Descargar la aplicación
10.34% Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 3: CHAPTER ONE

Capítulo 3: CHAPTER ONE

Sana magustuhan niyo ang Love story ni Shilo at Maze. Ito po ang unang anak ko. Sa wattpad at Dreame ko siya unang napost without any revision. Sana magustuhan niyo. My stories are my babies. Chawww!! Enjoy reading!!!

💜💜💜

    NASA waiting area ng mga applicant si Mazelyn. Kanina pa siya kinakabahan. Nanlalamig din ang kanyang mga kamay. Mag-iisang buwan na siyang naghahanap ng trabaho. Lahat halos ng pag-applyan niya ay rejected siya. Nasa thirty company na ang pinag-applyan niya ngunit lahat ay sinabing tatawagan nalang daw siya. Nawawalan na rin siya ng pag-asa na makakapasok sa isang kompanya bilang isang office staff. Kaya nga kapag hindi pa siya makapasok ngayong araw ay mag-aapply na lang siya na kahera o sales lady sa mga mall. Kahit siguro iyong hindi umabot sa minimum wage ay papatusin na niya para lang magkatrabaho.Wala naman siyang magagawa. Kailangan na niyang magkatrabaho sa susunod na buwan. Naawa na siya sa ina na may sakit at nagtratrabaho bilang isang labandera. Papasok na rin sa kolehiyo ngayong pasukan ang kanyang kapatid na babae at hindi na kaya ng kanyang ina na paaralin ito.

    Natigilan si Mazelyn nang tinawag ang pangalan niya. "Ako po iyon." Tumayo siya at malakas na sumigaw.

    Ngumiti ang babae sa kanya habang ang mga kasama niyang applicante ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na lang niya iyon pinansin. Oo at isang kupas na palda ang suot niya dahil skirt uniform niya iyon noong college. Ano bang pakialam nila di ba? Wala siyang pambili ng bagong damit. Iyong polo shirt niya nga ay sa ukay-ukay pa niya nabili. Maayos naman siyang tingnan at pormal.

"Good morning Ms. Reyes. Follow me please!" 

    Inilagay niya ang bag sa balikat at hinawakan sa isang kamay ang brown envelop na nagkakalaman ng mga resume niya. Sumunod siya sa babae pagkatapos ayusin ang paldang suot ng mapansin na nagkaroon iyon ng kunting gusot. Sa isang nakasarang pinto at may nakasulat na 'Human Resources Department Manager Office' sila huminto. Kumatok ang babae.

    "Come in!" sigaw ng isang bpses lalaki mula sa loob.

    Binuksan ng babae ang pinto at pumasok doon saka na man siya sumunod dito. Tumambad sa kanya ang napakagandang kwarto. May tatlong red sofa doon habang sa gitna ay isang maliit na mesa na gawa sa kahoy. Glass window ang paligid at kitang-kita ang naglalakihang building ng Metro Manila. Nakita niya din na may mga pakasabit na painting sa gilid kung saan may maliit na ref. at kabinet. Napakalinis ng office na iyon. Napatingin siya sa unahan kung nasaan ang mesa ng manager ng department na iyon. May lalaking naka-upo sa isang malaking mesa. Nasa mga papel sa mesa nito nakatuon ang atensyon.

    "Sir, narito na po ang isang applikante."

    Napatingin sa kanila ang lalaki. Nagulat pa siya nang magsalubong ang kanilang mga tingin. Nakita pa niya ang pagtataka sa mukha nito. Ang gwapo ng lalaking na nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Kamukha nito ang paborito niyang Korean singer na si Kwon Jiyong. Umupo nang tuwid ang lalaki.

    "You can leave us now, Anniza." Seryusong sabi ng lalaki.

    Yumuko ang babae bago tumingin sa kanya at binigyan siya ng isang magaang ngiti. "Good luck." 

    Lumabas na ang babae pagkatapos nitong ibulong iyon sa kanya. Naiwan siya doon na nakatayo pa rin sa gitna ng opisina ng lalaking nakatitig nang mataman sa kanya.

    "Have a seat, Ms. R-Reyes." Tumingin muna ito sa papel na nasa harap nito, mukhang iyon ang resume niya. 

    Yumuko muna siya bago sinunod ang sinabi nito. Umupo siya paharap dito. Seryuso pa rin ang lalaki habang binabasa ang resume niya. Lalo tuloy na dagdagan ang kabang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Nagsasalubong ang kilay nito habang binabasa ang resume niya.

    "Okay! Let me introduce myself first." Sabi ng lalaki nang mag-angat ito ng mukha. "I'm Joshua Wang, I'm the Human Resources manager. You can call me Sir Josh or Mr. Wang."

    "It's nice to meet you, Mr. Wang." Sabi niya at nilahad ang kamay.

    Nagulat ang lalaki sa ginawa niya pero agad din itong nakabawi. Tinanggap nito ang kamay niyang nakalahad. Magpapakilala na sana siya dito ng bumukas bigla ang pinto at may pumasok. Sabay silang napatingin ni Sir Joshua. Napatulala siya sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Makikita sa mukha nito ang sobrang galit. Namumula ang buong mukha nito. Hindi lang iyon pati ang leeg nito ay namumula din. Nanlilisik ang mga mata nito at madilim ang aura na bumabalot sa buo nitong katawan. Napako siya sa kinauupuan at agad na pumintig ang puso niya sa kaba. Hindi yata siya na inform na may dragon pala sa kompanyang iyon. Dahil sa uri ng galit na nakikita niya ay kulang na lang magbuga ito ng apoy.

    "I told you to look for a new secretary for my brother. Bakit na sa kanya si Carila ngayon? At hindi mo man lang ipinaalam sa akin." Parang kulog na sigaw ng lalaki. Nakasunod pala dito si Anniza na sobrang putla.

    Kalmadong tumayo si Joshua at hinarap ang lalaking kararating lang. Baliwala dito ang galit ng kaharap, para bang sanay na sanay na itong makita ang lalaki sa ganoong sitwasyon.

    "Wohhh! Calm down, Shilo."

    "How can I calm down? You let my brother took Carila away from me. Bakit secretary na ng kuya ko si Carila?"

    "Your brother requested it. Who am I to say no? He is the President of the company. May karapatan siyang mamili kung sino ang magiging secretary niya."

    Nakita niyang lalong nainis ang lalaki sa naging sagot ni Joshua. Para na itong pulang mansanas sa sobrang pamumula ng mukha nito. Ang puti kasi ng lalaki. Super cute ng mga mata nitong maliit. Hindi makakailang chinesse ito. Makapal ng bahagya ang mga kilay ng lalaki. Matangos din ang ilong nito na pinarisan ng mapula at manipis na labi. Ang gwapo nito at the same time ay super cute. Kahit galit na galit ito ay hindi niya pa rin napigilan na hindi hangaan ang kagwapuhang taglay. Sa buong buhay niya ngayon lang siya naging interesado sa isang lalaki. Iyong lalaking nasa harap niya ngayon ay iba sa mga lalaking nakakasalamuha niya. At habang nakatitig siya sa mukha nito ay pakiramdam niya ay nakakita siya ng mga angel na nag-aawitan. Nasa langit na ba siya ng mga sandaling iyon. Bakit may angel siyang nakikita?

    "Gawan mo ng paraan na maging secretary ko ulit si Carila kung hindi ay matatanggal ka sa trabaho mo. Kahit pinsan kita ay kaya kitang ipatanggal." May pagbabantang sabi nito.

"Shilo, wala na akong magagawa pa. Desisyon ng Kuya mo ang masusunod dahil siya ang Presidente ng kompanya."

Nagdikit ang mga labi ng lalaki. "Wala akong paki-alam. Carila belong to me from the very start. Hindi siya pwedeng agawin ni Kuya sa akin."

"Shilo—"

Sinuntok ng lalaki ang mesa ni Joshua na nagpatili sa kanya. Nakita niya ang pagkabasag ng salamin ng mesa sa ginawa nitong pagsuntok. Naglaglagan ang mga gamit ni Sir Joshua. Napatakip naman siya ng tainga at nanginig ang buong kalamnan niya. Nakakatakot ang lalaking ito. Nakita niya ang pag-agos ng dugo sa kamay nito. Bigla siyang namutla.

 "Do what I say, Joshua. Hindi mo magugustuhan kapag tuluyan akong magalit sa'yo." Matigas at nagbabantang sabi nito bago tinalikuran si Joshua. Baliwala lang dito ang sugat nito sa kamay.

Nagtagpo ang mga tingin nila ngunit saglit lang iyon. Agad na umiwas ng tingin ang lalaki at lumapit sa pinto. Malakas nitong isinara ang pinto na muli niya ikinagulat. Umangat pa siya sa pagkaka-upo dahil sa sobrang pagkagulat at taranta. Nanginginig pa rin siya sa takot kahit pa umalis na ang lalaking iyon. Ganoong amo ba ang papasukan niya? Kakayanin niya kaya ang ugaling meron ito? Baka sa susunod na magagalit ito ay hindi lang sa pagbasag ng mesa ang gagawin nito. Lalo siyang namutla ng ma-isip na pwedeng manakit ang lalaking iyon.

"Ms. Reyes—"

Hindi na natuloy ni Sir Joshua ang iba pa nitong sasabihin ng bigla na lang siya tumayo. "S-sir, h-hindi ko po kayang m-magtrabaho dito." Yumuko siya dito. "I'm sorry."

Tumalikod siya at mabilis ang mga hakbang na linisan ang opisina nito. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa kanyang pangalan ngunit hindi siya lumingon. Natatakot siya. Hindi niya kayang magtrabaho sa ganitong klasing opisina. Mamatay siya sa nerbiyos. Dragon ang lalaking iyon. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa elevator. Nakayuko lang siya at hindi nag-abalang mag-angat ng tingin. Natatakot siya dahil baka may makasalubong ulit siya na ganoon din ang gagawin. Nang bumukas ang elevator ay mabilis siyang pumasok. Nakita niyang may pumasok din kaya agad siyang tumabi.

    Bahagya siyang nag-angat ng tingin ngunit maling desisyon iyon dahil ang lalaking kasabay niya ngayon sa elevator ay ang lalaking nagwala kanina sa opisina ni Mr. Wang. Bigla niyang nayakap ang dalang bag at yumuko. Nakaramdam siya ng takot. Bakit siya pa ang nakasabay niya sa elevator? Parang nais niyang lumabas doon kaso napintot na niya ang ground floor. Napatingin siya sa mga botton ng bawat floor doon. Naka-ilaw ang underground floor. Kung ganoon ay sa pinakababa ng gusali ang lalaki. Napalunok siya ng gumalaw ito. Sumandal ito sa wall ng elevator. Doon niya napansin ang kamay nito. May nakikita siyang dugo doon.

    'Hindi ba siya nakakaramdam ng sakit sa sugat niya?' tanong niya sa kanyang isipan.

    She is bother of his wounds. Hindi siya sanay na makitang may taong nasusugatan. Iniiwas niya ang tingin sa takot na mapansin siya ng lalaki. Baka magalit ito sa kanya dahil sa pagtingin niya dito. Hanggang ngayon sa mga sandaling iyon ay nasa isipan pa rin niya ang pagsuntok nito sa mesa ni Mr. Wang. Kapag sinuntok siya nito ay siguradong hospital ang bagsak niya. Nakaramdam siya ng takot. Pasimple siyang sumiksik sa gilid ng elevator. Napalunok pa siya dahil naramdaman niyang tumingin ito sa gawi niya.

    Hinihiling niya na sana ay may pumasok man lang kahit isang tao ngunit talagang minamalas siya ng araw na iyon. Tiningnan niya kung saang floor na sila. Nagulat siya dahil masyado pa silang malayo sa ground floor. Bakit ba biglang bumagal ang galaw ng elevator? Muli niyang sinulyapan ang lalaki. Nakapikit ito kaya naging malaya siyang pagmasdan ang mukha nito. Masasabi niya talagang ang gwapo ng lalaki. Sarap titigan ng labi nitong manipis. Matangos ang ilong nito. Maputing lalaki ito at itim na itim ang buhok. Makapal ng bahagya ang kilay nito pero nagbigay naman iyon ng matapang na aura. Matangkad ito sa kanya. Sa tingin niya ay nasa 6'1 ang lalaki. Maganda ang hubog ng katawan nito. Napakagat siya ng labi. Ang gwapo niya!

    Napa-iwas siya ng tingin ng bigla na lang itong nagmulat ng mga mata at tumingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at mas humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang bag. Unti-unti siyang tumingin sa binata. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Napatingin siya sa sugat nito. Muli siyang natigilan. Hindi ba talaga nito gagamutin ang sugat nito? Nang sa tingin niya ay wala talagang balak ang lalaki ay kinuha niya ang panyo sa kanyang bag. Marahan siyang lumapit sa lalaki.

    Naramdaman niyang tumingin ito sa kanya. Tumikhim siya at lakas loob na hinawakan ang kamay nito. Mukhang naman nagulat ang lalaki dahil hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan. Sinamantala niya ang pagkakataon. Agad niyang itinali ang kanyang panyo sa sugat nito. Habang ginagawa niya iyon ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Pagkatapos niyang matali ang panyo ay sakto naman na bumukas ang elevator. Agad siyang lumabas doon at mabilis na tumakbo palayo.

    Hindi na niyang nilingon pa ang lalaki sa takot na baka nakasunod ito.

NAKATINGIN si Shilo sa panyong nasa mesa niya. Ilang araw na ba ang lumipas mula ng mangyari ang aksidente na iyon sa elevator. Nagulat siya sa ginawa ng babae. Hindi niya masyadong nakita ang mukha nito at alam niyang hindi ito staff ng kompanya. Kung staff ito ay hindi ito maglalakas loob na gawin iyon sa kanya. Alam ng lahat dito kung gaano niya kaayaw magpahawak. Umayos siya ng upo at iniabot ang isang brown envelop. Nalaglag iyon sa kamay ng babae ng bigla na lang itong tumakbo pagkabukas ng elevator. Noong isang araw niya pa iyon binuksan.

    Alam niya ang laman noon. Resume iyon ng babae. Aplikante ito ng araw na iyon. Siguro ay hindi ito nakapasa kaya nakayuko. Well, paano ito makakapasa kung ganoon ito umasta at manamit. All their staff should be presentable. Hindi lang basta-basta ang mga kliyente nila. Meili De Hua Group of Companies is the most stable company in the Philippines. Isa sa mga hawak ng kompanya na negosyo ay ang pagawaan ng mga furniture. Nasa real estate, lending and financial business, hotel and resort, magazine publisher, plastic industry at fast food industy din ang kompanya. Kaya naman ang pamilya nila ang isa sa mayayamang pamilya sa Pilipinas. Pumapangala sila sa talaan ng mayayamang pamilya. Ang nangunguna ay ang Tita Aliya niya na nasa food industry. Tita Aliya also owns a bank, malls, grocery store, construction firm, resorts and hotels.

    Siya ngayon ang Vice President ng kompanya, habang ang Kuya Shan niya ang Presidente. Napakuyom siya ng maalala ang Kuya niya. He is supposed to be in his position. Matagal na niyang pinangarap ang posisyon nito at pinaghirapan niya iyon. Nanatili siya sa bansa para pag-aralan ang takbo ng kompanya kahit pa nga na nakapasa siya sa scholarship ng Stanford University sa U.S. He let it go. Mas pinili niyang mag masteral sa Pilipinas. Buong akala niya ay sa kanya mapupunta ang posisyon ng magdesisyon ang kanyang ama na magretiro ngunit nagulat na lang siya na umuwi ang Kuya Shan niya mula China at dito binigay ang posisyon. Sobrang nagalit siya.

    Tumayo siya at tumingin sa labas ng kanyang opisina. Nakikita niya ang naglalakihang gusali. Nasa Makati ang main office ng kompanya kaya napapalibutan sila ng naglalakihang gusali ng iba't-ibang kompanya. Inalis niya ang tingin sa labas at naglakad papunta sa lagayan niya ng mga alak. Maglalagay na sana siya ng alak sa baso ng may kumatok.

    "Pasok." Sigaw niya at pinagpatuloy ang paglagay ng alak.

    Bumukas ang pinto at iniluwa ang pinsan niya na si Joshua.

    "Yow! May kailangan ka daw sa akin." Naglakad palapit sa kanya si Joshua. Nakita niya ang pagsalubong ng kilay nito.

    "Yes! Nasaan na ang secretary na hinihingi ko."

    "Shilo, bakit ka umiinum ng ganito kaaga?" may himig ng pag-aalala sa boses nito.

    Galit niyang tiningnan ang pinsan at nilampasan ito. Wala siyang oras sa sermon at pag-aalala nito.

    "Nasaan na ang hinihingi kong bagong sekretarya?" muli niyang tanong. Umupo siya sa swivel chair at ipinatong ang kanyang dalawang paa sa mesa habang umiinum.

    Nakita niyang napabuntong hininga si Joshua. "Shilo, hindi ganoon ka dating maghanap ng sekretarya mo. Kahit si Anniza ay hindi nakatagal sa iyo. Dalawang linggo ka palang walang sekretarya pero limang tao na agad ang nagresign."

    Hindi niya pinansin ang litanya ni Joshua. Uminum lang ulit siya. "So, hindi ka nakahanap?"

    Nakita niyang bumuga ng hangin ang pinsan. Mukhang napupuno na ito sa kanya kaso wala itong magawa. "Can't you do your job properly?" may bahid ng pang-iinsulto niyang sabi.

    Nakita niyang umawang ang bibig ni Joshua sa sinabi niya. Tumingin ito sa kanya at parang nagsasabing 'Anong problema ko?'. Ngumisi lang siya at umayos ng upo. Inilapag niya ang baso at kinuha ang brown envelop na naroroon. Iniabot niya iyon kay Joshua. Nagtagpo ang kilay ng pinsan niya pero tinanggap pa rin nito ang iniabot niya.

    "What is this?" Binuksan nito at kinuha ang papel. Nag-isang guhit ang kilay ng pinsan ng mabasa ang nakasulat sa papel.

    "I want her to be my secretary. Hire her for me."

    Umangat ng tingin si Joshua at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Kilala mo ba kung sino ito?"

    Umiling siya at muling napatingin sa panyong nasa mesa niya. "Just hire her."

    "Shilo, hindi ito papayag na maging sekretarya mo. Nakita niya kung paano ka magalit. Siya ang aplikante na tumakbo pagkatapos mong magwala sa opisina ko. She was scared of you."

    Natigilan siya sa sinabi nito. Ow! Siya pala ang babaeng iyon sa opisina ni Joshua ng araw na nalaman niyang kinuha ng kuya niya si Carila. Kaya pala nanginginig ito sa isang sulok ng elevator. Pero bakit lumapit ito sa kanya at binalot pa ng panyo nito ang sugat niya.

    "Wala akong paki-alam. Just hire her. That's final. Gawin mo ang trabaho mo." Muli na niyang hinarap ang mga papeles sa mesa niya.

    Narinig niyang bumuga ng hangin si Joshua. Sigurado siyang inis na inis na sakanya ang pinsan. "You're impossible, Shilo."

    Tumalikod ang pinsan at lumabas ng opisina niya. Tumigil naman siya sa binabasa. Muli siyang napatingin sa panyong nasa mesa niya. Nakaramdam ang puso niya ng kalungkutan sa kaalaman na maaring tanggihan nito ang trabahong inaalok niya.

    TUMUTULONG si Maze sa paglalaba ng tumatakbong lumapit sa kanila ang kapatid niyang si China. Hawak nito ang cellphone niya.

    "Ate Maze, may tawag ka. Mr. Joshua Wang daw ng Mei.. Meili... Basta..." inilahad ni China ang hawak nitong cellphone.

    Nagsalubong ang kilay niya. Tinanggal muna niya ang bula sa kanyang kamay gamit ang suot na damit bago kinuha ang cellphone. Tumayo na din siya para hindi maka-isturbo sa kanyang ina na siyang kasama niya na naglalaba.

    "Magandang umaga po." Bati niya.

    "Good morning. Am I speaking to Ms. Mazelyn Reyes?" tanong ng isang boritong boses.

    "Yes, Sir. Ako na nga po ito. Pwede ko po bang malaman kung sino sila?"

    "I'm  Joshua Wang, HR head of Meili De Hua Group of Companies."

    Nanigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang pangalan ng kompanyang tumatawag. Hindi niya pwedeng makalimutan ang kompanyang iyon dahil sa nakakatakot na karanasan. Ang kompanya na may taong dragon. Napalunok muna siya. Anong kailangan nila sa kanya? Hindi kaya dahil sa ginawa niya sa lalaki? Siguradong mataas ang posisyon ng lalaking iyon dahil nagbanta pa itong tanggalin ang HR head. Kinalma niya muna ang sarili bago muling nagsalita

    "Naalala ko nga po. May kailangan po kayo?"

    "Well, Ms. Reyes. I want to congratulate you. We want to hire you as Execute Secretary of the Vice Precident. You—"

    "Wait lang po sir!" putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Anong sinasabi nitong tanggap na siya? Hindi ba nito naalala na nagback-out siya sa araw ng interview. Hindi niya tinuloy ang pag-aapply sa kompanya kaya paano nangyari na hire siya? Hindi kaya joke lang ito. Is someone tried to prank her?

"Yes, Ms. Reyes. May tanong ka ba?"

    "Sir, nagback-out po ako sa araw ng interview. Hindi po ba hindi na ako tumuloy kaya paano pong tanggap na ako?"

    "Well, Ms. Reyes. Tiningnan naming ang creditials mo at sa tingin ko naman ay nakapasa ka sa standard ng kompanya. Maganda din ang evaluation ng written exam mo. Kaya nakapagdesisyon kami na tanggapin ka."

    Hindi agad siya nakaimik. This is impossible. May ganoon ba talaga? Paano siya nakapasa sa standard ng mga ito gayong wala pa siyang experiences? Kung tutuusin ay siya ang pinakamalabong makapasok ng araw na iyon.

    "Ms. Reyes, are you still there? Are you accepting our offer?"

    "Sir, hindi po ba ito joke?" natanong niya.

    Narinig niyang bahagyang tumawa ang lalaki. "Alam kong hindi ka maniniwala, Ms. Reyes. So come to my office tomorrow at exactly 8o'clock. I give you the list of requirements and also the contract."

    Hindi pa rin siya nakasagot. Kung ganoon ay hindi nga joke iyon. Talagang nakapasok siya sa Meili De Hua Group of Companies. Isa sa malaking kompanya sa Pilipinas. Napakagat siya ng daliri.

    "So, I expect you tomorrow?"

    "Yes, Sir. Pupunta po ako bukas." Masayang sabi niya.

    "Okay. See you tomorrow, Ms. Reyes." Pinatay na nito ang tawag pagkatapos.

    Napangiti naman siya at nilapitan ang ina. Nagtitili siya dito. Halos ipagsigawan niya na sa wakas ay may trabaho na siya. Matutulungan na din niya sa wakas ang ina.

Buong akala niya ay tuloy tuloy na ang swerte niya dahil malaki ang salary offer sa kanya. Sinabi niya nga na okay lang kahit minimum wage lang pero ang sabi ni Sir Joshua ay executive secretary siya ng vice-president kaya talagang mataas ang offer.

    Unang araw niya sa trabaho at hindi siya mapalagay. Ngayon siya ipakilala ni Sir Joshua sa magiging boss niya. Talagang pinaghandaan niya ang araw na iyon. Bumili pa talaga ng bagong damit ang kanyang ina para naman daw na hindi siya maliitin sa bago niyang trabaho. Habang naglalakad sila ni Sir Joshua papunta sa opisina ng Vice President ay hindi niya mapigilan na hindi kabahan. Kagabi pa siya hindi mapalagay. Pinapanalangin niya na sana ay hindi ang lalaking iyon ang magiging boss niya dahil siguradong unang araw palang ay back out na siya.

    "This is the floor of the Vice President." Sabi ni Sir Joshua.

    Tumungo siya. Mabait si Sir Joshua at talagang mapapahanga ka. Ang gwapo din kasi nito. Nalaman niya mula sa sekretarya nitong si Anniza na nakachikahan niya kanina habang hinihintay si Sir Joshua na pinsan pala ito ng CEO ng kompanya. Mayaman din daw si Sir Joshua pero mas pinili nitong magtrabaho doon. 

    Naglakad sila hanggang sa pintuan na may karatulang Vice President. Pinakalma niya ang sarili dahil sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Sobra-sobra ang kaba niya. Kumatok muna si Sir Joshua bago pumasok. Sumunod siya dito.

    Sinalubong siya ng mabangong pabango ng lalaki. Inilibot niya ang paningin. Black and gray ang pintura ng kwarto. Nakatapat sa kanila ang itim na visitor sofa na may coffee table sa gitna. Full glass window ang gilid at kitang kita ang naglalakihang gusali. May mga kabenit doon at may nakapatong na mamahalin na flower base kaso walang nakalagay na kahit anong halaman o bulaklak. May nakasabit din na painting sa isang sulok. Napatingin siya sa kanan at doon niya nakita ang isang mesa na puno ng mga papel. Mukhang busy ang magiging boss niya. Nakita niya na may lalaking nakatayo at nakatalikod sa kanila.

    "Shilo, your new secretary is here. Stop drinking alcohol early in the morning. Hindi iyan kape." May bahid ng inis na sabi ni Sir Joshua.

    "Stop lecturing me, Josh." Sabi nito at humarap sa kanya.

    Napaatras siya ng makita ang mukha ng lalaki. Napa-awang ang kanyang mga labi. Alam niya namumutla siya ng mga sandaling iyon. She is dum. Iyong lalaking ayaw niyang makatagpo doon ay siyang magiging boss niya. Hindi nga talaga siya tatagal dito. Magreresigna na siya mamaya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión