Descargar la aplicación
50% Escaping from Billionaire / Chapter 2: Chapter 1

Capítulo 2: Chapter 1

CHAPTER ONE

THIRD PERSON's POINT of VIEW

"May meeting ka kay Sir Lorenzo mamayang 9am para sa deal na pag-uusapan niyo. Pagkatapos may lunch meeting ka din kay Mister Alayon dahil kinancel mo kahapon ang meeting niyo. Kailangan niyo din umattend sa opening ng boutique ni Ma'am Collen mamayang 3pm dahil malilintikan daw ako sa kanya kapag hindi kayo pumunta." mahabang paliwanag ng sekretarya ni Spruce na si Khiya habang nasa loob sila ng elevator.

"Kanselahin mo ang appointment ko mamayang 3pm. May kailangan akong asikasuhin sa oras na yan." sagot ni Spruce sabay ayos sa necktie niya.

"Pero sir, magagalit sakin si Ma'am Collen—"

"The board is waiting for me." pilit ang ngiting putol ni Spruce at ginulo pa muna ang buhok ng sekretarya niya bago lumabas sa elevator at dumiretso sa Conference room.

"Good morning Mister Chairman." bati sa kanya ng board of directors kaya tinanguan niya lang ito at umupo sa upuan niya.

"Shall we start?" tanong ni Spruce hudyat na magsisimula na ang kanilang agenda.

Nasa kalagitnaan ng pagpupulong nang biglang magpintig ang dalawang tenga ni Spruce dahil sa narinig niya ang pangalan ng babaeng matagal na niyang kinalimutan.

"Pumayag naman ang management kaso ayaw talaga ni Miss Rasheeqa Laurent."

Nabalot ng ingay ang loob ng kwarto kung kaya't si Spruce na ang nagsalita para magsitigil ang mga board.

"Then look for another endorser." salubong ang kilay nito.

He hates hearing her name. It gives creep the hell out of him.

"But we badly need Miss Rasheeqa Laurent in order for us to attract a lot of customer during opening of our new branch in Bacolod." matabang na sagot ni Mister Yoon na isa sa mga board of directors dahilan para maging sentro siya ng atensyon.

"What's the other plan?" baling ni Spruce sa presenter ng board meeting

"Persuade Miss Rasheeqa Laurent." maikli nitong sagot at mukhang sumang-ayon naman ang ibang board sa pamamagitan ng pagtango.

"What? Is that all?" tanong niya

"Wala na po tayong ibang pwedeng pagpipilian." rason ng presentor at nagdulot ito ng pag-ingay sa loob ng conference room

"How could you all be this incompetent—"

"Why not persuade Miss Rasheeqa yourself, Mister Constello?" pagputol ni Mister Yoon kay Spruce na ngayon ay halos magkapantay na ang dalawang kilay dahil sa sobrang inis.

"W-What?"

"You were friends with Miss Rasheeqa way back nine years ago. Why not ask her yourself? I'm sure she'll accept our proposal if you will be the one to ask her." kampanteng sagot ni Mister Yoon na ikinatango naman ng ilang board. "Anyway, it's only a piece of advice. I'm not actually forcing you na kausapin si Miss Rasheeqa. Maliban na lang kung—"

"Meeting adjourned." pagtatapos ni Spruce tsaka nauna nang tumayo at lumabas sa Conference room.

"Sir? Should I arrange you an appointment para makausap si Miss Rasheeqa?" tanong ni Khiya habang sinusundan ang malalaking hakbang ng boss niya.

"Just send me the details of where she is now then cancel all of my appointments this morning." malamig nitong tugon at nilagpasan ang sekretarya.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakatanggap si Spruce ng email galing sa kanyang sekretarya kaya kaagad itong pumunta sa basement para kunin ang kotse niya at tinungo ang lugar na inemail ng kanyang sekretarya.

—KBC Network

Dumiretso si Spruce sa dressing room ni Rasheeqa at hindi man lang ito kumatok bago pumasok.

"Hey, long time no see." salubong ng binata at dumiretso sa gawi ni Rasheeqa na kasalukuyang inaayusan ng personal assistant nito.

"A-Anong ginagawa mo dito?" utal na tanong ng dalaga at sinenyasan ang assistant niya na lumabas muna.

Nakapaskil sa mukha nito ang pagkabigla. Sinong hindi mabibigla kung makikita mo ang taong kinamumuhian mo ng ilang taon?

"Aren't you going to greet me after all these years?" mapaklang napatawa si Spruce at aakmang lalapit na sana kay Rasheeqa nang bigla siya nitong pinigil.

"W-What do you want?"

Napabuntong hininga muna ang binata tsaka umupo sa single sofa. "Ibang klase, masyadong VIP ang dressing room mo." prenteng sabi nito habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng kwarto.

"Just tell me w-what you want. May gagawin pa ako." may parte pa din kay Rasheeqa na kinakabahan kung kaya't hindi nito maiwasan ang hindi mautal.

"Okay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to do the advertisement of my new branch in Bacolod—"

"Ayoko."

"I won't accept your refusal."

"Maghanap na lang kayo ng iba." sagot niyang habang inaayos ang mga gamit nito

"Bakit ba ayaw mo?" kunot noong tanong ni Spruce dahilan para mapairap si Rasheeqa ng wala sa oras.

"Kasi ayoko."

"Sabihin mo nga sakin..." tumayo si Spruce at lumapit kay Rasheeqa. "Are you still into me?" tanong ng binata na nakapagpagtigil sa dalaga.

"O-Of course not."

"Then why are you declining my proposal? Business lang 'to Rasheeqa, masyado kang personal."

Nabalot ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa dahil hindi na nagawang sumagot ni Rasheeqa. Naiinis siya dahil sa tono ng pananalita ng binata.

"I'm leaving" aakmang maglalakad na sana ito paalis nang biglang hawakan ni Spruce ang braso niya

"You're not going to leave until you accept my proposal." halos panlambutan si Rasheeqa sa tinging ipinupukol sa kanya ng binata. "Baka naman gusto mo talaga akong makita na kinukulit ka para lang tanggapin ang alok ko? Ganyan ka na ba kadesperada pagdating sakin?" ngisi nito.

Kaagad na iwinaksi ng dalaga ang kamay na nakahawak sa kanya at ginawaran ng malakas na sampal ang binata.

"You are the best definition of the word desperate. So stop acting desperate towards me." batid ang galit at poot sa mga katagang pinapakawalan ng dalaga. "Pinapanindigan ko lang ang pinangako ko sayo noon." malaki ang hakbang ang ginawa nito palabas sa dressing room niya.

Naiwang tulala si Spruce habang hawak-hawak ang pisngi niyang sinampal. Nang magising ang diwa niya ay kaagad siyang lumabas at dumiretso sa pantry ng nasabing network dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw.

Binayaran niya sa counter ang kinuha niyang bottled water at umupo sa isang bakanteng mesa.

"Walang kupas talaga ang ganda ni Rasheeqa." dinig niyang sabi ng dalawang lalaking nag-uusap na katabi ng table niya.

"Kahit saang anggulo tingnan, hindi papaawat ang salitang kagandahan sa kanya." sabat naman ng isa dahilan para mapatingin siya sa TV na nasa taas ng counter at nakasentro sa kabuuan ng pantry.

Kaagad siyang lumipat ng pwesto sa bandang gilid dahil kumukulo ang dugo niya sa tuwing naririnig ang pangalan ng dalaga.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, biglang naagaw ang atensyon niya ng isang batang katabi niya at abala sa pagkain. "Hey kiddo." pagtawag niya sa batang babae pero wala siyang natanggap na sagot galing dito. "Mag-isa ka lang?" tanong niya kaya bumaling sa kanya ang bata pero kalauna'y muli na naman nitong nilantakan ang pagkain at nag-focus sa pinapanood nito.

Napatingin si Spruce sa TV kung saan nanonood ang bata at muli na naman nitong kinausap. "Do you know her?" tukoy niya sa babaeng nasa telebisyon at tinanguan lang siya ng bata. "You must be a big fan of her—"

"I'm not a fan of her." nakangusong sagot ng bata pero hindi pa din naalis ang tingin sa pinapanood.

"Then why are you so focused on watching that wench?" muli niyang tanong dahilan para manlisik ang mga mata ng bata at tumingin sa kanya.

"Why are you badmouthing her?"

"Why? Are you going to defend her? You told me you're not one of her fans—"

"She's not a wench. My mom is not a wench." sagot ng bata bago ito tumayo at iniwan siya.

Naiwan si Spruce na tulala at hindi makapaniwala sa narinig. Gulong gulo ang utak niya kung papanong nagkaroon ng anak si Rasheeqa gayong wala naman siyang nababalitaan sa media patungkol sa anak ng dalaga.

"Tss." nakangising naglakad palabas ng pantry si Spruce na para bang may kung ano na naman siyang binabalak.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión