Nasa isip ko pa rin si Hae Ra, di man ang memorya niya ang nandito. Mahal ko pa rin siya. Kahit anong mangyari proprotektahan ko siya.
Bigla namang pumasok si Dong Min.
"Ryeong tara na kayla Seo Na. May sasabihin daw sa atin si Lady Han."
"Ikaw na lang."
"Pero kasama ka nga!"
"Oo na".
Medyo naguguluhan na kasi ako. Na sana man lang nasa tabi ako ni Hyra. Pero sa tingin ko kapag pinakasalan ko si Hae Ra, magpapakasal din kami ni Hyra.
"Pinatawag ko kaya dito, dahil sa sinabi ko na dapat ninyong protektahan si Hae Ra, at di siya mahawa sa sakit na lumalaganap." – Lady Han
"May paraan po ba kayo?" – Dong Min
"Kayo ang bahala kung anong gusto ninyong gawin"
"Eh, eomeoni kung pakiusapan ko na lang po siya na manatili muna sa isang kuwarto at ako ang magsisilbi sa kanya?" – Seo Na
"Kayo ang bahala, kayo ang may misyon hindi ako."
"Ikulong natin siya"- Ryeong
"HUH?!?" (In Chorus)
"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" – Dong Min
"Yun lang ang paraan na nasa isipan ko at wala ng iba, at kapag nakakulong siya walang iba na makakapasok at makikipag-usap sa kanya".
"Pero paano natin masasabi na kailangan natin siyag ikulong?" – Seo Na
"Umm, sa tingin ko…. Argh di ko rin alam".
"Kung kaya sabihin lang talaga natin sa kanya na kailangan natin siyang ikulong, at kung hindi siya magpapakulong di mo siya pakakasalan." – Dong Min
"Pero, saan mo naman ikukulong?"- Seo Na
"Oo nga no. Sa isang kwarto".
"Ganto susubukan natin bukas ang inyong plano tignan natin kung anong pwede nating magawa para dito."
Gabi na ng makabalik kami ni Dong Min sa kuwarto. At nahiga ako bigla ng pumasok sa kwarto ko si Dong Min.
"Ryeong, tara punta tayo sa silid-aklatan!"
"Ayoko".
"Pero kailangan nating pag-aralan ang sakit"
"Ayoko nga, pupuntahan ko si Hae Ra".
"Ba't naman?"
"Ibibigay ko yung nabili ko na tiyaa".
"Yun lang?"
"Hindi, mag-uusap kami".
"Ok!"
"Gustong-gusto kasi ni Hyra na uminom ng tiyaa bago pa magkaroon ng virus. Kaso palagi naman akong busy".
"Sige. Good Night!"
"Oo na. Umalis ka na".
"OPO KAMAHALAN!"
Umalis na nga si Dong Min. Pumunta ako kay Hae Ra. Natimpla ko na rin ang tiyaang gustong- gusto ni Hyra".
"Prinsesa Hae Ra. Maari ba akong pumasok?"
"Oo, sige".
(Pagkapasok ko andoon si Samchon, kasama ni Hae Ra).
"Samchon! Bakit po kayo nandito?"
"Ahh, may pinadala sa akin ang Empress."
"Ahh, ganon po ba?"
"Sige po, mauuna na ako".
Bigla siyang umalis sa kwarto ni Hae Ra, at mukhang may iinumin na tiyaa si Hae Ra na galing kayla tiyo.
"Kamahalaan bakit ka nabisita sa aking silid?"
"Nais ko na uminom ng tiyaa at makasama ka".
"Ito kamahalaan, ang binigay ng inyong ina"
"Saglit lamang". Bigla ko tinignan ang tiyaa na bigay ni Eomeoni, mukhang kakaiba ang kulay.
"Tara inumin na natin!"
"Hindi mo maari inumin ito!"
"Ngunit!"
Saka ko tinapon ang tiyaa.
"Bakit mo?!?!?!"
"Hindi mo maari inumin iyon".
"Alam mo umalis ka na lamang dito!"
Bigla akong umalis na galit na galit dahil sa nangyari, gusto ko lamang maprotektahan si Hae Ra, at buti na lamang ay nakakuha ako ng kakaunting sample ng tiyaa. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa kuwarto ni Dong Min, at halatang walang ilaw. Kadalasan kasi nakabukas ang ilaw niya kahit madaling araw na.
Sumikat na ang araw at may usapan kami ni Dong Min na mag-uusap kami. Pero hanggang ngayong wala pa rin siya. Pumunta ako sa kuwarto niya at nandoon si Jang Yeon, si Seo Na at si Han Seo.
"Eotteohge doen geoyeyo?"
*Translation:What Happened?*
"Bumagsak yung shelf kahapon at natagpuan siya nung isa sa mga palace guards, kaya dinala siya dito at pinatawag si mama" – Seo Jeong
"Ahh, ganon ba? Pero bakit bumagsak yung shelves?"
"Yun din ang di namin alam."
"Nandito ka na pala".
"Oo, pinabalik ako ni Eomeoni. Nga pala may sasabihin siya sa akin. Una na ko."
"Sasama ako".
"Sige-sige"
Bigla kaming tumakbo ni Seo Jeong, hanggang sa nabangga ko si Samchon.
"Samchon!"
"Kamahalan, ahh…patawad po"
"Ahhh, ayos lang po"
"Sige po pupunta muna ako sa silid-aklatan"
"Sige po".
"Sandali nga lang Ryeong."- Seo Jeong
"O?"
"Diba doon ang silid aklatan?"
"Oo nga no? Hayaan mo na".
"Ang dami pa lang nangyari dito, ilang lingo lang ako nawala"
"Oo nga, eh ano naman nangyari sayo?"
"May nalaman ako, basta madami. May nakapagbigay sa akin ng libro patungkol sa pinaka-unang pasyente".
"Ahh".
Dumating na kami sa silid ni Lady Han.
"Eomeoni!"- Seo Jeong
"O, Seo Jeong! Kamusta si Dong Min?"
"Ahh, maayos na po ang kalagayan niya. At ano po pala yung sasabihin niyo po sa'kin."
"Kaya kita pinauwi ay dahil, dumating na si Hae Ra."
"Po?!? Ibig sabihin po napunta din po dito si Hyra?"
"Hindi, ito lamang ay ang kanyang nakaraan na buhay ngunit ang kaniyang alala ay nakabase sa panahon na ito."
"Ahh, ganon po ba."
"Kailangan hindi siya mahawa sa sakit na ito."
"At, magpapakasal na kami ni Hae Ra. Kaso, nagalit kami sa isa't isa kagabi. May plano kaming ikulong siya, para di siya mahawa sa sakit na ito". -Ryeong
"Ahh, ganon ba. Sige kailan niyo ba balak ikulong si Hae Ra?"
"Mamaya".
"Sige tulungan ko kayo, at sa aking palagay ko hindi nga madaling gawin yun ngayon.Nga pala, before pala may nagkaroon na ng ganitong sakit at ang nakapagpagaling dito at isa sa mga doktor dito sa Imperial Family".
"Talaga?!"
"Saka nga pala yung libro. Ito yun. Kailangan natin itong pag-aralan".
"Ano puntahan na natin sila?!"
"Sige".
Dali-dali kaming pumunta sa kwarto ni Dong Min.
"Dong Min, kamusta ka na?" - Ryeong
"Ahh, ok lang. Nga pala may nakita akong libro sa library parang journal ng isa sa mga doktor dito sa palasyo. At nangyari na pala ito dati, kaso sa timog na bahagi lang kumalat. Tapos biglang tumumba yung shelves".
"Saglit, doktor? Timog?" - Seo Jeong
"Oo, bakit?"
"Asan yung libro?"
"Di ko alam".
"Kailangan ko puntahan yun."
"Saglit Seo Jeong sama ako". - Ryeong
Sumama ako sa kanya sa silid-aklatan, at hinanap namin ang libro.
"Mukhang wala"- Dong Min
"Oo nga no, hayss...."
"Tara na, balik na tayo".
Bigla naman kaming may nakita na parang nakasilip sa pintuan. Bigla naman naming binuksan ang pinto, at mukhang walang tao. Hanggang sa may nakita kaming lalaki na parang ngayon lang namin nakita.
"Umm... Saglit lang, sino ka?" - Ryeong
"Taga-pagsilbi ako ni Prince Woo Chan".
"Si Samchon?"
"Opo, at may inuutos siya sa akin na dalhin".
"Ahh, pero wala ka ba nakitang tao?"
"Wala po, kamahalan"
"Sige, Salamat"
Ng makalayo na siya ng kaunti biglang may sinabi si Seo Jeong.
"Mukhang kakaiba siya". - Seo Jeong
"Oo nga, iba ang tingin ko sa kanya"
"Tara na".
Bumalik kami sa silid ni Dong Min habang dala-dala namin ang librong nakuha ni Seo Jeong sa timog. Pinag-aralan ito ni Dong Min, Seo Jeong, Seo Na, at si Jang Yeon.
"Kuya ano na ang balak mo?" – Dong Min
"Sa tingin ko kailangan na natin gawin ang pagpapakulong kay Hae Ra".
"Nasabi mo na bai to kay Abeoji?". – Dong Min
"Di pa. Sige puntahan natin. Seo Jeong sumama ka na rin sa amin".
Pumunta kami kay abeoji dahil alam naming matutulungan kami nito. Pagdating namin sa kaniyang kuwarto, walang tao. Ni si abeoji ay wala dito. Nagtanong ako sa mga palace guards.
"Umm, nakita niyo ba si abeoji?"
"Hindi po kamahalan, pero pinuntahan po niya si Lady Han"
"Lady Han?"
"Opo, kamahalan"
"Sige. Salamat".
Bigla kaming umalis at nagpunta kami kay Lady Han.
"Abeoji!"
"O, Ryeong. Anong pinunta mo dito?"
"Ahh, gusto ko lamang po manghingi ng tulong sa inyo".
"Paanong tulong?"
"Nais ko po ikulong sa isang kuwarto si Hae Ra, para di po siya mahawa sa sakit".
"Hindi ko maaring gawin iyan. Labag iyon sa batas".
"Pero po—"
"Pagsinabi ko na hindi hindi. Sige na umalis na kayo".
"Opo".
Nakakapagtaka, nandoon si Abeoji. Alam niya kaya ang mga misyon namin? At parang bakit pinagmamadali niya kami. At bakit naka-pang ordinaryong damit siya? Bakit kaya? Tapos wala din yung mga Palace guards. Ang gulo. Mas maganda siguro kung aayusin ko na yung problema namin kay Hae Ra. Biglang may mga nagsisigawang tao sa labas.
"Anong meron?" – Seo Jeong
"Oo nga no".
Pagtingin namin sa labas may nakahilatang tao at mukhang isa siya sa tinatawag na positive sa virus. Huh, paano nagkaroon ng ganito dito? Bigla kaming tumakbo ni Seo Jeong at Dong Min para sabihin namin kay Seo Na ang pangyayari.
"Seo Na, kailangan na nating gumawa ng paraan mukhang nandito na rin ang kinakatakutan na virus". - Ryeong
"Huh?! Pero, saglit. Paano magkakaroon dito kung wala namang pumapasok dito?"
"Oo nga no".
"Teka, yung binigay din na tiyaa ay parang may halong kakaibang sangkap". – Dong Min
"Anong klaseng sangkap?"
"Hindi ko pa masabi. Titignan ko ulit".
"Seo Na, balik na tayo magdidilim na". – Seo Jeong
"Sige kuya".
Nagpaalam na rin ako kay Dong Min. Habang pabalik ako parang kinakabahan ako. Hayss. Nag-umaga na muli at ipinatawag kami ni Abeoji.
"Abeoji, ano po ang maari naming gawin?" – Dong Min
"Pumapayag na ako sa inyong gagawin, nabalitaan ko ang tiyaang ibinigay sa kaniya na may halong kakaibang sangkap". – Emperor Lee Jin Hyuk
"Paano ninyo po nalaman?" - Ryeong
"Kay Dong Min. Pinuntahan niya ako ng gabi para sabihin ang mga nangyari kahapon, at dahil na rin sa pagkakaroon ng sakit dito. Kayo-kayo lang ang nakaaalam nito".
"Opo, Abeoji!"
Sinunod namin ang utos ng aming ama, at nagpunta kami kayla Lady Han, at mukhang maayos na ang plano. Magpapatawag ng pulong si Abeoji, kasama ang mga palace guards patungkol sa lumalaganap na sakit. Kasama din doon si Lady Han, at ang mga taong nandito sa palasyo. Habang nagpupulong sila, pupuntahan namin si Hae Ra at ikukulong namin. Buong hapon namin pinaghandaan ito.
"Handa na ang lahat?" – Seo Jeong
"algessseubnida".
*Translation: Yes sir! *
"Uulitin ko lang. Magkita-kita tayo sa lugar ni Hae Ra, ikaw Seo Na ang kumausap kay Hae Ra, makipagdaldalan ka lang, maari mo mabanggit ang patungkol sa tiyaa. Dapat bago pumasok si Hae Ra nasa loob ka na Ryeong. Si Jang Yeon ang tutulong sa inyo na makalabas kayo. Si Dong Min at ako ang titingin kung wala ng tao at nakahanda na ang lahat. Pagkatapos natin siyang ikulong sasamahan natin siya, si Jang Yeon, si Seo Na, at ako ang magkakasama. Tapos Ryeong at Dong Min, kayo ang makipag-usap sa assistant ni Hae Ra, sabihin ninyo ito ay utos ng hari. At sabihin ninyo sa assistant na kailangan kapag may nagtanong kung nasaan siya, nasa Norte siya. Maliwanag?"
"Opo!"
"On your positions!"
Pumunta na ako kaagad sa kwarto ni Hae Ra nagtago ako, at nasa labas si Jang Yeon at si Seo Na. Naghintay kami ng napakatagal hanggang sa dumating na si Hae Ra, pumasok na rin si Seo Na at Jang Yeon, at ganito ang pinag-uusapan nila.
"Seo Na, kamusta ka? Mabuti at napadalaw ka".
"Maayos naman, ikaw kamusta?"
"Ito maayos lang. Alam mo si Ryeong, haysss, naiinis pa rin ako".
(Hay, nako. Hanggang ngayon pa ba)
"Ahh, nabalitaan ko nga yun at pinag-aralan ni Dong Min ang patungkol sa tiyaa, meron daw talagang ibang sangkap ito, at maaring makasama ito sa iyong kalusugan".
"Talaga, pero dapat hindi niya binato ng ganon".
Nanahimik silang lahat
"Alam mo gabi na, umuwi na kaya kayo?"
"Ahh, sabi ni Emperor Lee manatili kami dito. Hanggang sa makadating si Dong Min at si Seo Jeong"
"Ahh, ganon ba, sige".
Bigla naman na dumating si Dong Min.
"Hae Ra!" – Dong Min
"O, kamusta?"
"Ok lang. Hahaha"
Ito na yun, ilalagay ko sa kaniyang bibig ang parang pampatulog at saka kami aalis. Nailagay ko rin sa wakas.
"Dong Min, tara na!" – Seo Jeong
Umalis na kami sa lugar at naglakad na kami. Pumunta na rin kami sa lugar kung saan walang kataotao at ikinulong namin si Hae Ra, hindi naman literal na kulungan ang itsura ng lugar, para lamang siyang isang kuwarto na may lock. Sa totoo lang ang pinto nito ay konektado sa bahay ni Lady Han, parang secret room ganon. Kaya't dinala namin siya doon. Nag-umaga na at nagising na si Hae Ra.
"Asan ninyo ako dinala!"
"Hae Ra, nandito ka sa amin. Iniutos ng Emperor na dalhin ka sa lugar na ligtas ka. – Seo Jeong
"Dahil sa mga nangyayari at yung pagbigay ni Prince Lee Woo Chan ng tiyaa sa iyo". – Jang Yeon
"Pero hindi maari". – Hae Ra
"Andito ako, nasa tabi mo ako". - Ryeong
Kaagad ko naman siya niyakap at niyakap niya rin ako. Habang naguusap sila ay may nagbukas ng pinto at nanahimik kaming lahat. At biglang sumigaw si Seo Na. Hanggang sa may nagsalita na boses lalaki.
"SEO JEONG ASAN KA?! IBIGAY MO SA AKIN ANG LIBRO KUNG HINDI PAPATAYIN KO ANG KAPATID MO!"
Saglit, sino yun parang kilala ko yung boses na yun…
[TO BE CONTINUED..]