Descargar la aplicación
78.94% Reaching My Dream / Chapter 15: Chapter 14

Capítulo 15: Chapter 14

Palabas na kami ni Justin ng dorm para pumunta sa volleyball court dahil second game kami ngayon. Ginamit na namin 'yung ko motor para tipid kami sa gas. Nakita kong nasa tricycle parking si Ailyn na mukhang problema.

"Uy bebe girl, bakit mukhang problemado ka?" si Justin na sapaw talaga kahit kailan.

"Late na ako, walang tricy e."

"Sumabay kana kay Nigel, kukunin ko na lang 'yung motor ko," bumaba na siya tsaka tumakbo pabalik ng dorm.

Mukhang nag-aalangan pa siyang sumabay sa akin kaya nagsalita na ako.

"Halika na, mas mali-late ka pa kapag iisipin mo pang may makakita sa atin. Masanay kana, marami naman na ang nakakaalam na nililigawan kita."

She sighed pero lumapit pa rin naman siya, "Thank you."

"Anong thank you? May bayad 'to."

"Okay, magbabayad ako ng pang-gas mo."

"Ay, no, very wrong. Madami akong gas. Date tayo."

"Wow, paano? Wala ba kayong game? May coverage kami."

"Hindi naman ngayon, wow ha! Ecxited ka?" asar ko sa kanya.

"Kung hindi ka lang nagda-drive, sasakalin na kita. Nakakainis."

"Mamayang gabi, sa battle of the bands."

May battle of the bands kasi mamayang gabi dahil sinabay sa university games ang university cultural festival.

"Pag-iisipan ko."

"Masyado mo nang ginagamit yang utak mo, huwag mo na pag-isipan 'to. Ako lang naman 'to."

"Ulol!"

Tumawa ako sa sagot niya, natututo na talaga siya sa mga kaibigan ko ng kagaguhang sagot. Hindi ko na siya isasama kapag may lakad kami, puro katarantaduhan natutunan niya sa kanila e. Hinatid ko muna siya sa headquarters nila bago ako nagpuntang volleyball court. Nauna na si Justin doon.

"Musta, byahe?" asar niyang bungad sa akin.

Hindi ko siya sinagot, nakita kong dumaan si Marineth sa likod ni Justin kaya tinawag ko siya.

"Marineth!"

"Oh, kailangan mo?"

"Kapag inaya ka ng may gusto sayo na um-attend ng battle of the bands, pag-iisipan mo pa ba? Asking for a friend."

"Parang nagiging turtle ang manok natin, Justin. K[nakalawang na yata, turuan mo nga." Tinapik niya lang sa akin at linagpasan na ako. Wala akong nakuhang matinong sagot, okay lang ako. Bakit ba wala akong matinong kaibigan?

"Baka may pupuntahan o di kaya'y ayaw sayo. Ay, I mean ayaw sa friend mo kuya," sagot ni Carriel na junior namin.

Tumawa si Justin sa tabi niya, "Good boy!"

"Mga ungas! Kapag naging akin 'yun, who kayo sa akin."

"Sana mag-dilang anghel ka Laxamana," asar ni Sir Layaoen sa akin na nakikinig pala sa usapan namin.

Napakamot na lang ako sa ulo. Kaya siguro nagdadalawang isip lagi si Ailyn na pumayag kapag inaaya ko siya na dalawa lang kami dahil sa atensyong nakukuha namin. Bago magsimula ang laro namin tinext ko muna siya.

To: Ailyn

Huwag mo na pag-isipan. I-reserve mo na lang 'yan gagamitin mong brain cells para sa finals. HAHA

Start na game namin, pakita ka naman dito.

--

Natapos na ang game namin laban sa College of Arts and Sciences, panalo kami, walang duda. NO SWEAT at all. Hindi nga ako naglaro masyado. Nakita ko sila Faye sa court.

"Bat kayo nandito? Hindi naman CBEA kalaban namin."

"Sumilay lang kay crush kuya," sagot ni Faye na hindi makatingin ng diretso sa akin. Tinago niya rin agad ang phone na para bang kukunin ko 'yun sa kanya.

Dahil malayo ang college namin sa court, naka-house kami sa Accountancy building ng college nila Ailyn. Dumiretso na ako doon para makapagpahinga. Kasama namin ang basketball team namin doon. Mukhang tapos na din ang laro nila dahil first game naman sila.

"Must game pre?" tanong ko kay Andrew na nasa nakaupo sa labas ng classroom.

"Olats, CAFSD kalaban namin."

"Okay lang 'yan, bawi na lang."

"Oy, nakita ko pala si Ailyn dyan sa UST kanina kausap si Siason, parang importanteng pag-uusap 'yun e."

"Nag-usap lang naman."

Tumawa siya, "Pano kong ibang usap 'yun?"

"Suntukan na lang kami ni Siason," tawa ko ding sagot sa kanya.

Tinigilan din akong asarin ni Andrew, kinuha ko 'yung phone ko. Pinicturan ko 'yung UST saka nilagay sa my day with caption 'UST lang? Kaya kong isama sa sunken garden 'yan'. Naglaro na muna ako ng Call of Duty para may gawin naman ako. Biglang may notification sa messenger ko, nag-reply si Ailyn sa my day ko.

Ailyn Joyce Somera:

Favor, please. Pabili ng tubig sa Entrep Lab, 'yung 1L po. Thanks! Nasa lawn tennis court ako. Hehe

Hindi pa kasi nag-rereply si Faye e, baka wala sila sa CBEA.

--

"Napadpad ka dito? Wala dito bebe mo," si Guysler na nasa cashier table nila.

"Nagpapabili ng tubig," kumuha ako ng isang liter na tubig tsaka isang skyflakes, cupcake at isang hello na chocolate bar.

"Wow, boyfriend material e."

Tumawa ako tsaka nagbayad. Pinuntahan ko na siya, nakita ko siya sa gilid ng lawn tennis court na mukhang pagod na pagod dahil pawis na pawis siya. Wala man lang siyang dalang payong o kahit towel. Lumapit na ako sa kanya, hindi niya ako napansin dahil busy siya sa phone niya. Nage-edit siya ng picture pero di ko masyadong makita dahil naka-side 'yung phone niya.

"Order mo madame," tsaka lang siya nag-angat ng tingin, mukhang gulat na gulat pa siya.

"Gulat ka no? Ako lang 'to," sabi ko sa kanya, tinago na niya agad 'yung phone niya parang 'yung ginawa lang din ni Faye kanina. Mga tinatago ba 'tong mga 'to?

Kinuha na niya 'yung tubig sa kamay ko, "Thank you."

Uminom na siya, binaba niya 'yung tubig tsaka nagbukas ng bag para kumuha ng pambayad sa akin.

"Huwag na, o eto pa biscuits. Kumain ka muna,"

"Hala, salamat."

"Basta 'yung date natin mamaya ha."

"Pag-iisipan ko nga."

"Oo na, pag-isipan mo na."

Nilagay na niya sa bag niya 'yung tubig at mga biscuit na bigay ko para lumipat ng pwesto para makapag-take siya ng picture sa mga naglalaro. Ang init-init pero wala man lang siyang payong. Naghanap ako ng kilala para makahiram ng payong. Saktong nakita ko ulit si Marineth na papunta ulit ng volleyball court.

"Marineth, pahiram ng payong."

"Multi-player ka? Bat nandyan ka na naman?"

"Duty, pahiram ng payong."

Tumawa siya, kinuha niya ang bag sa bag niya, "Ayusin mo 'yan, Laxamana. Shipper din ako."

Sumaludo ako sa kanya saka lumipat kay Ailyn. Binuksan ko ang payong para payungan siya. May mga nagtitilian at sumisigaw na ng 'sana all" dahil sa ginawa ko. Inirapan naman ako ng Ailyn.

"Tigilan mo nga 'yan, nakakahiya."

"Matotosta ka lalo sa ginagawa mo."

"Oh edi ikaw na maputi."

"Hindi kasi 'yun ang ibig kong sabihin, huwag ka na lang kasing magreklamo," yamot kong sinabi sa kanya. Napansin niya yatang na-badtrip ako.

"Thank you."

Natapos din siya agad sa ginawa niya.

"Ailyn, nasa headquarters pa ba 'yung flashdrive mo?"

"Oo, bakit?"

"May ilalagay ako, saan ka kakain?"

"Sa Entrep Lab nandun mga friends ko, ikaw?"

"Sa food park, kasama ko mga kaklase ko. See you later na lang."

Naghiwalay na nga sila ng kasama niya. Lunch time naman na, sabay na kaming bumalik sa college nila. Saktong nagbibigay na din ng lunch ang mga Student Council officers namin.

"Pwede makikain sa loob?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kapag walang bibilhin."

"Edi bibilhin ko 'yung pagkain mo."

"Bahala ka sa buhay mo."

Nandun na nga sila Faye kasama pa ang iba nilang mga kaibigan. Nasa may pinakamahaba silang table sa Entrep Lab nila sa dami nila.

"Oh, may kasama ka pala. Hindi na tayo kasya ito. Dyan na lang kayo sa isang table. Kunin mo na lang 'yung pagkain mo."

Tumango lang siya, kinuha na niya ang order niya. Kumain na kami, walang nagsasalita. Nang natapos siyang kumain bumili pa siya ng nips na orange, yema, tsaka stick-o. Nakatambay na ang mga kaklase niya sa terminal 3 kaya lumabas din siya. I love how she always share what she have. She offered her stick-o to her classmates. Bumili din ako ng twenty pesos na stick-o dahil dalawa na lang ang natira sa binili niya.

Lumabas ako, nag-uusap sila ni Faye kaya hindi ko na siya tinawag. Ang ingay ng klase nila kung ano-anong katarantaduhan din ang pinag-uusapan nila. Lumapit siya sa akin, nakaupo na ako sa bench dito sa UST.

"Mag-isa ka ngayon? Nasaan na si kuya Justin?"

"Borlogs, nasa loob," tinuro ko 'yung classroom na para sa amin.

"Okay."

Hindi na niya ako kinausap, kinakalikot na niya ang cellphone niya. Ewan ko sa kanya. Kainin sana siya ng cellphone niya. Kinuha ko na lang din ang cellphone ko para mag-check ng social media accounts. Dakilang stalker ako kaya chineck ko muna kung may bago ba siyang post o kahit ano. May new my day siya kaya chineck ko yun. Nagulat ako dahil picture ko 'yun kaninang naglaro kami habang nagsi-serve na may captain na 'Congrats, kuya spiker!' with heart emoji pa. Sumunod doon ay picture ni Justin na nag-dive para kunin 'yung bola na may caption na 'a great diver, congrats libero boy!'. Binaba ko ang phone para tingnan siya.

"Stalker ka ha, di ka naman nanood. Paano ka magkakaroon ng mga pictures namin."

"Sources, bro."

"A great diver, libero boy pero walang heart emoji, unfair! Feel niyo ba ako?" si Justin na sinigaw talaga yun. Lumapit na siya sa amin.

"Ailyn, picture'an mo nga kami ng Nigel tapos mag-picture din kayo para may ma-ambag naman ako, lalagyan ko ng 'my ship is sailing' with heart emoji. Hindi ako unfair."

"Bahala ka buhay mo. May coverage pa kami. Alis na ako. Pahinga na kayo. Bye!"

Iniwan na kami ni Ailyn doon. Hindi matanggal ang ngiti sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Kahit sapaw si Justin, basta na-my day ako, masaya na ako. Nag-check na lang ako ng facebook videos ng biglang mag-notif ang messenger ko na Ailyn mentioned me in her my day. Picture ko 'yun kaninang pinapayungan ko siya na may caption na, 'battle of the bands later with my taga-payong' with tawa emoji, may isa pang caption na 'thank you, NP' with kiss and heart emoji. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sobrang tuwa.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C15
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión