Descargar la aplicación
18.51% Broken Promises / Chapter 5: Chapter 4

Capítulo 5: Chapter 4

Lyric's POV :

Kasalukuyan akong nasa stage,ito ang araw na mageensayo ako kasama ang in house band ng school,Ako ang napili ng school admins para kumanta sa foundation day sa susunod na linggo.

Hilig ko ang pagkanta kaya noong inialok nila akong magperform para sa program next week,Hindi na ako nag dalawang isip pa,pumayag na ako kaagad,original composition ko ang aking napiling awitin.May isang linggo na kaming nageensayo,medyo Hindi nga maganda ang pakiramdam ko,bukod kasi sa pag eensayo para sa school program,tadtad rin ng exams ang kinahaharap ko at iba pang estudyante rito.Wala akong tulog ng dahil sa pagrereview, pre finals na kasi,ayokong bumaba ang mga makukuha kong grades,sayang naman kung mawawala ako sa top 10 ng klase namin.

Iwinisyo ko na ang hawak Kong gitara,dinadama ko na ang tamang emosyon para sa aawitin ko,kailangan ramdam ko ang mensahe ng kanta para maipadama ko rin sa nanunuod ang nais iparating ng aking inaawit.

Pinikit ko ang aking mata,sinenyasan ko rin ng aking kamay ang bandang nasa aking likuran senyales na kami'y maguumpisa na.

Nagsimula na ang kanilang pagtugtog,kinalabit ko na ang aking gitara,tamang tama na ang emosyon na aking nadarama para sa aawitin ko,ninais ko pa rin na pumikit ,mas komportable ako kapag ganito ang istilo ko sa pag awit ,pero iba ang pakiramdam ko ,kahit nakapikit ako parang umiikot ang paligid ko,ang lamig ng pakiramdam ko,pero kaya ko ito.

Nag umpisa na ako sa pag kanta "Somewhere along those wild endless roads....."

Habang kumakanta ako,may isa pa akong napansin,nakakaramdam ako ng ,alam nyo yung parang may nakatingin sayo,Oo nasa covered court ako at may mga tao dito ,mga estudyanteng nag pi p.e,mga gurong nagkukwentuhan ,mga parents na marahil na may appointment sa mga class adviser ,na maaaring mabaling ang atensyon sa akin at sa banda .Pero parang kakaiba to,nawawala ng bahagya ang focus ko sa pagkanta,alam ko ,may isang taong nakatitig sakin,iba sa pakiramdam,puno ng emosyon ang nararamdaman ko sa sinomang nilalang nato ang naka tingin sa akin.

Dala lang ba ito ng sama ng pakiramdam ko ?guni guni ko lang ba ito ?bahala na,ididilat ko na lang ang mga mata ko para makita ko.

Dahan dahan Kong minulat ang aking mata..

.

.

.

.

.

.

Isang lalaki ang nakatayo sa pinaka gitna ng covered court na ito .Halos magkatapat kami,bahagya syang lumingon sa kanyang likuran,iniisip nya marahil kung sakanya ba naka baling ang atensyon ko o sa mga estudyante na nasa likuran nya?

Kilala ko ba ang lalaki na ito?bakit sobra naman ata sya makatitig sa akin,ramdam na ramdam ko ang presensya nya kahit nakapikit ako.

Sino ba sya ?...

Bumaling muli ang atensyon niya sa akin,nasa huling mga bahagi na rin ako ng aking inaawit,Hindi na ako pumikit,bigla akong nagka interes sa lalaking nasa harapan ko.Pamilyar ang mukha nya sa akin,nakikita ko sya dito sa school,kapag papasok ako palabas naman sya ng gate,bakit kaya iba ang pakiramdam ko sa taong ito.

Hindi pa man ako natatapos sa pagkanta ng makaramdam ako ng pagkahilo,gumagalaw ang paligid ko,yung lalaki sa harapan ko,ngingitian ba nya ako ?bakit parang di ko maaninag ang mukha nya ...

Teka.

Nabitawan ko ang hawak ko mic,anong nangyayare?

Bakit gumagalaw ang paligid ?

"Lyrics?ayos ka lang ba ?"

Boses yun ng kabanda ko ah ?

Nasan na ang tugtog ?

Bakit kayo huminto ?

Hindi pa ako tapos Kumanta...

"Miss?"

Isang Boses.....

At biglang....

.

.

.

.

.

.

.

.

Blaaag

(End of lyrics POV )


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión