Descargar la aplicación
100% Antitoxicated (항독소) / Chapter 19: 십구: Threatening Fate

Capítulo 19: 십구: Threatening Fate

[십구: Threatening Fate]

-- CHOI DAE HEE--

"Wala ka pa ba talagang ibang nakikita na pumapasok sa silid ko na mukhang misteryoso?" Tanong sa'kin ng empress. Halatang hanggang ngayon ay takot na takot siya sa anak niyang Crown Princess na inakala niyang patay na. 

Umamin na kaya ako sa kanya?

 Hindi. Hindi pa dapat. Mas natutuwa akong makita siyang takot na takot at walang kaalam-alam sa mga mangyayari.

"Wala pa po, hwanghu-mama," Sagot ko. "Kung sakali man po na may makita akong kahina-hinala, agad ko po itong sasabihin sa inyo."

"Kamsahamnida." Tanging sagot niya sa'kin. Tsk, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magpasalamat.

"Makakaalis ka n--

"Jamkanman, hwanghu,"

*Translation: For a moment, Your Majesty*

"Mwo?"

*Translation: What?*

"Maaari ko po bang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng mahal ng prinsesa?" Maaaring hindi niya ako sagutin sa itinatanong ko ngunit paraan ko lamang ito ng pakikipaglaro sa kanya. 

"B-Bakit mo naman kailangang itanong pa?" Nagtatakang sabi niya.

"Sumagi lamang po ito sa aking isip." Sagot ko.

Napatawa siya ng kaunti, "Mianhajiman bimil-iya, beobjeong leidi." Saad niya. "Kagaya ng takip mo sa mukha, ganoon din ang tungkol sa bagay na iyon."

*Translation: Sorry but it is a secret, court lady.*

"A-Ano pong ibig ninyong sabihin?" Sandali, nakahahalata na ba ang emperatris?

"Hindi ba't hindi mo gustong ipakita ang iyong mukha? Bakit? Dahil ito ay isang sikreto, hindi ba?" Mahahalata mo sa kanyang sarkastiko ang mga isinasagot niya. Hindi ko maiwasang mag-alala na baka alam niya na ang aking sikreto.

"O-Opo," Kabado kong sagot. "N-Ngunit kaya ko po itinatago ang aking mukha ay bunsod ng nangyari sa akin noon. Naging biktima po ako ng sunog sa dati kong tinitirhan."

"Ganoon ba? Sige, naiintindihan ko." Halatang sarkastiko pa rin ang salita niya. "Pero kaya mo ba? Eogul bogo juseyo?"

*Translation: Can you show me your face?*

"W-Wae?" Nag-aalangang tanong ko.

"Waehago sipji anhi?"

*Translation: Why don't you want to do it?*

"P-Po?" Hindi ko naiintindihan kung bakit gusto niyang ipakita ko ang aking mukha. May alam na ba siya sa mga totoong nangyari?

"Mukhang nahihiya kang ipakita ito," Sabi niya na lang. "Maaari ka na muling umalis."

Pagkasabi niya niyon, agad rin akong lumabas sa kanyang silid.

Huwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan ko. Hindi pa nila pwedeng malaman ang aking sikreto. Hindi pa nila dapat matuklasan ang katauhan sa likod ng maytakip kong mukha.

Habang naglalakad ako..

"Ah!" Nagulat ako nang bumangga ako sa isang lalaki. Sandali..

"Beobjeong leidi, gwaennchanhayo?"

*Translation: Court lady, are you alright?*

S-Si Woo Chan.

Sa di ko malamang dahilan ay mas napatitig pa siya sa'kin. 

At natanto kong...

Halos matanggal na ang balot ko sa mukha.

Agad ko itong iniayos at tumayo.

"Nae, Wangja-mama." 

*Translation: Yes, Your Highness.*

Tumakbo na ako papunta sa aking silid. Kung malalaman na nila ang aking tinatago, masisira na rin ang pag-asa ko upang mabawi ang anak ko at makapaghiganti sa kanila. 

Ngunit hindi maaari

Hangga't hindi pa umaabot sa puntong iyon, hindi ako magsasawang gumawa ng paraan. Kailangan nilang pagbayaran ang lahat ng ginawa nila sa akin, sa aking anak at kay Si Kyung. 

-- LEE WOO CHAN --

Pumasok ako sa silid ng emperatris. 

"Hwanghu-mama." Bati ko sa kanya sabay yuko. "Iwan muna ninyo kami." Saad ko sa mga court lady at lumabas muna sila.

"Yeogi-en waen-irieyo?"

*Translation: What brings you here?*

"Sa tingin ko ay hindi maganda ang lugar na ito upang tayo ay magkausap," Saad ko. "Nais mo bang lumabas at mag-usap roon sa harap ng lawa?"

Sumunod naman siya sa'kin..

"Ano bang nais mong sabihin at dito pa talaga tayo nag-usap?" Nagtatakang tanong niya. "Kung tutuusin, mas ligtas pa kung doon tayo sa aking silid."

"Marami tayong pag-uusapan, yeobo." Ngumiti ako sa kanya.

 "Napag-alaman ko na ang Kim Clan kung saan nagmumula ang mapapangasawa ni Dong Min ay may masamang balak sa kaharian." Dagdag ko

Halatang naguluhan siya sa aking sinabi. "A-Anong ibig mong sabihin?" Napalunok siya nang mapagtanto kung ano nga ba ang kanilang balak. "Nais nilang mapasakamay nila ang ating kaharian at pamunuan ang buong Joseon?"

"Tama ka. Iyon ang nais nila. Ang pakikipagkasundo nila sa atin ay isa lamang sa mga hakbang upang mapalapit sila sa ating trono."

"Kung ganoon, itigil na natin ang kasalang ito!" Aalis na sana siya nang pigilan ko siya. 

"Anong gagawin mo?"

"Palalayasin ko na sila dito at iaanunsiyo ko na wala nang kasalang magaganap!" Pinigilan ko siyang muli. "Bakit mo ba ako pinipigilan!?"

"At bakit hindi kita pipigilan?" Sambit ko na lalong ipinagtaka niya. "Hindi ka ba nag-iisip? Hindi ba sumasagi sa iyong isip na maaari nating gamitin ang lahing iyon?"

"A-Ano bang sinasabi mo diyan?" 

"Gagamitin natin ang kanilang ambisyon upang sa atin mapunta ang trono. Sa tingin mo, ayos ba ang aking plano?" Tinanong ko siya ngunit halata sa kaniya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Kahit wala sila ay magagawa natin ang bagay na iyon. Hindi natin sila kailangan!" Bulyaw niya. Ang hirap sa kaniya ay mas inuuna niya ang kanyang emosyon kaysa sa pag-iisip ng planong mas makabubuti.

"Alam ko. Ngunit hindi ba't magiging mas madali kung gagamitin natin ang mga taong sadyang tuso upang makuha ang mga ninanais natin?" Saad ko. Mas madali ang paraang iyon kumpara kung magpapanggap pa kaming kakampi ng mga tunay naming kalaban. 

"Nasisiguro mo bang magiging matagumpay at hindi palpak ang plano mong iyan?"

"Magtiwala ka, Yeobo. Magiging matagumpay ang lahat ng ating magiging plano, maghintay ka lamang." Alam kong hindi siya nasiyahan ng lubos sa aking sinabing plano. 

"Ano pa ang gusto mong sabihin dito sa akin ngayon?" Tanong pa niyang muli

"Nais ko lamang sabihin sa iyo na ingatan mo ang lahat ng kilos at galaw mo," Tila lalo siyang kinabahan sa aking babala. "Lalo na't ang iyong silid ay isa na ngayong mapanganib na lugar."

"A-Ano bang sinasabi mo riyan?"

"Hindi mo alam?" Diretshanang tanong ko at napayuko siya. "Hindi ba't dinadalaw ka ni Ri Hwan?"

Lalo pang nanlaki ang mga mata niya sa inilahad ko, "P-Paano mo nalaman ang tungkol kay Ri Hwan?"

"Wala ka namang maitatago sa akin. Bakit? Balak mo pa bang ilihim sa akin ang  mga binabalak ng babaeng iyon?"

"Hindi ba't inilihim mo rin naman na hindi mo talaga siya tuluyang napatay noon?"

"Dahil hindi naman siya dapat talagang mamatay."

"A-Ano!?"

"Higit pa roon ang dapat niyang maranasan dahil isa siyang malaking hadlang sa kapangyarihan," Kinuyom ko ang aking palad. "At mukhang ngayon, balak niya muling sirain ang ating mga plano. Handa pa talaga niyang itago ang kanyang katauhan upang pailalim na makaganti sa ating dalawa."

Bigla naman niya akong hinawakan ng mahigpit, "S-Sandali, may alam ka ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo ba kung sino at kung nasaan si Ri Hwan dito sa palasyo!?"

"Oo."

"Sino? Sabihin mo!" Galit niyang bulyaw kaya pinatahimik ko siya.

"Hinaan mo ang boses mo at may makakarinig sa iyo!"

"Paano ko gagawin yun kung al--

"Paano ko rin sasabihin sa iyo kung may mga nakamasid sa atin?"

Napatahimik siya sinabi ko at nilibot ang kanyang paningin sa paligid. Mahirap kasi kung padalos-dalos kang kikilos. Kagaya na lamang ng aming mga kaaway, kumikilos sila at sinasabing lalaban ngunit hindi naman sila nag-iisip.

"Huh?"

"Mag-iingat ka sa lahat ng iyong gagawin at sasabihin, yeobo. Maari ka nilang mahuli sa anumang oras. Maaari ka ring maisahan ni Ri Hwan." Sabi ko at tuluyan nang umalis. 

Kailangang siya ang maka-diskubre na ang court lady na iyon ang kinatatakutan niyang balakid sa trono niya.

-- SONG HAE RA --

Nasaan na ba kasi si Seo Jeong? Halos buong araw ko na siyang hindi nakikita. Hays. Makalabas nga muna.

Kanina pa 'ko nanabik sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa siya dito. Nasaan na ba kasi yun?

Dahil sa tagal niya, nagdesisyon akong lumibot-libot muna.

Habang naglakakad ako..

S-Sandali, ano yun?

May narinig akong bumagsak. Kahit animo'y normal lamang iyon ay nakaramdam pa rin ako ng takot. 

Lalong lumakas ang yabag ng taong iyon at alam kong papalapit siya sa akin. 

"S-Sino ka?"

Nararamdaman ko na ang presensya niya..

"M-Magsalita ka. S-Sabihin mo kung sino ka!"

Dahil narito kami sa may hardin, nakadampot ako ng pala. Hindi niya 'ko magagawang saktan!

Nararamdaman kong hahawakan niya na 'ko kaya

"AAAHH!" pinalo ko sa kanya yung pala.

Pero..

"Seo Jeong!?" Gulat na sigaw ko. Paano nangyari--

"Hae Ra naman eh, masakit yun ah!" Sabi niya habang hawak ang kanyang ulo at namimilipit sa sakit.

"A-Ano ba naman kasing ginagawa mo!?" Bulyaw kong muli sa kanya. Napagkamalan ko pa tuloy siyang espiya.

"Sinusundan lang naman kita.."

"Kung makakilos ka kasi, para kang espiya! Natamaan ka tuloy ng pala, tsk!" Inis muling sabi ko. Tinulungan ko naman siyang tumayo, "Halika na nga sa loob at gagamutin ko ang sugat mo."

"Ikaw, Hae Ra ah. Namumuro ka na. Noon, pinagkamalan mo akong nananamantala, ngayon naman espiya ng kaaway." Oo nga, lagi ko na lang siyang nasasaktan ng hindi sadya. Nakakalungkot rin yun kung iisipin. 

"Kasalanan mo yun kasi hindi ka nag-iingat," Pabirong sagot ko sa kanya. "Lagi ka tuloy napagbibintangan sa hindi mo kasalanan."

"Kasalanan ko pa talaga ah?"

"Oo!" Inirapan ko siya. "Kaya mangako ka sa'kin.."

"Na ano?"

"Na lagi mo nang iingatan ang sarili mo, hindi mo na hahayaang talunin ka ng masasamang tao, ano pa man ang mangyari." saad ko at napangiti siya.

"Nangangako ako," Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Ngunit mangako ka rin na kagaya ng ginawa mo kanina, nandito man ako o wala sa tabi mo, ipagtatanggol mo ang sarili mo sa kahit sinong mananakit sa'yo"

"Pinapangako ko rin 'yan." Niyakap ko siya. 

"Sige na, kamahalan. Pumasok na nga tayo sa loob." Ano? Kamahalan?

"Sandali nga, ba't kamahalan pa rin ang tawag mo sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi na ako isang prinsesa. Ako'y isa na lamang pangkaraniwang mamamayan."

"Ikaw pa rin naman ang prinsesa ko, walang makakapagpabago roon. Gagawin ko ang lahat upang makapagsilbi lamang sa iyo." Ngumiti siya sa'kin, isang napakatamis na ngiti ang kaniyang binigay.

"Ano? Kinikilig ka naman sa mga sinabi ko?"

K-Kinikilig?

"Kinikilig? Ano ang salitang iyon?" Hindi ko maintindihan ang ilan sa kanyang mga sinasabi.

"Ahh, ano yun. Isang salitang nagpapahiwatig na natutuwa ka sa sinasabi ng kausap mo, yun bang nasisiyahan ka." Pagpapaliwanag niya. Natatawa ako dahil mukhang nahihirapan pa siya upang sabihin sa akin ang ibig sabihin ng salitang iyon. 

"Pumasok na tay--

"Basta, Hae Ra," Bigla niya muli akong hinila.

"Ano ba? Pumasok na nga tayo."

"Hindi kita kayang mawala sa'kin kaya mangako ka na hindi mo pababayaan ang sarili mo."

"Hindi ba't sinabi ko na 'yan kanina?" 

"Oo. Pero mangako ka ulit." Ang kulit niya

"Hindi na ako mangangako, Seo Jeong." Sabi ko at nalungkot siya. "Pero gagawin ko na lang. Wala namang silbi ang isang pangako kung ito ay mapapako bilang isang salita lang."

"Sabagay, tama ka. Mahal kita, Song Hae Ra."

"Mahal din kita, Han Seo Jeong." Nagyakap kaming dalawa at saka pumasok na.

-- THIRD PERSON'S POV --

"Ipatawag mo na sina Prinsepe Ryeong at si Han Seo Na." Utos ng nakaupong emperor sa isang eunuch.

Sumunod naman ang eunuch at sinundo ang dalawang pinabalik sa palasyo.

"Bakit kasi kailangan mo pang pabalikin dito si Seo Na, kamahalan?" Saad ng empress sa emperor dahil hindi nito matanggap ang desisyon ng hari.

"May kailangan ako mula sa kanya." Diretyong sagot ng emperador

"Ngunit--

Magsasalita pa sana ang empress nang biglang pumasok ang dalawang ipinatawag ng emperor. Yumuko naman ang dalawang ito sa kanya. 

"Annyeonghaseyo, Abeoji." Pagbati ni Ryeong sa kanyang ama.

"Annyeonghaseyo, Pyeha." Yumuko muli si Seo Na nang mabati ang emperor.

*Translation: Greetings to you, Your Majesty.*

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," Nagsalita agad ang emperador. "Nais kong sabihin na dito na muli kayo tumira. Ikaw Ryeong ay babalik na sa iyong posisyon at ikaw, Seo Na, kailangan mo akong tulungan sa isang misyon."

"Misyon?" Kabadong tanong si Seo Na.

"Ab--

Magsasalita sana ang prinsepeng si Ryeong ngunit sumingit agad sa usapan ang emperatris.

"Ngunit, Seo Na. Huwag kang umasa na babalik ka sa iyong buhay bilang isang noblelady," Sambit ng empress na ikinagulat ng dalawa. "Ang pagtira mong muli rito sa palasyo ay kapalit ng pagiging court lady mo."

"P-Po? Court lady?" Gulat na sabi ni Seo Na.

"Eomeoni! Ano bang sinasabi niyo?" Inis na sigaw ni Ryeong sa kanyang ina. Hindi niya gustong mahirapan si Seo Na sa muling pagtira nito sa palasyo.

"Hindi ba tama namang pagsilbihan niya tayo kapalit ng tirahang ibibigay natin sa kanya?" Sgaot muli ng empress

"Si Seo Na ang gagawa ng pabor na hinihingi ng emperor. Hindi pa ba sapat iyon? Sigurado akong pahihirapan niyo lang siya!" Sigaw ni Ryeong ngunit pinigilan siya ni Seo Na

"S-Sige po, papayag ako, kamahalan. Maraming salamat po sa muling pagpapatira ninyo dito sa akin." Sambit niya kaya natuwa ang empress.

-- HAN SEO NA --

Hays, sa totoo lang natatakot ako sa ipagagawa ng emperor..pero mas kinatatakutan ko pa rin yung mga pwedeng mangyari.

Narito ako sa isang silid dahil sinabi ng emperor na gusto niya akong makausap.

"Ano po ba ang kailangan kong gawin, kamahalan?"

"Bago ka kikilos, may isang bagay pa akong kailangan mula sa iyo." Saad niya na mas ipinagtaka ko.

"A-Ano po yun?"

"Ang iyong ina."

[TO BE CONTINUED..]


Load failed, please RETRY

Un nuevo capítulo llegará pronto Escribe una reseña

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C19
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión