Descargar la aplicación
94.73% Antitoxicated (항독소) / Chapter 18: 십칠: Finding Clues

Capítulo 18: 십칠: Finding Clues

[십칠: Finding Clues]

Lumipas ang ilang minuto mukhang naging maayos na ang lugar ngunit ayaw pa din akong pakawalan ng lalaking ito.

"jamkkan, dangsin-eun nugu-ibnikka?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin pa rin siya sa paligid.

*Translation: Wait, who are you?*

"Ako 'to, Lady Han". Saka niya tinanggal ang balot sa kaniyang mukha. "K-kamahalan..." Bigla akong nagulat sa pagkikita naming dalawa. Agad ko naman siyang tinulak at sinubukan ko umalis ngunit hinablot niya ang kaliwang kamay ko.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa kaniya. "Asan ang anak ko?" Pagtatanong niya sa akin. At bigla naman kaming nagulat nung makita namin sila Seo Na at Ryeong.

"Appa, bakit ho kayo nandito? Diba dapat ay nasa palasyo kayo at nag-aasikaso ng mga bagay-bagay?" Tanong ng binata sa kaniyang ama. "Sa totoo lang hinahanap kita, kailangan kita. Kailangan mo gawin ang mga bagay na kailangan ko ipagawa sa iyo". Saad nito

"Anong ipapagawa? Nanaman? Pwede ba, palayain niyo muna ako. Hayaan niyo muna akong mabuhay mag-isa at gawin ang gusto ko".

"Sige, kung iyan ang gusto mo. Basta't hihintayin ko ang iyong pagbalik sa palasyo. Lady Han, mauuna na ako."

At doon naman umalis ang Emperor. "Eomma, ayos lang po ba kayo?"

"Nae, ikaw? Kayo, hindi ba kayo nasaktan? San ba kayo pumunta?" Tanong ko na may halong inis. "Opo maayos lang po kami, a-at patungkol po sa pinuntahan namin–

"Napagdesisyunan po namin ni Seo Na na maglibot kanina. Patawarin niyo po kami". Saad ng binata.

"Sige, samahan niyo akong bumili ng mga sangkap para sa aking iluluto mamaya".

Habang naglalakad kami, hindi maiwasan ng dalawang kasama ko na hindi mag-ingay. Parang mga bata na nakakatuwang pagmasdan. Naalala ko nanaman ang mga panahon na... Ah, hindi. Dapat hindi ko na iniisip yun.

"Eomma, ang saya mo ata ngayon". Sabi sa akin ni Seo Na, hindi ko nahalata na sobra pala ang aking pagkakangiti. "Oo naman, Seo Na. Ang saya lang na nakita ko kayo na ganiyan".

Nang matapos ako sa pamimili nakauwi na rin kami at nagsimula na akong maghnada ng aming kakainin.

--DONG MIN --

Bakit nanaman ba ako pinapatawag. Hayss. "Eomeoni". Sabay yuko at umupo ako. "Bakit niyo po ako pinatawag?" Bigla naman niyang sinaboy sa mukha ko ang tiyaa na iniinom niya at... "Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Saglit ang lamig na ng tiyaa at bakit, bakit parang kaparehas ito ng tiyaa na muntikan mainom ni Hae Ra.

"Ang hirap sa inyo, lahat ng gusto niyo ginawa ko na, siya na lang yung dahilan kung bakit gusto ko pa mabuhay araw-araw. Tapos gusto niyo pa na mawala siya sa akin? Sige mamili kayo, mabuhay ako o mamatay ako?!"

Bigla naman niya akong sinampal sa mukha. "Wala ka talagang kwenta. SIGE NA LUMAYAS KA NA! HINDI KO GUSTONG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO!" Sigaw sa akin nito, at lumabas naman ako.

Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko si gomo. At nilapitan ako. "Dong Min, a-anong nangyari?" Tanong niya sa akin ng may pag-aalala. Sumama ako sa kaniyang kwarto at kinausap ko siya.

"Bakit po ba ganon siya palagi, bakit?" Sabi ko sa kaniya. "Sa aking palagay, gusto niya masunod ang gusto niya para sa kaniyang mga pl-

"Pl-?" Tanong ko sa kaniya, anong ibig sabihin niya? "Ahh, wala. Wag mo na alalahanin yun. Basta't maayos mo muna makausap si Jang Yeon". Oo nga pala si Jang Yeon. Asan na kaya yun. Tumayo ako at tumakbo at hindi ko sinasadiyang mabangga si Jeon Hee. "Kamahalan saan po kayo pupunta?" Pagtatanong niya sa akin. "Hindi mo na kailangan pa akong tanungin kung saan ako pupunta manatali ka na lamang dito". Bilin ko sa kaniya, patuloy akong tumakbo at nakarating ako sa bahay nila Jang Yeon.

"Jang Yeon!!" Sigaw ko sa bahay nila, biglang may nagbukas naman ng pintuan at ang akala ko siya ang magbubukas ng pinto. "Kamahalan". Bati sa akin at biglang nag-bow sa akin ang ama ni Jang Yeon. "Asan po si Jang Yeon, gusto ko lang po siya kausapin". Pagpipilit ko dahil gusting-gusto ko talaga siya makausap para maging malinaw ang lahat. At kahit ano man ang mangyari hindi ko naman talaga gusto yung babaeng yun. Oo, nakakaawa siya pero alam ko na mas magiging magulo lang ang lahat kapag siya ang pinakasalan ko.

"Kamahalan, patawarin niyo po ako, ngunit umalis po si Jang Yeon at hanggang ngayon hindi pa rin po siya bumabalik". Sagot sa akin na may halong takot at lungkot. Kinuha ko naman ang kamay nito at, "Hahanapin ko po siya, sisiguraduhin ko po na sa aking pagbalik kasama ko po siya". Pangangako ko sa ama ni Jang Yeon at umalis na ako para bumalik sa palasyo.

--LEE SA EUN--

Siguradong may magagawa pa ako para pigilan ang lahat ng masasamang balak ng asawa ng Emperor at ng aming kapatid. Agad akong dumiretso sa kuwarto ng Emperor. Pagpasok ko dito, wala ang Emperor na pinagtaka ko. Tinanong ko ang isang alagad na nasa nagbabantay ng lugar na ito. "Asan ang Kamahalan?" Tanong ko dito. "May pinuntahan lamang po siya, maari naman po kayong maghintay diyan at umupo". Saad nito sa akin.

--THIRD PERSON'S POV--

Sakay ng isang kabayo ang Emperor at pabalik na ito sa palasyo kasama ang kaniyang mga alagad. Nakita naman niya si Dong Min na galing sa bahay nila Jang Yeon. Naisipan niya na dumiretso na lamang kaysa tanungin ang kaniyang anak. Sa pagbalik ng Emperor, madami ang bumati at nakayuko bilang paggalang sa kaniya. Bago pumasok ang Emperor sa kaniyang silid may lumapit sa kaniya na scholar.

"Kamahalan, nasa loob po ang inyong kapatid na babae. Kanina pa po kayo hinahantay at mukhang may gusto po siya ipaabot sa inyo". Saad nito sa Emperor, tumango ito at pumasok na lamang sa kaniyang silid.

--LEE SA EUN--

"Andito ka na pala". Sabi ko sa kaniya. "Oo, sinubukan ko puntahan yung lugar nila Lady Han at nagkita kami ni Ryeong". Buti naman nagkita na silang mag-ama. Ang tagal na rin simula nung umalis si Ryeong dito at hanggang ngayon hindi pa rin pinababalik sila Lady Han.

"Ano naman sinabi sayo ni Ryeong?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Hayaan ko muna daw siya na mabuhay mag-isa at babalik lamang siya kapag maayos na ang lahat. Nga pala ano yung sasabihin mo sa akin?"

"Sa totoo lang, madaming sikreto, plano ang mga tao na nakapaligid sayo. Hindi ko sinasabing paniwalaan mo ako basta't sinasabihan na kita para hindi mo pagsisihan ang mga mangyayari". Saad ko na sa aking tingin ay mas naguluhan siya. "Ano ba ang gusto mo ipahiwatig, pwede ba diretsuhin mo na lang ako". Mas gusto ko na siya ang makadiskubre ng aking mga nalalaman, maari ko lamang siyang tulungan.

"Mas gusto ko na ikaw ang maghanap nito. Tutulungan lamang kita. Alam ko na ilang taon na hindi tayo magkasama at sa tingin ko iisipin mo kung saan ko nakuha ang mga ito. Kaya mas gusto ko ikaw ang makatuklas ng mga ito".

Ito ang plano ko para maprotektahan ang trono ng aking kapatid. Sa totoo lang kung pwede ko lang sabihin talaga sa kaniya ang lahat gagawin ko, pero mas gusto ko siya ang makatuklas ng mga ito. "Sige kung yan ang gusto mo". Nag-usap kami patungkol sa ibang bagay at pagkalipas ng ilang oras napagdesisyunan ko na umalis at bumalik na sa aking silid.

--DONG MIN--

Asan na kaya yun? San naman nagpunta yun, bakit ba niya ko iniiwasan. Paikot-ikot ako, kung saan saan ako napunta hanggang sa naabutan na ako ng dilim. "Jang Yeon!" Sigaw ko, "Nakita niyo po ba ang babaeng ito?" Pagtatanong ko kung kanikanino. Pare-parehas sila ng sagot, hindi nila nakita si Jang Yeon.

Hanggang sa naalala ko na... Bigla akong tumakbo at pumunta sa paborito niyang lugar. At... Nakita ko nga siya. "Jang Yeon!" Sigaw ko, sinubukan niya tumakas ngunit hinabol ko siya at hinila ko ang kaniyang kamay at... N-nahalikan ko siya, bigla naman niya akong tinulak.

"Jang Yeon". Hinila ko siya ulit, "Ano ba kailangan mo?" Tanong niya sa akin at niyakap ko siya.

"Ikaw, ikaw ang kailangan ko. Alam ko na mahal mo ko at ganon din ang nararamdaman ko sayo. Pero bakit ayaw mo ba ipaglaban ito?" Saad ko at bigla ko naman naramdaman ang kaniyang mga luha. "Hindi ganon Min Min, ayoko lang na mapasama ka o may mangyari sayo. Parehas naman natin alam na kayang gawin ng nanay mo ang gusto niya. Natatakot ako, gusto kitang puntahan, yakapin at sabihin sayo na takot na takot ako".

Nagulat ako sa mga sinabi ni Jang Yeon. Pagkatapos nito mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Mahal na mahal kita Jang Yeon". Ngiti ko sa kaniya at nagkatitigan ang aming mga mata. Dahan dahan ko nilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. "Mahal na mahal din kita Min min".

Pagkatapos nito sabay kami naglakad at inaya ko siyang bumalik sa palasyo. Bago kami pumasok sa aking silid. Nakita ko na may tao sa loob ng aking silid. Pumasok ako at binuksan ang pinto, si ama pala ang nasa loob.

"Abeoji!" Bati ko sa kaniya.

"May itatanong lamang ako sa iyo Dong Min". Saad nito na may halong pagkaseryoso sa tono ng kaniyang boses. "Sige po, ano po ba yun?"

"Maari mo ba ayain sila Ryeong at Seo Na na bumalik dito sa palasyo?" Nagulat kami ni Jang Yeon sa sinabi sa akin ni ama. "B-bakit naman po?" Pagtatanong ko.

"Gusto ko na tulungan niyo ako sa isang bagay. Madaming gumugulo sa isip ko kaya gusto ko tulungan niyo ako". Nanahimik kami ni Jang Yeon at... "Sige po ama". Tumayo na ito at umalis siya. Medyo nag-aalala ako sa mga mangyayari. Pagkatapos nun, lumabas kami ulit ni Jang Yeon at naglakad kami. Hindi ko inaasahan na sa aming paglalakad may maririnig kaming isang boses na parang may pinagtatalunan.

Saglit ano nanaman ang nakikita ko na ginagawa ni Eomma…

[TO BE CONTINUED…]


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C18
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión