Rose
Pagkarating ko sa sasakyan ni Angel ay saka nagpaliwanag sa'kin si Irene.
"Narinig kasi nitong si Angel na kausap ni Jaydee si Blake over the phone habang nasa Bathroom," simula nito.
"Tapos?"
"May pupuntahan daw silang stag toy themed party."
"Stag toy themed party?" pag-uulit ko.
Tumango naman si Angel at gigil na sumagot. "Dinig na dinig ko! Mga walang hiya!"
"'diba pag stag party mga kalaswaan iyon, marami kayang nagsasayaw na mga pokpok na babae pag ganyan," dagdag pa nito.
"At sa pagkababaero nitong si Blake, sigurado akong hinatak na nito 'yong mga jowa natin sa kalokohan niya!" nanggagalaiti na si Angel habang nagsisimula nang paandarin ang sasakyan. Hindi yata ako belong at hindi ko alam kung bakit sinasama nila ako rito.
Huhulihin nila mga jowa nila, bakit pa ako sinama? Hindi ko naman jowa si Loey ah?
Pero aminado ako. Medyo nagseselos ako at naiinis na malamang nagpapakasasa sa mga babae si Loey ngayon.
Porke ba nireject ko siya ay mag gagan'on na siya?
Nakarating na nga kami sa venue. Isa itong private residence, malaking mansion sa isang subdivision. Para kaming mga ninja at talagang nakipagsabayan pa ang buntis na si Irene at ako na sakitin. Nakatago kami sa likod ng matapang na si Angel na siyang nangunguna sa pagsalakay. Ready to fight na si Angel at nakabuntot lang kami ni buntis.
Nakarating kami sa field sa gawi ng pool area at nagulat kami sa naabutan namin.
Isa pala iyong children's party na may stuffed toys na decorations.
Pati 'yong mga bata ay naka suot din ng stuffed toy costumes.
"Sure ka ba talaga sa narinig mo?" tanong ni Irene habang magkakapantay kaming nakatayo at napamaang na nakatitig sa nagpaparty.
Nakita namin ang Peter pan at natawa kami sa mga itsura nila.
Nakasuot sila ngayon ng animal onesies.
Si Minx na nag ala pusa, si Kyle ay bear, si Blake ay squirrel, si Dio penguin, si Sean naman ay wolf, si Jayem naman ay rabbit, si Jaydee ay Dinosaur. At si Loey naman ay naka white tiger. Ang cute nilang tingnan habang nagpeperform sa harap ng mga bata.
Napahawak ako sa bibig at hindi na napigilan ang pagtawa. Napakamot naman ng ulo si Angel. "Ah, ano actually nagto-tooth brush kasi si Jaydee n'on kaya ang dinig ko talaga stag."
"Namali ka yata ng dinig sis. Stuffed toy themed party pala eh." Pinipigilan ni Irene ang pagtawa.
Nakakahiya, sugod sugod pa kami rito. Wala naman palang ginagawang kalokohan 'tong mga 'to.
"Ahh!!!" nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Irene habang hawak ang tiyan nito.
"What's wrong?" tanong ni Angel.
"My water broke."
OMG. Manganganak na yata si Irene!
Nataranta kami bigla at pinukaw na namin ang atensiyon ng nagpaparty. Napatakbo pa si Jayem para buhatin ang asawa at dali-daling sinugod sa ospital.
Humingi ng paumanhin si Angel sa may ari ng bahay at nag kanya-kanyang alisan naman ang members. Hinila na ako ni Loey at pinasakay sa BMW niya.
Kami lang dalawa. At ang awkward.
Ngingisi ngisi pa si Loey habang nagmamaneho.
"Bakit ba kayo biglang sumulpot d'on?" tanong niya na nananatili paring nakatingin sa daan.
"Ano, si Angel kasi..."
Pinaliwanag ko 'yong nangyari. At tinatawanan niya ako ngayon.
"Bakit ka sumama? Hinuhuli mo rin ba ako?" tanong niya na agad kong kinaila.
"Hindi ah!"
Nakangiti parin siya. Ano bang magandang palusot?
"So you care for me?" tanong na naman nito.
"Syempre," wala saloob na nasabi ko. Shocks Rose antanga mo!
"As a friend!" dugtong ko.
"I care for you, as a friend! Gan'on."
Kahit ano pa yata ang sabihin ko ay hindi ko na mababago ang kung anumang iniisip nito sa'kin dahil hindi na maalis ang ngiting namumutawi sa mga labi niya.