Lyric's POV :
[Flashback]
Dinilat ko ang aking mga mata,inilibot ko ang aking paningin,nasa isang silid ako,pamilyar na sa akin ang lugar na ito.
"Buti nagising kana friend."
Napatingin ako sa nagsalita ang best friend ko pa lang si Roanne.Nakaupo sya sa isang monoblock na kulay puti nasa gawing kaliwa ko sya nakapwesto.
"Ano bang nangyari ?"-tanong ko
" Nag collapsed ka kanina sa band rehearsal nyo,nandito ka ngayon sa clinic."-roanne
Bahagya akong umupo sa kamang kinalalagyan ko.
"Friend kaya mo na ba ?inadvise kasi nung nurse na magpahinga ka muna,in-excuse na din kita sa mga subject teacher natin" -roanne
"Salamat friend,medyo okay na ako.Salamat ha at dinala moko dito sa clinic." -pasasalamat ko sa kaibigan ko
"Hmmp,Hindi ako ang nagdala sayo dito sa clinic."- roanne
" huh ?sino?bandmates ko?"-tanong ko muli
"Parang ganun na rin friend pero hindi talaga sila yung bumuhat sayo papunta dito."-roanne
" So sino nga ?gusto ko magthankyou ng personal?Sino sya roanne ?"-pangungulit ko
"Hmpt,isang fourth year student na lalake"-sagot ni roanne
" Teka,parang kanina nung bago ako mawalan ng malay ,may isang lalake na nakatingin sa akin,may kaputian sya at katangkaran,yun ba yung nagdala sa akin dito ?"-ako
"Oo,sya na nga yun ,sa totoo nga e,nandiyan sya sa labas inaantay ka magising."-roanne
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni roanne,ano bang problema ng lalaking yun ?Oo thankful ako sakanya dahil dinala nya ako sa clinic pero bakit hanggang ngayon nagaantay pa rin sya sa labas ?tanda ko pa nga e bago ko himatayin,tinititigan nya na ako ng bonggang bongga,may utang ba ako sakanya na hindi nabayaran?baka naman stalker ko sya ?o kidnapper ?rapist ?killer? Nako nakakatakot naman .
" Uy friend saglit ah?tatawagin ko lang si kuyang fourth year,sasabihin ko gising kana at hinahanap mo sya."-roanne
Hindi pa man ako nakakapag nakakasagot sa sinasabi ni Roanne e nagmamadali na syang lumabas para tawagin yung lalakeng ewan,bahagya kong inayos ang buhok ko baka mukha na akong bruha matakot pa sakin yung lalake na yun
"Friend,kasama ko na yung lalaking nagdala sayo dito sa clinic."
Dahan dahang pumasok si.roanne sa silid na to muntanga nga si gaga e parang kinikilig na ewan ,o baka Hindi lang nakainom ng gamot nya sa pagiisip.
"Hi."
Isang lalaki ang biglang sumulpot sa pintuan,tama ako.sya nga yung lalaki sa covered court na nakita Kong nakatingin sa akin ng nakakaloka
"Hello.?"- nakangiti Kong sagot
Inilahad nya sa akin ang kanyang kaliwang kamay,nakikipag shake hands yata?iniabot ko naman.agad ang kanang kamay ko.May kakaibang feeling akong naramdaman,napatitig ako sa mukha nitong si kuyang tulala,infairness may hitsura mukhang tanga lang ,titig na titig e para akong lalamunin e
" Tristan Madrid nga pala"- pakilala nya
"Hmmp,Lyrics..Lyrics Silva"-pagpapakilala ko naman.
[End of Flashback]
**Food park
" Malalim ang iniisip?"-roanne
Naglalakad kami ngayon ni Roane,nagtitingin tingin ng pwedeng kainin,grabe mag aalas nuebe na pala ng gabi,hindi pa kami nag didinner.Busy kasi sa band rehearsal.
"Oyy friend,ano bang ganap ?pagod ka lang ba o sadyang lumilipad lang ang isip ?May problema ka ba ?"-roane
" Wala..pagod lang ako."-matamlay Kong sagot
"Sus,yung mga ganyan mong sagot may hugot yan,halika maupo tayo roon,ikwento mo sakin kung ano yan."-Roane
Hinila ako ni Roane papunta sa isang bakanteng lamesa,kahit kelan talaga tong kaibigan ko hindi mabubuhay hanggat Hindi nakakasagap ng chismis.Iisang bituka na kami nitong babaeng ito ,kapag may problema ang isa sa amin naaamoy na ng isa kaya wala talagang panahon para sa mga sikresikreto.Naupo na kami ngayon.
" Anong problema mong babae ka?Lumilipad ang isip mo kanina,kahapon,last week,last month.Hinahantay lang kita magsabi kaso parang naka glue ang dila mo kaya Hindi mo masabi sakin.Kaya Hindi na ako nakatiis nagtanong na ako.Ano ba yun?" -Roane
"Nagiguilty kasi ako,feeling ko ako na ang pinaka masamang babae sa buong mundo."- naiinis Kong sagot
" Kanino?Tungkol na naman ba ito Kay Tristan?" -Roane
"Oo,pinaaasa ko pa rin kasi sya.Dapat noon ko pa ito tinapos noong nagkita kami sa isang coffee shop." -napayuko ako sa lamesa
"Bakit nga ba hindi mo nagawa yun?ano bang katangahan at nagwalk out ka sa harap nya?May boyfriend kana diba?dapat nung nagkita kayo,kinausap mo sya about sa kasunduan niyo noong high school.Nagmumukha tuloy na paasa ka." -roane
"Hindi ko kaya..Hindi ko kayang sabihin sakanya yun,natatakot ako sa magiging reaksyon nya,mabait sa akin si Tristan at alam kong minahal talaga nya ako,kaya Hindi ko kayang saktan sya."-nakayuko pa rin ako.
" Gurl!iremind lang kita ha,SINAKTAN MO NA SI TRISTAN SIMULA NUNG HUMINGI KA SAKANYA NG PITONG TAONG NA SPACE!!"-roane
Napatingin ako sa kaibigan ko.Tama sya nasaktan at sinaktan ko na si Tristan ng sobra.
"Saka friend bakit ka matatakot na sabihin sakanya na tapusin nyo na yung kasunduan nyo para wala nang masaktan at maka pag move on na kayo pareho ?May reason ka pa ba na iba ?Mahal mo pa rin ba si Tristan at tulad nya Nakahawak ka pa rin sa pangako nyo sa isat isa ?"-roane
Sa pagkakataong ito hindi ako nakasagot,Hindi ko alam kung tama ba yung mga sinabi ni Roane.Sa totoo lang may point ang kaibigan ko.Umaasa pa rin ako sa pangako namin ng ex boyfriend ko,pero hindi ko alam kung kaya ko pa itong panindigan.
Sa pagkakataong ito,tumayo si Roane para mag order ng kakainin namin hindi nya ako sinama dahil marahil nararamdaman nyang hindi ako okay.
Lumipas ang oras umuwi na kami ni Roane sa tinutuluyan naming condo.Dumiretso sa CR ang best friend ko,sumakit ang tyan paano ba naman kasi nakadami ng kinain puro gata ba naman ang inorder.
Pumasok na ako sa kwarto ko,there's no place like home talaga.
Apat na taon na rin kaming nakatira dito ni Roane after high school nag paka independent na kaming dalawa,first year college lang ang natapos namin,tapos nagbanda banda na.Pakanta kanta lang ako,ito naman kasi ang first love ko,kaya ito na lang ang pinagkakitaan ko.Nakaka ipon naman ako at nakakapag bigay ng pang gastos sa magulang ko kaya imbes na mag aral ako ulit mas ginusto ko nang magtrabaho,nageenjoy na ako nagkakapera pa.Minsan sumasali rin ako sa mga song writing contest,pero hindi pa rin ako nakakatikim ng panalo sa kahit anong kantang ginawa ko,Ewan ko ba mailap sakin ang swerte.
Medyo napapa pikit na ang mga mata ko ng mag vibrate ang cellphone ko may nag text yata sa akin.Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.
[1message||Ram]
Tinignan ko lamang ang text sa akin ni Ram,Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ,hindi naman kami magka away pero pagod lang talaga ako.Boyfriend ko Si Ram for four years na rin siguro,sya ang naging shoulder to cry on ko nung mga panahong nagka problema kami ni Tristan until nung nagkahiwalay kami,na fall ako sakanya dahil tulad ng ex boyfriend ko mabait at mahal nya ako pero hindi nya alam ang tungkol sa pangako na pinanghahawAkan ko tungkol kay Tristan.
Umaga na nang magising ako,naamoy ko na rin ang nilulutong almusal ni Roane,ang sakit ng ulo at katawan ko ,wala akong sakit pero tinatamad ako.
Tok!tok!tok!
"Friend gising na,ready na ang almusal,tumayo kana diyan habang mainit pa ang kape at pandesal."
Hindi ako sumagot pero pinilit ko nang itayo ang sarili ko,bawal ang tatamad tamad para sa ekonomiya!
"MAGANDANG UMAGA PILIPINAS!!!"
-Sigaw ko
Hindi pa ako nag hihilamos o nagmumumog nang dumiretso na ako sa lamesa,umupo at humigop ng mainit na kape.
"Hmmp ..sarap"-ako
" Oyy babaita?Hindi ka man lang nagpalit ng damit mo bago matulog?"-roane
Tinignan ko ang aking suot,totoo nga nalimot ko magpalit.
"Antok na antok na kasi ko kagabi.Ang sarap ng sinangag mo ah."-katwiran ko Sabay tikim ng luto ni Roane
" Talaga ba ? E bakit pati text at tawag ni Ram hindi mo sinasagot?ako kinukulit e."-roan
"Itetext ko na lang sya mamaya,After natin mag breakfast."- sagot ko
" Lyrics Charlotte Silva,lokohin mo na ang lAhat wag lang ako,Alam kong apektado ka sa muli ninyong pagkikita ni Tristan,mas nabuhay yung thinking mo na matutupad pa yung pangako nya sayo."-roane
"Gaga,Hindi."-tAnggi ko
" Ako pa ang gaga?e anong tawag mo sa paghingi mo nang pitong taong space sa ex boyfriend mo na nakita mo lang ulit nagpapaka gaga kana naman pati si current boyfie mo sinasantabi mo kakapantasya na matutupad pa yung mga pangako ni ex sayo!kaloka!"-roane
Hindi ako umimik sa mga dialogue nitong si Roane,Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganito,nangyari lang naman ito simula noong nagkita kami ni Tristan last year.Sa totoo lang masaya ako na nagkita kami ulit,hindi pinlano,biglaan lang talaga.Nagkasundo rin kasi kami noon na iiwasan naming puntahan ang mga lugar na maari kaming magkita,para mabilis kaming maka move on dalawa.For three years after we broke up,Hindi talaga nabigyan ng chance na mangyari yon,kaya noong aksidenteng magkita kami ulit,naramdaman kong namiss ko sya ng sobra.
[Flashback|2015]
"Lyrics!!"
Ang boses na yun,pamilyar sa akin,nakaharap ako ngayon sa dati kong schoolmate na si Leandra.Hindi ako pupwedeng magkamali sa narinig ko.Boses ito ni..Hindi na ako nag patumpik tumpik pa agad Kong nilingon ang taong nagsalita sa aking likuran,at hindi nga ako nagkamali.
"Tristan?"-bulong ko sa aking sarili.
Sa mga sandaling ito,may kung anong bagay ang biglang nagbalik sa akin,ito marahil yung piraso ng puzzle na matagal nawala at muling nagbalik,muli akong nakumpleto.
Pinagmamasdan ko maigi ang kabuuan ng taong kaharap ko ng. taong nasaktan ko at patuloy na sinasaktan.Wala pa rin nagbabago sakanya,sya pa rin ang Tristan na minahal ko noon.Hindi ko mapigilan ang aking mata sa pag luha.Tears of joy,kaba,takot,alinlangan ang nagiging dahilan ng pag luha ko,pwede bang huwag nang matapos ang oras na ito,maari bang maging permanente na lang ang sandaling ito?.
Nababalot ng katahimikan ang lugar na ito ngayon,pero rinig na rinig ng puso ko ang sigaw ng damdaming nais ipag sigawan ng taong nasa harap ko ngayon.
Gusto ko syang lapitan at yakapin ng mahigpit pero hindi,Hindi na maari pa.
Napansin ko ang marahang paglapit ni Tristan sa akin,pero bago pa man sya tuluyang makalapit.
" I'm sorry,I can't."
Habang sinasabi ko yan ay patuloy na tumutulo ang aking mga luha,naguunahan,ayaw papigil.
"Bakit?" -nagtatakang tanong ni tristan sa akin
Hindi na ako sumagot pa at patakbong lumabas ng coffee shop na ito,Hindi ko na nasagot ang tanong ni Tristan.
Patuloy akong tumatakbo,hindi ko na pinapansin ang mga nasasalubong ko kahit pa nabubungo ko sila.Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil na rin sa walang tigil na pag iyak.Hanggang sa makarating ako sa isang parking lot.Napaupo ako,sa sahig,nanghihina at gulong gulo.
Patawarin moko Tristan gustuhin ko mang yakapin ka at lapitan,Hindi ko kaya,ayoko nang paasahin ka dahil kahit gustuhin ko mang mahalin ka muli ,huli na ..Hindi na pwede dahil pagmamay ari na ako ng iba.
[End of flashback ]
"Ano friend?Nagpatimpla ka ng kape para palamigin?Tulala pa more!TSS!Asa pa!matatampal na kita e" -roane
Ininom ko ng diretso ang kapeng malamig,simot.Nairita nga ako e dahil hindi na mainit pero mas nakaka irita tong sarili ko,bakit ba affected ako masyado kay Tristan ?matagal na kaming tapos.
"Oyy babae,may gig pala tayo mamaya,mag ready ka,magpahinga ka para mamayang gabi naka kondisyon yang boses mo.Okay?"-roanne
" Saan ba ?ayoko munang mag gig sa malalayong venue,wala ako sa mood."-pagtanggi ko
"Ang arte naman talaga oh,huwag kang mag alala sa Fairview lang naman na Bar yun kaya malapit lang."-roane
" Sige."-sagot ko
Pagkatapos namin mag almusal,hinugasan ko lang ang pinagkainan namin ni roane,taga hugas talaga ako ng plato sya kasi ang taga luto.Mabilis kong natapos ang paghuhugas ,iilan lang naman kasi.Agad naman akong pumunta sa kwarto ko para matulog muli,mamayang 5pm na ako maglalunch para busog na sa gig mamaya.
.
.
.
Kasalukuyan akong papasok sa entrance ng isang bar dito sa Fairview,medyo late nga ako e traffic kasi sa dinaanan ko ,wala na talagang lugar sa pilipinas na Hindi traffic.
"Friend!!!!"-roane
Patakbo akong nilapitan ni Roane pakaingay ng bunganga nalunok ba neto yung isa sa mic na gamit namin?
" O?problema mo ?Bakit mo nga pala ako iniwan sa condo kanina?selfish lang ?ayaw magpasabay sa Grab?grabe ."-pang kokonsensya ko Kay roane
"Wow??3:30 pa lang ginigising na kita ikaw tong tulog na tulog with matching hilik pa,haha.Mag drama ka pa kasi friend para lagi kang mapuyat haha"-roan
" Hay nako,anyways isang set lang ako kakanta tapos the rest ikaw na ,wala ako sa mood talaga."-sagot ko
"Oo na ,nga pala ininvite ko si Ram,panunuorin nya raw tayo ,ayieee,yung pag ibig nya nandito mamaya,babae na naman sya haha."
Inirapan ko na lang tong babaeng bwiset na ito.Iniwan ko na rin sya.Pumunta ako sa maliit na stage ng bar na to iniready ko ang mga gagamitin ko,isang papel ang inilagay ko sa song book stand.Nag mic test na rin ako at nasa kondisyon naman ito.Pagkatapos non ,pinuntahan ko ang in house band ng bar na ito,sinabi ko sakanila ang kantang kakantahin ko at konting kapa kapa lang nakuha na nila agad ang tono ng aawitin ko,bale isang kanta ng iniidolo kong singer ang kakantahin ko ngayon.Mabilis lumipas ang oras,mag uumpisa na ang unang set.Ako ang unang kakanta at si Roanne na sa mga susunod.Sya na bale ang sasalang sa parequest na kanta ng mga guest dito.
Nagpunta na ako muli sa stage.Inumpisahan ko sa isang senting welcome greetings ang show.
"Magandang gabi sainyong lahat,may maganda ba sa inyong mga gabi?alam ko yung iba diyan may mga hugot.Tama diba ?"-pang aaliw ko sakanila
Sa pagkakataong ito ,mas nabuhay ang audience ko nandiyan yung may naghiyawan,nag taas ng mga kamay ng masabi ko ang salitang " hugot",may mga nakita pa akong napa shot ng inuming alak.Marami talagang sawi sa pagibig.
"Mukhang ito ang gabi ng mga sawi.Nawalan ba kayo ng mga mahal sa buhay?iniwan ba kayo ng mga boyfriend/girlfriend ninyo?Umasa?pinaasa?na rin ba kayo?Humahawak pa rin ba kayo sa pangakong napapako?Isa rin ba Kayo sa mga taong nagpapakatanga sa maling pagibig at mapagpanggap na pagmamahal?Kung isa ka diyan kuya o ate ,saktong sakto sayo,sa akin,sakanya at sakanila ang kantang aawitin ko."
Ipinikit ko na ang aking mata,nagsimula na rin tumugtog ang banda.
Inumpisan ko nang umawit.
Oh I know
I watched you walked away
Everything we had
Was dead and gone,
I've waited for so long
You know that your the only one
I wanted
Its too late and I was wrong instead
I want to be back in your arms
I walk a thousand miles apart
Just to be right there
By your side for you I'll fight and
Catch a falling star.
Wishing I'm the one for you and you for me then suddenly it all just disappeard when you said goodbye.
Habang kinakanta ko ito,Hindi ko mapigilang maiyak,isang tao kasi ang naaalala ko.Isang taong nasaktan ko.
Hindi ko maamin sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo Tristan ,Mahal pa nga ba kita o sadyang nakokonsensya lang talaga ako sa nagawa ko sayo?
My heart goes with you all along
Now I'm asking myself
Why did I let you go..
All our dreams are shattered like a broken glass I see the skies are blue
You promise me you'll never leave me hear.
Bakit ba ako nagkakaganito!Lyrics hindi ka pupwedeng makaramdam ng kung ano kay Tristan hindi porket nagkita kayo ulit e may pag asa nang maibalik ang kung anong meron kayo noon,tandaan mo ikaw ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay.Konsensya mo lang ang umuusig sayo,naawa ka lang sakanya dahil sinaktan mo sya.Gumising ka sa katotohanang committed kana sa iba.Pag aari na ni Ram ang puso mo.
I thought it'd be easy to forget
I remember all the words you said
Its hard to breath now I'm alone
I've been thinking of you please come back and stay...
Natapos na akong umawit,bahagya Kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata,nakita ko rin na umakyat na nang stage si Roane hudyat na maguumpisa na ang portion nya kung saan maaaring mag request ang audience ng kakantahin ni Roane pero kung tinatamad sya mismong ang nagrequest ang paaakyatin nya ng stage at pakAkantahin ito.Pababa na ako ng stage at sa pagkakataong ito narealize ko na ,Nagsisinungaling ako sa sarili ko.
"Relate ba ang lahat sa kinanta ni Lyrics?haha dami nyong sawi!Haha so guys,palungkutin pa natin ang gabing to,sino sino pa ang mga may sakit sa puso diyan?Tara dito sa stage request mo na song ,ikaw na mismo ang kumanta para hugot na hugot"-roane
Nag umpisa na si roane sa pa gimik nya ako naman nandito na sa backstage,umupo ako sa isang monoblack chair na nandito.Magpapahinga lang ako saglit at uuwi na rin ako,masama talaga ang pakiramdam ko.
"Kuyang naka puting T-shirt !Tara dito sa stage at kantahin mo na yung request mong kanta"-roane
Akma na akong tatayo para umuwi na ng marinig ko ang isang boses
" Anong pangalan mo kuya?"-roane
"Trishtann poh"
"Ti-tristan?"-roane
" magrerequesh shana ako sayo ng kanta para sha ex girlfriend ko na haha iniwan ako"
"Lasing si kuya,pero sige pagbigyan na natin para maka hinga naman sya ng konti mukhang matindi ang pinagdadaanan nito "-roane
Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko.
Coincidence lang ba ito? yung pangalan at yung boses ng kausap ni roane ay Kay ...
Narinig Kong tumugtog ang banda.
Nagumpisa na rin umawit ang lalaking kanina'y kausap lamang ni roane nang biglang.
" lyrics !"-roane
Agad kong nilingon si roane.Tumutulo na naman ang aking luha.Hindi ko Alam kung bakit.
"Si Tristan."-roane
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni roane agad kong sinilip ang lalaki na kasalukuyang kumakanta at nasa stage.Hindi ako nagkamali,ang lalaking yon ay si Tristan.Hindi mapigil ang pagtulo ng aking luha sa naririnig Kong kanta,sa nangyayari ngayon,sa gustong ipahiwatig ni Tristan at sa nakikita Kong kalagayan nya.Ako ang may kasalanan nito.I'm sorry Tristan.
[End of lyrics POV ]