko ay ang magiging mas ikabubuti sa atin dalawa dahil mahal na mahal kita.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C27
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión