Descargar la aplicación
78.94% Antitoxicated (항독소) / Chapter 15: 열다삿: New One

Capítulo 15: 열다삿: New One

-- ZELINE HAN/ HAN SEO NA --

Hayss, nakakapagod namang magpunas ng sahig. Naglilinis kasi kami ngayon nitong maliit na tinutuluyan namin pansamatala. Hay, buti pa sa palasyo hindi boring at maraming pwedeng gawin. Dito, mukhang mapapagod lang ako kakalinis, luto, at laba eh.

Wala si Eomma (Lady Han) ngayon kasi may binili siya sa sijang (market/palengke), si Kuya Seo Jeong naman, sinamahan sina Hae Ra diyan sa tabi-tabi para makahanap ng pansamatalang titirahan. Hindi kasi pwedeng nandito kami lahat, hindi kami kasya. At ito namang isang kasama ko dito, hay na'ko! Mukhang hindi naman siya nakakatulong. Nagwawalis pero yung winawalis niya, natatapon rin dun sa dustpan o sa kung ano mang tawag dun sa pandakot. Tsk.

Paano ba naman kasi, mukhang lumilipad ang isip niya.

"Hoy, tignan mo nga yang winawalis mo!" Sigaw ko kay Ryeong at mukhang nasampal ko naman siya pabalik sa realidad.

"Ha? U-Uh, nakikita ko naman ah." Palusot pa niya.

"Hindi ganyan ang tamang pagwawalis, mahal na prinsepe." Lumapit ako sa kanya at kinuha yung walis at dustpan.

"Ano? Tamang pagwawalis? Lahat naman siguro ng tao, alam kung paano magwalis, 'no?" Pagmamatigas niya pa at kinuha sa'kin yung dustpan.

"Eh ikaw? Baka hindi ka pala tao," Sabi ko na lalong ikinakunot ng noo niya. "Akin na nga yan." Inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya sa'kin ang hawak niya.

"Ayoko nga." Aish! Napakakulit naman ng lalaking 'to eh! Paano kami matatapos maglinis niyan?

"Tignan mo 'yang winawalis mo. Tumatapon kasi eh." Sabi ko at mukhang na-realize na niya kaya napakamot siya ng ulo.

"Hays, nakakatamad naman kasing magwalis. Teka nga, magc-cr muna 'ko."  Paalam niya at pumunta na ng cr. "Pasalamat ka talaga at kamukha ka ni Jeongyeon.."

Psh, bumubulong-bulong pa talaga. Tsaka ano raw? Kamukha ko si Jeongyeon ng Twice? Di hamak naman na mas maganda 'ko dun 'no.

Pero joke lang yun. Baka mamaya pag narinig ni Ryeong 'tong mga naiisip ko, maprito niya 'ko ng buhay.

Maya-maya..

*tok tok*

Biglang may kumatok sa pinto. Ah, baka si Eomma na.

Pagbukas ko..

"Annyeonghaseyo, Lady Seo Na."

"Tal Ro?" Laking gulat ko nang makita ang dati kong guwardiya. Bigla tuloy akong napayakap sa kanya.

Sandali nga, bakit ko ba siya niyayakap?

Agad naman akong napabitaw. Tss, baka isipin kasi niya na may malisya yung ginawa ko.

Aaminin ko, cute at hot siya hihi.

Pero di ko siya type!

Napansin ko ring nagulat siya sa ginawa ko.

"Uh, p-pasensya na, nabigla lang ako. Hindi ko sinasadyang y-yaka--

"Ehem!" Agad namang natuon ang atensyon ko kay Ryeong, bigla kasi siyang umubo.

Teka, hindi kaya infected na siya? Waahhh!

Pero syempre joke lang ulit yun.

"Kamahalan!" Nagulat naman ako nang biglang lumuhod si Tal Ro sa kanya.

Ay oo nga pala 'no? Prinsepe pala siya.

Kaya ayun, ginaya ko na rin si Tal Ro.

"Sige na, tumayo na kayo." Medyo inis na sabi ni Ryeong. "Oo nga pala, bakit kayo nagyayakapan?"

"Kamahalan? Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong naman ni Tal Ro sa kanya.

"Hindi ba dapat ay pinagbabawal ang lahat ng physical conta--ang ibig kong sabihin yung pisikal na paghahawakan ng mga tao.." Halatang hindi siya sigurado sa sinasabi niya. Hays, englishero kasi eh..

Napatingin rin ako kay Tal Ro at kahit siya ay mukhang naguguluhan na rin.

"Basta, bawal ang pagyayakapan lalo na ang paghahalikan!" Lalo naman kaming nagtaka sa sinasabi niya. "Uhh..ang ibig kong sabihin..bawal ang masyadong pag--ano ba kasing tagalog ng contact?" Lalo pa akong natawa nang marinig ko ang mahinang bulong niya.

"Pisikal na pakikisalamuha?" Tanong ko.

"Yun! Bawal yun! Kaya wala na ulit akong makikitang nagyayakapan. Kung ayaw niyong mahawa ng vir--sa epidemya." Sabi pa niya. Tsk, social distancing na naman.

"Nga pala, Tal Ro." Nagulat naman ako dahil pagkakasabi niya ng pangalan ni Tal Ro..

"Mahal na prinsepe..bakit niyo po hinahawakan ang aking kamay?"

Halatang nagulat siya at agad napabitaw nang ma-realize ang nagawa niya.

Akala ko ba, bawal ang physical contact?

"Sige na, Tal Ro. Sumunod ka na lang sa'kin at may pag-uusapan tayo sa labas." Sabi ni Ryeong at aalis na sana.

"Sandali, bakit sa labas pa? Pwede namang dito na lang o di kaya..sama na lang ako." Sabi ko sa kanya. Ano yun? Iiwanan nila ako dito maglinis mag-isa? Tuwang-tuwa na nga ako nung dumating si Tal Ro kasi may katulong na 'kong maglinis eh.

"Ano? Bakit ka sasama? Hindi mo kailangang sumali sa usapan."

"Pero kamah--

"Andwae! Kami lang dalawa ni Tal Ro ang mag-uusap!" Masungit na tugon niya.

*Translation: You're not allowed! Only Tal Ro and I will talk!*

"Hong Tal Ro, gaja!" Tawag niya kay Tal Ro at sumunod naman ito.

*Translation: Hong Tal Ro, let's go!*

Ang taray naman ng prinsesa--este ng prinsepe na 'to. Kulang na lang flip hair, pwede na siyang kontrabida sa teleserye.

Nag-intay pa ko ng ilang minuto. Ewan ko kung inabot na yata ng isang oras. Ang tagal naman nilang mag-usap sa labas. Baka mamaya nagka-developan na ah.

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita kong nakarating na nga si Eomma. Marami siyang dalang pinamalengke.

"Eomma, tulungan ko na po kayo." Sabi ko kay Eomma at hinayaan naman niya ako.

"Kamusta ka naman, hija?" Tanong sa'kin ni Eomma. Mukhang agad niya ring napansin ang nagtatawanang sina Ryeong at Tal Ro sa labas.

"Jamkanman."

*Translation: Just a moment*

"Nandito si Tal Ro? Aba, mukhang mapapagod ka dahil nandito ang dalawang manliligaw mo." Pang-aasar naman bigla ni Eomma.

Manliligaw? Saan naman niya napulot yan?

"Anong manliligaw ang sinasabi niyo eh mukhang silang dalawa naman ang nagliligawan?" Mataray na sabi ko.

"Wag mo nang itanggi, Seo Na. Ganyan talaga ang lahi natin, ligawin." Nakangiti pang sabi ni Eomma.

Paanong ligawin? Ligawin ng landas? Tsk.

Syempre joke lang ulit yun. (Di bale, last ko na 'to)

"Hay na'ko, kung nakilala mo lang ang lahat ng naging nobyo ko--ay hindi pala ako, ni Lady Han pala." Kwento pa ni Eomma.

Nobyo? Ano nga ulit yun? Notebook ba?

"Seo Na, kung makapang-asar ka kay Ryeong na hindi marunong ng malalalim na salita, eh ganun ka rin pala." Nakangiwing sabi ni Eomma kaya nag-peace sign ako. "Ang nobyo ay kasintahan, o boyfriend sa wikang Ingles."

Ahh yun pala yun.

"Bakit sino-sino po ba ang mga naging boyfriend ni Lady Han?" Curious na tanong ko naman.

"Maraming nakarelasyon si Lady Han. Ang ilan ay sina Lord Shin, Lord Lee, Lord Son, Lord Kim, ang magpinsang Lord Jang, si Lord Han at may tatlo pa na nakalimutan ko ang apelyido." Kwento pa ni Eomma. Wow naman, ang haba naman ng hair niya. "At ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa mga iyon ay iisa lang. Dahil ipinagpalit siya sa ibang mga binibini."

Ay may third party? Sayang naman. Mukhang maraming heartbreak ang pinagdaanan ni Lady Han.

"Pero sino nga po ulit ang napangasawa niya? Sino po ang tatay nina Seo Jeong at Seo Na?" Bahagya namang nagulat si Eomma sa tinanong ko.

"Ang napangasawa niya ay..si Lord Han Gun.." Sagot sa'kin ni Eomma.

"Wow! Buti naman at nahanap rin niya ang true love niya." Nakangiting sabi ko.

"T-True love niya?" Nagtatakang tanong naman ni Eomma. "Ah o-oo, siya nga--EHEM!"

Nagulat naman ako nang biglang maubo si Eomma.

"Ayos lang po kayo?" Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

"Oo, ayos lang." Sabi ni Eomma at uminon na lang ng tubig.

Napaisip ako sa sinasabi ni Eomma. Kailangan ba talagang pumili na ko ng lalaking hindi ako sasaktan? O kailangan ko pang paulit-ulit na masaktan bago ko makuha ang totoong magbibigay sa'kin ng kasiyahan?

-- JANG YEON --

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Ang natatandaan ko lang, pagkatapos naming mag-usap ng aking ina ay nag-desisyon akong bumalik sa lugar na pinag-usapan namin ni Prinsepe Dong Min nang biglang may humatak sa'kin at tinakpan ang aking bibig. Ngunit ngayon, nasaan ako?

Sandali, hindi ba't ito ang bodega kung saan iginapos sina Lady Song at Princess Hae Ra?

Hahawak sana ako sa hawakan na malapit sa akin ngunit hindi ko napansing nakagapos rin pala ako. Itinali nila ako gamit ang kadena.

Sinubukan kong tumayo pero nabigo ako dahil nakatali ang kamay ko rito sa poste.

Pero hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong makatakas dito, kailangan ko pang makita ulit si Prince Dong Min, at kailangang malaman ng mahal na emperor ang totoo.

Alam ko na, siguro ay sina Prince Woo Chan at ang empress ang nagpakulong sa akin dito.

"Bilisan ninyo, dalhin niyo na siya sa kaliwang bodega!" Bigla akong nakarinig ng nagsalita sa labas.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang isang kahon na malapit sa bintana. Kinaya ko namang makasampa roon kaya doon na lang ako tumungtong.

Nang makasilip ako, laking gulat ko dahil..

Si Prinsepe Dong Min ang hawak nila..

At wala siyang malay..

Mabilis nila siyang hinatak papunta sa kabilang bahagi ng bodega. Ako ay nasa kanang bahagi ngayon ng bodega at ang prinsepe naman ay dadalhin sa kaliwang bahagi. Hinati nila noon ang bodega, ito ay para lamang paghihiwalay ng nabubulok na basura sa hindi nabubulok. Ang kanan ay ginagamit sa mga itinapong kagamitan at ang kaliwa naman ay para sa mga itinapong kemikal. At ang nagpapahiwalay sa dalawang bahagi, ay isang malaking habpan (plywood) lamang kung kaya't makakausap ko ang mahal na prinsepe sa oras na magkamalay na siya.

Narinig ko namang binuksan ng isa sa mga kawal ang pinto at ipinasok si Prince Dong Min.

Nagsisisi ako..

Wala akong magawa ngayon upang iligtas at ipagtatanggol ang mahal na prinsepe..

Narinig ko rin na ibinagsak nila siya sa sahig. Matapos nun ay umalis na sila. Batid ko rin na wala pang malay si Prince Dong Min kaya gumawa ako ng paraan upang magising siya.

"Kamahalan! Dong Min wangja!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pader.

"Ah!--Ehemm!" Narinig ko namang umubo ang mahal na prinsepe. Salamat naman at nagkamalay na siya.

"Wangja-nim! Gwaenchanayo?" Tanong ko sa prinsepe.

*Translation: Your Highness! Are you alright?*

"J-Jang Yeon?" Nanghihina niyang sabi.

"Opo, mahal na prinsepe, ako po ito."

"Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong niya pa. Talaga bang iintindhin niya pa ang kalagayan ko?

"Ayos lamang po ako, kamahalan. Nang matapos ko pong kausapin ang aking ina, habang pabalik po ako sa lugar na pinag-usapan natin, bigla pong may dumakip sa akin." Pagkukwento ko ng nangyari kanina. "Kayo po, paano nila kayo nakuha?"

"Hindi ko rin alam. Bigla na lamang may pumalo sa ulo noong hinahanap kita." Sabi naman ni Prince Dong Min.

"Pasensya na po kayo, kamahalan. Ako pa po ang nagdala sa inyo sa panganib."  Malungkot na sambit ko.

"Hindi mo kailangang manghingi ng tawad, Yeon. Alam ko rin namang hindi ko kakayanin sa oras na hindi kita mahanap.."

Yeon? Paano niya ako natawag sa pangalan ko..

"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi Jang Yeon.."

Bigla siyang nahinto.

"Ano po iyon?"

"Wala, alam ko lamang na hindi natin mapapalabas ang totoo tungkol kay Samchon at Eomeoni kung may mawawalang isa sa atin.."

Ah iyon lang pala akala ko naman--wala.

"Sandali lamang, kailangan muna nating makatakas rito." Sabi pa ng prinsepe. "May nakikita ka bang kahit anong matalim na bagay diyan na pwede nating ipangputol sa taling ito?"

Sinubukan kong maghanap at roon sa bandang dulo ay may gunting, ngunit ito'y mapurol na.

"Kamahalan, ang gunting na nakita ko rito'y mapurol na." Sabi ko sa mahal na prinsepe.

"Subukan mo lang. Gamitin mo iyan sa ipinangtali sa'yo" - Prinsepe Dong Min

"Ngunit, kamahalan, kadena po ang ipinangtali sa akin." Sagot ka naman.

"Ha? Ah sige, iabot mo na lamang sa akin dito sa maliit na butas sa baba." Sabi muli ng prinsepe at ginawa ko nga ipinagagawa niya.

Naririnig ko ring ilang beses niyang sinubukan ihiwa ang gunting na iyon.

Hanggang sa..

"Jang Yeon! Natanggal ko na!" Masayang sabi ng prinsepe. "Sandali, hintayin mo ako diyan.

Narinig ko namang pinalo niya nang malakas ang pinto ng kabilang bodega at para makapasok rin siya rito, sinira niya rin ang pinto.

"Jang Yeon!" Sigaw niya at lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba?"

"O-Opo.."

"Oh ito, ang ipinamukpok ko sa pinto. Subukan nating gamitin ito sa kadenang iyan." Sabi niya sa'kin at akmang papalo na.

"Sandali lang po, kamahalan!"

"Bakit?"

"Dahan-dahan lang po ah?" Paninigurado ko at tumango naman siya.

Dahan-dahan niyang itinaas ang pamalo kaya napapikit

"AAHHHHHH!"

Ipinalo niya ngunit nabigo siya.

"Isa pa."

Ipinalo niya ulit pero sa pagkakataong ito, nagawa na niya. Natanggal na ang kadena.

"Halika na, kamahalan. Umalis na tayo rito."Hinawakan niya ang aking braso at lumabas na kami.

At paglabas namin..

"At saan kayo pupunta?" Sigaw sa amin ng isa sa mga guwardiya at ng marami pa sa likod niya.

Hay, mukhang mapapalaban kami ng kamahalan ngayong araw.

Sinugod nila kami at isa-isa rin namin silang napatumba.

Hanggang sa..

"Arghh!"

May sumugod sa akin na isang lalaki..may ginamit siyang patalim at sinugatan ako sa aking braso.

Ang sakit! Argh!

Sinubukan kong agawin sa kanya ang patalim na iyon at nagtagumpay naman ako kaya napatumba ko na rin siya.

Nagbigay ako ng senyales kay Prinsepe Dong Min na umalis na kami bago pa tuluyang makatayo ang mga guwardiyang napinsala namin.

Tumakbo kami ng tumakbo. Nang makita naming malapit na nila kaming mahabol, kumuha si Prince Dong Min ng maliit ngunit mahabang kahoy at ipinadulas niya ito upang madapa sila. At nagtagumpay nga siya kaya't nagkaroon kami ng panahon para lumiko.

Nasa labas na kami ng palasyo at marami ng puno rito. Alam ko na! May naisip akong gawin!

"Kamahalan, umakyat kayo sa punong iyan at ako naman rito sa kabila." Sabi ko sa mahal na prinsepe at nagulat siya.

"Ha? Aakyat tayo ng puno?"

"Wala na tayong oras! Ito na lamang ang nakikita kong paraan para matakasan natin ang mga guwardiyang iyon!" Sagot ko sa kanya.

"Pero--

"Sige na, tutulungan ko kayo." Tinulungan ko naman ang mahal na prinsepe na umakyat at dali-dali rin akong pumunta sa kabilang puno.

Halata sa mukha ng kamahalan na natatakot talaga siya kaya natawa ako ng bahagya.

Nakita rin namin ang mga guwardiyang humahabol sa amin. At nang makalagpas sila, nakahinga na ako ng maluwag.

Bumaba na kami sa mga punong inakyatan namin.

"Jang Yeon!" Laking gulat ko naman nang biglang lumapit sa akin si Prince Dong Min at...niyakap ako. "Salamat at ligtas tayo, salamat at ligtas ka.."

"Kamahalan.."

"Shh, wag kang magsalita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, kung mamamatay na ba ako kaya.. sasabihin ko na." Napahinto siya at huminga ng malalim. "Jinsil-eun.. saranghaeyo, Jang Yeon-ssi.."

*Translation: The truth is.. I love you, Jang Yeon..*

Naramdaman ko namang tumulo ang luha ko..

Nagpatuloy siya. "Kaya mangako ka..dahil handa kong ibigay ang puso ko sa'yo basta't nasa tabi kita.. habambuhay."

"Y-yagsoghabnida.."

*Translation: I promise..*

naui gyeote geudae

yeongwontorok issneundamyeon~

-- CHOI DAE HEE --

"Court Lady Choi. Ano pang ginagawa mo riyan? Tara na't pumunta na tayo sa silid ng empress." Pang-aaya sa'kin ng isa sa mga kasama ko. Si Court Lady Pyo.

"Sandali na lamang. Inaayos ko lang ang aking balot." Sagot ko naman sa kanya habang inaayos ang balot na itinatakip ko sa aking mukha.

"Hay na'ko, hindi pa rin ba gumagaling ang sugat sa iyong mukha sa mga pinapahid mo rito?"  Tanong naman niya at umupo sa likod ko.

"Hindi pa rin. Mukhang hindi na ito gagaling pa." Natatawang sabi ko.

"Oo nga pala, Dae Hee. Bakit ka nga pala nagpalipat sa mga nagseserbisyo sa empress?" Tanong niya ulit at bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.

Ang empress ang kailangan ko.

"Sa tingin ko, mas magandang ang empress ang pagsilbihan ko. Nakalimutan mo na bang magaling akong gumawa ng mga disenyo? Tiyak na magugustuhan niya ang mga iyon." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay harap dahil nailagay ko na ang aking balot.

"Ngunit madaling tataas ang posisyon mo kung mananatili ka sa serbisyo ng emperor." Sagot pa niya.

"Hindi ko na iniintidi ang bagay na iyon.." dahil may mas importante pa akong kailangang gawin.

"Sige na nga, tara na." Sabi niya sa'kin at tumuloy na kami, hanggang sa makarating kami sa labas ng silid ng empress.

"AAHHHHHH!"

Nagulat naman kami pareho nang biglang may sumigaw. Pumasok na kami sa loob ng silid at nakita namin ang empress na nagwawala at ang buong kwarto niya ay napakagulo..

At mayroon pang tumapon na tila dugo..

"Ano pong nangyari, kamahalan?" Nag-aalalang tanong ni Court Lady Pyo

"AYUSIN NINYO ANG AKING SILID!"

Agad naman kaming kumilos.

"Ipatawag ninyo si Lady Myun at kailangan ko siyang makausap!" Utos muli ng empress

"Sige na, ikaw na ang tumawag kay Lady Myun." Bulong ko kay court lady Pyo at sumunod naman siya.

Nilinis ko naman ang mga kalat at pagtapos ko..

"Court lady! Kunin mo nga ang papel na ito." Biglang utos sa akin ng empress.

"A-Ano po ito, k-kamahalan?" Nakayukong tanong ko

"Ikaw na ang bahala kung gusto mong gawing laruan, itapon o sunugin mo basta't ang importante, hindi ko na iyan makita pa!" Mainit ang ulong sabi niya.

"Sige po, masusunod po, hwanghu-mama." Yumuko ako at nagpaalam na.

Hanggang sa bigla namang dumating si Lady Myun.

"Hwanghu-mama! Naega ogil wonhandago deul-eoss-eo."

*Translation: Your Majesty! I heard you wanted me to come.*

"Nae.Waseo yeogi anj-a."

*Translation: Yes. Come and sit here.*

Gusto kong mapakinggan ang pag-uusapan nila kaya't nanatili akong nakatayo at nakatago rito sa kurtina.

"Anong nangyari, kamahalan?" - Lady Myun.

"Nanggigigil na ako sa galit!" Sigaw ng empress habang nakakuyom ang palad. "Ang babaeng yun! Paano siya nakabalik pa rito!?"

Sabi ng empress at binato na naman ang isa sa mga vase.

"Sandali, huminahon ka, kamahalan! Sino ang tinutukoy mo?" Pagpipigil naman sa kanya ni Lady Myun.

"S-Si..Si Ri Hwan!" Sigaw ng empress at napaupo na sa sahig

"Ang yumaong crown princess?" Nagtatakang tanong muli ni Lady Myun.

"Oo! Narito siya ngayon, at guguluhin niya ako! Sa dinami-dami ng problema ko, daragdag pa siya!" Galit na sigaw ng empress.

"Pero paano mabubuhay ang isang taong.. matagal nang patay? Hindi ba't dinispatsa na siya ng crown prince?" Nagtatakang tanong ni Lady Myun.

"Yun na nga! Hindi ko alam kung papaano siya nakabalik rito. May duda ako na hindi siya tuluyang nailayo ni Woo Chan!" Nanggigigil pa ring sabi ng empress.

Nang marinig ko ang pinag-usapan nila ay dahan-dahan akong lumabas.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko sa empress.

Binuksan ko yung papel na binigay niya sa akin.

어떻게 지내?  나는 당신이 잘되기를 바랍니다 걱정마, 나는 집에 있어요, 어머니

- 이리환

*Translation:

How are you?  I hope you are doing well.

Don't worry, I'm home now, Mother.

- Lee Ri Hwan

Natawa naman ako, mukhang natakot siya sa ginawa ko.

Umpisa pa lang yan..

Marami pa kayong dapat paghandaan..

Baek Ji Hyo at Lee Woo Chan.

[TO BE CONTINUED..]


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C15
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión