NAKANGITING hinarap ni Maze ang customer ng café kung saan pumasok siya bilang kahera. Isang araw lang naman iyon dahil pinaki-usapan niya ang Ate ng isa niyang kaibigan. Marami daw kasing tao ng araw na iyon at kinulang sila sa tauhan. Nang sabihin niya na kailangan niya ng part time ng araw na iyon ay kinuha siya nito kahit pa nga wala siyang alam sa bagay na iyon.
Madali naman matutunan ang isang bagay basta pinag-aaralan.
"Good morning, Ma'am. What's your order?" Magalang niyang tanong sa babaeng nasa harap niya.
Tumingin ang babae sa catalog na nasa harap nito. She patiently waits for the lady in front.
"I want strawberry shake and carrot cake."
She smiles and punch her order. "Is that all, ma'am?"
"That's all."
"That would be seven hundred fifty, ma'am."
Kumuha ng pera ang babae sa wallet nito at binigay sa kanya. Nakangiting tinanggap niya iyon. She places her order.
"We serve your order after five minutes."
Hindi nagsalita ang babae. Tinalikuran lang siya nito. Gusto niyang mapasimangot. May mga costumer talaga na hindi marunong magpasalamat. Umiling na lang siya at inasikaso ang order ng babae. Apat silang staff ang nandoon. Nagpapasalamat siya at opening ang ibinigay sa kanyang schedule. Gusto niya kasing umuwi mamaya ng maaga at makasama ang magulang at kapatid. Balak niyang bumili ng pagkain. She wants to celebrate valentines with her family.
Sino ba kasing nagsabi na ang valentines ay para lang sa mga magkasintahan? Valentine is about love. Mahal niya ang magulang at kapatid kaya gusto niyang kasama ang mga ito sa araw na iyon. Ibinigay niya sa kasama ang order ng babae para magawa nito. Bumalik naman siya sa pwesto at inasikaso ang order ng mga costumer na walang tigil sa pagpasok.
Pagod na umupo si Maze sa isang upuan di kalayuan sa casher area. Nagpapahinga siya dahil anim na oras na siyang nakatayo at inasikaso ang order ng mga customer. Kunti na lang ang mga tao. Nang bumukas ang pinto ng café ay mabilis na tumayo si Maze para bumalik sa pwesto. Isang ngiti ang ibinigay niya sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harap niya.
This man is cute. Napakaganda ng maliit nitong mga mata pero may nababasa siyang emosyon sa mga mata nito. Sadness and lifeless.
"What's your order, Sir?" tanong niya rito.
"Coffee. Black Americano. Hot. Meduim."
Natigilan si Maze. Bakit parang pamilyar sa kanya ang boses nito? Bakit parang narinig na niya iyong minsan? Bumilis ang tibok ng puso niya kaya huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang puso.
"Is that all, sir?"
"Yes."
"That would be one hundred forty, Sir."
Kumuha ng pera ang lalaki sa wallet nito at ibinigay sa kanya. Natigilan sa pakuha ng panukli si Maze ng tumalikod ang lalaki at naglakad papunta sa isang sulok ng café. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Nang kinuha nito ang laptop sa bag na dala ay iniwas niya ang tingin at pinagpatuloy ang ginagawa kanina.
"Ally, ako na ang mag-serve kay Sir. Ibibigay ko sa kanya ang sukli niya," aniya ng makita na tapos ng gawin ang order ng chinitong seryuso sa ginagawa nito.
"Sure ka?" Nag-aalalang tanong ni Ally sa kanya.
Tumungo siya at ngumiti. Nag-aalangan man ay ibigay ni Ally ang hawak na tray. Huminga siya ng malalim ng mahawakan ang tray. Slowly she walks towards the man. Habang papalapit dito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Maze. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang puso niya. Ito ang unang pagkakataon na nakadama siya ng ganoon.
"Your coffee is here." Inilapag niya ang hawak na tray sa maliit na espasyo ng mesa. May nakakalat na kasing ilang papel doon.
Nagtaas ng tingin ang lalaki pero agad ding bumalik ang tingin sa mesa. He fixes his mess. Ngumiti siya at inilapag niya di kalayuan sa laptop nito ang kape. Nang maayos niyang inilapag iyon ay tumayo siya ng maayos. Kinuha niya ang sukli nito na nasa suot na apron.
"Here's your change, Sir." Inilapag niya iyon sa mesa kasama ng resibo.
Salubong ang kilay na tumingin sa kanya ang binata. "Why you return that to me?"
"Po?"
"I give that as a tip." Walang emosyon na sabi ng binata at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa.
Hindi nakagalaw sa kinatatayuan nito si Maze. Seryuso ba ito? Isang libo ang ibinigay nitong pero sa kanya kaya naman malaki din ang sukli nito at binibigay nitong tip iyon. Tumikhim siya para kunin ulit ang atensyon ng binata. Tumigil sa pagtipa ang lalaki at nagtaas ng tingin.
"May kailangan ka pa ba?" Suplado nitong tanong sa kanya.
"Seryuso po kayo sa binibigay niyong tip?"
Umayos ng upo ang binata. Hinarap siya nito. "Yes. If you don't want to accept it. Iwan mo na lang diyan."
Hindi nakapagsalita si Maze kaya naman ibinalik ng binata ang atensyon sa ginagawa. Maze doesn't know what to do. Nagdadalawang-isip siya kung kukunin ba ang ibinigay ng lalaki. Hindi naman bawal ang tumanggap ng tip mula sa costumer kaso sobrang laki naman ang ibinigay nito. She doesn't do much except for getting his order. Huminga siya ng malalim.
"Enjoy your coffee, Sir." Yumuko siya at tinalikuran ito.
Hindi niya kinuha ang ibinigay nitong tip. Pakiramdam niya kasi ay napaka-unfair niya sa binata. Wala siyang ginawa para bigyan siya nito ng tip. Sinubukan niyang waglitin ang nangyari. Ilang oras na lang at out na niya. Ibibigay din ng may-ari ang sahod niya ng araw na iyon kaya naman makakabili siya ng pagkain para sa kanyang ina at kapatid. Bibili na rin siya ng bulaklak para sa ina.
Abala man sa ginagawa nito ay hindi maiwasan ni Maze na sulyapan ang binata. Kagaya niya ay abala din ang binata sa ginagawa nito. Tahimik lang ito at minsan ay sumasagot ng tawag. Hindi mapigilan ni Maze na hangaan ang lalaki. He speaks with confident and authority. Nasisigurado niyang hindi lang ito isang simpleng empleyado. Basi na rin sa mga galaw nito.
Hindi lang iyon ang napansin ni Maze. Ang gwapo ng binata. Nakaka-agaw ang maliit nitong mga mata. Matapang ang aura nito pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ito nakakakuha ng atensyon ng iba. Siguro ay mahirap itong lapitan dahil mukha itong suplado. Dahil sa madalas na pagsulyap na ginagawa ni Maze ay napansin niya ang pagka-ubos ng kape nito. Lalabas na sana siya ng station niya ng mapansin na may babaeng lumapit dito.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki habang ka-usap ang babae. Lalong nakaramdam ng lungkot si Maze ng makitang inayos ng lalaki ang gamit nito. Kung ganoon ay may hinihintay pala itong babae. Sinundan ni Maze ng tingin ang dalawa ng lumabas ng coffee shop. Napasimangot siya ng makita ang masayang kwentuhan ng dalawa.
"Napakaswerte naman niya." Bulong niya.
"Maze!"
Natigilan si Maze ng marinig ang pagtawag sa kanya ng kasama. "Bakit?"
May inilahad ito sa harap niya. Napatingin siya doon. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang pera iyon at isang papel. "Para saan ito?"
"Iniwan ng customer natin para sa iyo."
"Ha! Para sa akin?" Nagtatakaman ay tinanggap niya iyon. Lalong nagtagpo ang kilay niya ng makitang resibo iyon at may nakasulat ng note sa likod.
Binasa niya iyon at nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang iniwang mensahe ng lalaking kanina ay hinahangaan. Tama siya ng hinala. Hindi naman talaga ito ganoon kasuplado. Napangiti siya at ibinulsa ang papel kasama ng pera na ibinigay nito bilang tip.
'I give it to you for giving me a sweet smile.' - SCWang
Iyon lang ang nakasulat pero napangiti na siya. It is very sweet of him. Dahil lang sa ngiti niya kaya siya nito binigyan ng tip. Sayang at hindi man lang siya pormal na nakapagpasalamat dito.
Nang matapos ang oras ng duty niya ay lumabas na ng coffee shop si Maze pagkatapos ibigay sa kanya ng may-ari ang sahod niya ng araw na iyon. Sinabi pa nito na kapag gusto niya ulit mag-part time ay sabihan lang dito. Nagustuhan daw nito ang trabaho niya. Mabilis din kasi siyang matuto.
Dumaan muna si Maze sa isang fast food chain para bumili ng pagkain at nang may nadaan na store na nagbibinta ng bulaklak ay bumili siya ng isang tangkay ng rosas. Naglalakad siya papunta sa sakayan ng bus ng may dalawang lalaking sinundan siya ng tingin. Hindi pinansin ni Maze ang ginawang pagtingin sa kanya ng dalawang lalaki ngunit ng sumunod sa kanya ang mga ito ay bigla siyang kinabahan.
Maraming dumaan sa lugar na iyon pero alam niyang walang paki-alam ang mga tao. Nagmamadali ang mga ito na makarating sa sakayan ng bus dahil nga sa mahirap sumakay ng ganoong oras. Binaliwalang muli ni Maze ang dalawang lalaki ngunit binilisan niya ang paglalakad. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso lalo pa nga at nararamdaman niya ang tingin ng mga ito. Nang mapadaan siya sa isang poste na walang ilaw ay hinarangan siya bigla ng isang lalaki.
"Hi, Miss Ganda. Pa-uwi ka na ba? Hatid ka na namin," ani ng lalaki at ngumiti pa.
Hindi sumagot si Maze. Nagpatuloy siya sa paglalakad at lalampasan na sana ang lalaki ng hawakan siya nito sa braso. Mabilis na binawi ni Maze ang kamay. Gumapang ang kilabot sa buong katawan. Nakaramdam din siya ng takot.
"Hey! Wala naman kaming gagawin sa iyo, Ganda. Ihahatid ka lang naman namin."
"M-maraming salamat pero kaya kong umuwi mag-isa." Pinataray niya ang boses ngunit hindi siya nagtagumpay.
Lalong lumapad ang ngisi ng lalaki. Ang kasama nito ay tumawa pa ng mahina. Lalong nakaramdaman ng takot si Maze. Wala siyang laban sa dalawang lalaki. Huminga siya ng malalim. Hindi niya pwedeng pa-iralin ang takot at panic. Kailangan niyang maging matalino ng mga sandaling iyon. Alam niyang mapapahamak siya kapag di siya gumawa ng paraan.
She about to turn back and run when someone hold her hands. Pipiksi sana siya ng humigpit ang pagkakahawak doon ng kung sino. Napatingin siya sa pangahas at isang malakas na singhap ang lumabas sa kanyang labi ng makita kung sino ang taong humawak sa kanyang kamay.
"Are they boring you, sweet?" tanong ng lalaki sa malambing na boses.
Hindi siya nakapagsalita. Gulat pa rin siya dahil sa pagdating ng lalaki at sa pagtawag nito. Tumigil yata ang ikot ng kanyang mundo.
"Hey, Shilo! Bakit mo ako iniwan bigla?" tanong ng isang lalaki na siyang kakalapit lang din sa kanila.
"Sino kayo?" Ang lalaki kanina nagusto siyang gawan ng masama ang ngayon ay matapang na hinarap ang lalaki.
"Brod, wag kayong maki-alam dito. May hindi lang pagkaka-unawaan ang kaibigan ko at nobya niya," sabi naman ng lalaking kasama ng lalaki na kanina ay may pagnanasang nakatingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Magsasalita na sana siya para itanggi ang sinabi ng lalaki ng unahan siya ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.
"Nobya?" tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. "Paano mo naging nobya ang asawa ko?"
Kung may ilalaki lang ang mga mata ni Maze ay nangyari na ng mga sandaling iyon. Nanigas siya sa kinatatayuan ng binitawan ng lalaki ang kamay niya at inilagay sa kanyang balikat.
"Asawa ko ang balak niyang gawan ng masama. Kung ayaw niyong tumawag ako ng pulis at ipakulong ko kayo ay umalis na kayo sa harap namin." Madilim ang boses na wika ng lalaki.
Hindi na siya nagsalita. Hinayaan niya ang binata ang humawak ng sitwasyon.
Napa-atras ang dalawang lalaki pero hindi nabakasan ng takot ang mukha. Ngumisi ang dalawang lalaki.
"Mali ka ng ginagalit, Brod. Pasensyahan na lang tayo pero bubutasan muna namin ang katawan mo." May inilabas ng kutsilyo ang dalawang lalaki.
Napasinghap siya at nanginig ng makita ang hawak ng mga ito. Mabilis siyang itinago ng lalaking katabi.
"Mali din kayo ng kinakabangga, Brad," wika ng kasama ng lalaking taga-pagtanggol niya.
Pagkatapos nitong magsalita ay may narinig siyang isang kasa. Napatingin siya sa kasama ng binatang hawak pa rin ang kanyang balikat.
"Wag kayong gagalaw ng masama kung ayaw niyang mabutasan ng katawan. Paalala lang mga brad. I'm a sharp shooter. Ako yata ang top one sa batch namin." Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata.
Mukha naman na hintakutan ang dalawang lalaki dahil ibinaba ang hawak na kutsilyo at mabilis pa sa alas-kwarto na tumakbo palayo sa kanila. Doon lang nakahinga ng maluwag si Maze. Akala niya ay lalaban pa ang dalawang lalaki. Nagpapasalamat siya at naki-alam ang mga ito.
"Thank you," aniya nang alisin ng lalaki ang braso nito sa balikat niya at hinarap ito.
Humarap sa kanya ang lalaki. Hindi ito nagsalita. He's face doesn't written anything. Tumalikod lang ito sa kanya at naglakad. Nasaktan siya sa ginawa nito. Malungkot niyang sinundan ng tingin ang lalaki. May munting kirot sa puso niya.
"Miss, wag mo na lang pansinin si Shilo. Ganoon talaga iyon. Tara, hatid ka na namin."
Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Ito ang lalaking may hawak kanina ng baril. Nakangiti ito. Tumungo siya at sumunod dito. Sinundan nila ang lalaki na ilang metro ang layo sa kanina.
"Taga-saan ka ba, Miss?" tanong ng lalaking katabi na hindi niya alam ang pangalan.
Tumingin siya dito. "Taga-San Juan po. Wag niyo na akong ihatid. Malapit na rin naman tayo sa sakayan ng bus."
Ngumiti ang lalaki. "Okay! If you say so. Hindi ka namin pipilitin. Basta mag-ingat ka sa pag-uwi. Wag kang maglalakad sa dilim ng mag-isa. Maraming gumagalang masasamang tao."
Tumungo siya. Hinatid siya ng lalaki hanggang sa sakayan ng bus. Nagtaka siya kung bakit hinatid pa siya ng mga ito.
"Maraming salamat sa pagligtas sa akin," aniya sa dalawang lalaki.
Nakatayo sa tapat niya ang lalaki habang ang lalaking pinangalan ng lalaking kaharap na Shilo ay nakatayo di kalayuan sa kanina at tahimik na nakamasid.
"Walang anuman, Miss…."
"Mazelyn. Mazelyn Reyes," sagot niya.
"Asher. I'm Asher Valderama."
Ngumiti siya at tumingin sa lalaking di kalayuan sa kanina. Sinundan ni Asher ang kanyang mga mata. "Ahhh… Shilo Wang naman ang pangalan niya. Suplado lang tingnan ang isang iyan pero mabait naman." Binulong na ni Asher ang huling sinabi nito.
Ngumiti siya at tumingin kay Asher. Magsasalita sana siya ng may humintong bus. Tiningnan niya ang karatula. Sakto iyon sa bus na kailangan niyang sakyan. Humarap siya sa binata.
"Iyan na ang bus na sasakyan ko. Maraming salamat ulit."
Tumungo si Asher. "Sige. Ingat ka."
Muli siyang ngumiti dito. She waves her hand to Asher and Shilo. Wala siyang nakuhang reaksyon mula sa binata kaya nawala ang ngiti sa labi niya. Tumalikod na siya at sumakay ng bus. Pinili niyang umupo malapit sa may bintana. Tumingin siya sa dalawang lalaking nagligtas sa kanya ng araw na iyon. Nakatingin pa rin pala ang mga ito. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Shilo ngunit agad na umiwas ng tingin ang lalaki. Napabunting-hininga si Maze.
Suplado nga ito ngunit may kabutihan naman sa loob.
'Sana'y magkita tayong muli. Sana'y hindi ito ang huli nating pagkikita,' aniya sa kanyang isipan.
She is wishing for impossible. Pero di ba, walang masamang umasa.
Happy Valentine's day, everyone.
HanjMie
— Fin — Escribe una reseña